ELDRITCH and Kali became busy in the past couple weeks. Kahit ngayong mismong kaarawan ni Noa ay abala rin silang dalawa sa pagtulong na mairaos nang maayos ang kaarawan ng bata. "Are you sure, Noa? Hindi ka sasabay sa mama mo?" pangatlong tanong ni Eldritch habang buhat ni Kali ang pamangkin niya. "Opo. Gusto suplise lang," sagot ni Noa. Mukhang ang ibig nitong sabihin ay gusto nitong surpresang makita ang itsura ng ina. Kali smirked. "Mauna na pala tayo sa venue. Excited na rin kami ni Tito Eldritch." Noa cheered. Kumikislap pa ang mga mata nito na tila excited na sa gaganaping party. Napangiti naman si Eldritch habang pinagmamasdan ang dalawa. Ngunit habang tumatagal ay nakararamdam siya ng kaunting lungkot at panghihinayang. Looks like Kali noticed the gloomy expression in his eye

