Chapter Three

3869 Words
Chapter Three: Pippa Zhynly's POV Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok sina Tito Dark at Tita Ninang, kita ang gulat sa mga mukha nila na agad lumapit kay Twilight. "What happened?" "May nagtangka na naman po sa buhay ni Cous, at--at nabaril ni Twilight ang babae" "What?. How?" kunot noo tanong ni Tito Dark. "Hindi ko rin po alam ang buong pangyayari, pero sinabi sa akin ni Twilight na nabaril niya ang babae. Pagkarating namin nakahiga na ang babae at kita ko rin po na takot na takot si Cous sa nangyari at sa nagawa niya." paliwanag ko. "Kaya pinainom po namin siya ng pampatulog" "Call your father, tell him to send some men here to clean up." sabi ni Tito at lumapit siya sa babae na nakahiga. Mabilis akong kong tinawagan si Papa para sabihin ang mga sinabi ni Tito Dark. "She's dead.." sabi ni Tito Dark pagkatapos niya hawakan ang pulso nito. "She's undercover assassin." sabi ni Tito habang nakatingin sa tattoo ng babae sa likod ng leeg nito. "Gusto niyang patayin ang anak natin, Dark" sabi ni Tita Sunlight. "Siguro mas mabuting iuwi na lang natin si Twilight" Napatingin kami kay Tito Dark at sumang-ayon naman siya. Napalingon ako ng may kumatok at binuksan ni Jacob ang pinto. Pumasok ang dalawang nurse na may dalang higaan at pumunta sa babae. "Boss" paalam nila para kuhain ang katawan ng babae. 'Wait? Boss?. Ibig sabihin tauhan sila ni Tito. Ang bilis naman ng tauhan ni Tito? Ni hindi pa nga ako nakakatawag kay Papa.' Sumenyas si Tito sa mga tauhan niya at kinuha naman nila ang babae. May pumasok naman ang dalawa pang lalaki para linisin ang higaan at mga dugo na nakakalat sa lapag. Nang maayos na ang lahat at mukhang nabalik nasa dati ang itsura ng kwarto ni Cous. Hiniga na namin siya sa kama habang natutulog siya. "Jacob, Pippa, pwede na muna kayong umuwi. Pero maaga kayo bumalik, ilalabas na namin dito si Twilight bukas" Tita Ninang said. "Sige po" kinuha ko na ang bag ko. "Aalis na po kami" paalam namin ni Jacob at naglakad na kami palabas. "Sa tingin mo ba maaalala pa ni Cous ang nangyari kanina?" tingin ko kay Jacob na malayo ang tingin niya at mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko. "Jacob!" "O?" lingon niya sa akin. "Anong iniisip mo?" "Si Twilight" sagot niya. "Bakit na naman?" "Naisip ko lang na kapag nalaman na naman niya kung sino talaga tayo, baka kamuhian naman niya tayo" tingin ko sa kanya. "Nag-aalala rin ako para sa kanya, sa kinikilos ng katawan niya. Baka kapag nagising siya, iisipin niya kung paano niya yun nagawa?" hinga ko ng malalim. Huminga rin ng malalim si Jacob. "Hindi ko rin alam ang gagawin kung nagkaganun. Hindi man niya naalala ang ilang buwan sa buhay niya, naaalala at kinikilos naman ng katawan niya ang mga pinaghirap niya sa training kay Boss" pasok niya ng kamay niya sa bulsa ng kanyang jacket. "Ang mahalaga, maayos si Twilight at kailangan natin siyang protektahan kahit anong mangyari" "Pero hindi natin 'yon nagawa ngayong araw" tingin ko kay Jacob. "Kasalanan ko" tingin niya sa mga mata ko at pilit na ngumiti. "Kasalanan natin" mahinang tapik ko sa balikat niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "Mahal kita, Pippa" "Mahal din kita" ngiti ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. "Bakit bigla mong pinasok na mahal mo ako?" "Kasi... gusto ko lang malaman mo" ngiti niya. "Ewan ko sa'yo!" ngiwi ko. Nagpatuloy na ulit kaming naglakad papuntang parking lot. "Hindi ko inaasahan na magagawa ni Cous ang nagawa niya ngayon. Wala ba talaga siyang maalala?" "Ayon ang sabi ng Doctor nya... At alam ko naman hindi magsisinungaling ang Doctor lalo na kanila Boss. Natatakot ako para kay Bella, wala siyang maalala pero ang kilos at ang mga galaw niya, pwede 'yun magpaalala kung sino talaga siya sa nakalipas ma buwan" "Tama ka, at natatakot ako dahil baka magalit na naman siya sa akin. Lalo na hindi ko masabi sa kanya ang totoo" yuko ko at huminga ng malalim. "Alam kong maiinintindihan niya tayo, pero ihanda na natin ang sarili kapag nagpaliwang tayo sa kanya o kapag makaalala na siya" hinto ni Jacob sa tapat ng sasakyan. "Tama ka" tango ko at pinagbuksan na niya ako ng pinto at pumasok na ako. Nang makasakay na rin si Jacob sa sasakyan tignan ko ang oras. Alas-tres na ng madaling araw at wala nang masyadong bumabyahe. ~~~ Alas kwartro ng madaling araw kami nakarating sa bahay. "May dala ka bang gamit?" tanong ko kay Jacob. "Meron, Pips." "Dito kana lang matulog para sabay na tayong bumalik sa hospital bukas, mamaya I mean" "Okey lang sa'yo?" tanong niya habang nakangiti. "Oo naman. Pero mas safe kung ipasok mo muna 'yung sasakyan mo sa loob" "Okey!" ngiti niya. Nang maipasok na niya ang sasakyan niya sa loob sa grahe ay lumabas na ako nang sasakyan. "Good night, Jacob" sabi ko at naglakad na ako sa loob. "Teka! Pips, dito ako matutulog?" turo niya sa sasakyan niya. "Oo, anong akala mo sa loob? Sa kwarto ko? Asa ka" "Sa loob?. Sa kwarto mo?. Hindi no?. Good night pips ko" nguso niya. Tumango ako at naglakad na papasok sa loob. * * * * * * Jacob Rox's POV Papunta na ako sa tulog ko nang may marinig akong kumakatok sa bintana ng sasakyan ko. Nakita ko si Sir Duke kaya binuksan ko ang bintana. "Bakit nandito ka?" "Dito po kasi ako pinapatulog ni Pips" sagot ko. Umiling siya. "May pangit na ugali rin talaga 'yang anak ko eh!. Ang dami naman guest room sa loob. Lumabas ka dyan at doon ka na lang matulog" "Sige po" lumabas na ako nang pinto at kinuha ko na ang bag ko na may laman gamit ko. Naglakad na si Sir Duke kaya sumunod na ako sa kanya papasok nang bahay nila. 'Si Pips talaga pwede naman pala ako sa loob eh!'. "Dito kana matulog. Aakyat na ako at ikaw na ang bahala ha?" "Sige, Boss" sabi ko na lang dahil mukha na siyang pagod. Naglakad na siya paaalis kaya pumasok na ako sa loob nang kwarto. "Buti na lang mabait si Papa" Future Papa ko. Naghubad ako ng damit ko at nahiga na sa kama dahil napapagod at inaantok na rin ako. ~~~ "Jacob!" rinig kong sa pagtawag sa pangalan ko. 'Kaboses ni Pips' Tumayo ako sa kama at madali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko siyang may hawak nang pregnacy test. "Jacob, Daddy kana" nakita ko na masaya siya. "T-Talaga?" tanong ko nang biglang magbago ang mukha niya. "Bakit ayaw mo!. Dyan kana nga!" tulak niya sa akin nang malakas. "Aray!." nasa sahig na pala ako. "Panaginip lang pala yun. Akala ko totoo" tumayo na ako sa pagkakalaglag ko sa kama. "Jacob!" "Boses ni Pips yun ha?" "Buksan mo 'tong pinto!" Dali-dali naman akong pumunta sa pintuan at binuksan ko ang pinto. "Bakit Pips?" tiningnan ko kung may hawak siyang kung ano sa kamay niya tulad ng nasa panaginip ko at buti naman wala. 'tyaka bakit ko ba yun iniisip eh? Wala pa naman nangyayari–' "Ano yang mukha mo?. tyaka yan" turo niya sa akin. Napatingin naman ako sa sarili ko. "Bakit ka nakahubad?" "Ahh!.. Mainit?" sanay kasi akong nakaboxer lang kapag natutulog. "Tss?. Magbihis kana mag-aalmusal na raw at pupunta pa tayo sa hospital" nakakunot ang noo niya. "Smile, Pips. 'Yung mukha mo nagiging ampalaya na naman dahil sa kunot ng noo mo" "Che!. Dalian mo!" pinaikot niya pa ang eyeballs niya at naglakad na paalis. ~~~ Pagkatapos naming mag-almusal sa bahay nila Pippa. Nauna na kami ni Pippa na pumunta sa hospital. "Jacob, lagpas na tayo!" turo ni Pippa sa daan. "Ay! Sorry" sabi ko. "Ano ba kasing iniisip mo!" tingin niya sa akin. "Baka lumalandi kana sa iba ha?. Subukan mo lang" "Grabe ka na naman sa akin, Pips. Di ko yun gagawin sa'yo no?. Kung pwede nga lang maging totoo na lang 'yung panaginip ko" mahinang bulong ko. "Panaginip?" 'Narinig niya.' "Wala lang yun, Pips" ngiti ko na lang sa kanya. Ngumiwi naman siya habang masama ang tingin sa akin at mukhang pinagduduhan ako. * * * * * * Twilight Sky's POV Nagising ako na nakahiga sa kama ko sa hospital at nakita ko sila Tatay, Nanay, Zhynly, Jacob at sila Tita at Tito. "Cous..." lapit sa akin ni Zhynly ng nakangiti at naupo siya sa gilid ng kama ko. "Pagdating namin kagabi tulog na tulog ka" sabi niya. "Ha?. Diba nakita ninyo na may binaril ako? 'Yung babaeng..." napatingin ako kay Zhynly na napakunot ang noo. "Ha?." kita ko ang pagtataka ni Zhynly. "Anong pinagsasabi mo, Cous?" at ngumiti pa siya sa akin. "Zhynly, nakita mo 'yung nangyari kagabi diba? Kasama mo pa nga si Jacob eh?!." tumingin ako kay Jacob. "Jacob? Anong pinagsasabi ni Cous?" tingin ni Zhynly kay Jacob. "Pagdating nga namin tulog na tulog ka" "Oo, nga Bella. Yun nga 'yung cupcakes na binili ko sa'yo. Yung Ice cream nasa ref" sabi ni Jacob. Napatingin ako sa paligid at maayos naman. Hindi naman sila magsisinungaling sa akin hindi ba? "Oo nga, baka panaginip ko lang. Natakot ako bigla, baka makulong ako eh!" ngumiti ako at nawala na ang kaba ko dahil akala ko totoong nangyari yun. Panaginip lang pala. Pero may gumugulo pa rin sa isip ko, dahil narinig ko 'yung sinabi ng babaeng pangalan. "Panaginip lang yun, Cous. Gusto mo na bang kumain? Dahil may good new kami sa'yo" sabi ni Zhynly. "Ano yun? Lalabas na ako dito?" "Waah!.. Hindi na good news, alam no eh!" sabi ni Zhynly at tumawa siya. "Talaga ba? Tatay, Nanay?" tingin ko kay Tatay na tumango habang si Nanay naman ay ngumiti. "Yehey!.. Makakauwi na rin ako. Yes!" ngiti ko at tumingin kanila Jacob at Zhynly. "Pasyal tayo ha?" turo ko sa kanilang dalawa. "Punta tayo sa mga park" "Oo naman, Cous" sabi ni Zhynly. "Kahit saan mo gusto" "Promise yan ha?. Nasaan na na pala 'yung cupcakes ko?" "Kuwain ko lang" sabi ni Zhynly at tumayo sa kama ko. Umupo naman ako sa pagkakahiga at tumingin sa paligid. Lahit sinasabi ni Zhylyn sa akin na panaginip lang ang lahat, hindi pa rin maalis sa isip ang nangyari sa panaginip ko. 'Bakit ganun ang panaginip ko?' "Cous, anong iniisip mo?" "Ha?. Ahh?... Iniisip ko lang kung saan tayo pwedeng pumunta." "Ganun ba?. Ito na ang cupcake mo" lapit ni Zhynly sa akin. "Thanks" sabi ko sa kanya at kumuha ako nang cupcake. Tahimik lang akong kumakain habang nararamdaman ko na parang nakatingin sila sa akin kaya napatingin ako sa kanila at tama nga ako, nakatingin sila sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip nila pero may pakiramdam talaga ako na may tinatago sila sa akin. Ngumiti sa akin si Zhynly at tinuro ang hawak kong cupcake. Nakasakay na kami sa may van pauwi sa bahay. Napapansin kong may dalawang kotse na nakasunod sa amin kanina pa. "Sumusunod ba sila sa atin?" "Yes, Sweetie. Sila ang magbabantay sa inyo ni Pippa habang wala kami ng Tatay mo" sagot ni Nanay. "Aalis po kayo?" bigla ako nalungkot dahil aalis na naman sila. "One week lang naman kami aalis. Kailangan lang kasi, Sweetie" hawak ni Nanay sa kamay ko. "Ganun po ba?" "Kaya, kanila Pippa ka muna titira" "Po?. Gusto ko po sa bahay, baka may maaalala ako kapag sa bahay ako tumira" tingin ko kay Nanay na tumingin kay Tatay. "Fine, pero kailangan meron kang guard na laging kasama. Hindi pwedeng, humindi" tingin sa akin ni Tatay. "Okey po" sagot ko. Sanay na akong nagkakaroon ng guard sa paligid ko lalo na kapag naaksidente ako. Peo makalipas din naman ng ilang araw maluwag na sila Tatay sa akin. "Nandito na tayo, Cous!" sabi ni Zhynly ng makita ko ang bahay namin na parang nagbago. "Tatay, pinaayos ninyo ba ang bahay?" "Yes, My daughter" "Bakit po?" "Kasi sweetie, medyo luma na ang kulay kaya pina-renovate namin" sabi ni Nanay. "Pati rin po ba ang kwarto ko?" "Yes, my daughter. Kung hindi mo gusto, ipa-renovate uli natin. Just tell us, okey?" tumango na lang ako at ngumiti kay Tatay. Hindi ko pa naman kasi alam kung ano nang itsura ng kwarto ko. "Let's go" Inalalayan ako ni Tatay para makababa sa sasakyan. Pagpasok namin sa bahay medyo nanibago ako ng konte dahil sa ayos ng bahay. Napatingin ako sa isang malaking painting na alam kong matagal na iyon sa amin. 'Nanay, pupunta lang ako sa baba' bigla akong napahawak sa ulo ko. "Ano yun?" "Are you okey?" "Sumakit lang po ang ulo ko" sagot ko kay Tatay at napatingin uli ako sa painting. "Kailan po ba 'to na-renovate?" "Three months ago" sagot niya. "Noong may naaalala pa po ako? Bago ako mag-birthday. Tama po ba?" "Tama ka. Pumunta na tayo sa room mo, kailangan mo nang magpahinga" "Tatay, wag muna po. Gusto ko muna pong umupo sa may sala. Hindi pa naman po ako pagod" "Are you sure?" "Yes, Tatay. Kailan po ba kayo aalis ni Nanay? Hindi po ba pwedeng wag na kayong umalis at tulungan ninyo na lang akong makaalala?" napatingin ako kay Nanay na nakatingin sa akin. "Sweetie, pasensya kana kung maiiwan ka namin at hindi ka namin muna masasamahan. Kailan namin umalis, wag kang mag-alala may mga tauhan kami para protektahan ka" yakap sa akin ni Nanay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila akong protektahan. Niyakap ko na lang si Nanay at hindi na nagsalita kahit na sobrang maraming tumatakbo sa isip ko dahil sa mga sinabi niya. * * * * * * Amber Ice's POV "Walang maalala si Miss Twilight at wala rin maalala si Cloude, sa tingin mo Ate Ai may forever pa kaya sila?" sabi ni Mike. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Shut up, Mike. Forever?. Pino-problema mo ang forever nila, ikaw nga wala" "Pfft--Hahaha. Tama ka dyan, Ate Ai" singit naman ni Rexie. "Nagsalita 'yung isa dyan, na akala mo may ka-forever na" "Hindi na kasi uso yun" sabi ni Rexie. "Kailangan lang kasing maghintay" "Sus!. Nagsalita ang may hinihintay" I said. "By the way, nasaan na 'yung dalawa?" "Naghanap ng forever" sagot ni Mike. Na binato ko nang kutsara. "Masakit yun ate Ai ha?" "Babatuhin ba kita kung hindi ko gustong saktan ka! Ha?" ngiwi ko at tinaasan siya ng kilay. "Parang love lang, mamahalin kita kahit masaktan ako" iling-iling pa ni Mike. "Ano bang nainom mo? bakit ganyan ang tama sa'yo?" tanong ni Rexie. "Ganyan siguro ang Merrick no?" "Stop na nga 'yung ganyang usapan nyo!. Mga wala naman kayong lovelife, gumaganyan kayo. Tss!" I rolled my eyes. Pumalakpak sina Rexie at Mike kaya tinignan ko sila nang masama. "Palakpakan ang may lovelife dito" sabi nilang dalawa. "Ang korona, Mike" sabi ni Rexie. Tinignan ko sila ng masama habang inaabot naman ni Mike ang invisible na korona kay Rexie at ilalagay sa ulo ko. "Mga baliw!" nagtawanan pa silang dalawa na mukhang nababaliw na talaga. Huminto lang sila kaya napatingin ako sa pumasok. Si Cloude at Skyler. "Cloude, Skyler" tawag ni Mom sa kanila. "Hi! Mom" sabi ni Skyler at lumapit siya kay Mom at niyakap ito. "How are you po?" 'Nakakairita ang bait-baitan na bruha!' "Sige na, Rexie, Mike" tingin ko sa kanila at agad naman silang tumayo. "Aakyat na ako sa kwarto ko, may polusyon na dito" "Tita, alis na po kami. Cloude" sabi ni Mike. Hindi nila tinignan si Skyler at naglakad na silang dalawa palabas. "Galit ba sa akin ang mga friends mo?" Althea Skyler asked him. "No. Tuwang-tuwa sila sa kaplastikan mo, girl. Bye" tingin ko sa kanya. "Ai--" "Cloude, ayoko sya na nandito!. Kaya wag na wag mo na syang dadalhin dito kung ayaw mong binabastos ko siya sa harap mo. Wala akong pake kung mahal mo sya, wag mo lang sya dalhin dito. Ang plastic kasi, gosh!" "Ate Ai--" lumungkot ang mukha ni Skyler at mas lalo akong nairita. "Shut up b***h!" tingin ko sa kanya ng masama. "Amber Ice!" tawag ni Mom sa pangalan ko. Alam kong hindi nagustuhan ni Mom ang pakikitu "Aayak na po ako" sabi ko na lang at lumayo na sa kanila. * * * * * * Althea Skyler's POV "Come on, let's go out" sabi ni Cloude. Tumingin ako sa Mommy niya at nakita kong lumungkot ang itsura nito. Sumunod na lang ako kay Cloude habang hawak niya ang kamay ko. Nang makalabas kami at nasa tapat na ng sasakyan niya, huminto ako at tinignan niya ako. "Bakit tayo aalis?" mabilis pumatak ang luha ko. "Sky..." "Because of that girl, Ate Ai don't like me for you" 'Twilight Sky Smith! Hindi ka pa namatay ng tuluyan!' "Babe, don't cry please?" lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. 'You're so sweet, Cloude. Pero hindi mawawala sa isip ko ang totoong nangyari sa Mommy ko. Si Mr. Smith ang pumatay sa kanya at gaganti ako sa pamilya mo kahit anong mangyari. Idadagdag ko pa ang pamilya ni Twilight'. "What are you thinking? are you mad?" "I am, but as long are you here, I will be okey. Don't live me, okey?" "I love you" halik niya sa noo ko. 'Hanggang kailan mo 'yan sasabihin sa akin, Cloude? Masasabi mo pa kaya 'yan kapag nalaman mo ang katotohanan at maaalala mo ang lahat?. Kung paano mo ako kinalimutan at tinaboy para sa babae 'yun?. Bumalik ako dahil mahal kita, pero hindi ko akalain na isa sa pamilya mo ang dahilan kaya nawala sa akin ang Mommy ko. Unti-unti mong inalis sa akin ang pagmamahal ko sa'yo, simula nang pinili mo si Twilight at pinagtabuyan mo ako!'. "I love you too, babe" yakap ko sa kanya. * * * * * * Pippa Zhynly's POV Pinagmamasdan ko si Twilight, nakikita ko na malalim ang iniisip niya habang inaalalayan siya ni Tito. Nakita kong napatingin siya sa painting, kung saan doon ang daanan papunta sa underground ng bahay kung saan nandoon ang gym kung saan siya nag-training. "Hoy! Pippa Zhynly, bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" tanong niya habang magkaharap kami. "Ha?. Nag-aalala lang ako sa'yo, Cous. Baka kasi may masakit sa'yo at hindi ka lang nagsasabi sa'min" Bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam kung may naalala ako habang nakatingin sa painting na 'yun, pero naguguluhan ako kung totoo ba ang naalala ko" tingin niya sa akin. "A-Ano bang naaalala mo sa painting?" "Hindi ako sigurado" ngumiti siya. "Hayaan mo na nga, maalala ko rin naman ang dapat kong maalala hindi ba?" Napangiti na lang ako. "Oo, naman. Basta wag mong pilitin ang sarili mong makaalala. Darating naman yan eh!" Tumango naman siya at ngumiti. "Tama ka. Oo nga pala Zhynly, paano 'yung pasok natin sa school? Pasado ba ako ng first semester?" "Oo, Cous pasado ka" "Hindi ba internship na lang ang kulang natin, saan ka nag-apply? nakapag-apply ka na ba?" "Sa company ako nag-apply, doon ka nga rin kaso naging busy ka kay—I mean dahil na-aksidente ka" tingin ko sa kanya. "Bakit nga ba ako naaksidente?" "Nawalan ng break ang sasakyan na minamaneho mo" "May sasakyan na ako?" nanlaki ang mata niya at ngumiti. "Talaga?" "Yes, binigay sa'yo ni Tito" "Sayang, baka pagbawalan na ako ni Tatay mag-drive no?" "Hindi naman siguro." "Sana nga. Teka?. Si Jacob nga pala?" tingin niya sa paligid. Nagpaalam sa akin si Jacob kanina na mag-uusap sila ni Tito Dark. "Nilagay yata sa taas ang mga gamit mo" sagot ko na lang sa kanya. "Sino nga pala 'yung kaibigan mong masarap ng cupcakes? pwede ka bang um-order uli sa kanya?" "I'm not sure kung nagbebenta sya, but I know na gusto ka niyang makita" nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Kasi natutuwa siya sa'yo, sarap na sarap ka raw kasi sa cupcakes niya" "Masarap naman kasi ang cupcakes niya at parang natikman ko na siya dati. Hindi ko lang alam kung saan, may cupcakes shop ba siya?" "Wala, Cous" she pouted. "Sayang naman, no?. Hindi sana may pagtatambayan tayo." "Sweetie!" napatingin kami kay Tita. "Aalis na kami. Mag-ingat ka ha? Itext or tawagan mo ako kung may tanong ka or may gumugulo sa isip mo" "Yes, Nanay" sagot ni Twilight kay Tita Ninang at nagyakapan sila. "Mag-iingat po kayo ha?" "Yes, Sweetie. Kayo rin dito. Pippa, balitaan mo ako kung anong nangyayari dito ha? At wag kang maglilihim sa akin?" "Yes, Tita" sagot ko. Masakit sa akin marinig ang huling sinabi ni Tita pero naiintindihan ko kung bakit niya nasabi 'yun. "Take care of yourself, my daughter. Tawagan mo kami kung may kailangan ka, kailangan lang namin umalis. I'm sorry, kung wala kami sa tabi mo" "Don't worry, Tatay, naiintindihan ko naman po. Ingat na lang po kayo ni Nanay" nagyakapan ni Twilight kay Tito Dark. "Ofcourse." sagot ni Tito kay Twilight at tumingin sa akin si Tito. "Mag-ingat kayo" tumango lang ako at ngumiti. Kailangan nilang pumunta sa private Island, dito nagkikita at nag-uusap ang mga membro ng Mafia Assassin Organizatiom. Base sa narinig ko sa pag-uusap nila Mama at Papa, may balak si Tito Dark na hindi na ituloy ang pagsali ng Darklight group para naging pinuno ng organization dahil sa sitwasyon ni Twilight ngayon. Kung sakaling binitawan na ni Tito Dark ang tyansang mamuno ang Darklight sa organisasyon. Kanino nya ibibigay ang boto? Sino ang makakaparte niya sa lahat ng negosyo nya kung magkataon?. Maaaring ang Hollis group dahil sila lang naman ang kilalang-kilala ni Tito Dark. Naging maayos naman ang pakikisama nila sa isa't-isa, pero dahil sa pananakit ni Cloude kay Twilight. Hindi ko na rin alam ang sagot. Nakita ni Tito Dark ang ginawa ni Cloude kay Twilight bago maaksidente ito. Nakita namin sa footage ng Cctv kung paano pagtulakan ni Cloude si Twilight na kahit ako nagalit kay Cloude. Kung pwede nga lang hindi na siya maalala ni Cous. Alam ko balang-araw maaalala ni Cous ang lahat tungkol kay Cloude. Naaawa ako sa sitwasyon nila ngayon, parehas silang naguguluhan sa sitwasyon at sa mga taong sa paligid nila. Pero kahit anong mangyari, ang kaligtasan ni Twilight ang dapat naming unahin. ~~~ Nang makaalis na sila Tito at Tita nagpahatid na si Twilight sa kwarto niya dahil gusto na niya magpahinga. "Maganda ba?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto niya. Tumingin ako sa kanya dahil hindi siya sumagot. "Cous" "Ayy! Sorry. Nanibago ako dahil wala na palang hand print na kailangan para mabuksan ang kwarto ko" sabi niya. 'Pero may hiding place naman na nakalagay pa rin dito.'. Nandito pa rin kasi ang mga armas ni Twilight sa kwarto niya at ang pagkakaalam ko hindi pa inalis iyon sa kwarto niya dahil hindi inaasahang pangyayari. "Sige, Zhynly. Gusto ko nang matulog, wag mo na pala akong gigisingin kapag dumating na 'yung dalawang kasama natin sa bahay, na sinasabi ni Tatay" "Okey" sabi ko at tinulungan ko na siyang mahiga. "Sleep well, Cous." "Bukas na rin natin gawin 'yung pagpunta sa park ha?" "sabi mo eh" ngiti ko. Naglakad na ako papunta sa pinto ng makita kong maayos na siyang nakahiga at naglakad na ako palabas ng kwarto niya. * * * * * * #3 TMA2BA #ElainahM.E
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD