Kabanata 9

1271 Words
KANINA pa panay ang pagbuntonghininga ni Eldritch. His conversation with Kali earlier this morning kept on bugging him. Wala tuloy siya sa focus ngayong nasa kalagitnaan sila ng meeting kasama ang engineering at architectural department. "Anything you would like to add, E?" tanong ng head engineer. Napabalik sa sarili si Eldritch. Umayos siya ng upo saka nahihiyang umiling. "Nothing, Engr." Tumango na lamang ito. Sa sulok naman ng mata ni Eldritch ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Kali. Tila ba sinusubukan siyang basahin ng kaibigan kaya bigla siyang naging maingat sa kanyang bawat galaw. The meeting ended after a few more minutes. Palabas na siya ng conference room nang senyasan siya ni Kali na huwag na munang umalis. They waited for everyone to leave before Kali walked towards him. "You're not yourself earlier. What's the matter?" tanong nito. Biglang tinamaan ng hiya si Eldritch. Of course, Kali is still his boss. Hindi pwede iyong ginawa niya kanina dahil lamang kaibigan niya ito. "Sorry, Sir. Marami lang iniisip," dahilan niya. Hindi niya ito matingnan nang maayos sa mga mata kaya halatang hindi siya pinaniwalaan ni Kali. Nahihiya naman kasi siyang magsabi ng totoo rito. Ano ba ang magiging atake niya kung sakali? How would he ask why Kali suddenly became interested about his type, right? Halos masapok na nga niya ang sarili kaninang umaga noong sabihin niya ritong gaya nito ang tipo niya. That was like an indirect hint that he likes Kali! Not that he had already admitted that to himself. Sadyang gaya lamang ni Kali ang tipo niya. Kali sighed. "I won't force you to tell me what's really bothering you, but if you wanna talk about it some other time, you know I will always be ready to listen." Pilit niya itong nginitian. Sa totoo lang ay nako-confuse na rin siya. Bakit nga kaya ganito si Kali sa kanya? Imposible namang type siya nito, hindi ba? Kali is a straight guy. Imposible namang magbabago ang sexuality nito nang gano'n-gano'n na lamang? "Thank you." He inhaled a sharp breath. "Uh, sana hindi ka ano . . . nailang doon sa . . . huli kong chat?" nahihiya niyang sabi. Kali snorted. "Ba't ako maiilang, bro? Nakaka-flutter pa nga." Tinapik nito ang balikat niya. "Don't worry about it. We're good." Nahihiya siyang tumango. "Salamat, Sir." Kali smiled. Maya-maya ay nag-check ito ng suot na wrist watch. "Let's have lunch instead. May schedule ako mamayang gabi." "Magka-clubbing kayo?" he asked. Umiling ito. "Nope." Kali smirked. "May kikitain lang." Tumango na lamang siya. "S-Sige." He cleared his throat. "Punta na ko sa office, Sir. Mamayang lunch na lang." ELDRITCH was nearly done with his task when Kali walked inside the empty office. Siya na lamang ang naroroon dahil sinasadya niyang mag-overtime palagi. Nakasanayan na kasi nilang mag-dinner nang sabay sa break room kaya naman kahit hindi siya required na mag-overtime ay nagpapahuli siya parati. Saka lang din sila hindi sabay na mag-dinner kapag may biglaang lakad si Kali. Napapadalas iyon nitong mga nakaraang araw ngunit wala naman siya sa posisyon para umusyoso. "Hey, almost done?" Kali asked. Tumango siya. "Magliligpit lang ako." "Sure. I'll heat up our food," presinta nito. Pinanood niya itong lumabas ng opisina bago siya nagsimulang magligpit. Nang natapos ay umalis siya ng office dala ang bag niya. Somehow, this time of the day became something that Eldritch looks forward to. There's something therapeutic with the way he shares a meal with Kali. Siguro dahil para siyang may free therapy session kapag magkausap sila sa break room. They would sit in front of each other and then discuss the things going on in their minds. "Ako na sasandok," presinta niya nang makaupo si Kali sa pwesto nito. Bago pa makapagreklamo si Kali ay nilagyan na niya ito ng kanin sa plato. Napansin niyang napangiti ito nang bahagya. Tila ba natutuwang makitang siya naman ang nagsisilbi rito. Tumikhim siya upang mapawi ang katahimikang bumabalot sa kanila. "Bro, sa Saturday balak ko nang kumuha ng motor ko. Hindi mo na ko kailangang ihatid sa apartment." Paano ay imbes hayaan siyang mag-taxi ay ihinahatid siya nito pauwi. Eldritch would often decline Kali's offer but he will always insist on giving him a ride home. Katwiran nito ay pa-thank you nito iyon dahil palagi niya itong isinasakop sa kanyang baon. "Motor?" Kali's forehead creased. "It's not safe, E. My uncle Keios had a terrible motorcycle accident before. He had amnesia. I can't let you have amnesia?" Napatawa siya nang bahagya. "Advance mo mag-isip. Hindi lahat ng naaaksidente sa motor, nagkaka-amnesia." "Well, my point is it's not safe." Dinampot nito ang kutsara't tinidor. "You can use one of my cars instead." He sighed. "Ayoko, Sir. Baka sabihin pa ng iba inaabuso ko na ang pagkakaibigan natin." "Then I will insist on giving you a ride home all the time. Don't get a motorcycle. Baka 'di na kita kausapin." Sumubo ito ng iniluto niyang beef brocolli. Napasara pa ng mga mata habang ninanamnam ang pagkain. "Sarap mo talaga magluto, bro." Kali pointed him with a fork. "You won't get a motorcycle. End of story." Napakamot siya ng ulo ngunit sa huli ay pumayag na rin sa nais nito. "Oo na." Kung bakit siya sumunod sa gusto ni Kali ay hindi rin niya sigurado. Maybe because he didn't want Kali to worry anymore? Siguro nga. Ayaw na niyang alamin pa ang tunay na dahilan dahil hindi pa siya handa. Kali opened a topic. Naging abala silang mag-usap tungkol doon habang kumakain. Ni hindi na nga nila napansin ang oras. Kung sabagay ay palagi namang ganoon. Minsan umaabot na sila ng alas dyes ng gabi sa break room dahil masyadong masarap ang kanilang kwentuhan. They were laughing about something when Kali's phone vibrated. Aksidenteng napatingin si Eldritch sa screen ngunit bago pa niya makita ang chat ay itinaob na ni Kali ang phone nito. Tila kinabahan pa ito dahil hindi magawang tumingin nang diretso sa kanya. Napalunok si Eldritch. "S-Sorry. Hindi ko intensyong i-invade ang privacy mo," paghingi niya ng paumanhin. "It's fine," Kali said in a breathy way. "Hey, uhm, I won't be able to join you for lunch and dinner tomorrow. You don't have to pack for me." Hindi alam ni Eldritch kung bakit medyo nalungkot siya sa sinabi nito. Siguro ay dahil nasasanay na siyang sabay sila palaging kumain ng lunch o dinner. Yumuko siya't dinutdot ang natitirang pagkain sa kanyang pinggan. "May . . . lakad ka?" "Uhm, yeah. I uh . . . I'm meeting up a friend," tila nagsisinungaling nitong sagot. Eldritch gently nodded. "Okay." Pakunwari siyang ngumisi rito. "Date yata 'yan, ah?" Kali smirked. "Hindi naman. First meet namin. Ayos naman siya kausap sa chat." Naging makahulugan ang ngisi nito. "I have a feeling na magugustuhan mo 'yon kapag napakilala ko na sa'yo." Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Eldritch. So Kali is planning to introduce him to the girl he's interested in? Oo nga pala. Magkaibigan nga pala sila. Of course, Kali would do that, right? "Siguro. Tingnan natin," sagot na lang niya saka na inubos ang natitira niyang pagkain. Naging tahimik na lang din siya habang nakayukong kumakain. Ewan ba niya. Parang biglang bumagsak ang enerhiya niya sa hindi niya matukoy na dahilan. Kali poured him a glass of water then pushed the glass towards him. "Isakop mo ko ng dinner bukas. I'll adjust my time tomorrow." Napaangat siya ng tingin. "Bakit?" "Kasi parang badtrip ka sa'kin." Kali slouched on his seat. "Ayoko no'n." Kumunot ang noo niya. "Ayaw mo ng ano?" Pinakatitigan siya nito sa mga mata saka ito bumuntonghininga. "'Yong naba-badtrip ka sa'kin . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD