Kabanata 7

1522 Words
HINDI napigilan ni Eldritch ang mapabuntonghininga matapos niyang maisalin sa tupperware ang iniluto niyang baon. He prepared twice of what he often makes because he wanted to invite Kali to lunch. Gusto niyang mag-apologize dito dahil pakiramdam niya ay nainis ito sa kanya kagabi. Hindi naman nito direktang sinabing napikon ito sa kanya. Sadyang naramdaman lamang niya dahil naging tahimik ito noong ihinatid siya sa apartment niya. He leaned against the sink then grabbed his phone. He's being tempted to chat Kali. Ngunit tuwing nakapagtitipa na ng chat ay kaagad din niyang binubura. He sighed then deleted his chat that said, 'good morning'. Nagtipa na lamang siya ng panibago saka lakas-loob iyong ipinadala. Eldritch: Morning. I made lunch for us. Kung kumakain ka ng Afritada, pwede tayong mag-share, Sir. He stared at his chat after sending it. Napalunok siya't bigla na namang kinain ng hiya. "Kainis, para ko naman siyang nilalandi," he murmured to himself before heaving another sigh. Ini-long press niya ang chat para sana i-unsend ngunit bago pa niya nabura ay na-seen na iyon ni Kali. His heart pounced louder while he's cheeks turned burning red after seeing the three dots bouncing up and down! Kali: I have a lunch meeting. Nakaramdam ng lungkot si Eldritch. MAgre-reply na sana siya rito na ayos lang ngunit kaagad na nasundan ang chat ni Kali. Kali: Move ko na lang meeting ko ng after lunch. Good morning by the way. Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Napakurap pa siya ng ilang beses habang titig na titig sa huli nitong chat. Totoo ba itong nababasa niya? Kali is willing to move his meeting just to have lunch with him? Nakurot ni Eldritch ang kanyang pisngi para tingnan kung nananaginip ba siya. Nang hindi gumana ang kurot ay sinampal-sampal niya ang kanyang sarili bago niya hinagod ang kanyang dibdib. "He's probably craving for Afritada. That's all," pangungumbinsi niya sa sarili nang hindi siya makaramdam ng mga bagay na alam niyang hindi niya dapat maramdaman dahil kay Kali. After all, Kali is straight. He's a notorious p***y enjoyer, right? He's probably just too friendly. Baka ayaw lamang nitong maramdaman niyang may nagbago sa pagkakaibigan nila dahil lamang nalaman nito ang tunay niyang kasarian. Imbes na mag-overthink pa nang husto ay naligo na lamang siya't naghanda na para sa pagpasok. Nagko-commute pa siya ngayon ngunit balak niyang kumuha ng motor sa susunod niyang sahod para naman hindi siya naiipit sa traffic. Sa makalawa na iyon at naipaalam na rin niya sa kapatid niyang si Eloisa. Habang nasa taxi patungo ng opisina ay sinubukan niyang i-chat si Elona. Hindi siya sigurado kung magre-reply ito ngunit binati pa rin niya ito ng 'good morning' at sinabihang mag-iingat ito palagi. "Salamat, manong," aniya sa matandang taxi driver saka siya lumabas. Saktong nasa may bungad si Kali at may kausap na babaeng empleyado. Napansin niyang bagsak at medyo magulo ang buhok nito ngayon. Naka-v neck shirt na puti na pinatungan ng royal blue blazer. Ang pambaba nito ay simpleng denim jeans at pares ng mamahaling rubber shoes. Napalunok si Eldritch nang mapagmasdan ito habang inaayos ang harapang bahagi ng buhok. Kali's lips slightly stretched for a smirk because of something the employee had told him. "Yeah, I definitely remember that. f**k, that's so lit!" ani Kali sa kausap bago nagawi ang tingin nito sa kanya. "Hey, E." He smirked. "Good morning." Eldritch felt embarrassed all of a sudden. Kung bakit ay hindi niya sigurado. Nahihiya niya na lamang tuloy itong nginitian at tinanguan bago siya bumati pabalik. "Morning, Sir." Iyon lamang ang sinabi niya bago nagmamadaling naglakad patungo sa elevator. He noticed that Kali bid goodbye to the employee he was talking to. Humabol ito sa elevator kaya parang nakaramdam ng pagkailang si Eldritch. "Dude, you okay?" tanong nito matapos sumara ang pinto ng elevator. Napalunok siya. "A-Ayos lang, Sir." Bahagyang kumunot ang noo nito. "Ayos lang? Ba't parang ilag ka sa'kin ngayon?" Umiling-iling siya. "Hindi ho. Ano lang, akala ko ho kasi badtrip kayo sa'kin dahil doon sa . . . huli nating napag-usapan kagabi." Lalong nalukot ang noo ni Kali. "No, I'm not? Did I do something that made you think that way?" He felt anxious yet still ended up telling Kali the reason why he thought that way. Para bang kapag dating kay Kali ay maaari siyang maging honest sa kung ano ang iniisip at nararamdaman niya. "Ano kasi, Sir. Ang tahimik mo na kasi kagabi no'ng hinatid mo ko." "Oh, that." Kali scoffed. "Oh, man. Sorry about that. No, no I wasn't mad at you. Nag-iisip lang ako kagabi kung paano ba kita matutulungang makita worth mo at hindi na mainis sa sarili mo dahil sa sexuality mo." Tinapik-tapik nito ang balikat niya. "I swear, I wasn't mad. I'm sorry if I somehow made you feel that way." The sincerity in Kali's eyes brought warmth in Eldritch's heart. Kali validated his feelings as if what he felt mattered to Kali. Ang sarap pala noon sa pakiramdam. "Salamat, Sir." Nahihiya siyang ngumiti saka niya ipinakita ang paperbag na dala niya. "Ito pala 'yong niluto ko. Kahit huwag mo nang i-move meeting mo, Sir. Pwede namang . . . i-ref ko sa break room at ipang-dinner na lang." "Pwede rin. I have no plans for tonight." Kali tapped his shoulder. "Kalma ka na. Hindi ako galit sa'yo. Focus na sa trabaho, bro." Tumango na lamang siya saka na lumabas ng elevator. Nahuli pa niya itong pinanonood siyang maglakad bago muling sumara ang elevator. Napahugot tuloy siya ng hininga't nahagod ang kanyang dibdib. Nakakainis. Bakit ba parang kinilig yata siya? "Kalma, Eldritch," he murmured to himself in a breathy way. "Kalma lang. Off-limits 'yon." Dumiretso na siya sa kanyang desk at sinimulan ang mga dapat na gawin. Mabuti na lamang at marami siyang kailangang tapusin kaya naokupa ng trabaho ang isip niya. Kali didn't move his lunch meeting anymore. Buong hapon din itong wala sa office kaya hindi na umasa si Eldritch na makakapag-dinner pa sila. "Bro, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Engr. Sabio sa kanya. Eldritch checked his wrist watch which Eloisa had gifted him. "OT muna, bro. Gusto ko na tapusin 'to." Tumango ito. "Sige, bro. Una na ko." Tinanguan na lamang niya ang huling katrabahong umuwi. Nang makalabas ito ng opisina ay muli siyang nag-focus sa ginagawa. Nag-earphones na lamang din siya at pinakinggan ang paborito niyang album ng The Script. The song 'Never Seen Quite Like You' was playing when someone walked inside the office. Kali's face relaxed as soon as their eyes met. Mabilis itong humakbang palapit sa kanyang pwesto saka nito hinila ang swivel chair na nasa kabilang desk. "Nasiraan ako ng kotse. Sa sobrang tagal maayos, bumili na lang ako ng bago," balita nito sa kanya. Napaismid si Eldritch. "Ganyang problema lang gusto kong tanggapin sa buhay ko," biro niyang kinatawa nilang pareho nang mahina. Mayamaya ay nagkatitigan sila. Their laughter slowly faded as they kept their gaze on each other's eyes. It was like they were both lost in trance for a few seconds before Kali managed to inhale a deep breath. "I'm starving, E," Kali said. Tumango si Eldritch. "Ligpit ko lang 'to. Hintayin mo na ko sa break room?" "G. I'll reheat our food," presinta nito bago tumayo at umalis ng opisina. Nagmamadaling iniligpit ni Eldritch ang mga gamit niya saka siya sumunod kay Kali. Nag-aalala na baka hindi naman ito marunong magpainit ng pagkain ngunit pagdating sa break room ay inaayos na nito ang mesang gagamitin nila. Sinenyasan pa siya nitong maupo na. Tila ba ito na ang bahalang maghain para sa kanilang dalawa. His heart warmed. Tahimik niyang pinanood si Kali na sandukan ng kanin at ulam ang mga pinggan nila. Nagsalin pa ito ng tubig sa kanyang baso bago nito sinabing kain na sila. Nahihiya siyang yumuko para magdasal. As if Kali noticed what he was trying to do, Kali bowed his head, too and allowed him to bless their food. "Kain na, Sir," alok niya nang natapos ang panalangin. Pinanood niya itong sumubo ng pagkain. Nang malasahan nito ang iniluto niya ay tila batang ngumisi. "Man, I could get used to this," may pag-iling na sabi ni Kali. Tumikhim si Eldritch saka nahihiyang nagsalita. "Pwede kitang . . . isakop palagi sa baon ko." "Really? I'll pay for your groceries and gas since you're going to feed me from now on." Umiling siya. "Hindi na, boss." "Alright, I'll just give you a raise then." He sighed. "Hindi na, Kali." "Fine." Kali put his utensils down. "Don't date anyone who might get jealous of me then nang hindi mahinto rasyon ko ng pagkain." Umismid siya. "Sino namang nagsabing makikipag-date ako?" Kali smirked then lifted a brow. "You won't date anyone yet, hmm?" "Hindi. Wala sa plano ko," direkta niyang sagot. "Good." Nagkutsara itong muli ng pagkain habang may munting kurba sa mga labi. "Huwag kang mag-alala. Kahit tumanda kang single, guguluhin pa rin kita palagi, bro. I will never let you feel lonely." He smirked. "Alam ko." Nginuya ni Kali ang pagkain sa bibig nito. "I got you, E. I got you . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD