Confrontation

1805 Words
Chapter X – Confrontation Tila ba parehong napa lunok ng laway si Kazue at Izumi, sa biglaang pag labas ni Ren sa kanilang likuran. Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “teka anung gina gawa ni Ren dito, ganu kaya karami ang narinig ni Ren mula sa umapan namin?” Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “masyado akong naging kampante, di ko inaasahan na makikita namin si Ren pag labas sa Hunted House” Kazue: (umasta ng normal na para bang walang nangyare) “oh ikaw pala Ren, kanina ka pa ba jan, hindi ka namin napansin ni Izumi e” Izumi: (umasta rin na normal) “ou nga Ren, ginulat mo kami sa pag dating mo” Ren: (ngumiti na ani moy nang hihinala at umabot ng limang sigundong naka tingin kay Izumi at Kazue bago nag salita) “ganun ba, pasenya na kayong dalawa hindi ko naman sina sadya na gulatin kayo, sa katunayan nga nyan e, na gulat rin ako” Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “naku na loko na, natuklasan na ba talaga ni Ren ang secreto namin?” Kazue: “anung ibig mong sabihin Ren na nagulat ka samin?” Ren: “wala naman may maliit lang na idea sa isip ko ang nabuo, pag katapos ko kayong marinig na mag usap kanina” Izumi: “idea sa isip mo? Tungkol saan naman ang Idea na yun Ren?” Ren: “hmm na isip ko lang na, bakit yata parang ngayon nyo palang nakikilala ang isat isa samantalang 2 years na yata o higit na kayong mag kasintahan?” Sa sinabing yun ni Ren tila ba, parehong bumilis ang t***k ng puso nila Kazue at Izumi. Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “sabi na nga ba, mukang medyo naka ramdam si Ren ng duda, simula nang narinig nya kami kanina” Kazue: “ah yun ba wala yun, expression lang yun narinig mo kanina Ren, haha” (nag panggap na masaya) Ren: “expression? Sige Kazue, ipaliwanag mo pa sakin” Kazue: “Kasi kahit na matagal na kaming dalawa, medyo madalang lang kami makapag kita at makapag usap sa personal” Ren: “talaga? at bakit naman? Kazue: “dahil medyo malayo ang University na pina pasukan ni Izumi, at isa pa, nag pa partime siya ngayon sa isang milktea shop, kaya halos wala na kaming oras makapag bonding na dalawa” Kazue: “napansin mo ba, na sa loob ng mahigit kumulang na 2 years, halos hindi ako nag karoon ng time na ipakilala si Izumi sa inyo, dahil yun sa tight schedule nya at distance ng university nya sa pina pasukan natin” Ren: (bahagyang napa isip sa mga sinabi ni Kazue, ngunit hindi pa siya masyadong sigurado kung maniniwala siya ng buo kay Kazue) “kung sa bahay, it make sense, mukang busy nga talaga si Izumi, kaya hindi mo siya naipakilala sa amin ng mas maaga, pero hindi pa ako totally convince, gusto ko munang maka usap si Izumi” Ren: “Izumi, totoo ba ang lahat ng mga sinabi ni Kazue sakin? Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “wow ang galing mag sinungaling ni Kazue, sobrang in character ng mga pag sisinungaling nya, I mean pati ung pag pa partime ko sa isang milktea shop na hulaan rin nya” Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “kung ganun, dapat galingan ko rin ang pag papanggap ko, bilang fake girlfriend ni Kazue” Izumi: “ou Ren, tama si Kazue, masyado akong naging busy kaya halos hindi na namin nakaka usap ang isat isa, at kadalasan bago pumasok at bago matulog nalang kami nakaka pag usap sa phone at sobrang madalang nalang kami mag kita” Izumi: “buti nga ngayon, dahil valentines day at isinama ako ni Kazue sa lakad nyo, nakapag bonding ulit kami” (nag pakita ng maamong ngiti kay Ren) Izumi: (tumingin kay Kazue) “diba Kazue?” Kazue: (nag salita sa isip ni Kazue habang naka titig kay Izumi) “nice one ang galing mag acting ni Izumi, sigurado akong kahit na gaano pa katalino si Ren, siguradong ma lulusutan namin to” Kazue: “ou tama ka Izumi, kaya nga lagi kitang na mimiss e” (umakbay kay Izumi) Kazue: (tumingin kay Ren at nag salita sa kanyang isip) “ha! Akala mo siguro Ren mahuhuli mo kami no, nag kakamali ka jan! dahil sa galing ko mag sinungaling at sa galing umakting ni Izumi, talagang invisible ang tandem naming dalawa hahaha (evil laugh sa loob ng isip ni Kazue) Ren: (ngumiti) “hmm mukhang nag sasabi nga kayo ng totoo, pero meron pa akong isang gustong itanong kay Izumi, at sa pag kakataon na to, gusto kong wag ka munang mag salita Kazue, pwede ba un?” Kazue: “ou naman, sige hindi ako mag sasalita” Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “hmm ano naman kaya ang ini isip ni Ren ngayon, bakit parang pakiramdam ko may binabalak siyang hindi maganda” Ren: “sige, pwede ka bang mangako sakin na mag sasabi ka ng totoo, at hindi ka mag sisinungalin?” Izumi: “ou Ren, nangangako ako, na mag sasabi ng totoo sayo at hindi mag sisinungaling” Ren: “kung ganun, mag tatanung na ako” Ren: “Izumi Aya Fugiwara, sa loob ng 2 years, nag kiss na ba kayo ni Kazue? (naka ngiti ngunit, seryosong tanong ni Ren kay Izumi) At sa sandaling yun, tila ba bumagal ang oras sa pagitan nila Izumi at Kazue, dahil not in a million years hindi nila inaasahan na itatanong yun ni Ren sa kanila. Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “baliw ka talaga Ren, kaya pala pinatahimik mo ako, dahil ayaw mo na ako ang sumagot sa tanong mo, hindi ko inaasahan na makaka isip ka ng ganitong bagay para lang mahuli kami” Kazue: (tumingin kay Izumi at nag salita sa kanyang isip) “Izumi, anong gagawin mo, anong sasabihin mo sa kanya, gusto kitang tulungan pero pag tumulong ako sa pag sagot ng tanung ni Ren sayo siguradong mahuhuli nila tayo” Kazue: (nag salita habang naka titig lang kay Izumi, at nag habang nag kanyang sagot sa tanung ni Ren) “sigurado akong hindi mo rin to inaasahan Izumi, pero wala na akong magagawa sa oras na to, nasa sayo na ngayon kung mahuhuli nila tayo oh hindi” Sa kabilang banda. Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “kiss? Kami? ni Kazue? Izumi: (na imagine na hinahalikan ni Kazue ang labi nya, pag katapos ay sobrang namula ang mukha kasabay nang mabilis na pag t***k nang kanyang dibdib) (nag salita sa kanyang isip) “hindi ko alam ang sasabihin ko kay Ren, dahil sa loob ng 21 years wala pang lalaking naka halik sa labi ko” Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “pero na iintindihan ko ang role ko bilang fake girlfriend ni Kauze, hindi ako pwede mag pakita ng kahinaan sa harap ni Ren, kundi siguradong mahuhuli nya kaming dalawa, at pareho kaming mapapahiya” Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “at pag nangyare yun, siguradong aalisin na nila si Kazue sa grupo nila, at mawawalan naman ng tiwala sakin sila Emi at Hana, kaya naman hindi ako makakapayag na matapos lang lahat dito” Izumi: (nag salita gamit ang marahan at malumanay na boses, kasabay ng mapula at mahiyain na mukha) “pasenya kana Ren, kung medyo natagalan ako sa pag sagot sayo, hindi ko kasi alam papaanu sasagutin ang tanong mo pero, ou aaminin ko, nahalikan na ni Kazue ang labi ko” Bahagyang nagulat si Ren sa pag sagot ni Izumi, dahil wala siyang nakitang bakas na kahit na anong pag sisinungaling sa mukha ni Izumi” Ren: (nag salita sa kanyang isip) “hindi ako makapaniwala, hindi ito ang reaction na inaasahan ko mula kay Izumi” Ren: (nag salita sa kanyang isip) “ang akala ko talaga, mag papanik siya at itatangging nahalikan na siya ni Kazue” Sa kabilang banda. Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “hindi maka paniwala sa mga sinabi ni Izumi, wow sobrang galing nya umarte kahit sinong maka kita sa reaction ng mukha nya at sa paraan nya nang pag sasalita siguradong maniniwala na, na halikan ko na siya” Kazue: (ibinaling kay Ren ang tingin, at bakas nya sa mukha ni Ren ang pag ka gulat sa sinabi ni Izumi) (nag salita sa kanyang isip) “ano Ren? sigurado ako na kahit ikaw hindi mo rin inaasahan yung ginawa ni Izumi noh, mukhang nag kamali ka yata nang pag tingin kay Izumi, hindi siya ganun ka hina kagaya ng iniisip mo” Ren: “sa totoo lang, hindi yun ang inaasahan kong sasabihin mo Izumi, at talagang napahanga mo ako sa pag sagot mo sa tanung ko, at ngayon halos wala na talaga akong duda na mag kasintahan nga kayong dalawa” Parehong napangiti si Izumi at Kazue sa mga salitang narinig nila kay Ren, na animoy parang nabunutan sila ng tinik sa lalamunan. Kazue: “buti naman Ren at ngayon naniniwala kana, na hindi kami nag sisinungaling ni Izumi” (naka ngiti nitong sabi kay Ren) Ren: “teka lang Kazue, medyo parang na misinterpret mo yata yung mga salita ko kanina” Kazue: “ah? Anong ibig mong sabihin Ren?” Ren: “ang sabi ko, halos wala na akong duda, hindi ibig sabihin nun na wala na talaga, dahil madali lang naman sabihin na, nahalikan mo na si Izumi kahit hindi pa, dahil salita lang naman yun, at maari rin na magaling lang talagang umarte si Izumi, kaya wala akong naramdaman o nakita na kahit konting bakas na nag sisinungaling sa kanya” Izumi: “nagkakamali ka Ren, nangako akong hindi mag sisinungaling sayo” Kazue: “ou tama si Izumi Ren, totoo ang lahat ng sinabi nya sayo, nahalikan ko na talaga ang mga labi ni Izumi, at hindi yun minsan, maraming beses na, kaya maniwala kana samin” Ren: (at sa mga sinabing yun ni Kazue, may biglang pumasok sa isip ni Ren na talagang makakapag paniwala sa kanya) “ano ulit yung sinabi mo Kazue? Tama ba yung narinig ko na maraming beses mo nang nahalikan ang mga labi ni Izumi?” Kazue: “ou tama ang narinig mo Ren, maraming beses na, kaya sana naman maniwala kana sa amin” Ren: “hmm sige naiintindihan ko, maniniwala na ako Kazue sa mga sinasabi mo” Kazue: “talaga buti naman kung ganun” (ngumiti) Ren: “sa isang kondisyon Kazue” Kazue: “ano yun Ren?” Ren: “kakalimutan ko lahat ng mga narinig ko sa usapan nyo kanina, kung hahalikan mo ngayon ang mga labi ni Izumi sa harap ko” (matapang na hamon ni Ren) (to be continue)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD