Simula
"DO YOU believe in God?"
Makahulugan ang ngising lumandas sa mga labi ng taong pinagkakautangan ni Eldritch matapos itanong ang bagay na iyon sa kanya. Hawak nito ang kanyang kwelyo habang hirap na hirap siyang tumindig dahil sa tinamong pambubugbog.
Eldritch swallowed the pool of blood in his mouth. Does he believe in God?
His eyes watered as the truth made his heart swell.
Oo.
Kahit na alam niyang hindi siya katanggap-tanggap sa mata ng Panginoon. Kahit na marami siyang pagkakasala. At kahit na anak siya ng isang huwad na pastor.
"Sagot!" asik ng lalake saka siya lalong idiniin sa pader.
Eldritch groaned. "Y-Yes . . ."
Umismid ang lalake. "Kung gano'n, magsabi ka na sa Diyos ng pera kasi oras na hindi mo pa rin ako mabayaran sa susunod na linggo, sisiguraduhin kong magkikita na kayo. Naintindihan mo ba, Engineer?"
Takot na tumangu-tango si Eldritch. "G-Gagawa ako ng paraan-"
Hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi nang sikmuraan siya nito. The guy even pulled the collar of his shirt to expose his chest.
"Here's a . . . little remembrance so you wouldn't forget me next week," anang lalake.
Dumaing siya sa sakit nang patayin nito ang paubos na sigarilyo sa kanyang balat bago siya ipinabugbog sa mga kasama nito.
They all had fun kicking and punching him. Nanginginig na siya sa sakit. Halos hindi na magawa pang makiusap na tigilan na siya ng mga ito. Their devilish laughter echoed inside his head as he endured their beating. His tears kept falling as he coughed blood, yet in his mind, Eldritch still wishes that God really listens . . . even to sinners like him.
To . . . people like him whose heart wants to beat for the same s*x.
Hindi na alam ni Eldritch kung paano niya nagawang makauwi sa kabila ng matinding pagkakabugbog sa kanya. Ilang beses siyang natumba dahil halos wala nang lakas ang mga binti niya upang humakbang.
He almost crawled up to his room as he reached their apartment. Nanghihina siya sa sakit na nararamdaman ngunit pilit niyang gumapang hanggang sa tuluyan niyang naisara ang pinto.
He removed his shirt and went to his laptop to play a worship song. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinipili ang folder para sa mga awiting nais niyang pakinggan tuwing gabi . . . o tuwing mag-isa siya't nilalamon ng takot.
Nang magsimulang tumugtog ang awitin ay isang pagod na ngiti ang lumandas sa kanyang mga labi. His eyes felt hot as the fear in his heart slowly drifted away after hearing the song.
He carefully sat on the floor while gritting his teeth. Nanginginig sa sakit niyang sinalat ang panlinis ng sugat habang paos na sinasabayan ang awitin.
"Father, you are King over the flood . . ." His tears fell. "I will be still, know y-you are G-God . . ."
Tuluyang napahagulgol si Eldritch. Binitiwan niya ang hawak na bulak at pinagsalikop ang kanyang mga palad para sa mataimtim na panalangin.
"Salamat po sa buhay, Ama . . ."
His body aches but his heart swells for his love for the Creator. Hindi niya man maintindihan kung bakit ganito ang kinahinatnan ng kanyang buhay ay nais niya pa ring maniwalang may Diyos na sumusulat sa kanyang kapalaran.
He sniffed. "Please give me strength to face all of my battles. Please help my heart forgive. And p-please make my mind understand the purpose of my suffering . . ."
Napuno ng malamyos na awitin at ng kanyang mga hikbi ang madilim na silid. He wanted to hold onto his faith no matter how much the voices in his head is telling him to escape all the pain by ending his life.
Iniisip niya ang mga magulang niya kahit na hindi siya naiintindihan ng kanyang ama at hindi siya naipagtatanggol ng kanyang ina.
Iniisip niya si Elona kahit na madalas siyang ipahamak ng kapatid niya.
At lalong iniisip niya si Eloisa na hindi niya man lang magawang tulungan sa problema nito.
He feels useless. Kaya palagi niyang sinasabi sa sarili na darating ang araw na magagampanan niya rin nang maayos ang tungkulin niya bilang panganay. Darating ang araw na matatapos din ang bagyo sa kanyang buhay at tuluyang sisilip ang pag-asa.
Eldritch was interrupted in his prayer after he heard his phone rang. Hirap man ay pilit niya iyong sinalat sa ibabaw ng kanyang higaan upang masagot niya ang tawag ng kanyang ama.
He drew in a sharp breath and wiped his tears. Pinakalma rin muna niya ang kanyang sarili bago niya sinagot ang tawag upang hindi mahalata ng kanyang ama ang totoong nararamdaman niya.
"Daddy? K-Kumusta ho kayo--"
"Eldritch, parang delay na naman ang padala mo, anak. Maliit lang ang donasyon sa simbahan. Hindi 'yon sasapat para sa panggastos namin. Kailangan ko pang magpaayos ng kisame. Nakakahiya kay Pareng Rolly. Nakausap ko na. Hinihintay na lang ang budget."
Inilayo ni Eldritch ang cellphone sa kanyang tainga nang makasinghot siya. He calmed himself down again as he felt his heart sinking due to his father's words. Ni hindi man lamang muna siya kinumusta.
"P-Pasensya na ho, Daddy. Delayed lang ho ang p-payroll," pagsisinungaling niya kahit na ang totoo o ay mag-iisang taon na siyang walang trabaho.
Umaasa lamang siya sa pagtawag ng ilang kaibigan kapag gusto ng mga itong siya ang magsugal sa pera ng mga ito dahil swerte umano ang kamay niya. Minsan naman ay nakakukuha siya ng iba't ibang raket. Kahit na hindi na sakop ng tinapos niya ay pinapatos na niya para lamang magkaroon ng pera.
"Sa susunod na araw ba ay mayroon na? Kawawa naman si Pareng Rolly. Kailangan niya 'yong pera para sa anak niyang manganganak."
Bumagsak ang mga balikat ni Eldritch. Sa isip-isip niya ay mabuti pa ang kumpare nito kinaaawaan ng kanyang ama,. Habang siya, ni minsan ay hindi siya natanong kung ayos lamang siya sa Maynila. Kung may kinakain pa ba siya o kung may dinaramdam ba siya.
He sighed. "Sige po, Daddy gagawa po ako ng paraan. Kumusta po pala-"
Ni hindi man lamang nagpaalam ang kanyang ama. Basta na lamang siyang binabaan ng tawag na para bang dismayado ito kahit sinabi naman niyang gagawa siya ng paraan para makapagpadala siya ng pera.
Eldritch sighed. Sandali niyang ibinaba ang kanyang cellphone saka siya pumikit. Pilit niyang mag-isip ng paraan nang hindi ito magalit sa kanya. Maya-maya ay muli niyang dinampot ang kanyang cellphone upang i-chat ang kaibigan niyang madalas magbigay ng raket sa kanya.
"Hello, bro? Baka may raket ka naman diyan. Tumatawag na kasi si Daddy. Wala pa kong napapadala at nagpang-abot kami kanina ni Virgel. Kinuha lahat ng ibinalato ni Kirk," aniya sa kaibigang si Juvan.
"Uy, sakto Eldritch tatawagan pa lang sana kita dahil umatras 'yong driver na kailangan ko."
Kumunot ang noo ni Eldritch. "Driver? Para saan?"
"Basta, sumama ka na lang. Si Aura ang kasama mo mamaya. Magmamaneho ka lang. Singkwenta mil 'to, bro."
Sandaling nag-isip si Eldritch. Parang hindi maganda ang kutob niya rito, ah? Kaso singkwenta mil din iyon. Mapadadalahan na niya ng pera ang tatay niya, may pera pa siyang maitatabi para maibayad sa utang niya kay Virgel.
Eldritch sighed. "Sige, payag na ko," labag sa loob niyang sabi.
"Ayos."
Juvan gave him all the details he needed, except the things about the actual job. Basta ang sabi ay magkita sila sa harap ng isa sa pinakasikat na club sa BGC. Pinagamit din ni Juvan sa kanya ang isang mamahaling kotse na gagamitin umano sa pagsundo kay Aura.
Eldritch went there on time. Sinilip niya ang sarili sa rearview mirror at sinigurong maayos na nakasuot ang kanyang sumbrero. Nagsuot din siya ng jacket at face mask nang hindi mahalata ang mga pasa niya sa katawan.
It didn't take long before he saw Aura getting out of the club with a drunk guy. Ngunit imbes na sa maganda at mestizang si Aura ang pakatitigan niya ay sa lalakeng kasama nito nanatili ang kanyang tingin.
His lips were forming one of the prettiest smiles Eldritch had ever seen. Halos hindi na rin makita ang mga mata nito dahil naniningkit na dala ng pagngiti at kalasingan. Susuray-suray na rin ito habang nakaakbay kay Aura. His chuckles sound so sexy that Eldritch had a hard time taking his eyes off of him.
"Oh, this is our sweet ride, huh?"
Goodness, even his voice sounded heavenly! Idagdag pang pagpasok nito ng kotse ay naamoy kaagad ni Eldritch ang mamahalin nitong pabangong panlalake.
The guy ran his fingers onto his hair before he held Eldritch by his shoulder. Muntik nang dumaing si Eldritch dahil masakit ang balikat niya ngunit pinigil niya ang sarili.
"Hey, man. Sick car!" The guy offered his hand. "Vote for me in the next election," lasing na nitong sabi.
"Tatakbo ka?" Aura asked.
"Nope." Sumandal na ito sa upuan saka pumikit. "I don't even know why I said that. Must be the tequila shots that are talking."
Nag-usap pa sina Aura at ang lalake habang nagmaneho naman si Eldritch patungo sa sinabing lugar. Maya-maya ay bigla na lamang naglabas ng baril si Aura at itinutok iyon sa dibdib ng lalake. Eldritch froze on his spot. His eyes widened as he looked at the guy.
"Ten million, Kali. Or I'll--"
Aura wasn't able to finish her sentence when the guy suddenly pulled the hand brake. Naumpog si Aura sa likod ng upuan. Hindi ito kaagad nakabwelo kaya naagaw ng lalake ang baril saka iyon itinutok kay Aura. Halos manlamig naman sa kinauupuan niya si Eldritch. Iniisip na katapusan na niya oras na paputukan sila ng dapat ay bibiktimahin ni Aura.
"First of al-" Tumingin ang lalake sa kanya. "Hey, buddy. Mind stopping the car for me, please?"
Lumunok si Eldritch bago kinakabahang itinigil ang sasakyan. Ngumisi naman ang lalake na tila ba nilalaro lamang sila.
"Thank you. I like you. You're not like the rest. Anyway . . ." Humugot ito ng hininga saka muling tumingin kay Aura. "First of all, my worth isn't just ten million, sweet pea. Second of all . . ." He sighed. "Nevermind."
Binuksan nito ang pinto sa tabi ni Aura saka ito inutusang llumabas. Sa takot ni Aura na paputukan ng lalake ay lumabas ito. The guy then shut the door before he asked Eldritch to continue driving.
Nanginginig sa takot na lumunok si Eldritch. "S-Sir, maawa ho kayo. H-Hindi ko ho alam na hohold-up-in ho kayo."
The guy yawned. "I know." Inilapag nito ang baril matapos baklasin ang magasin. "Damn, I was really looking forward for a nice f**k tonight." Bumuntonghininga ito bago siy muling tinapik sa balikat. "Hey. Wanna have fun? I know a place."
Napakurap si Eldritch. "P-Po?"
"I said let's have some fun, bro. I don't want my night to end this way. Ang boring."
Nalukot nang husto ang noo ni Eldritch. Seryoso ba ito sa mga pinagsasabi? Muntik na itong ma-hold up kani-kanina lamang. Paano nito nagagawang mag-isip pa ng ganoong mga bagay?
Tumikhim si Eldritch. "H-Hindi ho ba ninyo uunahin ang pagre-report sa pulis?"
"Nah." Humikab itong muli. "Mangyayari rin naman ulit next week," tila ba sanay nang ma-hold up nitong sagot bago inilapit ang mukha sa kanya. "Sige na, bro. It's such a boring night. Just come with me and I'll pay you."
Napalunok siya. "M-Magkano ho?"
The guy smirked. "Five hundred. Hey, by the way. I forgot to ask your name."
Eldritch swallowed the pool of saliva in his mouth. "E-Erick ho," pagsisinungaling niya. "H-Huwag na ho ninyo akong isama. Ibababa ko na lang ho kayo sa sakayan ng taxi. Kulang pa hong pang-gas 'yon-"
"Thousand." The guy yawned. "My name is Kali by the way. Kali Herrera-Ducani. That's not a nickname. That's my real name. Kali. Just Kali. You got it?" daldal nito ngunit iyong thousand lang talaga ang naintindihan ni Eldritch.
"F-Five hundred thousand pesos, ho?" Nalukot nang husto ang noo niya. "A-Ano ho ulit ang . . . gagawin?"
"Nothing much? Just the fun stuff." Kali's lips slowly lifted for a meaningful smirk. "We're gonna eat some p*****s . . ."