31.564K
VISITORS
2.827K

ABOUT ME

\ Facebook: Jill Dreame //

ABOUT ME

\ Facebook: Jill Dreame //
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY writeinsilencee

Because This is My Dream

Because This is My Dream

4.619K Reads

“Sisiguraduhin ko na makakatapos ako ng pag-aaral. Titiisin ko lahat ng pagpapahirap niyo, ang bawat masasakit na sinasabi niyo sa ‘kin ay hindi kakalimutan. At sa oras na makatapos ako, aalis ako sa impyernong bahay na ‘to. Kukuhanin ko si mama at ang gusto sumama sa ‘kin at ibabalik ko ang tulong nang mga taong naniwala sa ‘kin. Pangako ‘yan!” Bata pa lamang si Hazel ay ramdam niya na hindi pabor sa kanya ang kanyang ama. Madalas siya nitong sinasabihan ng mga bagay na pwede siyang panghinaan ng loob. Ngunit, ang lahat nang iyon ay ginawa niyang pagsubok sa kanyang buhay. At isa lamang ang kanyang na sa isipan, 'yon ay ang patunayan sa kanyang sarili sa ama. Magtatagumpay kaya siya, kung ang lahat ay humahadlang na sa kanyang pangarap?

Updated at

Read
Paid Pleasure (R18)

Paid Pleasure (R18)

511 Reads

"I am a billionaire. I have tons of money and business. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya akong isang bayarang lalaki. " Nagtatangis ang bagang at hindi makaniwala na nakatingin sa perang iniwan ng dalaga. "And am I only worth one hundred fifty pesos?!" Bagay na mas lalo niyang kinainis.

Updated at

Read
Marrying The Business Tycoon (R18)

Marrying The Business Tycoon (R18)

164.356K Reads

Matapos magising ni Anastasia sa hindi pamilyar na kwarto ay wala ‘tong pasabi na umalis at kinuha ang lahat ng kanyang gamit. Ibinigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi pa ganoon kakilala at ang bagay na hindi niya na nagawang maibigay sa kanyang naging matagal na kasintahan. Ngunit, paano kung ang isang gabi na ‘yon ay magbigay ng hindi inaasahang supling sa kanyang buhay. Kanya bang paninindigan kung ang kapalit nito ‘y itatali ang kanyang sarili sa lalaking hindi mahal? Paano kung tuluyan siyang mahulog sa binatang walang kasiguraduhan, makakayanan kaya kung ang nag-iisang bagay na nagbibigay sa kanila ng koneksyon ay tuluyan na din mawala? Abangan.

Updated at

Read
Halinghing sa Dilim (R18)

Halinghing sa Dilim (R18)

1.694K Reads

Ang pag-iibigan na handang talikuran ang lahat ng nakasanayan at ipaglaban hanggang sa kadulu-duluhan. Si Yaji Nevalga ay lumaki sa isang marangyang pamilya. Nasusunod ang kaniyang mga luho magmula pagkabata at para sa kaniya ay walang bagay ang hindi mabibili ng salapi ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang dalaga na may kasalungat niyang paniniwala. Si Myle Rae Arevalo ay isang simpleng probinsyana na hinahangaan dahil sa taglay na husay sa pagdedesenyo‘t pananahi. Ang magkaibang paniniwala ang siyang magbubuo ng kanilang pag-iibigan kahit alam na ang lahat ay salungat sa kanilang pagmamahalan. Ang binata na handang iwan at talikuran ang lahat para ipaglaban ang kaniyang mahal at ang dalaga na may ibang paraan para ipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Sa araw na piniling kalimutan ang nararamdaman ay siyang pagdating ng bunga ng kanilang pagmamahalan, ang nag-iisang pag-asa na kanilang pinanghahawakan na siya ring magtatakda ng masaya o malungkot na pagtatapos ng kanilang istorya.

Updated at

Read
Brewery Heirs and I

Brewery Heirs and I

61 Reads

Hindi naging maganda ang huling naging relasyon ni Regina Klein matapos malaman na balak siyang gawing kabit ng online boyfriend na isa naman poser. Nasaktan siya sa nangyari kahit walang itsura ang lalaki kaya mas pinili niya ang hintayin nalang ang para sa kanya. Lumipas ang ilang buwan, kung kailan naka-move on na siya ay saka niya nakita ang lalaking hawig ng ginamit na larawan ng ex-boyfriend. Si Enrico Furtunada, ang CEO ng kalaban na kompya ng kanyang pinapasukan. Sa unti-unting paglapit ng loob nila sa isa't isa ay kasabay ng bagong halal na COO ang mas lalong nagpawindang sa kanyang isipan, si Enrique Huangco, ang lalaki na nasalarawan na minsan niya pinagpantasyhan na makasama habang buhay, at isa din na makikigulo sa kanyang buhay. Ano ang dapat niyang gawin sa isipang nag-uumpisa ng maguluhan habang tumatagal na kasama ang dalawang taga-pagmana sa Brewery Industry. Si Enrico na nagbibigay sa kanya ng seguredad o si Enrique na minsan niya ng minahal. Nagugulumihanan, Regina Klein Ramos.

Updated at

Read
One Night Encounter With The CEO (R18)

One Night Encounter With The CEO (R18)

370.557K Reads

“Paano kung pag-gising mo ay may isang matikas na lalaki ang magsasabi sa ‘yo na handa ka niyang panindigan?” Matapos makilala ng isang gabi ang isa’t-isa at malaman ang nakaraan ay naibigay ni Gwenneth ang kanyang buong sarili sa binata. Hindi niya ‘to lumubusan kilala ngunit dahil sa pang-iiwan sa kanya ng dating nobyo ay hindi niya na makilala pa ang kanyang sarili. Matapos ang isang gabi ay mas pinili ni Gwenneth ang mawalan ng koneksyon sa kanilang dalawa ng binata. Ibinigay niya ng isang beses ang sarili, hindi sapat ‘yon upang matali siya dahil lamang sa isang pagkakamali. Ngunit, paano kung parehas silang paglaruan ng tadhana? Paano kung magtagpo ang kanilang landas sa isang mga hindi inaasahang pangyayari at paano kung ang paulit-ulit na pagkikita ay humantong sa isang pekeng relasyon. Ipagpapatuloy pa kaya kung ang sarili ay hindi maintindihan ang nararamdaman?

Updated at

Read
My Strong Independent Woman

My Strong Independent Woman

3.929K Reads

“Ano ang basehan mo sa ‘Maganda’, Kaith? ‘Yon ba yung may umiiyak na babae dahil gusto silang iwan ng nobyo nila at sinasabi na hindi nila kayang mabuhay. O ‘yong parte na pinagmumukha nilang mahina tayong mga babae at hindi natin kayang mabuhay nang wala ang mga lalaki?” Para kay Destiny Mercado ay hindi niya kailangan nang lalaki sa kanyang buhay. She hates drama. At mas lalo na ang mga babae na umiiyak dahil sa mga lalaki. Ngunit, sa pagtungtong nang niya mula sa isang isla ay nagbago ang lahat ng kanyang paniniwala nang makilala niya ang lalaki na hindi niya inaasahan na magpapatibok nang kanyang matigas na puso.

Updated at

Read
Denise's Secrets

Denise's Secrets

7.63K Reads

Si Denise Cinco. Ang kilala bilang mayaman sa kanilang paaralan, bukod sa nakatira ito sa isang sikat na subdivision, ay sunod pa ito sa luho na hindi kayang bilhin ng mga ibang estudyante. Bawat pagpasok nito sa kanilang silid ay madalas ‘tong may dalang kung ano-anong mamahaling pagkain na ipanapatikim sa iba. Ngunit, hindi nila alam ang sikreto ni Denise sa loob ng kanilang tahanan. Ito ang pinakatatago niyang sikreto sa lahat ng kanyang mga kaibigan o mga kaklase. Paano kung isa sa hindi inaasahang lalaki ang makakaalam nito, pipiliin kayang ibunyag nalang nito o mas pipiliin na sakalin ito sa kanyang leeg? bookcover made by: Tate Graphics || Dahssi

Updated at

Read
Ang Rich Kid Kong Katulong (TAGALOG) (COMPLETED)

Ang Rich Kid Kong Katulong (TAGALOG) (COMPLETED)

100.967K Reads

Ang tanging hiling lang ni Andrea Nicole ay ang hayaan s’ya mag pasya at gumawa ng desisyon sa sarili na walang anoman na pinapake-alaman ang kanyang mga magulang. Hanggang isang desisyon ang kanyang na isip, ang tumiwalag sa pamilya at mag hanap ng trabaho, pero paano na lamang kung ang trabaho na kanyang nakuha ay isang KATULONG. Si Andrew Sanchez, ang walang ginawa sa buhay kundi ang pasakitin ang ulo ng kanyang mga magulang. Ang nag iisang tagapag-mana na walang kahit anong pangarap sa buhay, kaya naman isang kasunduan ang binigay. Isang nag mula sa mayamang pamilya ay mamaging taga-bantay ng isang kalahating Demonyo at kalahating shokoy. Kakayanin kaya n’ya kung ang tanging alam lang ng kanyang amo ay kalokohan at pahirapan s’ya.

Updated at

Read
The Heiress in Disguise

The Heiress in Disguise

18.41K Reads

"Gusto ko malaman kung sino ba talaga ang handang manatili sa tabi ko. Hindi lang sa panahon na meron ako kundi pati na din sa panahon na walang-wala ako." Dahil sa trauma na idinulot ng nakaraan ay mas pinili ni Marie Joyce Cello na lumayo sa kanilang lugar kung saan walang naka-aalam ng tunay niyang katayuan sa buhay. Ayaw na niyang lapitan siya ng mga tao dahil lang sa estado nila sa buhay. Pinipili nito na dumistansya sa mga taong nakapaligid sa kanya kahit sa mga gustong kumaibigan sa kanya. Pero ng makilala si Adrian Aguilar ay unti-unting nag bago ang pananaw niya. Dito niya nalaman ang tunay na pagkaka-ibigan. Ang pagkaka-ibigan na hindi humihingi ng kahit anong kapalit at manatili sa kanyang tabi kahit walang-wala 'to sa buhay.

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.