A/N: I'm gonna start skipping timelines from this point. You have to read Kahel's story para ma-gets mo kung ano 'yong mga na-skip na parts. ELDRITCH couldn't help but notice the expression written on Kali's face as soon as he opened the door of his apartment. Hindi niya inasahang pupunta ito ngayon dahil ang alam niya ay mayroong family dinner ngayon ang pamilya nito. Umuwi raw kasi ang tiyahin nito galing ng ibang bansa kaya nagtataka siya ngayong naririto si Kali at halos hindi maipinta ang mukha. "What's with the face? Is it because of Noa's wound?" tanong niya. Paano ay naaksidente ang pamangkin niyang si Noa kanina. Hindi naman daw malala ang nangyari ngunit natakot pa rin sila. Kahit nga noong bumalik sila ni Kali sa opisina kanina ay hirap na itong mag-focus. "No," Kali replied

