bc

CANDYRELLA'S MISSING SHOES

book_age12+
1.1K
FOLLOW
6.2K
READ
friends to lovers
goodgirl
sensitive
independent
drama
comedy
Writing Academy
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
Supreme Me Fiction Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Si Candy Rella. Ang isang babaeng spoiled sa lahat nang bagay, mas lalo na pag dating sa mga sapatos. She really loves shoes, kaya naman sa tuwing may bagong labas siyang makikita ay agad niyang binibili.

‘LAHAT NG GUSTO NIYA AY MAKUKUHA NIYA’. Ano pa nga bang aasahan sa isang ‘Rella’ mas lalo na sa nag iisang babae sa pamilya.

Until she met, ARGEN TINA. Ang lalaking walang kinikilingan, sinusupportahan, at sadyang gwapo lamang. Ang kanyang makilala sa hindi inaasahang paraan.

Paano kung ang landas nila ay tuluyan nang mag krus, sa hindi inaasahang paraan at panahon, Mag kakama-butihan kaya kung ang unang pag kikita ay na puno nang inis at galit?

chap-preview
Free preview
CMSHOES 1
CHAPTER 1 CANDY RELLA’S POV “Manong, matagal pa ba tayo? Baka naghihintay na ang kuya ko ro'n,” may halong pagka-iritang tanong ko sa driver. I swear, nagsisisi talaga ako na nag-taxi ako. Some of them kasi ay talagang ipupunta ka sa ma-traffic na daan para lumaki ang metro at lalaki ang babayaran mo.  Bakit kasi wala pa akong license. “Malapit na po, Ma'am,” sagot niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang sabihin niya 'yon. Kanina niya pa sinasabi ang 'Malapit na po, Ma'am' na 'yan pero until now, wala pa rin ako sa pupuntahan ko. Ilang minutes pa kaming na-trap sa traffic at sa wakas ay nakarating din kami sa paruruonan. Hindi na ako naghintay pa na sabihin niya kung magkano ang babayaran ko, inabutan ko na agad siya ng pera at lumabas na sa sasakyan. Ilang minutes na akong late, siguradong naghihintay na sa 'kin si Kuya sa loob. Reasonable naman kung bakit ako na-late, pero sigurado ako na sermon na naman ang mangyayari mamaya sa pag-uwi. Nagmamadali akong pumasok sa loob, hawak ang pink bag ko at ang buhok ay tumatakip sa mukha nang biglang... “Ouch! Are you blind?! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?” tili ko sa isang lalaki na bumangga sa 'kin. Kung minamalas ka nga naman talaga. Late na nga, may tanga pa'ng makakabangga. “Seryoso ka? Ako pa ang bulag samantalang ikaw ang kumakaripas ng takbo riyan,” sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba't talagang ako pa ang sinisi niya ngayon. Malay ko bang bigla na lang siyang susulpot sa harap ko.  “FYI, Mister, ikaw ang biglang sumulpot sa harap ko at ako pa ang sisihin mo ngayon? Why don't you just say 'sorry' para tapos na 'to, 'di ba?” maldita kong sabi. Hindi 'yong makikipag-away at makikipagtalo pa siya sa 'kin. Err, mahirap na talaga makahanap ng matinong lalaki ngayon. “Bakit ako? Ikaw ang nakabangga kaya ikaw ang manghingi ng sorry.”  Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. Wtf. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. “Ang kapal naman pala talaga ng apog mo, 'no?” sabi ko sabay turo sa nilabasan niya. “Sana naman kasi tumingin ka muna sa kaliwa't kanan bago ka lumabas diyan.” “Bakit? Tatawid ba ako?” sarkastikong tanong niya sa 'kin. Akmang sasagot na ako sa kaniya nang mag-vibrate ang cellphone na hawak ko. Omg, si Kuya! “Whatever!” sabi ko.  Lalakad na sana ako nang ma-realize ko ang isang bagay. Hindi pa siya nag so-sorry kaya naman tumingin ako sa kaniya na hindi pa rin umaalis sa pwesto niya at nakatingin pa rin sa 'kin. Ngumisi ako at mabilis na kinuha ang suot kong heels bago siya tinawag. “Hoy, panget!” Tumingin naman siya sa kaliwa't kanan niya bago tinuro ang sarili kung siya ba ang tinatawag ko. Bakit, mukha ba siyang gwapo? Duh! Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya at hinagis ko na sa kaniya ang sapatos.  “Bullseye!” nakangiti kong sabi. Ngumisi ako sa kaniya na ngayon ay namimilipit sa ginawa ko. Mukhang sumapol pa talaga ang takong sa noo niya. 'Yan ang napapala ng kumakalaban sa isang CANDY RELLA. “Ikaw!” sigaw niya sa 'kin bago kinuha ang heels na ibinato ko sa kaniya. Tumayo siya at tinakpan ang noo. Tumaas ang kilay ko nang makita ko siyang ngumisi at tinaas ang sapatos ko. Kasabay no'n ang pagtaas niya ng isang kamay na nag-bad finger. “Goodbye, Ms. Cinderella,” sabi niya bago tumakbo nang mabilis bitbit ang isang pares ng suot kong sapatos. Napatingin ako sa paa ko. Isa na lang ang sapatos na suot ko. 'Yong lalaki na 'yon! Akmang hahabulin ko na siya nang isang malaking kamay ang pumigil sa balikat ko. Dahan-dahan kong tinignan kung sino 'yon at agad na nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita. Magkadikit ang dalawang kilay niya na nakatingin sa 'kin bago bumaba ang tingin niya sa paa ko na wala na ang isang sapatos. Si Kuya. “Kuya,” nakangiti kong bati sa kaniya bago siya niyakap. “I missed you so much.” Ramdam ko naman ang pagyakap niya pabalik sa 'kin. Ayos, hindi siya galit, pero bakit siya nakasimangot? “I miss you too, my little candy.”  Napangiti ako nang malaki nang sabihin niya 'yon. Si Kuya Choco Rella, ang pangalawa sa dalawa kong kuya, siya ang pinaka-sweet sa 'kin unlike sa panganay naming madalas akong pinapagalitan sa pagbili ko ng mga collection ko and that is SHOES! “Saan ang pasalubong ko, Kuya?” agad na tanong ko sa kaniya. Tinignan ko ang kamay niya. May hawak siyang isang box at mukhang akin na 'yon. Wala naman siyang ibang bibilhan ng heels kundi ako lang, ang nag-iisang prinsesa at bunso niya. Inabot niya sa 'kin ang hawak niya at agad akong napangiti. “Nasaan ang sapatos mo? Bakit isa na lang ang suot mo?” tanong niya at tumingin sa paa ko. “Wala, Kuya, dinekwat ng isang unggoy kanina,” napapairap kong sabi. 'Wag na 'wag lang siyang magpakita sa 'kin ulit dahil itong isa naman ang ipapakain ko sa kaniya. Favorite ko pa naman ang tinakbo niya.  “Choc!” sigaw ng mga kalalakihan na papalapit sa 'min. In fairness, may mga itsura kahit papaano.  Lumapit ako kay kuya bago siya tinabihan at hinawakan ang kamay. Napatingin naman sa 'kin ang iba bago ako kinilatis ng mga mata nila. “What?” nakasimangot kong tanong bago sila nagsabay-sabay na umiwas ng tingin sa 'kin. “Welcome back, 'tol!” bati sa kaniya ng isang lalaki. 'Di ko mapigilan ang mapangiwi sa buhok ng lalaki. Pink? Seryoso siya? Ganiyan ang gusto niyang fashion? “Bakit kayo lang?” tanong sa kanila ni Kuya na mukhang may hinahanap pang iba. “Nasaan si Argen?” “Hindi nga namin alam, 'tol. Kasama lang namin 'yon kanina tapos bigla na lang nawala nang hindi nagpapaalam,” sabi naman ng isang lalaki na mapula-pula ang labi. “May nawawala bang nagpapaalam?” singit ko bago napa-irap. Duh! Kung nagpaalam 'yon, eh, 'di sana hindi 'yon nawawala. “Sabi ko nga,” sabi naman niya at napakamot ng ulo. “Hayaan mo na, 'tol. Magpapakita rin 'yan si Argen Tina,” sabi ulit ni Pink hair. Argen Tina?  Seryoso? May gano'ng pangalan ng tao?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

Be Mine Again

read
98.9K
bc

That Professor is my Husband

read
504.8K
bc

That Night

read
1.1M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

The Professor's Wife

read
449.3K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook