ELDRITCH tried his best to keep his cool. Paalis pa lamang kasi ng meet-up place ay mabigat na ang dibdib niya dahil isinama ni Kali si Astra. Panay pa ang alaska ng mga empleyado sa dalawa nang nakarating na sila sa resort na pag-aari ng kamag-anak ni Kali. No matter how astonishing Raja Amor Suites is and the entire Monte Costa, Eldritch couldn't appreciate anything. Mahinang binangga ni Rachel ang balikat niya habang nasa tabing dagat sila at nagbo-bonfire. "Kanina ka pa wala sa mood. May problema ba?" He inhaled a sharp breath as he tried to smile. "I'm okay. Inaantok lang." Nakarinig sila ng tili mula sa mababaw na bahagi ng dagat. His chest tightened when he saw Kali carrying Astra on his shoulders. Nakipag-tulakan si Astra sa kakilalang naroon din sa Monte Costa. Pasan ito ni Kal

