ELDRITCH couldn't help but sigh each time he remembers what he did to Aura's victim over a year ago. Pagkakuha kasi niya ng perang inialok nito ay tinakasan na niya ang binata sa club na pinuntahan nila.
Alam naman niyang hindi siya nakilala ng lalake at hindi rin niya natandaan ang buong pangalan nito ngunit para sa kanya ay malaking kasalanan pa rin ang nagawa niya rito kaya hanggang ngayon ay ihinihingi niya iyon ng tawad sa panginoon.
He used the money to pay-off some of his debts. Pero sa laki ng interes na ipinatong ng pinagkakautangan niya ay hirap siyang mabayaran iyon nang buo kaya napilitan na siyang lumapit sa bunsong kapatid.
Eldritch finished his prayer before he went to make himself some coffee. Lumapit naman ang kapatid niya habang humihikab pa't nakapantulog.
"Kuya, kunin natin 'yong ipinahihiram ni Kali na kotse para sa paghahakot ng mga gamit namin ni Noa," ani Eloisa sa kanya.
Napakunot ng noo si Eldritch. That name really rings a bell. Saan nga niya narinig iyon?
Humigop siya ng kape. "Anong oras, bunso?"
"Anytime naman daw pero agahan na lang natin, kuya."
Tumango siya. "Magkakape lang ako pagkatapos ay maliligo na."
He and Eloisa started preparing. Nang makapagbihis ang dalawa ay nag-taxi sila patungo sa subdivision kung saan ito pinalilipat ng amo. Hindi nga lamang siya maaaring isama ng kapatid dahil mukhang pinagseselosan siyang dating boss nito. Kahit naman tago ang totoo niyang kasarian ay kotang-kota na siya sa bugbog.
Wala ang may-ari ng sasakyan nang kunin nila ang mamahaling SUV. Iniwanan lamang ang susi sa katulong dahil nag-jogging umano ang bagong boss ng kapatid niya.
They were almost done putting the boxes in the SUV when Eldritch finally decided to tell his sister the truth. Gusto niyang malaman na nito ang sikreto niya bago pa man sila maghiwalay ng tirahan.
Noong una akala niya ay pandidirihan siya nito. Ganoon naman, 'di ba? Salot ang tingin ng mga tao sa tulad niyang pinili ang ibang daan.
Sometimes he wonders if he would ever accept the truth about himself. Siguro ay dahil lumaki siyang alam niya ang mga turo ng Bibliya. Babae at lalake lamang ang ginawa ng Panginoon. Hindi kabilang ang uri niya, pero kahit na ganoon, kahit na alam niyang wala siyang pwesto sa kaharian ng Maylikha, gusto pa rin ni Eldritch na manatiling matatag ang pananampalataya niya.
"Dito, kuya," turo ni Eloisa nang matanaw ang lilipatang bahay.
He slowed down until he finally parked the car in front of a large two-storey house. Dahil inhinyero ay namangha si Eldritch sa istraktura ng tahanan. No, it's not just about the design. It's how strong the home looks like.
Gusto niya sanang purihin ang bahay ngunit nang makita ang matalim na titig ng dating boss ni Eloisa ay tila umurong ang dila niya. Titig pa lamang nito ay parang sinasabi nang ilang beses na siyang sinapak ng lalake sa isip nito. Natatakot tuloy siyang lumapit. Baka wala pa siyang ginagawa ay lumipad na ang kamao nito sa kanyang pisngi.
Pagod na pagod na siyang mabugbog. Tama na.
Eldritch was about to dodge Kahel's deadly gaze when someone familiar went out of the house. Ganoon na lamang ang pagkaestatwa ni Eldritch nang namukhaan niya ang lalakeng palapit sa kanila ng kapatid niya.
His heart started pounding loudly inside his chest. Ni ang kumurap ay hindi na rin niya magawa dahil titig na titig sa lalake. Hindi siya pwedeng magkamali. It was the guy Aura tried to rob and the same guy he ditched after getting the money!
"Hey, traffic ba?" the familiar man asked that made Eldritch nearly turn away so the guy wouldn't see his face. Kaya lang napako na yata ang mga paa niya sa kinatatayuan. Parang bigla siyang pinagpawisan at gusto na lamang tamaan ng kidlat nang matakasan ang kahihiyan!
Shit! What if Kali remembers him? Paano kung sabihin nito sa kapatid niya ang ginawa niyang pagtakbo ng pera nito noon dahil lang ayaw niya itong samahang makipag-s*x sa babae? He'd already given Eloisa enough problems. Ayaw na niyang dagdagan pa ang stress ng kapatid niya. Paano na 'to?
"Uh, medyo lang po. Nagdahan-dahan lang din si Ku--" Tumigil ang kapatid niya sa pagsasalita nang mapatingin ito sa dating amo. Maya-maya ay iniyakap ni Eloisa ang braso sa kanya saka muling nagpatuloy. "Alam mo na, gusto akong ingatan nito."
Napalunok na lamang si Eldritch nang makitang lalo pang tumalim ang tingin ni Kahel sa kanya. Mukhang hindi naman siya sa bugbog ng pinagkakautangan niya siya mamamatay. Parang dahil yata sa dating amo ng kapatid niya!
Kali looked at his brother while trying to supress a grin. "Nandito na sila. Pwede ka nang pumasok sa office, kuya. I'm sure Eldritch is strong enough to carry their stuff." Nakangising tumingin si Kali sa kanya dahilan upang biglang magwala ang dibdib ni Eldritch. "Right, Eldritch?"
Suddenly, Eldritch forgot about the five hundred thousand he took from Kali. All of the colors around him slowly became vibrant as if Kali's smirk was the only thing that matters. Wala tuloy siya sa sariling napatangu-tango habang titig na titig sa nakakurbang mga labi ni Kali.
Bakit parang nasa mga labi nito ang lahat ng solusyon sa bawat problema ng mundo?
Biglang napabalik sa sarili si Eldritch nang pigain ng kapatid niya ang kanyang braso. Tinamaan tuloy siya ng hiya. Ano bang nangyari? Nakakatakot namang titigan ang mga labi ng lalakeng iniwan niya noon sa ere. Bigla siyang nawawalan ng konsepto ng reyalidad!
Eldritch did his best for the attention to not focus on him. Kaya lang talagang gusto yata siyang durugin nang pinung-pino ni Kahel kahit na wala naman siyang ginagawa para pagselosin ito. Nilait pa nga siya!
Hindi na lamang nakisali si Eldritch sa pang-aasar ni Kali at ng kapatid niya kay Kahel. He started bringing the boxes inside just so Kali wouldn't have enough chance to look at him. Mahirap na at baka bigla siyang makilala. Wala pa naman siyang pambayad dito ngayon.
As if Kahel was trying to compete with him, Kahel grabbed a large box effortlessly. Binangga pa nito ang balikat niya kaya mahinang natawa si Kali habang umiiling.
"Pagpasensyahan mo na," Kali said as he walked towards Eldritch. Hindi naman ito matingnan ni Eldritch nang diretso sa mga mata lalo na nang tapikin nito ang balikat niya.
Goodness! Tapik lang naman iyon pero bakit parang gusto nang tumalon ng kanyang puso patungo sa mga palad nito? Hindi siya maharot na tipo pero bakit . . . bakit masyado yatang malakas ang epekto ng binata sa kanyang sistema?
Eldritch swallowed the pool of saliva in his mouth. "A-Ayos lang."
He tried to lift another box when Kali placed his hand on top of it. Napatingin si Eldritch sa mga mata nito habang malakas na nagwawala ang kanyang dibdib.
"I think I know you," Kali said before he smirked. "You're that guy."
Lalong lumakas ang kabog ng puso ni Eldritch. s**t! s**t! Ito na nga ba ang sinasabi niya!
Muli siyang napalunok. "B-Babaya--"
"Ikaw 'yong magaling mag-poker, 'di ba? I've seen a photo of you. My friend recommended you. Tagal ko nang gustong matutong mag-poker."
Napakurap si Eldritch. "H-Huh?"
"You play for other people, right? I know it's you."
"A-A . . ." He struggled to act cool. "Uhm, y-yeah I . . . I play. P-Pang-extrang kita."
"Nice." Kali smirked. "Labas tayo mamaya. Wala ka pa namang trabaho. Ako naman magiging boss mo."
"L-Labas?"
As if Kali realized something, bigla itong napataas ng dalawang kamay sa ere. "Oh, no no no, man I'm straight. I'm not asking you to go on a date. I meant let's go out and play." Ngumisi ito. "And then let's chill later with some girls. You know? Just a friendly invitation from a straight new friend."
"Right . . ." Napabuga ng hangin si Eldritch. "Straight. You're straight."
'I'm not,' dugtong ni Eldritch sa kanyang isip bago alanganing natawa.
"Yeah, man? Let's have some fun later. Get comfy with each other so we can work better once you're finally in my department." Tinapik na naman nito ang balikat niya. "I'll give you a lot of girls tonight."
Alanganin na lamang na ngumisi si Eldritch habang tumatango. Lintik naman, oo. Mukhang sa pagkakataong ito ay wala na siyang takas sa pagyayaya nitong magmukbang ng tahong.
He sighed after Kali left to bring a box inside. If only Kali knew he's allergic to seafood . . .