Author Note : Sorry kung matagal ang update nito, kailangan ko pa kasing iedit at baguhin ang halos lahat ng chapter. 3500+ words per chapter nito kaya matagal talaga.
Hanggang ngayong iedit pa siya kaya hindi ko alam kung hanggang kailan 'to ma-uupdate ng buo. Hanggang Chapter 50 lang 'to sa orginal na book 2, ganun pa rin siguro.. May ibang story rin naman ako, kung gusto nyo basahin. Hehe!.. Enjoy Reading na lang... (SLOW UPDATE!)
Chapter One:
Pippa Zhynly's POV
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang makita namin na gumalaw ang kamay ni Twilight. Ngunit hindi na iyon muling naulit pero sabi na doctor niya maayos na ang kalagayan niya. Ang paggising na lang niya ang dapat naming hintayin dahil iyon din ang hinihintay ng lahat, lalong-lalo na si Tita Ninang. Maraming nagtangka sa buhay ni Twilight habang nasa hospital siya mabuti na lang, mahigpit ang mga bantay sa paligid niya. Kaya hindi maiwan-iwan ni Tita Ninang si Twilight dahil sa mga taong nagtatangka sa kanya. Naaawa rin ako kay Tita Sunlight dahil alam kong may iniinda siyang sakit.
"Tita..." gising ko kay Tita Ninang habang nakayuko siya sa kama at nakahawak sa kamay ni Cous.
"Hmm.." taas niya sa ulo niya. "Bakit, Pippa?"
"Sinabi po ni Tito Dark na umuwi na po muna kayo. Nasa office pa rin po siya hanggang ngayon" sabi ko. "Magpahinga muna daw po kayo sa bahay"
"Ayokong umuwi, ayos lang ako dito. Pakisabi na lang kay Dark na dito lang ako sa tabi nang anak namin. Kung wala siyang pake sa anak niya, pwes ako meron!" sabi niya at tinignan si Cous.
Naging busy si Tito Dark dahil siya ang nag-aasikaso sa mga naiwang trabaho ni Tita Sunlight. Tumutulong din si Papa, pero alam ko nahihirapan rin si Tito Dark sa mga nangyayari lalo na't sunod-sunod ang meeting sa Organisasyon at ang pag-aalala niya sa mag-ina niya. Akala ni Tita Ninang, wala nang pakialam si Tito Dark kay Twilight pero kitang-kita ko ang paghihirap niya lalo pa't malamig ang pakikitungo ni Tita Ninang sa kanya dahil sa mga bagay na hindi nila pagkakaunawaan.
"Tita, baka kayo naman po ang magkasakit. Alam nyo naman po na ayaw na ayaw ni Cous na makikita kayong may sakit" bakas kasi sa mukha ni Tita Sunlight ang pagod at pagkapayat niya dahil sa pagbabantay niya kay Cous.
"Siguro, gusto niyang marinig ang boses ni Cloude" sabi ni Tita. Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano kaya kung papuntahin uli natin siya dito?"
"Tita... Alam nyo naman pong may amnesia si Cloude, hindi niya po kilala si Twilight. Napilitan lang po siyang pumunta dito" pigil ko sa inis ko dahil marinig ko ang pangalan ni Cloude. Ayoko nang makita ang mukha niya, naiinis ako sa mga sinabi niya kay Cous.
"Ganun ba?... Nakalimutan niya na si Twlight? kaya pala kahit minsan hindi ko siya nakita dito." tumango ako.
"Tita, please... umuwi na po kayo, kailangan nyo rin magpahinga ng maayos. Nasa labas na po ang driver at si Jacob. Yung ibang mga kaibigan namin pupunta rin po sila dito ngayon" tingin ko sa kanya.
"Sige, but sa hotel na lang ako malapit dito magpapahinga... Magdadala na lang ako ng tao" tayo niya.
"Tita, Please, call or text Tito Dark. Sana hindi na po kayo maging cold sa isa't-isa. Alam niyo naman ayaw ni Cous 'yon, right?" tingin ko sa kaya at ngumiti naman siya.
"Sige.. wag ko na kaming problemahin, Pippa." Ngumiti ako at niyakap si Tita. "Aalis na ako, tawagin mo na lang ako, okey?"
"Yes, Tita I will call you" ngiti ko at lumabas na siya.
Umupo ako sa upuan. "Hi! Cous, isang taon na, hindi ka pa rin nagigising? New year na oh!? At hindi mo tuloy nakita 'yung fireworks at hindi ka rin nakapag-adventure with Jacob and Homer. Diba iyon ang trip ninyo kapag nagbabakasyon?" I smiled.
"I promise kapag nagyaya ka uli na mag-adventure, sasama na ako. Kahit ano pa ang trip mo, Cous. I miss your presence, Cous. Please wake up..." I smiled bitterly.
"Pips.." lapit sa akin ni Jacob at niyakap ako. "Bakit ka umiiyak?"
"Tss! Hindi no?" punas ko sa luha ko. Namimiss ko lang talaga si Cous. Alam ko naman na magigising siya, hindi lang ako makapaghintay na mangyari yun.
"Hindi? eh, tignan mo nga 'yang kamay mo pinupunasan mo ang luha mo diba?" turo niya sa kamay ko.
"N-Namiss ko na kasi si Cous, namiss ko na 'yung mga bagay na magkasama kami, 'yung binibilan ko siya ng cupcakes at laki-laki ng ngiti niya na parang first time niya makain ng cupcakes" sabi ko.
"Na-miss ko rin naman ang mga jokes niya kahit hindi niya alam na nag-jojoke siya. 'Yung mga ngiti niyang pangbata miss ko rin yun." Nakita kong ngumiti si Jacob nang tumingin kay Cous. Napatingin rin ako kay Twilight.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
May hawak akong baril at hindi ko alam kung bakit may hawak akong baril, gusto ko sanang itapon na lang ang baril pero may nakita akong lalaki na papalapit sa akin. Nakita kong ang pagbunot niya sa kanyang baril at agad kong tinutok sa kanya ang baril na hawak ko pero tumumba na siya. Lumapit ako kanya at tinignan ang kalagayan niya. Pero tinutukan niya ulit ako ng baril at may tumama sa aking bala na kinatumba ko. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko at parang hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko.
"Twilight!..." rinig kong tawag sa akin. Pinilit kong dumilat at nakita ko ang isang lalaki na umiiyak sa harapan ko. Malabo ang mukha niya pero may sinasabi siya sa akin na hindi ko maintindihan.
Nasa isang park ako habang nakatingin sa mukha ng lalaking kahawakan ko ng kamay. Masaya ang pakiramdam ko habang kasama siya kahit hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakarinig ako ng putok ng baril at hinila niya ako para tumakbo. May kinuha siya sa tagiliran niya at nakita ko ang isang baril na hawak niya.
"Tumakbo kana! Run!" sabi niya.
"Pero--"
"I said... Run!" sabi niya. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin kaya tumakbo at iniwan siya. Hindi ko alam kung saan ako patungo dahil kahit lumingon ako hindi ko na siya makita. Masakit ang dibdib ko habang patuloy na tumatakbo. Umiiyak na ako habang patuloy pa rin tumatakbo.
"Omygosh... Twilight!" rinig ko sa pamilyar na boses. Gusto kong dumikat pero nasisilaw ako sa liwanag na nakikita ko. Hanggang sa ilang minuto na nasasanay na ang mata ko unti-unti na akong dumilat.
"Cous!" nakita ko ang mata ni Zhynly na nakatingin sa akin. May luha ang mga mata niya pero nakangiti pa rin siya. Napatingin ako sa katabi niya si Jacob at nakangiti rin habang nakatingin sa akin.
"Bella..." sabi niya.
"I need to call Tita Ninang" sabi ni Zhynly. Wala pala sila Nanay dito. Ano bang ginagawa ko dito? Anong nangyari sa akin?
"Ako na lang, Pips" sabi ni Jacob. Lumayo si Jacob kaya tumingin ako kay Zhynly na may kung anong ginagawa sa ulunan ko.
"I call your doctor" sabi niya. "Thanks, God. Gising kana" sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. "Siguradong matutuwa sila Tita Ninang" dagdag niya pa.
"Papunta na daw si Tita Sunlight at sinabi ko na rin sa tropa" sabi ni Jacob.
Nakita kong pumasok ang isang babae na nakakulay puti, sigurado ako siya ang tinutukoy ni Zhynly na Doctor ko. "Mabuti at nagising kana" sabi niya at ngumiti sa akin. May kung anu-anong tinitignan siya sa akin at hinayaan ko lang siya. Pagkatapos niya akong tignan ay lumayo na rin siya sa akin. "I'll come back later, to talk to her parents."
"Thank you, Doctora" sabi ni Zhynly.
Sinundan ko ng tingin ang Doctora hanggang sa makalabas siya sa pinto. Nakita ko ang mukha ni Homer na nakangiti habang kasama niya si Autumn kaya napatingin ako kay Zhynly. Nakita kong magkahawak ang kamay nilang dalawa. Anong meron?. Ano bang nangyari sa akin?.
"Sweetie!..." lapit sa akin ni Nanay habang nakatitig sa akin. Nakita ko ang pagluha niya pero nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Nagising kana rin" sabi niya.
"My Daughter" nakita ko si Tatay at hinalikan niya ako sa noo. Niyakap ni Tatay si Nanay. "I'm sorry" sabi ni Tatay. Bakit siya nang-sosorry? Ano bang nangyayari?. Pumikit na lang uli ako dahil sa pagbigat ng talukap ng mata ko.
---
(After 2 days)
Nagising ako sa ingay at tawanan na naririnig ko. Nang dumilat ako nakita ko si Zhynly at iba pang tao sa loob ng kwarto ko. Tumahimik sila at nakatingin silang lahat sa akin.
"Miss Twilight"
"Young Lady"
"Cous"
"Bella"
"Cat"
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Sino ba ang mga kasama ni Zhynly? At bakit nakatingin sila sa akin lahat?.
"Zhynly, si Nanay?" tingin ko kay Zhynly at hindi pinansin ang mga tao na nasa loob. Medyo na hihiya rin ako sa kanila, hindi ko naman sila mga kakilala. May party ba dito, kaya ba sila nandito?.
"Nasa labas kausap ng doctor mo" sabi niya at ngumiti. "By the way, Cous. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Ayos naman... Pero--" napatingin ako sa mga kasama nila. "Sino sila?".
"Bella, wag ka ngang magbiro uli ng ganyan, nadaan mo na kami sa ganyan" ngiti ni Jacob at tumingin kay Homer na katabi si Autumn.
"B-Bakit kasama nyo siya dito?" turo ko kay Autumn, kahit medyo nahihirapan akong kumilos. "Si-Siya ang may kasalanan kaya ako nalaglag sa bangin eh!" nakita ko ang pagkagulat ni Autumn. Bakit pa siya nagulat, totoo naman ang sinabi ko?.
Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang kumirot. Si Autumn ang may kasalanan kaya ako nagkaganito. Pero? Ang alam ko nakauwi na ako sa pagkatapos kong madala sa hospital noon? Nakapasok na rin ako sa school. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.
"Cous, are you okey?" tanong ni Zhynly kaya umiling ako at tumingin kay Autumn na nakatingin sa akin. "Guys, lumabas muna kayo" sabi Zhynly. "Jay, paki tawag naman sila Tito at ang Doctor ni Cous"
Lumabas na sila at kami na lang ni Zhynly sa loob. Hindi ko alam kung paano nagkakilala sila Jacob at Zhynly. Nakikita ko na sobrang close na close na nilang dalawa. Pakiramdam ko ang daming nagbago, ilang araw na ba akong natutulog? At anong bang nangyari sa akin? naguguluhan na ako.
"Zhynly, diba pagkatapos nang aksidente ko sa bangin naka-uwi na ako? Nakapasok pa nga ako diba?" tanong ko sa kanya pero hindi siya nakasagot ng pumasok sila Nanay at Tatay kasama ng Doctora.
"What happened, Zhynly?" tanong ni Tatay sa kanya.
"May hindi po siya yata maalala, Tito" rinig kong sabi ni Zhynly. Hindi maalala? Ako?. Ano naman ang hindi ko maalala?.
Tumingin sa akin si Tatay at lumapit siya sa akin. "Don't worry, everything will be fine" sabi niya.
"Pero, Tatay? Ano po ba 'yung hindi ko maalala? Tatay? Kilala ko naman kayo.. Si Nanay, Si Zhynly, Jacob, Homer, Tita Mama, at Tito Papa. Naalala ko po kayo, kaya imposible wala akong maalala" tiningin ko kay Nanay at Tatay. Wala naman akong nakalimutan eh? Imposible 'yung mangyari. Alam ko naman kung ano ang hinihigaan ko kama 'to diba?. O? Anong nakalimutan ko?.
"Twilight, may mga treatment na gagawin sa'yo. But for now, do not stress yourself to remember what you forgot. Don't overthink, okey?" sabi ng Doctora ko. Tumango na lang ako kahit sa mga oras na iyon, nag-iisip na ako ng kung anu-ano.
Wala naman kasi akong hindi nakalimutan sa pamilya ko. Ano nga bang date ngayon?. "Tatay, anong date na po ba ngayon?"
"January 15, my daughter" sabi niya.
"Ha?" nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin? Nakapasok na ako at tapos na ang first semester? Pero nakapasok ba ako?. Ilang araw na ba akong ganito? o ilang buwan?.
"Tulad ng sinabi ko kanina, don't over think, Twilight. Baka ma-stress ka, okey? I'll be back later to check you again, okey?" sabi ni Dra. "I need to go"
Lumabas na ang doctor ko pagkatapos niyang magpaalam kanila Nanay. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong nangyari sa akin, ilang buwan ba ang hindi ko maalala?. January na ngayon at ang alam ko, June kami umakyat ng bundok nina Jacob at Homer kasama si Autumn at ang mga kaibigan niya. Anim o pitong buwan ang hindi ko maalala? Imposible ba yun?
"Twilight Sky!" napatingin ako kay Tatay.
"Don't think too much, Twilight. We are here for you, just remember that" Dad said and he hugged me.
"Thanks po, Tatay at Nanay." ngumiti ako sa kanila.
"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Nanay.
"Cupcakes po" sabi ko at ngumiti.
"Hindi mo talaga makakalimutan ang cupcakes. Tss!. May pinadala po si Ate Ai para kay Twilight" sabi ni Zhynly.
"Sino si Ate Ai? Friend mo, Zhynly?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. "Yes, Cous. Friend ko" sabi ni Zhynly at may kinuhang box sa may lamesa at inabot kay Nanay. Binuksan naman ni Nanay at pinakita sa akin. Para akong nagkaroon ng heart sa mata ko dahil ang ganda ng mga cupcakes at mukhang masarap.
Excited akong kumuha ng isang cupcake at kinagat ko. "Ang sarap!" parang gusto kong ubusin ang lahat ng nasa box.
"Dahan-dahan lang, Sweetie." sabi ni Nanay. The best ang cupcake na 'to.
"The best cupcake 'to, Zhynly" thumbs up ko habang nakatingin kay Zhynly. "Zhynly, 'yung mga taong pumunta dito. Mga kaibigan mo ba sila? Ang dami nila ha?"
"A--Ah? Yes. Marami ba?." ngiti niya.
"Oo. Naks ha?.. Friendly kana pala, Zhynly" ngiti ko sa kanya. "Pero dito pa talaga kayo nag-meet up sa kwarto ko ha?" kukuha pa sana ng cupcakes pero sinara ni Nanay.
"Mamaya naman uli, Sweetie. Bawal mong biglain ang tyan mo" sabi ni Nanay kaya napasimangot ako. "Pippa, paki-abutan nga ako ng tubig inumin" Kumuha naman si Zhynly ng tubig at inabot sa akin at inabot naman sa akin ni Nanay. "Uminom kana"
"Nanay, kailan po ako lalabas dito?"
"Hindi ko pa alam, sweetie. May gagawin pang examination at laboratory sa'yo ang mga doctor para masigurado magiging maayos ka kapag lumabas ka dito." sabi ni Nanay at tumango naman ako.
"Ang huling ko pong naaalala, pumunta kami nila Homer at Jacob sa bundok. Y--Yung ti--tinulak po ako ni Autumn sa bangin" tingin ko kanila Nanay. "Pero hindi eh?... Alam kong pumasok na ako sa school... Ang gulo!" hawak ko sa ulo ko. Huminga ako ng malalim at tumingin kanila Nanay. Ayokong pag-alalahanin sila, lalo na sila Nanay at Tatay.
"Tita, Tito, lalabas muna po ako" paalam ni Zhynly. "Cous, babalik din ako mamaya"
"Sige, kahit tagalan mo pa. Hehe!" nakita kong ngumiti si Zhynly at naglakad na palabas.
* * * * * *
Mike Winz's POV
(Jordan Merrick)
"Si Zhynly" turo ko ng makita kong bumukas ang pinto. "Anong balita sa loob? Ayos lang ba si Miss Twilight?" tanong ko.
"She's fine and nagustuhan niya ang cupcakes ni Ate Ai" napatingin si Zhynly sa amin. "Pero hindi niya kayo matandaan except sa aming tatlo and you, Jessieca." tingin ni Zhynly sa kambal ko. "Pero-- ang naaalala niya sa'yo ay ang ginawa mo sa kanya sa bundok." nakita ko ang lungkot na sumilay sa mukha ni Zhynly at ganun na rin si Autumn. "Pero nalilito pa rin siya, siguro bigyan pa natin siya ng panahon"
"Kaya pala ganun siya makatingin sa'yo" sabi ni Rexie kaya binatukan ko siya "Aray!"
"Magrereklamo ka?" tingin ko. Nak siya ng magulang niya!. Hindi niya ba nakikitang malungkot na nga ang mukha ni Autumn, ganun pa ang sinabi niya.
"Kung ganun, mas kailangan natin bantayan ang Young Lady lalo na kapag nakalabas na siya sa hospital" sabi ni Kelly.
"Oo, tama ka. Nakikiusap rin ako sa inyo, na wag ninyong pilitin si Cous na alalahanin kayo. Hindi gusto ni Tito na mag-over think si Cous, sana naiintindihan ninyo ang ibig kong sabihin" sabi ni Zhynly. "Ang alam niya mga kaibigan ko kayo"
"Paano na 'yan? Malapit na ang-- ang tungkol sa pagpili--" napatigilan ako sa sasabihin ko at napatingin kay Homer. Hindi niya pala dapat malaman ang tungkol doon. "malapit na ang graduation" palusot ko.
"Ano ka ba ilang buwan pa yun?" sabi naman ni Rexie na alam kong naintindihan niya ang palusot ko.
"Pero mahirap na, wala siyang maalala na tungkol doon" sabi ko.
"Tulad nang sinabi ni Rexie, matagal pa naman yun at sila Tito na ang bahala kung ano ang dapat gawin sa bagay na yun" sabi ni Zhynly. "Basta ang importante hindi ma-stress si Cous na maalala niya ang lahat. May treatment at therapy naman siguro na gagawin sa kanya, para makaalala siya"
"Graduation ba ang pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Homer sa amin. Base sa pagkakaalam ko matalino si Homer. 'Hindi ko lang alam kung slow rin siya'.
"Oo naman, pre" sabi namin at ngumiti sa kanya. Nakita kong tumingin sa akin si Autumn. "Ipapaalam ko na lang 'to kay Ate Ai" sabi ko. May inaasikaso sila ni Clarkson at pinapasundan ni Ate Ai sina Skyler at si Cloude sa tulong ni Clarkson. Simula makalabas si Cloude sa Hospital at hanggang ngayon maayos ang relasyon nila ni Skyler.
Kapag magkasama kami, napapansin namin si Cloude na malalim ang iniisip at kung minsan iniinda niya ang sakit ng ulo niya. Kahit sabihan namin siya na magpatingin sa Doctor, hindi na niya daw kailangan dahil kasama na niya si Althea Skyler at iyon ang mahalaga sa kanya.
~~~
Minsan napapansin at nakikita namin si Cloude na sumasakit ang ulo niya kapag kasama namin siya. Sinasabihan namin siya na magpatingin sa sa doctor, pero ayaw niya. At sinabi rin ni Althea Skyler kung ano raw ang gusto ni Cloude susuportahan niya ito. Mas importante kay Cloude na nasa tabi niya ngayon si Skyler. Wala daw siyang pakealam kay Miss Twilight.
=*FLASHBACK*=
Magkakasama kaming lima sa isang club, nasa VIP room lang kami dahil iyon ang gusto ni Cloude. Nagulat din ako dahil kasama namin doon si Travis na umiinom lang at wala sa labas para makipaglokohan sa babae. Wala kaming ma-topic at tahimik lang ang bawat isa. "Kumusta na kaya si Miss Twilight?" mahinang sabi ko, pero napatingin sa akin si Cloude. 'Yung mga tingin niya para niya akong papatayin.Nak nang!.
"Nasa higaan pa rin, coma. Nakakalungkot dahil nakaka-miss s'yang kasama. Hays!. Kawawa naman si Miss Twilight dahil sa tindi ng nangyari sa kanya" malungkot na sabi ni Rexie habang nakatingin sa kawalan.
Base kasi sa imbesitigasyon ng mga tauhan ni Mr. Smith, tinanggalan ng break ang sasakyan ni Miss Twilight. Hanggang ngayon pinapahanap pa rin ni Mr. Smith ang gumawa no'n. Nakita rin sa CCTV footage ang pagpunta ni Miss Twilight sa kwarto ni Cloude sa hospital, doon ginawa ang pagtanggal sa break ng sasakyan niya. Hindi rin alam ng mga nagbabantay kay Miss Twilight na umalis siya ng bahay at hindi rin siya nagpaalam sa kanyang magulang.
"Twilight Sky Smith" sambit ni Cloude. Kaya napatingin kaming apat sa kanya. "The daughter of Darklight Group leader" dagdag niya.
Nak nang!.. "Naaalala mo na sya?!" tingin ko kay Cloude.
"Anong ibig mong sabihin?. Naalala ko kung paano niya siraan sa harap ko si Sky at kung paano niya nagawang saktan si Sky. Paano ninyo nagagawang pagkatiwalaan ang babaing 'yun?" isa-isang tingin niya sa aming apat. Walang nakapagsalita sa amin dahil nakatingin lang kami sa kanya hanggang sa matayo at umalis siya.
"Dahil sa'yo" mahinang sabi ko. "Akala ko talaga, may naalala na siya" kamot ko at tumingin sa tatlo na napansin kong nakasunod din ang tingin nila kay Cloude. "Napapansin ko na kapag si Miss Twilight ang pinag-uusapan natin, lumalayo si Cloude. Kahit konte wala ba talaga siyang naaalala kay Miss Twilight?"
"Hayaan mo na si Cloude. Alam mo naman na patay na patay 'yun kay Miss Twilight noon. Kung maalala naman niya ang lahat alam kong pagsisihan niya ang mga ginawa niya at sinasabi niya ngayon tungkol kay Miss Twilight." sabi ni Travis.
"Parang ikaw patay na patay kay Samantha, kay Athan" pang-iinis ko sa kanya.
"T*ngna ka!.. Paan--"
Natawa ako sa reaksyon niya. "Nak nang! Kung ganun, tama nga ako?" tawa ko pa. "Gwapo na nga ako, magaling pa akong manghuhula. Malapit na talaga akong maging perfect"
"Perfect?!. Saan banda? Put*ngna ka!" tingin sa akin ni Travis.
"Makaalis na nga, may ingeterong kasi dito" tayo ko at naglakad palayo.
"T*ngna wala pipigil sa'yo!..." sabi pa ni Travis.
=*END OF FLASHBACK*=
"Kailangan ko ng umalis" tumingin ako kay Autumn at kay Homer. "Ikaw na ang bahalang maghatid sa kanya" tingin ko kay Homer.
"Oo, ako na ang bahala sa kanya" sagot naman niya at inakbayan pa si Autumn.
"Kuya, may dinner pala tayo" sabi ni Autumn.
"Hindi ako makakapunta pakisabi na lang sa kanila" sabi ko at naglakad na ako paalis. Tanggap ko na sila ang totoo kong magulang dahil sa mga pinakita nilang impormasyon sa akin at sa nakuha ko rin impormasyon para kumpirmahin kung nagsasabi ba sila ng totoo. Kahit tanggap ko na sila, hindi ko pa rin malilimutan ang nangyari sa tumayong magulang ko. Kaya gusto ko pa rin makakuha ng hustisya para sa kanila bago ako maging masaya sa totoo kong pamilya.
Kahit gustuhin ko man na ibigay sa Hollis Group ang boto, para maging pinuno ng organisasyon hindi maaari. Kailangan ko pa rin ipaglaban ang grupo ng Merrick para sa mga tunay kong magulang at sa mga tauhan nila. Hindi ko naman pinangarap na maging pinuno ng kung anong grupo, pero dahil sa tunay na pagkatao ko nalagay ako sa ganitong sitwasyon. Ayoko naman na ibigay kay Jessieca ang responsibilidad na ito dahil ayokong mapahamak siya. At hindi naman talaga para sa akin ang posisyon na ito, dahil para ito kay Jonathan. Ang panganay na anak ng mga Merrick, ang kuya namin ni Jessieca. Pero patay na siya kaya ako na lang ang umako. Umako ako ng responsibilidad na hindi ko alam kung makakaya ko.
Sana makaalala na si Cloude dahil siya lang ang alam kong makakatulong sa akin. Kung ang mamumuno sa organisasyon ang Hollis group, hindi ako masyadong mahihirapan dahil kilala ko si Cloude. Pero dahil hindi niya maalala ang ibang bagay, mahihirapan ako na pagkatiwalaan siya. Lalo na kung meron silang balak ni Althea Skyler na magpakasal pagkatapos ng graduation.
Bakit ba kasi nagdesisyon siya na magpakasal kay Althea Skyler ganun wala naman siyang naaalala?. Bakit hindi niya pina-background check si Skyler tulad ng ginawa niya kay Miss Twilight?. Kung matutuloy ang kasal nina Cloude at Skyler, sigurado akong magiging masaya si Harwell. Mas lalo akong mahihirapan patakbuhin ang grupo ng magulang ko sa hinaharap.
* * * * * *
#1
#TMA2BA
#ElainahM.E