Chapter Two

3180 Words
Chapter Two: *After Two days* Twilight Sky's POV Nasa hospital pa rin ako at nakahiga sa kama. Tinitignan ko sina Zhynly at Jacob na nagkukulit at para hindi nila ako nakikita. Silang dalawa ngayon ang nagbabantay sa akin dahil wala sila Nanay at Tatay. Kahit gusto ko nang umuwi dahil ayos na naman ako, pinagbawalan pa ako ni Tatay dahil may kailangan pang tignan sa akin ang mga doctor. Kitang-kita ko na sobrang close nina Zhynly at Jacob nagkakapagtaka. Ganun din sa mga kaibigan ni Zhynly na dinadalaw ako at kinakamusta nila ako. Pati rin ang mga classmate namin na gossip girls dinalaw ako, hindi naman kami close. Napatingin ako kanila Zhynly at napansin kong napatingin siya sa akin. "Cous. May problema ba?" Umiling ako. "Wala naman" ngiti ko. "Napansin ko lang kasi, bakit lagi kayong magkasama ni Jacob? Diba hindi naman kayo magkakilala?" tingin ko kay Jacob. "Cous, magkakilala na kami." ngiti ni Zhynly sa akin. "Ano kaba, Bella. Sinabi mo nga na crush na crush ako nitong pinsan mo at patay na patay pa sa akin" sabi ni Jacob. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Talaga? Sinabi ko yun?." "Cous, wag kang maniwala sa lalaking 'to. Kung alam mo lang talaga ang totoo? Tss. Umiiyak yan mapasagot lang ako" sabi ni Zhynly. Tumango na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam na walang maalala, kahit alalahanin ko kung ano ang sinasabi nila hindi ko maalala. Siguro nga marami akong hindi maalala, ano kaya ang mga yun?. "Cous?.." tumabi sa akin si Zhynly. "Alam kong iniisip mo na naman kung bakit ka walang maalala at anong nangyari sa'yo. Hindi ko man alam kung paano kita matutulungan, nandito lang ako para sa'yo. Nandito lang kami para sa'yo" ngiti ni Zhynly. "Nasa tabi ko nga kayo pero hindi ko naman maintindihan kung paano ako aakto kapag nandyan kayo. Pwede mo naman ikwento sa akin kung anong nangyari sa akin diba? Pero bakit ayaw mo? Ayaw nyo?" tingin ko sa kanila. "Cous, kahit gusto kong ikwento sa'yo ang nangyari... Ayoko, at hindi pwede" "Bakit naman hindi?" tanong ko. "Ayokong maguluhan ka lang at baka ma-stress ka lang" tingin ni Zhynly sa akin. "Handa naman kitang tulungan para makaalala ka pero hindi ngayon" "Bakit hindi pa ngayon? Kailan pa? wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Pakiramdam ko kilala ko ang mga kaibigan mo, pero naguguluhan ako. Mas lalo akong naguguluhan kapag nakikita ko sila" "Hay! Cous, wag ka ngang mag-isip. Kung gusto mo hindi mo muna sila papapuntahin dito?" "Hindi naman sa ganun, Pippa Zhynly. Baka sabihin pa ng mga kaibigan mo ang arte ko. Ako na nga yung dinadalaw nila, ako pa ang maarte" "No. Cous, maiintindihan ka nila yun" sabi ni Zhynly. Nakarinig ako ng kumatok sa may pintuan na agad namang bumukas. "Hi!" kaway niya habang nakatingin sa akin. May dala siyang bulaklak at basket na may lamang prutas. Baka nagkamali lang siya ng pinasukang room. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Hi! Twilight" lapit niya sa akin. "Kilala ba kita?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako kay Zhynly na masamang nakatingin sa kanya. Kaaway niya ba 'tong nasa harap ko?. "Si Lourd yan, Cous" sabi ni Zhynly. "Kilala ko ba siya noon?" tingin ko sa kanila ni Jacob at Zhynly. Nagkibit balikan lang si Jacob at tumingin kay Zhynly. "Yes, Cous. Siya 'yung dating manliligaw mo na binasted mo" sagot ni Zhynly. Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa lalaking kaharap ko. "Grabe ka naman, Zhyn. Hindi pa naman ako binabasted ni Twilight" sabi niya habang nakatingin kay Zhynly at tumingin sa akin. "Kasi wala pa naman siyang sinasabi na basted na ako" ngumiti pa siya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kasi hindi ko siya maintindihan. Hindi ko siya matandaan, pero siguro bagong kaibigan ko siya dahil mukha naman siyang mabait. Pero alam kong hindi naman ako friendly eh?. "Tss!.. Duh!.. Cous, just don't think about what he says. He just joking" hawak sa akin ni Zhynly. "Right, Lourd?" masamang tingin ni Zhynly sa kanya at ngumiti lang si Lourd sa akin. "For you" lapit niya sa akin ng bulaklak. "And this" taas niya sa prutas na inabot niya kay Jacob. "Palagay naman, pre" "Ayos ha?" sabi ni Jacob. Napatingin ako kay Zhynly at Jacob. "Ma--May anak na kayo?" turo ko sa kanilang dalawa. "What the heck, Cous?. Anong pinagsasabi mo?" "Tinawag niyang pre si Jacob. Ibig sabihin magkumpare sila, diba?" nanlaki yung mata ko at napatingin kay Jacob. "Kung wala pa kayong anak. Batang ama ka, Jacob?" turo ko sa kanya. "Ito na naman tayo sa ka-slow-an niya eh?" sabi ni Jacob. "Pero hindi pwede eh!" iling ko. 'Wala naman siyang dalang anak' "Tama ka" sabi ni Jacob. Tumango ako at nilagay ko yung kamay ko sa baba ko. "Hindi pwedeng batang ama kasi matanda kana diba?" Napatingin ako kay Lourd dahil tumawa siya."Grabe sya oh?" sabi ni Jacob. "Bella, wala pa akong anak. Tyaka alam kong hindi pa handa si Pippa" tingin ni Jacob kay Zhynly. "Aah... Ganun ba? Kuha ko na?" ngiti ko at tumingin kay Lourd na nagpipigil ng tawa. "Ibig sabihin ikaw ang may anak, tapos si Jacob ang ninong ng anak mo, tama ako no?" ngiti ko. Nakita ko ang napa-nganga siya sa sinabi ko. Siguro nabilib siya sa akin kasi nahulaan ko na may anak na siya. Si Jacob naman ang tumawa. "Ano ka ngayon?" "Anong gender ang anak mo? Tyka ilang taon na? Cute siguro sya?" nakangiting tanong ko sa kanya. Pero parang ayaw niyang pag-usapan, kasi mukhang nagulat siya. "Isa yan sa mga namiss ko sa'yo, Cous eh!" ngiti ni Zhynly at tumawa pa. "Uy, Lourd. Alagaan mo ang anak mo ha?" "Twilight--" "Naku, kung ako sa'yo alagaan mo na lang ang inaanak ko. Diba, Bella?" kalabit sa akin ni Jacob na nakaupo na sa kama ko. Tumango ako. "Oo nga. Baka namimiss kana ng baby mo. Tyka baka magalit ang asawa mo. Salamat na lang sa pagdalaw sa akin" "Oo nga naman, Lourd" sabi ni Zhynly na halatang nagpipigil ng tawa at hindi ko alam kung bakit?. "Lanya!... Wala akong asawa at mas lalong wala akong anak" sabi niya. Napatingin ako sa kanya. * * * * * * Jacob's POV "Lanya!... Wala akong asawa at mas lalong wala akong anak" sabi ni Lourd. Nakita kong napatingin si Bella kay Lourd. Ang saya talaga kapag kaslow-an ni Twilight ang naririnig at nakikita ko. Ang sarap humagalpak sa kakatawa dahil sa mga sinasabi niya kay Lourd. Na syempre ginagatungan pa namin ni Pippa. Dumada-moves pa kasi alam na ngang walang maalala 'yung tao tungkol sa kanya. "Sorry" sabi ni Twilight. Nawala yata ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin siya kay Lourd. "Sorry ha?. Hindi ko naman kasi alam na tinatago mo pala na may anak ka? Siguro kayo lang ang nakakaalam tatlo no?" "f**k*ng sh*t!.--" sobrang pigil na pigil na ako sa tawa dahil sa mga sinasabi ni Twilight. Lalo na sa mukha ni Lourd na hindi maipinta kung naiinis ba o ano. "Hahaha!.. Ayo--Hahaha ko na..." Nakikita ko rin na sobrang tawa ng tawa si Pippa. Ikaw ba naman hindi matatawa na may tao nakikita kang taong hindi maipinta ang mukha dahil pinag-tri-tripan siya. "Twilight, wala akong anak" mahinahon na sabi ni Lourd. "Eh? Bakit mo tinawag na 'pre' si Jacob?" takang tanong ni Twilight na sigurado akong naguguluhan na rin. "Ang totoo talaga, Cous. Is... Wala talaga siyang anak, Tinawa niyang "pre" si Jacob kasi "medyo" friends sila" paliwanag ni Pippa. "Aah?... Hehe... Sorry, Lourd. Akala ko kasi totoo talaga. Tyaka mukha ka kasing--" "Tatay.. Tama ba ako, Bella?" tugtong ko. "Medyo.." sagot naman ni Twilight. Tawa kami ng tawa ni Pippa sa sagot ni Twilight habang nakatingin kay Lourd. Kahit ano pa sigurong paliwanag ni Lourd, walang mangyayari. Nasa slow mode ngayon si Twilight. "Cous, kailangan mo ng magpahinga. Lourd, kailangan mo ng din umalis, pwede ka naman bumalok bukas. Kung gusto mo?" sabi ni Pippa. "Ganun ba?" tumingin si Lourd kay Twilight habang nakangiti. "Twilight, magkita na lang tayo bukas" seryosong sabi niya. "Bawal pa akong lumabas eh?" sabi ni Twilight. Napakamot na lang si Lourd at tumango. "Sige, pupunta na lang ako dito. Alis na ako" tumingin siya sa amin. "Sige, pre ingat ka" kaway ko na lang. "Sige, pre" sabi ni Twilight sa kanya. Minsan malakas talaga ang trip nitong si Twilight. Ngumiti naman si Lourd at naglakad na papunta sa pinto. "Cous, matulog ka na" ayos ni Pippa sa pagkakahiga kay Twilight. "Anong oras pala darating sila Nanay at Tatay dito?" "Sabi ni Tita mga 1 am daw nandito na sila. Bakit may papasabi ka ba?" "Gusto ko na kasing umuwi. Kung hindi naman pwede, kahit lumabas man lang" sabi ni Twilight. Kung sabagay, higit isang buwan na siyang nasa hospital at hindi pa rin siya nakakalabas ng kwaeto niya simula ng magising siya. Sigurado akong naiinip na siya kaya gustong umuwi. "Wag kang mag-alala, Bella. Kapag pinayagan ka ni Tito na lumabas sasamahan kita" sabi ko sa kanya. "Salamat, Jay. Pero wala ba kayong pasok dalawa sa school?" tingin niya sa amin at nagkatinginan naman kami ni Pippa. Simula ng magising si Twilight at nalaman namin ang sitwasyon niya. Nagdesisyon si Tito na kami ang magbantay kay Twilight, at four hours lang ang kailangan namin ipasok sa company bilang intern. At ang ibang oras namin ay ang pagbabantay namin kay Twilight. "Meron, Bella. Pero wag mo ng alalahanin yun" "Jay, bili ka ng pagkain" sabi ni Pippa habang inaayos niya ang bulaklak na binigay ni Lourd kay Twilight. "Samahan mo ako" ngiti ko sa kanya. "Baliw ka ba?. Walang kayang bantay kay Cous". "Pinaalis mo agad kasi si Lourd, dapat inutusan muna natin" sabi ko. "Ang kapal mo naman. Dinalaw lang ng tao si Cous, tapos uutusan mo pa" sabi niya. "Gusto ninyo ba akong pagpahingahin o mag-iingay pa kayo?" nakatingin sa amin si Twilight. "Kung gusto ninyong lumabas, lumabas na kayo. Dalian ninyo lang. Okey lang naman ako dito. Matutulog lang naman ako dito" sabi niya. "Oh? Pips, tara na. Pumayag na si Twilight oh?!" "Sure ka ba, Cous?" tanong ni Pippa. "Oo naman nga, basta sandali lang kayo ha?" tingin niya sa amin. "Oo, Bella. May gusto kabang ipabili bukod sa cupcakes?" tanong ko. "Hmm?... Ice cream" nakangiting sabi niya. "Okey, Cous. Ito ang phone mo, tawagan mo ako kung may problema ha?" abot ni Pippa sa cellphone kay Bella. "Okey, basta wag mong kakalimutan, Jacob 'yung cupcakes at Ice cream ha?" "Yes, Ma'am" ngiti ko. "Tara na" lakad ni Pippa. "Cous, ha? tumawag ka?" "Oo nga. Dalian nyo ha?" sabi niya uli. Hindi ko nga alam kung aalis pa kami kasi paulit-ulit silang magpinsan. "Tara" akbay ko kay Pippa. Binuksan ko ang pinto at labas na kami. ~~~ Nasa isang restaurant kami na medyo malayo sa ospital dahil reklamador ang girlfriend ko na nagsasawa na raw siya sa pagkain malapit sa hospital. Ayaw niya pang sumama kanina dahil walang bantay si Twilight pero ngayon nagyaya sa malayo. "Dalian mong mag-order" sabi niya. Ngayon nagmamadali naman siya. "Wait lang, Pips" "Kinakabahan kasi ako eh?,Baka may nangyari ng masama kay Cous. Ikaw kasi eh!. Pwede naman ikaw na lang" palo niya sa braso ko. "Kasalanan mo kapag may nangyari kay Cous" Napakamot na lang ako dahil sa mga sinasabi niya. Parang nagsisisi tuloy ako na niyaya ko siya. Pero syempre masaya pa rin ako dahil magkasama na naman kaming dalawa eh!. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan, Jacob Rox? Kinakabahan na nga ako eh!" "Tawagan mo, diba may cellphone kang binigay kay Bella?" "Okey, wait. I call her" tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad palayo. "Sir, Here's your order" abot sa akin at binigay ko ang credit card ko. Lumapit sa akin si Pippa. "Tara na. She's not answering my call eh!" "Baka tulog na?" sagot ko. "Tara na" hila sa akin ni Pippa. "Teka, 'yung--" "Here's your card, Sir." ngiti sa akin ng babae kaya ngumiti rin ako sa kanya. "Okey na, Miss?. Nangitian mo na ang boyfriend ko? O? gusto mo pa nang kiss niya?. Ibibigay ko sa'yo!" taas kilay ni Pippa sa babae. f**k! Selos na naman. "Sorry, Miss. Tara na, Pip--" hahawakan ko pa lang siya sa kamay pero nakalabas na siya sa restaurant. ~~~ Nang makarating na kami sa loob ng sasakyan, pansin ko ang nanghahabang nguso ni Pippa at masama ang tingin sa labas. "Pip--" "Mag-drive kana. Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" inis na sabi niya. "Sige" sabi ko na lang at hinayaan ko munang lumamig ang ulo niya. Habang nagda-drive ako tahimik lang si Pippa habang nakatingin sa cellphone niya. "Pippa Zhynly Jones-Crus. Sorry na.. Hindi na ako makikipag-titigan sa babae. Promise ko yan" "Mamatay ka na!" "I love you too" sabi ko. Hininto ko ang sasakyan at tumingin sa kanya. "Sorry" nilapit ko ang mukha ko kanya at hinalikan siya sa noo. "Sorry na po" "Oo na... Magdrive ka na nga!" Ngumiti ako at nagpatuloy na sa pagdadrive. Lambing lang ang kailangan ni Future Wife. * * * * * * Twilight Sky's POV Ilang minuto na akong nakapilit ng may maramdaman akong naglalakad papunta sa akin na galing pintuan. 'Ang bilis naman nila Zhynly?' dumilat ako at nakita ko ang nurse. "Twilight Sky" sambit niya sa pangalan ko. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan kung paano niya banggitin ang pangalan ko. "Mamamatay ka na!" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Nakita kong ang isang kamay niya na may hawak ng injection. Ituturok niya sa akin ang injection. "Wag!" hawak ko sa kamay niya pero malakas ang pwersa niya. Naturok niya sa akin ang injection at hindi ako nakagalaw dahil natatakot ako na baka maiwan ang karayum sa katawan ko kung gumalaw ako. Tinignan ko ang mukha niya pero madilim ang paligid kaya hindi makita ang mukha niya. "Wag..." Nakahinga ako ng maluwag dahil panaginip lang pala ang nangyari. Tumingin ako sa paligid ng kwarto at wala pa rin sina Jacob at Zhynly. "Ang tagal naman nila" tinaas ko ang kumot ko para magtalukbong. Narinig kong bumukas ang pinto at bigla akong kinabahan. Kinurot ko ang sarili ko dahil baka nanaginip na naman ako. Nasaktan ako kaya alam kong gising ako at hindi na ito panaginip. Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga ko at pinakiramdaman ang taong pumasok. "Tama nga, walang nakabantay" rinig ko sa boses ng isang babae. Naramdaman ko na papalapit na siya sa kama ko kaya nagtulog-tulugan ako. Tinanggal niya ang pagkakatalukbong ko at kunyari tulog pa rin ako. Gusto ko kasing makita kung sino siya at anong ginagawa niya dito. Sinabi sa akin ni Tatay na dalawa ang nurse magpapalit-palitan para tignan ako. Kaya dapat kilala ko ang mga mukha nila, hindi ko nga alam kung bakit? Pero tinandaan ko ang mukha nila. At hindi ko kilala ang nurse na pumasok sa kwarto ko ngayon. "Sino ka?" tingin ko sa kanya at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "Nurse mo" sagot niya. Tinignan ko siya ng masama, may nurse bang ganyan magsalita?. "Hindi ikaw ang nurse ko!" upo ko sa kama ko at lumayo sa kanya. "Ma'am, Twilight. Kailangan ko na pong ilagay 'to" sabi niya at tinaas niya ang injection. Nag-iba na ang pagsasalita niya hindi katulad kanina na para namimilosopo siya. Pero hindi pa rin ako naniniwala sa kanya. "Ilayo mo yan sa akin. Hindi ikaw ang nurse ko!" layo ko sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya habang papalapit pa rin sa akin. "Ikaw ang mission ko at matatapos lang yun kapag nailagay ko ito sa'yo" hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. "Bitawan mo ako! Ayoko nya! Sino ka ba?!" "Sino ako? hindi mo na kailangan malaman, dahil ang kailangan mong malaman na si Cloude Yule ang nagpapapatay sa'yo" ngiti niya. "Papatayin mo ako?" tanong ko. Tumango siya at hinila ang braso ko. "Hindi ko naman siya kilala, baka nagkakamali ka lang" hinila ko ang braso ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nakita ko na aalisin na niya ang takip ng injection gamit ang bibig niya. Pero bago pa niya natanggal ang takip sinipa ko siya sa mukha. Nakita ko ang paglaglag ng injection sa kama ko at mabilis kong kinuha ito. Tinaggal ko ang takip at tinapon ko ang laman sa lapag. Mukhang mali ang ginawa ko dahil nakatutok na sa akin ang hawak niyang baril. 'Yari! Mukhang nagalit siya sa akin, dapat pala nagpaturok na lang ako' "Kung patayin na lang kaya kita ng tuluyan? Mas maganda yun, kaysa naman na pahirapan ka pa nila" sabi niya. "Anong ibig mong sabihin? Sinong sila?" "Nakalimutan kong nagka-amnesia ka nga pala. Maswerte ka ba o malas?" tanong niya habang papalapit sa akin. Lumayo naman ako sa kanya hanggang nakababa na ako ng kama ko. Tinutok niya sa ulo ko ang baril habang nakangiti sa akin. Nakita ko na ipapasok niya ang hintuturo niya sa gatilyo ng baril. Mabilis gumalaw ang katawan ko hanggang sa makuha ko ang baril niya. Tinutok ko sa dibdib niya at agad na kinalabit ang gatilyo. Nanginginig ang kamay ko at agad na binitawan ang baril. Nakita kong nakahiga na ang babae sa harapan ko habang may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. "Cous?" nakita ko si Zhynly na nakatingin sa akin at napatingin sa babaeng nasa harapan ko. "Zhynly, nabaril ko siya. Hindi ko alam kung paanong nangyari... Pero—" "Anong pinasasabi mo?" tanong ni Zhynly sa akin na para bang hindi niya nakikita ang ginawa ko. "Uminom ka muna" abot sa akin ni Zhynly ng baso na may lamang tubig. Ginawa ko naman ang sinabi niya pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa sahig. "Hawakan mo ang kamay ko at maupo ka sa sofa" hinawakan ko ang kamay ni Zhynly pero nakaramdaman ako ng pagkahilo. * * * * * * Pippa Zhynly's POV Nagmamadali akong naglakad papunta sa kwarto ni Twilight habang kasunod ko si Jacob. Sabay kaming nagkatinginan ni Jacob sa isa't isa ng may marinig kaming ingay na nanggagaling sa loob. Agad kong binuksan ang pinto at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Cous?" tingin ko kay Twilight at napatingin sa babaeng nakahandusay. "Zhynly, nabaril ko siya. Hindi ko alam kung paanong nangyari... Pero--" "Anong pinasasabi mo?" nagkunwari ako na wala akong nakikita kahit ang totoo natatakot ako para kay Twilight. Nakita ko ang ginagawa ni Jacob at inabot niya sa akin ang baso na may lamang pangpatulog. "Uminom ka muna" binigay ko kay Twilight ang baso. Nakatingin pa rin siya sa babae na wala nang malay. "Hawakan mo ang kamay ko at maupo ka sa sofa" sabi ko sa kanya at hinawakan niya nga ang kamay ko pero agad niya rin nabitawan dahil tumumba na siya. Mabuti na lang at nayakap ko ang katawan niya. Lumapit agad sa akin si Jacob at kinuha niya sa akin si Twilight. Binuhat niya ito papunta sa sofa dahil meron bakas ng dugo ang kama ni Twilight. * * * * * * #2 #TMA2BA #ElainahM.E
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD