"DO YOU WANT HER?"
Napatingin si Eldritch kay Kali nang marinig ang tanong nito. Mukhang napansin nitong titig na titig siya kay Elona kaya inakalang natipuhan niya ito.
He doesn't know what to answer. Nahihiya siyang sabihin dito na kapatid niya iyong babaeng hubo't hubad sa stage at pinagpipyestahan ng napakaraming mga mata.
"Which one?" seryosong tanong ng isa sa mga kaibigan ni Kali.
Nabaling sa lalakeng nagtanong ang atensyon ni Eldritch. Nakaputi itong polo shirt at maayos ang pagkaka-wax ng buhok. May suot din itong salamin sa mata habang ang hulmadong mga braso ay halos humapit sa manggas ng damit.
Judging with the way the guy's eyebrows twitched, Eldritch had sensed that the guy already knew whom Kali was asking him about. May gumuhit na selos sa mga mata nito. Tila ba handang makipagpatayan huwag lamang makuha ng iba ang kapatid niya.
Eldritch inhaled a sharp breath. "I just wanna talk to her." He pointed Elona. "That one inside the cage."
Napaayos ng upo ang kaibigan ni Kali. "Sorry, buddy but I'm taking that one out."
Eldritch looked at Kali for a moment before he cleared his throat. "I'm not interested to bed her. I just . . . wanna ask her about something. K-Kakilala ko 'yan kaya gusto ko sanang makausap."
The guy's expression screamed dominance. Maging ang paraan ng pag-upo at paghawak sa baso ng alak ay tila nagbabadya ng panganib. Tila walang balak na pagbigyan siya.
Kali inhaled a sharp breath. "Maybe he's just surprised to see her here. Sabi nga ni Eldritch, magkakilala sila. Ibalato mo na sa'kin 'to, Duncan. I'll assure you that Eldritch wouldn't snatch your snack from you."
The guy named Duncan fell silent for a few moments. Nakatitig lamang ito kay Eldritch habang mariing nakasara ang mga labi. Maya-maya ay bumuntonghininga ito at tinungga ang laman ng baso.
"Ten minutes. Tops," the guy said sounding so territorial.
Napalunok si Eldritch. "Thank you."
Kali stood up and whispered something to the staff assisting them. Tinawag nito si Elona sa stage at pinapunta sa isang silid. Duncan gave Eldritch a warning look. Tila sinasabing huwag siyang sosobra sa usap kun'di ay may kalalagyan siya.
Napabuntonghininga na lamang si Eldritch. Tinapik naman siya ni Kali sa balikat nang malagpasan niya ito.
He gave Kali a gentle nod before he finally followed the staff towards the room where they brought his sister. Pagpasok niya ng silid ay kitang-kita niya ang pagputla ng mukha ni Elona. She froze on her spot with her eyes widely open as if she's about to faint.
Humugot ng hininga si Eldritch. "Elona . . ."
He carefully took his steps towards her. Hinubad niya ang jacket niya at isinuot sa kapatid habang titig na titig ito sa kanya.
Elona's eyes slowly went bloodshot. Umiwas ito ng tingin kasabay ng paghugot ng matalim na hininga. "If you're here to call me a hypocrite--"
"Kumusta ka na? Kumakain ka ba nang maayos? May pumilit ba sa'yo na magtrabaho rito? Pumayat ka. Inaalagaan mo ba ang sarili mo?"
Napatitig sa kanya si Elona. Tila hindi inasahang itatanong niya ang mga bagay na iyon. Why? Did she think he'd laugh at her? Call her a slut? Judge her for choosing this life instead despite them coming from a religious family?
Elona's eyes watered. "Why do you care? I've always been mean to you and Isa."
Bumuntonghininga si Eldritch. "Kapatid kita, Elona. Naninikip ang dibdib ko ngayon dahil alam kong kung bibigyan ka ng pagpipilian, hindi mo gugustuhing magtrabaho rito."
Elona scoffed. "Mali ka, kuya. I chose to be here. Mas madaling kumita ng pera. Men would fight to spoil me with their riches."
Lumamlam ang mga mata ni Eldritch. "Elona . . ."
Nagpunas ito ng luha. "Pabayaan mo na ako sa ginagawa ko, kuya. Sana naman hindi mo iparating 'to kina Daddy para lang ikaw ang maging paborito at pinakamatinong anak."
"What?" Nalukot nang husto ang noo ni Eldritch. "Hanggang ngayon ba naman iniisip mong magkakalaban tayo? Elona, magkakapatid tayo. Nagtutulungan dapat tayo, hindi 'yong tayo pa mismo ang magsasaksakan ng likod."
"Magtulungan? Kayo lang naman ni Isa ang laging magkakampi, 'di ba? Kapag namamalo si Daddy, si Isa ang lagi mong inuunang protektahan. Kapag sa school at wala sina daddy to get our cards, si Isa una mong pinupuntahan. Darating ka sa classroom ko, wala nang mga tao. I always come in last. Kahit sa family natin, I will always go unnoticed if I wouldn't be the one giving the most money."
Kumirot ang puso ni Eldritch. "Elona, that's not true. God, that's not true. Inuuna kong puntahan si Isa noon dahil maliit pa siya. I thought you would understand dahil hindi naman nalalayo edad natin. But that doesn't mean I don't love you the same. You don't come in last. I value the both of you. Kung alam ko lang na nagtampo ka sa'kin dahil sa mga 'yon sana ay inagapan ko at ipinaliwanag sa'yo." Namuo ang mga luha ni Eldritch. "Am I one of the reasons why you ended up here?"
Elona trapped her sobs. Tumalikod din ito sa kanya at tila pinakalma ang sarili. Nabalot sila ng katahimikan hanggang sa humugot ng hininga si Elona.
"I like it here. If you really care about me, you wouldn't let Daddy know where I work. Pakiusap lang din. Huwag ka nang babalik, kuya."
Bumagsak ang mga balikat ni Eldritch. Kilala niya si Elona. Mahirap mabago ang isip nito kaya kahit nasasaktan siya para rito ay mas pinili niyang lumabas ng silid bago pa bumigay ang dibdib niya.
Imbes na bumalik sa mesa nila ay tinahak niya ang daan patungo sa elevator. His tears began to build up as we pressed the elevator button. Masyado siyang okupado ng sakit na nararamdaman kaya hindi niya na namalayang humabol pala sa kanya si Kali.
Pasara na ang elevator nang isingit nito ang sarili papasok. The doors shut, trapping them both inside. Hindi kaagad nakakilos si Eldritch kaya nakita nito ang namumuong luha sa mga mata niya.
Kali's eyes softened, and without a word, he pulled Eldritch for a brotherly hug that broke Eldritch's last defense.
Napahagulgol siya sa balikat nito dahil sa sama ng loob sa sarili. Kung mas nanimbang ba siya noon sa mga kapatid niya ay mangyayari ito kay Elona?
Ang sakit isiping isa siya sa naging dahilan kung bakit mas pinili nito ang ganitong buhay. Kuya siya. Dapat iniingatan niya ang mga kapatid niyang babae pero ano? Nasaan si Elona ngayon?
Kali patted his back. "You can tell me what's going on or you can just keep it to yourself. Nandito lang ako, bro. Iyak ka lang. Ayos lang 'to."
Eldritch sniffed. Imbes na mailang ay unti-unti niya itong niyakap pabalik habang malayang pumapatak ang kanyang mga luha.
Kali's hug might not solve his problems or mend the pain he's feeling, but this is all he needs right now.
Kali . . . is all he needs right now.