Kabanata 2

1356 Words
SI KALI DUCANI-HERRERA na yata ang pinaka-playboy na lalakeng nakilala ni Eldritch. Gabi-gabi na lamang ay hinahatak siya ng boss niya sa kung saang-saang party club para lang mambabae. Wala namang magawa si Eldritch kun'di ang samahan ang amo nang hindi ito magtampo. "It's too loud here! Let's go somewhere else!" sigaw ni Kali habang may akbay na babae. Tumango lamang ang bored na bored na si Eldritch. Iritang-irita na siya sa malikot na kamay ng babaeng ipinasa ni Kali sa kanya kaya lang ay hindi naman niya iyon matanggal dahil baka mahalatang lalake rin ang gusto niya. They stood up with all the girls who wanted to hangout with them. Nadinig pa ni Eldritch ang paghagikgik ng isa sa mga babaeng inaakbayan ni Kali dahil pinalo ni Kali ang pang-upo nito. Napailing na lamang tuloy si Kali. Mukhang kailangan na naman niyang isama si Kali sa mga panalangin niya dahil sa mga pinaggagagawa nito. "E! Can you still drive?" tanong nito pagkalabas nila ng club. Tumango si Eldritch. Iniabot naman ni Kali ang susi ng sasakyan sa kanya saka nito sinabi kung saan sila pupunta. Kali sat on the backseat with the two girls on his sides. Sa harap naman naupo ang babaeng lumalandi kay Eldritch at nakapagpapakulo ng dugo niya magmula pa kanina. "Kali, ang ganda-ganda talaga ng katawan mo. Do you work out a lot?" malanding tanong ng isa sa mga babaeng katabi ni Kali habang nagmamaneho si Eldritch. "Yeah, I do. Every morning at the gym and every night in the bedroom. Gotta keep the muscles in the right places," sagot ni Kali saka ito humalik sa leeg ng babae. "Hmm, you smell like someone I'd sniff all night." Eldritch nearly groaned. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili. Napakaharot talaga ng kanyang boss! Minsan napapaisip na siya kung totoong magkapatid sina Kali at Kahel dahil napakalayo ng ugali ng mga ito. Itinigil ni Eldritch ang sasakyan sa basement ng isang matayog na building. Nasa roof deck ang sports bar ng kaibigan nito at doon ang kanilang tungo. They all went out of the car and headed to the elevator. Kaya lang dahil may iba pang nakasabay sa elevator ay medyo nagsiksikan ang grupo. Eldritch felt so uncomfortable after he was pushed back even further until his back was already pressing against Kali's chest. Parang pagpapawisan yata siya nang malagkit lalo nang may ilan pang sumakay sa elevator. Diyos ko! He could already feel Kali's crotch against his ass because of how little the space is! Napapalunok tuloy siya ng sariling laway! That thing he's feeling against his body is not a f*****g joke! Kaya naman pala kulang ang isang babae rito. Mukhang higante naman pala ang kargada! "Hey, man. You okay?" tanong ni Kali nang makalabas sila ng elevator. Paano ay nahuli siya sa paglalakad dahil parang ngayon lang niya naalala kung paano huminga. Nanlalambot din ang mga tuhod niya at may ilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Eldritch swallowed the pool of saliva in his mouth before he nodded. "Yeah, I'm okay." Ngumisi si Kali saka siya inakbayan. Muli lamang tuloy nagwala ang dibdib niya. Ano ba naman 'tong taong 'to? Palagi na lamang ba siya nitong bibigyan ng ikanenerbyos niya? "You don't seem happy with your girl. Anything you wanna share with me so I'd know how to make you happy, hmm?" tanong ni Kali. Lalong kinabahan si Eldritch. "W-Wala, Sir. A-Ano lang ho . . ." Tumaas ang may kakapalang kilay ni Kali. "Virgin ka pa ba?" Namula sa hiya si Eldritch. Did he really have to ask that? Kali whistled. "Now I understand." "Wait, no." Eldritch sighed. "I'm not a virgin. I just . . . don't like doing stuff like this." "Oh." Napahinto sa paglalakad si Kali. "Bakit naman?" 'Kasi ayaw ko ng petchay', ani Eldritch sa kanyang isip. "My dad is a pas—" "Uy, nandito ka pala. Tagal mo nang hindi nagpapakita, Engineer, ah?" Natigil ang sinasabi ni Eldritch nang marinig ang pamilyar na tinig. Virgel and his men grinned as they walked towards him. Nabalot ng takot ang dibdib ni Kali. Nanlamig ang kanyang mga palad at halos hindi niya magawang salubungin ang tingin ni Virgel. "You know these people?" tila nakatunog na tanong ni Kali. Eldritch pursed his lips and nodded. Natatakot siyang kung sumpungin ng saltik si Virgel ay madamay si Kali kaya bago pa man iyon mangyari ay humugot na siya ng hininga saka niya ibinaling ang tingin kay Kali. "Mauna ka na sa loob, Sir. Susunod ako. Kakausapin ko lang sila sa baba." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Kali. He walked towards the elevator while Virgel and his men followed. "Balita ko maganda ang bago mong trabaho, ah? Edi makakabayad ka na ng utang sa'kin niyan?" tanong ni Virgel habang nasa elevator sila. Kali avoided Virgel's gaze. Nanginginig ang mga kamay niya sa takot dahil alam na niya ang mangyayari nito pagkarating nila ng basement. "M-Magbabayad a-ako sa . . . sa sahod ko," pilit niyang sabi. "Babayaran mo na ba lahat?" tanong nitong muli. Lumunok si Eldritch. "H-Hindi pa kaya ang buo—" "Paano 'yan? Kailangan ko na ang buo?" Ngumisi ito saka siya hinawakan sa kwelyo at hinatak palabas nang marating nila ang basement. "Alam mo namang nag-iinit ang ulo ko kapag hindi nababawi ang pera ko, hmm?" Takot na takot na tiningnan ni Eldritch ang mata nito. "Tatapusin ko kaagad, Virgel. Pangako—" Eldritch groaned when Virgel suddenly punched him in his stomach. Hindi rin nito binitiwan ang kwelyo niya nang hindi siya matumba. "Sinasabi ko na sayo, Eldritch. Rinding-rindi na ko sa mga pakiusap mo. Baka gusto mong 'yong kapatid mo na lang ang singilin ko, hmm?" Mabilis na umiling si Eldritch kahit na halos hindi siya makahinga sa lakas ng suntok na natamo. "Huwag, Virgel. Gagawan ko ng paraan—" "Ilang beses ko nang narinig 'yan pero ano? Puro ka tago, Engineer." Umismid ito. "Kailangan pa ba kitang lumpuhin para lang magtanda ka?" Eldritch shook his head. He begged to give him more time but Virgel is in the mood to beat him up. Itinapon siya nito sa sahig at pinagtatadyakan. Tuwang-tuwa namang nanood ang mga tauhan nito habang namimilipit sa sakit si Eldritch. Walang magawa si Eldritch kun'di ang tiisin ang bawat sipa at suntok habang tumatawa ang grupo ni Virgel. He's already coughing blood while silently shedding tears when he heard the elevator door opened. Maya-maya ay ganoon na lamang ang gulat niya nang lapitan sila ni Kali. Wala nang anu-ano itong nakipagsuntukan sa grupo ni Virgel. Bawat bato ng kamao ni Kali ay tumutumba ang tinatamaan. Napatulala na lamang si Eldritch habang pinanonood ang kanyang amo. Bakas sa gwapo nitong mukha ang matinding galit kaya kahit mag-isa lamang nito ay napaatras ang grupo ni Virgel. Kali clenched his jaw before he wiped the stain of blood on his lips. Maya-maya ay lumapit ito kay Eldritch saka siya tinulungang tumayo. Iniakbay rin nito ang braso niya sa balikat nito nang maakay siya nito patungo sa sasakyan. "What would you do without me, hmm?" ani Kali kahit halatang galit pa. Pilit na ngumisi si Eldritch. Maya-maya ay bigla niyang naalala ang mga kasama nila. "Ang mga kasama mong babae, Sir," paalala niya nang buksan nito ang pinto ng sasakyan. Kali sighed. "Forget the girls. You're more important." Sumikdo ang puso ni Eldritch dahil sa narinig. Alam naman niyang concern lang ito dahil nabugbog siya ngunit iba pa rin ang naging epekto sa kanya ng sinabi nito. He swallowed the lump forming in his throat. "T-Thank you, K-Kali." Kali's eyes soften before he smirked. Ginulo rin nito ang buhok niya bago ito sumagot. "Anong thank you? Kahit magkaibigan tayo may bayad 'to, bro." Pagod na ngumiti si Eldritch. "Ano bang . . . ibabayad ko?" Kali's smirk widened a bit. "Their names." He licked his lower lip. "And a bucket of beer that we could share once we're home . . ." Mahina na lamang na natawa si Eldritch sa kabila ng sakit ng katawang nararamdaman. Sunog-baga talaga ang bago niyang kaibigan .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD