ELDRITCH was nearly done with the last parts of revision he had to do with one of his projects when a delivery guy went in. May dala itong bungkos ng Pansy kaya hindi niya iyon binigyan ng atensyon. There are female engineers in their office so he didn't really think it was for him, until the delivery guy announced the name of the receiver
"Mr. Eldritch Leondez?"
Napatingin sa kanya ang mga kasamahan niya. Ang iba ay halatang nagtaka habang ang ilan ay nagsipagngisi.
Namula sa hiya si Eldritch. "Y-Yes?"
"Delivery po galing kay Mr. Barren Cabezon."
Umalingawngaw ang kantyawan mula sa mga inhinyerong kasama niya sa site noong nagdala ng pagkain si Barren. He doesn't really know if they are making fun of him or if they're just too open-minded about same-s*x relationships. Halos gusto na lamang tuloy niyang lumubog sa kinauupuan niya dahil sa pang-aasar ng mga ito.
"Pakisabi kay Chef Barren huwag niyang daanin sa bulaklak ang bata namin, ha? Magpakain ulit siya ng buong department hindi 'yong hanggang simula lang siya," biro ng isa sa mga kasamahan niya.
Eldritch sighed. Tinanggap na lamang niya ang bulaklak at iyong paperbag na kasamang idineliver para lamang makaalis na ang delivery guy.
"Salamat," aniya sa lalake matapos niyang pirmahan ang delivery slip. Bumalik din siya kaagad sa pagkakaupo saka niya inilagay sa ibabaw ng desk niya ang bungkos ng bulaklak.
The guy walked towards the door. Pagkalabas nito ay siya namang pasok ni Kali sa opisina. Kali's eyes instantly met his. Ang kurba sa mga labi nito ay unti-unting naglaho matapos nitong makita ang bouquet sa kanyang desk.
Eldritch swallowed the pool of saliva in his mouth while Kali was taking his steps towards him. Naupo ito sa edge ng desk niya saka nito dinampot ang bouquet para tingnan ang note na hindi niya napansing naroroon pala.
"Have an amazing day?" Kali scoffed. "Can't he think of something better to say?"
Bumuntonghininga si Eldritch. "Ang aga mong mamasyal dito, Sir."
"I was bored in my office." Ibinalik nito ang tingin sa note. Ang mukha ay hindi pa rin maipinta. "Kung ako ang magpapadala ng bulaklak, gagandahan ko ang mensahe. Instead of saying have an amazing day, I'd probably say, God must be smiling knowing that He had blessed the Earth with one of his best creations." Tumingin ito sa kanya. "You."
Uminit ang pisngi ni Eldritch. Napaiwas tuloy siya ng tingin kay Kali nang hindi nito mapansin ang naging epekto sa kanya ng sinabi nito.
"Padalahan mo na rin ng bulaklak, Sir. Kunwari ka pa, eh!" alaska ng isa nilang kasamahang babaeng si Bamby.
Nagtawanan ang buong department. "Kakanood ni Bamby ng Thai BL series, nakita na niya future agawan nina Sir Kali at Chef Barren!" asar ng inhinyerong katabi ni Bamby na si Rupert.
Bamby laughed. "Galingan mo, Sir! Mukhang trained ng BL series si Chef Barren!"
Eldritch groaned. He doesn't want to end up in hell but right at this moment, he just wishes for the Earth to crack open and let him sink.
"You're making Eldritch uncomfortable, guys." Kali sighed. "We're good friends. I am only looking after him."
Nalunok na lamang ni Eldritch ang sarili niyang laway nang marinig ang pagsasaway ni Kali sa mga empleyado. Tama nga naman ito. Magkaibigan lamang sila at concern lang ito sa kanya. He should never put meaning to anything Kali is doing, right?
Kali stood up then squeezed Eldritch's shoulder. "Sa office muna ko. I'll see you later."
Muling umalingawngaw ang kantyawan. Nakangisi tuloy na naglakad si Kali patungo sa pinto.
"Uy, Sir! Ba't bitbit mo 'yang flowers ni Engr. Leondez?" tanong ni Rupert saka humalakhak.
As if Kali just realized that he was still holding the bouquet, namumula itong bumalik sa mesa ni Eldritch upang ibalik ang mga bulaklak.
"I was just checking for uhm, bugs and . . . and worms. Right." His adam's apple bobbed up and down. "Yeah, bugs and worms," namumula nitong dugtong bago na tumalikod at tila nahihiyang lumabas.
Eldritch shook his head as he scanned their entire office. "Kapag tayong lahat nasesante dahil sa kalokohan ninyo."
Nagsipagngisi lamang ang mga kasamahan niya. Some teased him more until they gone tired and finally went back to their respective tasks. Nag-chat na lamang din si Eldritch kay Barren upang pasalamatan ito sa ipinadalang bulaklak at pagkain bago siya nag-focus sa kanyang trabaho.
It was nearly the end of his shift when Eldritch received a chat from his sister, Elona. Nakikipagkita ito sa kanya sa isang cafe malapit lamang sa opisina nila.
Eldritch agreed to meet her after his shift. Nang natapos ang shift niya ay icha-chat niya sana si Kali upang sabihing may pupuntahan lamang siya sandali kaya lang ay na-lowbat ang phone niya.
He sighed then looked at Engr. Julian. "Engineer, uuwi ka na ba?"
Sinulyapan nito ang suot na relos. "Thirty minutes pa naman. Why?"
"Pakisabi naman kay Sir Kali na may pinuntahan lang ako sandali. Babalik din ako."
Tumango ito. "Sige."
Nagpasalamat siya rito bago siya tuluyang umalis ng opisina. He took a taxi going to the cafe where Elona wanted them to meet. Pagkarating sa cafe ay halos isa't kalahating oras pa siyang naghintay bago ito dumating.
"Elona," masaya niyang tawag sa kapatid saka niya itinaas ang kamay niya upang makita siya kaagad nito.
Elona breathed in a sharp breath as soon as she took a seat. "Pwede ba kitang makausap, kuya? Tungkol lang sa . . . binabalak ko."
Kumunot ang noo niya. "O-Oo naman. Ano ba ang plano mo?"
Napansin niyang bahagyang nanginginig ang mga kamay nito. Tila ba kabado kahit na pinipilit nitong magpanggap na kalmado sa harap niya.
Eldritch sighed before he held Elona's hand. Napatitig sa kanya ang kapatid na tila hindi nito inasahan ang ginawa niya.
He flashed a brotherly smile at Elona. "Magsabi ka lang. Hindi kita huhusgahan."
Lumamlam ang mga mata nito. Maya-maya ay binawi nito ang kamay saka ito humugot ng hininga. Iniwasan din nito ang tingin niya bago ito nagsalita sa malamig na boses.
"I'm planning to leave the club oras na matapos ko ang pagpapaayos sa bahay."
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Eldritch. "That's good news-"
"Tatapusin ko na rin ang communication kina Daddy at . . . sa inyong lahat."
Napakurap si Eldritch. "What?"
Elona cleared her throat. "I wanna start a new life someplace else. I wanna . . . I wanna forget everything. To . . . leave my entire life behind." Sa wakas ay tiningnan siya ulit nito. "Pagod na akong maging si Elona Leondez."
"Elona . . ." Eldritch dragged his chair a little closer to her. "Hindi mo kailangang ibaon sa limot ang pagkatao mo. You can always start over without forgetting about your past-"
"But I don't want to continue living as this stupid girl. I want a fresh start. I want a new identity. I want . . ." Nangilid ang mga luha sa mga mata nito. "I cannot carry my name anymore knowing that every damn time someone calls it, isang tao ang palagi kong maaalala."
Lumamlam ang mga mata ni Eldritch. "Have you . . . fallen in love?"
Pumatak ang luha nito ngunit kaagad ding nagpunas ng pisngi. "I should go. Sinabihan lang kita kasi baka mabigla ka oras na tumigil na ako sa pagpapadala ng pera kina Daddy. I am done competing with you and Isa. Sana naman wala kang pagsabihan."
"Elona, please-"
His sister stood up and left. Napabuntonghininga na lamang siya't ihinilamos ang palad sa mukha. Ni hindi siya kaagad nakaalis sa cafe. Ilang minuto pa siyang nanatili roon bago niya nagawang bumalik sa opisina.
Dahil sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay bagsak ang mga balikat siyang naglakad patungo ng office. He pushed the door open, only to find Kali waiting for him inside.
Napatayo ito mula sa pagkakasandal sa desk niya. The small smile on his face slowly faded away as if Kali had realized that he doesn't feel good at the moment.
As if there's no need for Eldritch to still tell him what's going on nor how he was feeling, Kali took his steps towards Eldritch and locked him in his arms.
Kali breathed in a sharp breath. "It's okay. You don't have to tell me anything. Just let me be here for you," he said in a low and gentle voice.
Napasara ng mga labi si Eldritch bago niya unti-unting iniyakap ang kanyang mga braso kay Kali.
"Kali . . ." he called in almost a whisper. "Ang hirap . . ."
Kali rubbed his back. "We'll carry it together from now on . . ."
Eldritch found his lips forming a small yet genuine smile as he tightened his hug on Kali.
Whatever Kali means by what he said, Eldritch has finally realized something.
Kali is already holding a special place in his heart, and he will always keep that special place entirely for Kali . . . maging tugma man ang t***k ng kanilang mga puso o hindi pagdating ng araw.