OUT OF all the people Kali could've run to as soon as Eldritch decided to break up with him, si Barren pa talaga ang naisipang lapitan ni Kali para sa advice. Hindi na kasi niya alam ang gagawin niya. Isa pa ay may problema pa ang pamilya nila ngayon. Ayaw niyang dumagdag sa iniisip ng mga ito. He thought maybe Barren could help him, considering that Barren will understand his situation. Kali sighed while staring at his glass of whiskey. Nakaupo sila sa bar stool habang nasa sports bar ng isa sa mga kaibigan niya. "Things just keep on getting worse. After Eloisa's incident, Eldritch became more convinced that our relationship is a curse, and that God is punishing him." Mapakla siyang ngumisi. "Para na rin niyang sinabing lahat ng pinagsamahan namin, pagkakamali lang. 'Di ba nakakatawa?"

