Chapter 9 – Hunted Love House
Dahan dahan pumasok si Izumi at si Kazue sa loob ng hunted house.
Izumi: “kina kabahan ako Kazue, ngayon lang ako naka pasok sa ganito, pakiramdam ko nan lalamig ang buong katawan ko”
Kazue: “kaya mo yan, lagi mo lang tatandaan na hindi yan totoo”
Izumi: “ikaw ba Kazue, hindi ka ba na tatakot?”
At sa sinabing un ni Izumi, na alala ni Kazue ang ilan sa mga kaduwagan niya mula pag kabata.
Kazue: (nag bigay ng ma ikling kwento) “noon ou, mga 8th grade yata or 9th grade nag punta kami nila Akira at Ren sa isang horror house, tapos sobrang natakot ako, kaya naman talaga pinag tawanan nila ako ng sobra, nakaka inis man, pero totoo un”
Kazue: “tapos pag uwi ko sa bahay, talagang dinibdib ko un, kaya naman sabi ko sa sarili ko, na sa susunod, hindi na ako matatakot”
Kazue: “lagi kong sina sabi sa sarili ko na, hindi totoo yan, hindi yan nakaka takot, hindi yan nakaka sakit, hindi yan makaka apekto sakin”
Kazue: “hanggang sa parang naging immune na ako, sa mga nakaka takot na bagay kahit sa mga pelikula or palabas na multo, horror or murder wala na yan sakin”
Izumi: “kaya pala ang tapang mo na ngayon Kazue, buti ka pa, ako naman mahilig rin ako sa mga horror at paranormal movies pero sobrang takot pa rin ako”
Izumi: “lalo na pag talagang madilim at wala akong kasama, talagang napapasigaw ako sa takot”
Izumi: “kaya buti nalang talaga sinamahan mo ako dito Kazue” (ngumiti)
(hinigpitan ni Izumi ang hawak sa kamay ni Kazue)
Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “naku! Kazue, wag ka mag isip ng kahit na anu, wag ka mafafall, acting lang yan, nag papaganggap lang siya, wag mo papakita na parang na fafall ka, tandaan mo hindi kayo bagay, fake date lang to, fake date!”
Kazue: “wala un Izumi, gagawin ko lahat para lang sa fake date natin, para di ba kahit papano marami tayong memories”
Izumi: “fake date hmm, alam mo ba Kazue, hindi pa ako naka ranas ng tunay na date, I mean wala pang guy na nag lakas loob na ligawan ako or anu man”
Kazue: “talaga? hmm, ah akala ko ba kaya ka ina away ng mga classmates mo dahil maraming nag kaka gusto sayong mga lalaki?”
Izumi: “ou, tama, pero iba kasi ung pakiramdam, ewan ko ba, ung feeling ko kasi parang kina kausap lang nila ako dahil sa itchura ko, at hindi dahil sa personality or ugali ko”
Izumi: “un bang lagi nilang bukang bibig ung physical kong itchura, hindi ko gusto ung ganun, kaya madalas hindi ko nalang sila pina pansin or ini iwasan ko nalang sila”
Kazue: “ganun ba, bakit Izumi anu ba ung gusto mo?”
Izumi: (tumingin sa mga mata ni Kazue) “gusto ko ng comfort, ung feeling na kahit hindi ako mag ayos, araw araw parin siyang ma huhulog sakin” (ngumiti)
Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “sh*t naman, para naman akong matutunaw sa mga tingin at ngiti nya sakin, hindi ba nya alam kung ganu kalakas maka fall ang mga titig nya?”
Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “Kazue pigilan mo ang sarili mo, wag kang papadala, fake yan! fake! Walang feelings un mga ngiti na yan, yan lang talaga ung natural nyang ngiti, wag ka na mag expect ng kung anu anu, tandaan mo Kazue, hindi ka nya type!”
Kazue: (bumulong ng mahina) “kung ako un, sigurado araw araw akong ma fafall sayo”
Izumi: (hindi na intindihan ang sinabi ni Kazue) “ano yun Kazue? ang hina kasi ng boses mo hindi ko na rinig yung sinabi mo”
Kazue: “ah wala wala, ang sabi ko nakalahati na yata natin ung horror house”
Izumi: “ou nga nu, hindi ko napansin, masyado kasi yata akong naka focus sa pinag uusapan natin” (ngumiti)
Izumi: “maiba ako, ikaw Kazue, bakit wala ka pang nagiging girlfriend? Wag mong sabihin na, boyfriend rin ang hanap mo haha” (bahagyang natawa)
Kazue: “hindi no, anu bang sina sabi mo, straight ako nu, di ako kagaya ng ini isip mo sakin”
Izumi: “e bakit nga? ,kasi bilang kaibigan mo masasabi kong hindi ka pangit Kazue, at sa katunayan, medyo may itchura at cute ka rin”
Kazue: (nag buntong hininga) “hay nako Izumi, pina pagaan mo pa ung loob ko, e hindi mo naman kailangan pang sabihin yan”
Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “ini isip ba nya na nag sisinungaling ako?”
Kazue: “pero sige sasabihin ko sayo un dahilan”
Kazue: “sa totoo lang matagal ko na gusto mag karoon ng girlfriend, at madalas na iingit ako sa mga nakikita kong mag kasintahan kahit noon pa”
Kazue: “lalo na nung nag simula nang mag ka girlfriend sila Dustine at Akira, feeling ko sobrang na pag iiwanan na nila ako, at si Ren lang yata ang pakiramdam ko nakaka intindi sakin, un nga lang ang hindi ko alam, choice nya talaga na hindi mag ka girlfriend”
Kazue: “one time, nakita ko si Ren na may kausap na magandang babae, at gusto ng babae na un na maging boyfriend si Ren, at sobrang nagulat ako dun sa narinig ko, pero si Ren hindi siya natuwa, sinabi nyang sina sayang lang nya ang oras nya kay Ren, at kahit kaylan hindi magiging sila, tapos umalis si Ren at iniwanang umiiyak ung babae”
Kazue: “then one time, nakita ko si Ren mag isang nag babasa ng libro sa library, kaya naisipan kong ka usapin siya about dun sa nakita ko, at dun ko nalaman ang dahilan ni Ren kung bakit siya single”
(Flash Back)
Library
Kauze: “Ren, kamusta, mag isa ka lang nag babasa ng libro dito? Nasan sila Akira at Dustine?”
Ren: “hindi ko sila napansin, pero si Akira alam ko may dini diskartehan nanaman siya kung saan, kilala mo naman yun”
Kauze: “sabagay, babaero talaga yan si Akira, pero ma iba ako Ren, nakita kita kahapon may kausap na magandang babae ah,
girlfriend mo?”
Ren: “ah yun ba? ,wala yun, kinausap lang nya ako dahil gusto nya akong maging boyfriend”
Kazue: “ah talaga? tapos ano nangyare, nakita ko kasi na umiyak siya pag katapos nyo mag usap”
Ren: “hmm, hindi ko alam na ini stalk mo pala ako Kazue”
Kazue: “hindi naman sa ganun, nag kataon lang na nakita ko kayo nung palabas na ako ng campus”
Ren: “hmm, wag ka mag alala, hindi naman ako galit, at wala naman akong tinatago, kaya naman sasabihin ko sayo kung anong nangyare”
Ren: “hindi ko tinanggap ang offer nya, at sinabi ko sa kanyang kahit na kaylan hindi magiging kami, at hindi ako mag kakagusto sa kanya, tapos bago pa siya makapag salita umalis na ako, at yun siguro yung time na, nakita mo siyang umiyak”
Kazue: “wow, ang cold mo Ren, akalain mo nasabi mo yun sa kanya, samantalang ang ganda nya, at siya na mismo ang nag offer sayo”
Kazue: “siguro kung ako yun, malamang bumigay na ako at tinanggap ko na ung offer nya na maging girlfriend ko siya”
Ren: “ganun ba, siguro nga mag kaka iba tayo, dahil sakin hindi naman kasi importante kung maganda o hindi ang magiging girlfriend ko”
Kazue: “talaga? bakit anu bang importante para sayo Ren?
Ren: “ang importante sakin, gusto ko, ako ung unang mahuhulog sa kanya”
(End of Flash Back)
Kazue: “At sa mga sanabi na yun ni Ren, sobrang napahanga ako sa kanya, at sobrang ni rerespeto ko yung pagiging single nya hanggang ngayon, at isang dahilan rin un kung bakit hindi mo nakikita si Akira na binu bully si Ren”
Izumi: “sa character ni Ren at kung panu siya manamit at kung panu siya makipag usap sa inyo, hindi na ako nag tataka na ganun siya mag isip, napaka matured”
Izumi: “pero, anu naman ang connect nun sa pagiging single mo Kazue?”
Kazue: “kasi after nun, mas lalo ko na realize kung ganu ako ka loser, at hindi deserving na mag karoon ng girlfriend that time”
Kazue: “kaya ang ginawa ko para hindi ko ma feel na napag iiwanan ako, naisip ko na mag sinungaling sa kanilang lahat”
Izumi: “na isip mong gumawa ng isang imaginary girlfriend?”
Kazue: “ou, tama ka Izumi, at mula nuon, dahil ang alam ng lahat my girlfriend na ako, nahirapan na ako makahanap ng tunay na mamahalin”
Kazue: “dahil bago palang ako maka diskarte sa kanila, nalalaman na nila na may girlfriend na ako, kaya naman madalas sina sabihan nila akong cheater at malandi bago pa man ako makapag paliwanag sa kanila”
Kazue: “at isa yun sa mga dahilan kung bakit wala pa akong nagiging girlfriend”
Kauze: “then na realize ko, wala na akong magagawa pa, kaya pinanindigan ko nalang lahat ng ka sinungalingan ko, tapos after ilang year eto na tayo, mag kasama sa loob ng isang hunted house mag ka hawak kamay at guma gawa ng fake memories para sa first fake date natin” (ngumiti)
Izumi: “alam mo ang weird ng love life mo Kazue, hindi siya common na kagaya ng nakikita ko or nararanasan ng ibang lalaki”
Kazue: “naku pasenya kana kung medyo weird ako, hindi ko rin naman gusto na umabot pa sa ganito”
Izumi: “hmm sa tingin ko na iintindihan kita sa part na yun, ang hirap kasi ng sitwasyon mo ngayon”
Izumi: “pero Kazue, if you don’t mind, gusto ko lang sanang itanung to sayo, as a friend, kung ayos lang sana?”
Kazue: “sure ano yun tanung mo Izumi?”
Izumi: “diba kanina sabi mo si Ren, hindi importante sa kanya kung maganda or hindi ang magiging girlfriend nya, basta ang importante e kailangan siya yung unang ma fall dun sa babae”
Kazue: “ou tama yun, bakit?”
Izumi: “wala naman na isip ko lang, na kung importanteng mahulog muna si Ren sa isang babae bago siya mag ka girlfriend, anu naman ang importante para sayo Kazue?” (curious na tanung ni Izumi)
Kazue: “importante para sakin? Hmm, parang wala pa yatang nakapag tanung nyan sakin, hindi ko tuloy alam kung anung dapat kong isagot” (napa isip)
Izumi: “ou Kazue, sakin kasi importante na, ma fall sakin yung guy hindi dahil sa looks ko or physical appearance ko.
Kazue: “hmm ganun ba, ako siguro importante sakin na.”
Kazue: (nag bigay ng isang napaka among ngiti at tumitig sa mga mata ni Izumi) “maramdaman ko na mahalaga ako”
At pag katapos sabihin ni Kazue ang mga salita na un kay Izumi, tila ba may kung anung pakiramdam ang hindi maipaliwanag ang bumalot sa kanyang puso.
Izumi: “anu ang pakiramdam na to, madalas ko tong maramdaman mula pa kaninang umaga, tuwing ka usap ko si Kazue” (salita sa kanyang isip)
Izumi: “hindi kaya…” (at bago pa matapos ni Izumi ang kayang ini isip nag salita naman bigla si Kazue)
Kazue: “oh diba sabi ko naman sayo e, hindi naman nakakatakot tong hunted house nato, tignan mo oh, malapit natayo makalabas”
Izumi: “talaga? malapit na tayo? Bakit ganun, parang pakiramdam ko kakapasok lang natin?
Kazue: “siguro dahil masyado tayong nalibang sa mga pinag uusapan natin kanina”
Izumi: “siguro nga, feeling ko tuloy parang hindi ko masyado na enjoy ung pag pasok natin dito”
Kazue: “hayaan mo Izumi, sa susunod sasamahan ulit kitang pumasok dito”
Izumi: “talaga? sabi mo yan ah, gusto ko ulit pumunta dito kasama ka Kazue”
Kazue: (napabulong ng mahina) “dito lang? ako kasi gusto ko palagi kitang kasama”
Izumi: (hindi nanaman narinig ang sinabi ni Kazue) “ah? Anong sabi mo ulit Kazue?
Kazue: “ah wala sabi ko, andito na tayo sa last part ng hunted house, kaya mag ready kana, baka dito na ung mga pinaka nakaka takot nilang pang gulat”
Izumi: “tama ka kaylangan mag focus ako, baka magulat… (at bago ma matapos ni Izumi ang sina sabi nya ay bigla naman ang hulog ng isang nakatatakot na ulo ng lalaki sa kanyag gilid)
Izumi: (napa sigaw at nag panic) “AAAHH!! KAZUE!!!”
Nag sumiksik sa dibdib ni Kazue, na naging dahilan kung bakit siya napa atras at mapasandal sa pader.
Izumi: “ah ayaw ko na Kazue, gusto ko nang lumabas” (mangiyak ngiyak na salita ni Izumi, habang naka subsub ang muka nya sa dibdib ni Kazue)
Kazue: (namumula ang muka) (dahil ramdam niya ang lambot at init ng buong katawan ni Izumi sa kanyang dibdib) “aah ayos ka lang ba Izumi?”
Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “sobrang pressure nito, hindi ako maka hinga ng ma ayos, pakiramdam ko para akong hihimatayin, ang bango ni Izumi, parang pakiramdam ko may isang higanteng bulaklak ang naka yakap sakin ngayon”
Kazue: (napansin na parang na nginginig si Izumi) (salita sa kanyang isip) “na nginginig siya? anung gagawin ko?”
Kazue: “Izumi, wag kanang matakot, tahan na (dahan dahang niyakap ni Kazue si Izumi, at bumulong ng mahinahon at malumanay) hindi ko hahayaang may mangyare sayo, okey”
tila ba nagulat sa pag yakap sa kanya ni Kazue, habang siya ay naka lapat ang mukha sa dibidib nito.
Izumi: (habang nakalapat ang kaliwang muka sa dibdib ni Kazue) (napabulong) “di ko alam ang sasabihin ko, pero ito ang unang beses na may lalaking yumakap sakin ng ganito”
Izumi: (salita sa kanyang isip) “sobrang nakakahiya, pero hindi ko maitatange na, nawala ang takot ko at mabilis akong napakalma ng yakap nya”
Izumi: (inamoy ang dibdib ni Kazue) “hmm, gusto ko ang amoy ni Kazue, hindi masyadong matapang at hindi rin naman mahina, tama lang”
Izumi: (biglang bumalik sa reality at nataranta) “ah bakit ko siya ina amoy? ano ba yung tong mga nararamdaman ko?”
Izumi: (malumanay na nag salita habang mapula ang muka) “Kazue, pwede mo na akong bitawan, sa tingin ko kumalma na ako”
Kazue: “ah eh, sorry, hindi ko sina sadya na yakapin ka (mapula rin ang muka at sobrang na hihiya sa pag yakap niya kay Izumi) (dahan dahang pinakawalan si Izumi sa kanyang yakap)
Izumi: “ayos lang, ako naman ang unang lumapit sayo, at ginawa mo lang naman yun para mapakalma ako, di ba?”
Kazue: “ou pasenya kana talaga, napansin ko kasi na nanginginig ka kanina sa takot, kaya naman naisip ko nalang na yakapin ka hanggang sa kumalma ka”
Izumi: “salamat sa pag papakalma mo sakin Kazue, sige tara na tapusin na natin to” (napangiti)
Kazue: (ngumiti rin) “sige tara na” (dahan dahan nag lakad)
Izumi: (hindi kumilos sa kanyang kina tatayuan)
Kazue: “bakit hindi ka pa luma lakad Izumi, may problema ba?”
Izumi: “hmm Kazue, wala ka bang nakakalimutan?
Kazue: (hmm tinignan ang kanyang cellphone, bag at nag tatakang tumingin kay Izumi) “hmm hindi ko alam e, meron ba akong nakakalimutan?”
Izumi: “yung kamay ko”
Kazue: “huh?
Izumi: (itinaas ang kamay nya sa direksyon ni Kazue) “yung kamay ko, nakalimutan mong hawakan bago ka lumakad” (naka ngiti nitong sabi kay Kazue)
Kazue: (napangiti, sa ginawang yun ni Izumi) “naku tama ka, nakalimutan ko nga pala yung isa sa pinaka importanteng bagay” (kinuha at hinolding hands ang kamay ni Izumi)
Kazue: “ngayon sigurado na kong wala na akong nakalimutan” (naka ngiti)
Izumi: (naka ngiti rin) “sige tara na”
At ilang sandali pa ay nakita na nila ang exit sa loob ng Hunted House, at masayang nakalabas si Kazue at Izumi.
Izumi: “yes sa wakas naka labas na tayo, naka hinga na rin ako ng maluwag”
Kazue: “ou nga akalain mo na halos hindi natin naramdaman na pumasok tayo dun, kasi naman sobrang focus tayo sa pag uusap natin kanina haha”
Izumi: “ou nga Kazue, pakiramdam ko nga mas lalo nating nakilala ang isat-isa”
Kazue: “ako rin”
at habang nag uusap si Kazue at Izumi, hindi nila napansin si Ren na kanilang likuran.
Ren: “mas nakilala ninyo ang isat isa? Akala ko ba ilang years na kayong mag kasintahan?”
Kapwa nagulat si Kazue at Izumi nang marinig nila ang boses ni Ren, galing sa kanilang likuran, dahil pareho silang hindi handa sa mga oras na un.
Ren: “baka naman pwede nyo naman akong isali sa usapan nyo, para naman mas makilala ko rin kayong dawala” (naka ngiti na sabi ni Ren)
(to be Continue)