bc

The CEO's Girl

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
office/work place
childhood crush
assistant
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kawalan ng pagpipilian upang makatakas sa sitwasyon, humila si Kattleya ng hindi kilalang lalaki at hinalikan sa harap nang marami.

She was looking for a good-looking gent when her eyes settled on a stunning man who entered the café. Hindi niya na inisip ang kahihiyan at nilapitan ang lalaki saka walang sabing hinalikan ito sa labi na nauwi sa isang shotgun wedding.

It was a chaotic day for Kattleya, ang araw na ikinasal siya sa lalaking hindi niya kilala... until she met her new boss and became the CEO’s girl.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Sino?
UMIKOT ang paningin ni Kattleya sa buong lugar. Nasa isang café siya kasama ang boyfriend para magcelebrate ng 6th Anniversary nila. At dahil nga anniversary nila ay pinaghandaan niya ito ng bongga, ngunit mukhang iba ang magiging resulta. “Let’s break up.” Seryosong usal ni Geo. “Pagod na ako.” “Wala na ang spark, hindi ko na maramdaman ang pagmamahal katulad ng dati. Sa mga araw at buwan na lumipas, akala ko babalik pa ang nararamdaman ko para sa iyo pero nabigo ako—mas lalong lumayo ang loob at hindi na kita maramdaman.” Hindi maalis ang tingin niya sa nobyo. Ramdam niya na matagal na ito nanlalamig, alam niya ang dahilan kung bakit ito nangyayari. “B-bakit?” Tanong niya at pilit na inabot ang kamay ni Geo. “Maayos tayo ‘di ba—” Iniwas ni Geo ang kamay. “Maayos tayo sa paningin mo—para sa iyo. Katt, lagi ka wala sa oras na kailangan kita, hindi ko naramdaman ang pag-aalaga mo mula ng makagraduate tayo dahil puro ka trabaho ‘t napapabayaan mo na ako.” Bumababa ang tingin niya sa narinig. Namamahid ang kamay na kinurot ang hita niya. “A-akala mo naiintindihan mo.” Napasapo sa noo si Geo. “Naiintindihan ko pero hindi lagi, Katt. May pangangailangan ako bilang lalaki na hindi ko makita’t maramdaman. Hindi mo ‘ko ako inaasikaso maski sa umaga na magkasama tayo ay hindi mo ‘ko mapaghanda—” “Pinaliwanag ko sa iyo na mahuhuli na ‘ko sa trabaho.” “Iyon na nga punto ko.” Napasandal ito sa likod ng upuan. “Puro ka trabaho.” “Geo, nag-oovertime ako para mabayaran ang lahat ng utang sa credit card na ginamit mo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababayaran ang laptop na kinuha mo.” Masama ang tingin ang tinapon ni Geo. “Sinusumbat mo ba ang bagay na yon?” “Hindi kita sinusumabatan—mas lalong hindi ako nanunumbat. Nagpapaliwanag lang ako, Geo, kung bakit wala akong oras sa iyo nitong mga nakaraan.” Aniya sa nobyo. Napaisip siya sa kalagayan niya ngayon. Patong-patong ang kailangan niya bayaran. Kung hindi siya mag-oovertime ay magsasakto lang ang sasahurin niya sa bayaran. At wala nang maiiwan maski pangkain niya. Tama, iyon nga ang mangyayari. Ang pag-oovertime lang ang nag-iisang pag-asa niya, hindi naman siya inaabutan ni Geo kahit ito ang kumuha. “Iyon ang nakikita ko na pinahihiwatig mo!” Nagtinginan ang nasa kalapit na mesa ng tumaas ang boses nito. “Geo—” “Isa pa ito, lagi mo pinamumukha sa ‘kin na wala akong kwenta.” Huminto ito sa pagsasalita bago muling dinugtungan ang sasabihin niya. “Mabuti pa si Jaica, na-appreciate niya ang lahat ng simpleng ginagawa ko, lagi andyan sa tuwing kailangan ko, at pinagsisilbihan ako.” tukoy niya sa matalik na kaibigan ni Kattleya. Parang sinampal kaliwa’t kanan si Kattleya sa sinabi ng boyfriend. Hindi matanggap na harap-harapan siya ikinokompara nito sa maatalik na kaibigan. “Si Jaica.” Napasandal siya sa likod ng upuan. “Si Jaica na naman. Na-appreciate kita pero masama lagi ang tingin. Sa tuwing kailangan ng masasandalan imbis na ako ang una mong lapitan, siya ang una mo tinatawagan. Mga araw na nagkakatampuhan tayo siya ang una mo pinupuntahan—” “Dahil siya ang lagi andyan—” “Hindi, Geo, di ‘yon ang dahilan.” Aniya sa nobyo, direktang tinititig sa mata bago mulin nagsalita. “Sa amin dalawa, siya ang lagi mo inuuna. Maraming bagay sa ‘tin na sa kaniya ko pa nalalaman—ang nararamdaman mo na dapat direkta mo sinasabi sa akin ay mas una mo pa sinasabi sa kaniya.” Nangangalaiti sa galit pero mas pinili nya ang kumalma. Hindi siya bulag at mas lalong hindi siya manhid para hindi maramdaman at makita ang kakaibang tinginan ng dalawa. “Akala mo ba hindi ko alam, bulag ba ang tingin mo sa akin para hindi makita ang nangyayari.” Kagabt ang ibabang labi na tinaas ang tingin sa lalaki. “Tama ka, oras na para tapusin na ang relasyon na ito dahil parehas na lang natin niloloko ang mga sarili natin. Geo, let’s break up.” Tumayo siya at ikinuyom ng kamao, pigil ang pagtulo ng luha, “Pwede na kayong dalawa—hindi niyo na kailangan itago ang mayroon sa inyo. Matagal ko nang alam, Geo, matagal ko nang alam na mas importante siya kesa sa akin at kahit hindi niyo sabihin ay nakikita ang relasyon niyong dalawa.” “Huwag mo sa akin itapon ang sisi. Ikaw ang nagkulang—ikaw ang laging wala.” Marahas na hinablot ang braso niiya. “N-nasasaktan ako” Nakuha na nila ang atensyon ng lahat, may iba na nagvivideo, nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento at mayroon din sariling mundo. “Sabihin mo sa akin may iba ka na ‘no? Kaya ganon-ganon mo nalang bitawan ang relasyon natin. Wala ka manlang reaksyon.” Nangaangalaiti sa galit na usal nito. Umikot ang tingin ni Kattleya sa café, sila na ang usap-usapan ngayon ng mga nakaroon. Buong lakas na hinila niya ang braso “Hindi mo sinabi na kailangan ko maglumpasay, mag-iiyak, at gumawa ng eksandalo.” sarkastikong at pang-asar na tawa ang ginawa niya. “Dapat nga masaya ka na pumayag ako makipaghiwalay sa’yo. Waloa nang kontrabida sa storya niyo ng kaibigan ko.” dagdag pa niya. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Bulong niyang sigaw. “Wala kaming relasyon ni Jaica.” “Sa ngayon wala.” Pambabara niya sa lalaki. “Walang kami.” “Wala ako sinasabi na mayroon ‘kayo’.” “Huwag mo ibahin ang usapan, hindi ka papayag na makipaghiwalay kung wala ka iba.” Tamang hinala ni Geo. At ako pa? Hindi makapaniwalang na isip niya. Nilalaro ulit ni Geo ang baraha ng pagigng biktima nang maraming sumimpatya at magmukha malinis sa paningin ng lahat. “Tama ka.” Buong pagmamalaki na pag-ako niya sa kasinungalingan ng lalaki. Umikot ang tingin niya sa buong lugar nang may pumasok sa café. Tinalikuran niya si Geo ‘t patakbong lumapit sa kakapasok na lalaki. “Honey!” Napuno ng pagtataka ang mukha ng lalaki sa paglapit niya at pagtawag dito. Bumuka ang labi ng lalaki kaya bago pa siya makapagsalita ay sinakop niya na ang labi nito sa harap ng maraming tao sa loob ng café. “Please, help me.” Bulong na pakiusap niya ng maglayo ang mga labi nila bago hinarap ang kinatatayuan ni Geo. “Good luck with your ‘little’ prick. Sa liit ng pinagmamalaki mo, best friend ko lang ang napapaungol mo. Teka, napaungol ba?” nang-aasar na usal niya na kinatawa ng mga manunuod. Hindi na hinintay pa ni Kattleya na makapagsalita ang nobyo. At hinila niya palabas ng café ang hindi kilalang lalaki na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa pangyayari. Nang makalayo sila sa lugar na ‘yon ay saka niya lang na pansin ang magkahawak nilang kamay. “Pasensya na.” Agad niya binitawan ang kamay ng lalaki. “Wala na ako ibang pagpipilian, kung hindi ko ginawa ‘yon ay siguradong gubdu ako makakatakas sa lalaking iyon.” “Boyfriend mo?” Tumaas ang tingin niya ng marinig ang baritonong boses nito. “Ex-boyfriend.” Pagtatama niya. Tango-tango na naupo ng makapasok kami sa panibagong café. “Totoo ba?” “Na ex-boyfriend ko siya? Oo—” “That’s not what I meant.” Putol ng binata sa sasabihin niya. “Gusto ko malaman kung totoo na ‘maliit’.” Hindi siya agad nakasagot sa kakaibang tanong nito. “Hindi ko alam, hindi ko pa nakikita.” Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. “Pasensya na ulit.” “Sana alam mo ang kapalit ng ginawa mo.” Seryosong usal nito. Nakatingin sa malayo at tila may sinusundan ng tingin. “Kahit ano gagawin ko—” “Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ng binata sa kaniya, dinig ang pagiging interesado sa sinabi niya. “Kahit ano?” “Huwag lang pera at katawan ko.” Bukod sa nasa petsa de peligro siya, sa asawa niya lang balak ibigay ang katawan. Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki bago marahan na pinitik ang noo niya. “Marry me.” “H-huh?” Napatulala, hindi nagfufunction sa utak niya ang sinabi ng lalaki sa kaniya. “Pakasalan ka?” “Yes, you heard it right, hon. Marry me.” Pag-uulit niya saka umayos ng upo. “Iyan ang kabayaran sa gulo na ginawa mo.” Pakasalan siya? Hinalikan niya lang ito kanina pero kasal na ang hinihingi nito. Ang bigat naman ata? Akmang magrereact siya sa sinabi ng binata nang malakas na irit ang pumigil sa kaniya. Isang ginang ang nagmamadaling lumapit at mahigpit siyang niyakap. “Mom. meet my girl.” Bumababa ang tingin ng lalaki sa kaniya at may matamis na ngiti. “Your soon to be daughter in law.” S-sandali... sino ang daughter in law? Sino ang pumayag—hindi ako pumayag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.9K
bc

The Sex Web

read
131.7K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook