Chapter Four

3473 Words
Chapter Four: Third Person's POV Bumaba na si Cloude sa kanyang sasakyan papasok ng bahay nila. Inihatid na niya si Skyler sa bahay nito. Napatigil si Cloude sa kanyang paglalakad ng biglang kumirot ang kanyang ulo. "Damn!" sumandal siya sa pader. "Pre, dapat magpacheck-up ka." bigla niyang naalala ang sinabi ni Mike sa kanya, bigla kasing sumakit ang ulo niya habang kasama ito. Nalaman niya rin ang totoong pagkatao ni Mike, na isa ito sa anak ng Merrick at walang nabago sa pakikitungo niya dito. Umayos na ng tayo si Cloude na mawala na ang kanyang iniinda. Naglakad na siya papasok at nakita niya si Amber Ice na papaakyat sa hagdan. "Ai!" tawag niya dito. Huminto naman si Amber ngunit hindi siya nito nilingon. "What?" "I need to talk to you about Sky" sabi niya. Tumingin si Ai sa itaas at bumaba sa hagdan habang naka-cross arm. Nang makababa tinignan ni Ai si Cloude "So?" tanong ni Ai sa kanya. "Anong problema?" Nakita naman ni Amber Ice ang hindi magandang ekspresyon ng mukha ni Cloude sa kanya. "Ikaw ang unang makakaalam ng desisyon ko" sabi ni Cloude. Hindi naman umimik si Ai dahil hinihintay niya ang sasabihin ni Cloude. "I'm getting merried". "What?! Sa babaeng 'yun, Cloude?!" hindi makaniwalang tanong ni Ai. "Ai, hindi ko hinihingi ang opinion mo, gusto ko lang sabihin sa'yo. Sana naman mabago mo ang pakikitungo mo sa kanya, para lang sa akin" kita ni Ai ang nakikiusap nitong mata. "Sa tingin mo, mababago ang ugali ko sa babaeng 'yun kapag sinabi mo sa akin ang plano mong pakasalan siya?. No, Cloude! She's not good for you, you don't know her at all. Hindi na siya ang Sky na minahal mo. Maniwala ka sa akin, Ate mo ako" "No! I love her." "I'm telling you, you don't love her... Gagamitin ka lang niya, Cloude." "Ai, please!" "Habang maaga palang sinasabi ko na sa'yo, alam kong maling babae ang papakasalan mo. Sana bago ka magplano ng ikakapahamak mo, pag-aralan mong mabuti ang mga desisyon mo. I'm just reminding you, may nawawala ka pang naaalala, Cloude. If I were you, aalamin ko muna ang mga nawala sa akin, bago ako magdesisyon na maaari kong pagsisihan sa huli" nakatingin si Ai sa kanyang kapatid, alam niyang matigas ang ulo nito pagdating kay Sky, noon pa man. "Siguro kasi mas gusto mo ang Twilight na yun para sa akin, hindi ba?" "Kumpara kay Althea? Oo, mas gusto ko sya para sa'yo. Pero, ikaw pa rin ang magdedesisyon ng taong papakasalanan mo. I am just your sister, I just want your decision to be right. Marriage is not easy, Cloude... do not rush about that. Remember this, Cloude, you are my only brother and I just want to protect you. But if you're not listening to me?. Wala na akong magagawa" kibit balikan ni Ai. "Bakit hindi mo sabihin sa akin ang nalalaman mo?" tanong ni Cloude. "Ang tanong... Maniniwala ka ba?. Hindi. Alam kong pinagduduhan mo rin ako, right?. Kaya hindi ko na lang sasabihin sa'yo ang mga nalalaman ko, hahayaan na lang kitang alamin ang mga dapat mong malaman. Alam ko ang kakayahan mo, Cloude. So before you marry Althea, alamin mo muna ang background niya. Right now, this is all I can help you with, dahil alam kong hindi ka magtitiwala sa akin. Good night!" umakyat si Ai sa taas at naiwan si Cloude na nag-iisip dahil sa mga sinabi nito. Nakahinto lang si Cloude sa kinatatayuan niya habang iniisip ang mga sinabi sa kanya ni Amber Ice. 'Hindi 'to tungkol sa babae 'yun, tungkol 'to sa mga nawala kong alaala. Mahalaga ba talaga ang mga nawala kong alaala?' Napailing si Cloude at naglakad papunta sa kusina para tignan ang kanyang ina. "O? Cloude, nandito kana pala. Gusto mo bang kumain?" tanong nito sa kanya. "Yes, Mom please" sagot ni Cloude at matipid na ngumiti. "Tungkol nga pala sa nangyari kanina, pagpasensiyahan mo na lang ang Ate Amber mo. Masyado lang 'yung nag-aalala sa'yo" sabi ni Claudia at nilapag ang pagkain sa harapan ni Cloude. "Maybe she's right" bulong ni Cloude. "Anong ibig mong sabihin, Nak?" "Nothing, Mom" sabi ni Cloude at sumubo nang pagkain. * * * * * * Pippa Zhynly's POV "Andyan na sila!" sabi ni Jacob ng tumayo siya, kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at napatingin sa pintuan. "Hi!" kaway ni Kelly at tinaas naman ni Athan ang kamay niya. "Anong ginagawa ninyo dito?" "Magtatrabaho, Miss Zhynly. Kami ang pinadala ni Mr. Smith para magluto para sa Young Lady at sa inyo" sabi ni Athan. "Seriously?" tingin ko sa kanilang dalawa. "Totoo, Miss Zhynly. Kaya mas madali natin mabantayan ang Young Lady" sabi naman ni Kelly. Tumango naman ako. "Yeah!. But—You know how to cook?" "Oo. Nag-training muna kami ng isang linggo ng mga paboritong luto ng Young Lady at may iba naman kaming alam na luto" paliwanag ni Kelly at tumingin kay Athan. "Athan, okey lang ba na magbantay kay Cous? Hindi ka ba pinagbawalan ng magulang mo?" "Hindi naman. Nanghingi ako sa kanila ng panahon para pag-aralan ang tungkol sa mga bagay-bagay. Gusto ko muna kasing makasiguro na okey na ang Young Lady. Nasaan na nga pala siya?" "Nasa kwarto na niya nagpapahinga" sagot ko. "Pa-sample naman ng luto ninyo, Kelly" singit ni Jacob habang hila ang dalawang maleta ng dalawa. "Ito oh!" abot ni Athan kay Jacob ng paper bag. "Iinitin na lang 'yan, galing 'yan sa training namin kanina, dinala na namin para matikman nyo" sabi ni Kelly. Agad kong kinuha ang paper bag kay Jacob. "Ako na ang mag-iinit, dalhin mo na lang 'yan sa guest room nila tito, para makapagpahinga na muna sila" tingin ko kay Jacob na nagkamot lang ng ulo niya at naglakad na rin naman. "Hindi pa naman kami pagod, samahan kana namin sa kusina" sabi ni Kelly kaya tumango naman ako. "Kumusta naman si Young Lady?" "Mukhang okey naman siya, sinabi rin namin wag siyang masyadong mag-isip. Pero sa palagay ko gusto na niya talagang maalala ang lahat" lapag ko sa paper bag at kinuha ko ang disposable tupperware kung nasaan nakalagay ang ulam. "Yung taong nagdala sa kanya sa hospital nalaman ninyo na ba kung sino?" tanong ni Athan. Tumingin ako sa kanya at umiling. "Hindi siya nagpakilala kay Tito. Hindi na rin siya ma-contact sa number na ginamit niya para itext si Tito" "Teka?. Tinext niya si Boss?" tanong ni Athan. Nagkatinganan kaming tatlo dahil sa tanong ni Athan. Sa tingin ko parehas kami ng mga iniisip, sigurado ako alam na rin 'to ni Tito Dark. "Whoa!. Anong tinginan yan?" napalingon kami sa may pinto ng kusina. "Nilagay ko na ang maleta nyo sa guest room" turo ni Jacob sa likod nya. Tumingin ulit ako sa dalawa at biglang umiwas ng tingin sa akin. "Mamaya na lang natin pag-usapan" "Anong pag-uusapan ninyo?" tingin sa amin ni Jacob. Tumingin naman sa akin ang dalawa na parang sinasabi nila na ako na ang gumawa ng dahilan. "Girls talk" pagsusungit ko. Nagkibit-balikan naman si Jacob at lumapit sa amin. "Ako na nga ang mag-iinit. Umupo nalang kayo dyan" sabi niya at kinuha ang lagyanan na may ulam. Umupo na kami habang tahimik na nagkakatinginan. Lumingon ako kay Jacob na abalang naglalagay ng tupperware sa oven. "Gigisingin pa ba natin si Bella?" tanong niya. "Hindi na. Nagsabi na siya sa akin na wag ko na siyang gisingin" "Ganun ba?. Mukhang masarap pa naman 'tong luto nila Kelly at Athan. At ang bango pa ha?" ngiti niya habang inaamoy ang ulam na binuksan niya. "Tss!. Ang ingay mo naman. Mamaya malagyan yan ng laway mo eh! Yuck!" "Sus!. Kunyari ka pang Yuck 'to eh—" "Shut up!. Tapusin mo na yan para makakain na tayo. I'm so tired na" sandal ko sa sandalan. Alam ko naman kasi kung saan patungo ang sasabihin niya. Tumingin ako kay Kelly na nakatingin kay Jacob kaya napalingon uli ako kay Jacob na nakangiti pa rin habang inaamoy ang ulam. Mukhang bata na gusto nang kumain. Tumayo ako at naglakad palapit kay Jacob. "Dalian mo nga dyan!" kurot ko sa tagiliran niya. "Aray!. Kailangan may kurot pa?." "Pake mo!. Ang bagal mo kasi eh!." "Yung microwave ang pagsabihan mo" tingin niya sa akin ng masama kaya tinignan ko rin sya ng masama at ngumiti siya na parang ewan. Baliw!. Pumunta ako sa lagyan ng mga plato para makakain na rin kami. "Pips. Penge ngang isang lagyanan—" "Inuutusan mo ako?!." "Psst!" iling niya. "Ako na nga lang" seryosong sabi niya. Tinginan ko siya at mukhang ubos na ang pasensiya niya. 'Hayaan mo na nga'. Naglakad na ako papunta sa lamesa at nilapag ang mga kinuha ko. Nakita kong nakayuko na si Kelly. "Kain na kayo, guys" yaya ko ng mailagay na ni Jacob ang ulam na ininit niya. Tumingin ako kay Jacob na tahimik na nagsasandok ng pagkain niya. "Hoy!. Ang tahimik mo?" Umiling siya. "Wala. Kumain kana" turo niya sa pagkain. "Kayo rin" tingin niya sa dalawa na bigla rin nanahimik. 'Ano bang meron?' "Anong problema bakit ang tahimik ninyo?" "Wala naman" sagot ni Kelly. Napakunot ang noo ko dahil sa nakikita ko merong problema. "Hmm!. Ang sarap ng luto ninyo" sabi ni Jacob na nakangiti pa. "Pips, tikman mo na" sandok niya sa plato ko ng ulam. Kinuha ko naman ang kutsara at sumubo. "Yup!. Masarap nga" tingin ko sa dalawa na ngumiti naman. "Teka? Ito ba 'yung dahilan kaya kayo tumahimik?" tumango sila. I sighed. "Akala ko kung ano na!" "Anong ibig mong sabihin, Pips?" "Akala ko kasi may nakita kayong kalaban or what?. Kinabahan ako doon" binalik ko ang tingin ko sa pagkain at sumubo. "Sabi ka ng sabi kay Bella na wag masyadong mag-isip, eh? ikaw rin pala" "Kumain kana lang dyan. Hindi ko kailangan ng opinion mo!" tinaasan ko ng kilay si Jacob. * * * * * * Twilight Sky's POV Napalingon ako nang makita ko na may bumubukas ng pintuan ng kwarto. Kanina pa ako nagising at nakatingin lang ako sa buong kwarto ko. "Cous!" lapit sa akin ni Zhynly at may kasunod siyang dalawang babae. 'Nakita ko na sila. Yata?.' Hindi ako sigurado kung tama ba ako. "Sila si Athan at Kelly" turo niya sa dalawa. 'Athan? Kelly?' nakatingin pa rin ako sa kanilang dalawa. "Cous, okey ka lang?" "O-Oo." sagot ko. "Sila ba makakasama natin sa bahay?" "Yup!" tango ni Zhynly. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at ganun rin naman sila sa akin. 'Parang nakita ko na sila' "Kailangan ko munang magbanyo" paalam ko at pumuwesto na mauupo sa kama ko. "Tulungan kana namin, Young Lady" "Young Lady?. Parang narinig ko na yan?" tingin ko sa kanila. Nakita kong nagkatinginan sila at tumingin uli sa akin. "Hehe! Baka sa palabas lang" "Aah?. Oo nga, Cous. Oh? Tara na, dadalhin kana namin sa cr" "K-Kayo?" tingin ko sa kanila at tumango naman sila. "Kaya ko nang mag-isa no?" "Sigurado ka?" "Oo" ngiti ko. "Malakas yata 'to" "I hope so?" sabi ni Zhynly. "Ka-Kaya—Aray!" "Sabi—" "Young—" "Hahaha!. Joke lang. Kaya ko na talaga" humawak ako sa drawer para sa pag-alalay. "Masyado naman kayong nag-aalala" "Ofcourse, Cous. Tutulungan kana namin" sabi ni Zhynly at umalalay siya sa akin at si Kelly. Nang nasa pintuan na ako ng banyo. "Thanks. Kaya ko na dito" ngiti ko. "Hihintayin ka nalang namin" tumango ako at naglakad nasa loob. ~~~ Nasa baba na kami nila Zhynly at pumunta kami sa kusina para makapag-almusal. Sila Athan at Kelly daw ang nagluto. "Si Jacob? Akala ko kasama natin siya dito sa bahay? Nasaan na siya?" "May inasikaso lang, pero mamaya andyan na yun" sabi ni Zhynly kaya tumango na lang ako. "Cous, gusto mo bang gumala ngayon–?" "Sige!" ngiti ko. "Gusto kong magpunta sa isang park" "Punta na rin tayo sa mall" nakangiting sabi ni Zhynly. "Pwede naman" ngiti ko. "Pero mas maganda at masaya kung sa park. Diba Kelly at Athan?" "Kung ayun ang gusto, Young Lady" sabi nilamg dalawa. "Fine!. Tss!" ikot ni Zhynly sa eyeball niya. Kumain na lang ako nang almusal. Nang matapos na kaming kumain pumunta kami sa may sala at nagkwentuhan kasama sila Athan at Kelly. "Zhynly, kailan tayo papasok sa school?" "Tomorrow" "Talaga?." "Yup. But pupunta lang tayo doon" "Bella" napatingin ako kay Jacob. "Okey kana ba?" "Oo naman. Malakas yata to!" ngiti ko sa kanya. "Saan ka nga pala galing?" "May inayos lang sa labas. Teka? Bakit nakabihis kayo?" turo niya sa aming apat. "Pupunta tayo sa park. Ikaw na lang ang hinihintay namin" "Sweet mo naman, Pips" "Tss!. Anong sweet doon eh! Wala kaming driver. Duh!" "Kung wala lang sila dito—" "Anong gagawin mo sa akin?" "Hahalikan kita!" "Ituloy mo hahalikan kita" napahawak ako sa ulo nang may marinig akong boses. "Siraulo ka!" nakatingin lang ako kanila Zhynly pero ang isip ko nasa boses pa rin nang narinig ko. "Magbibihis na nga lang ako. Hintayin ninyo ako dito. O? Bella, Okey ka lang?" "Ha?" tingin ko kay Jacob na nakalapit na pala sa akin. "Oo. Ayos lang ako" "Cous, sigurado ka ba?Kung mas gusto mong magpahinga sa ibang araw na lang tayo pumunta sa park?" "Okey lang talaga ako. Sige na Jay, magbihis kana. Okey lang ako, kaya ko" "Sigurado ka ha?" "Oo nga, sabi. Sige na dalian mo na" mahinang tulak ko sa kanya. 'Isa ba 'yung alaala?.' Hindi ko alam. * * * * * * Amber Ice's POV Napatingin ako sa hagdan para tignan kung sino ang bumaba. Binaba ko ang hawak kong magazine at tumayo. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" "Sky's house. Why?" "Nothing" iling ko. Tumango siya at naglakad palabas. 'Nakinig kaya siya sa sinabi ko?. Asa kana naman, Amber Ice, saan siya pupunta ngayon?' Nagpunta na lang ako sa kusina para tignan kung ano pwedeng gawin sa kusina. Wala pa naman ngayon sila Mom at Dad. Tumunog ang cellphone at agad kong kinuha ang cellphone dahil si Zhynly ang tumawag. "Hello!" "Ate Ai" base sa boses niya masaya siya. "Kumusta ang lakad ninyo ni Kuya Clark?" "Okey naman. Mabuti naman at tumawag ka, how are you?" "I'm good. Kasama mo si Cous, gusto mo bang sumama?" "Really?. Where?" "Papunta kami sa isang park ngayon, gusto nya kasing mamasyal. Kaya ito, sasamahan namin kahit hindi pa siya okey" "Matigas rin ang ulo, parang si Cloude. Pupuntahan ko kayo itext mo na lang sa akin ang place. Magdadala na lang ako ng cupcakes." "Okey, Ate Ai. See you" binaba ko na ang cellphone ko at napatingin sa malayo. 'Hays! So stressful!' Pumunta na ako sa refregirator para kuhain ang mga cupcakes na ginawa ko kanina. Nilagay ko sa box ang mga cupcakes at umakyat na ako sa taas para magkapag-ayos. ~~~ Nagpark na ako ng sasakyan at lumabas dala ang box ng cupcakes. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nina Zhynly dahil makita ko na sila agad. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin ko ang isang lalaki na nakamasid kanila Zhynly sa malayo. Hindi muna ako tumuloy sa paglapit kanila Zhynly, umupo muna ako sa isang bench at pinagmasdan ang lalaki. Pinag-aaralan ko ang bawat kilos niya, at hindi ako nagkamali sa kinikilos niya. May balak siyang masama kanila Twilight. Tumingin ako sa cellphone ko, nang makita kong papalapit siya sa kinaroroonan ko. Nang makalagpas na siya sa akin, nakita ko ang paglabas niya sa kanyang baril. Lalapit na sana ako sa kanya, pero bigla niyang binaba ang baril na tinutok niya kanila Twilight at tinago ang kanyang baril sa tagiliran niya. Nagmamadali siyang naglakad palayo at napatingin ako sa kinaroroonan nila Zhynly at nakita kong sinusundan ni Twilight ng tingin ang lalaki papalayo. Tumayo ako dala ang box ng cupcake para sundan ang lalaki. Nakita kong pumasok siya sa comfort room, pumasok ako sa loob. Mabuti nalang at siya lang ang nasa loob. Nilock ko ang pinto at nanalamin ako habang hinihintay siyang lumabas sa cubicle. Nakita kong nagulat siya ng makita akong nasa loob ng cr. "Miss, panglalaki 'to banyo" sabi niya habang nakatingin gamit ang reflection ng salamin. "I know, but I need you" napatingin siya sa akin na may halong ngiti. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang dibdib pababa. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng jacket niya hanggang sa makuha ko ang baril niya at mabilis iyong tinutok sa kanya. "Nakita ko ang ginawa mo" nakatingin ako sa mga mata niya. "Sino ka? At sino ang mission mo?" "Hindi ko alam ang sinasabi mo" "Hindi mo alam?" hinawakan ko ang gatilyo ng baril niya. "Okey!" "Wag!. Si—Si Twilight Smith ang mission ko. At hindi ko naman nagawa—" "Bakit hindi mo agad ginawa?. Nasayang ang panahon mo, alam mo ba 'yun? Sinong nag-utos sa'yo?" "Si Mr. Cloude Yule Hollis" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano?!" madiin kong hawak ang baril kahit gustong-gusto ko nang kalabitin ang gatilyo. "Hindi yan totoo" tutok ko sa baril sa ulo. "Hindi niya magagawa yun" "Magagawa niya yun, kahit kapatid mo siya hindi mo pa sya kilala ng lubos, Amber Ice Hollis" ngiti niya sa akin. "Kahit mamatay ako dito, iyon ang katotohanan, hindi mo lubos kilala ang kapatid mo" ngisi niya. "Hindi lang ito ang unang pagkakataon na inutos niya sa amin na patayin namin si Twilight Sky Smith. Inutusan niya ang kasama ko na patayin si Twilight sa hospital ng mga ito pero napatay siya ni Twilight. Kaya ako, ako ang papatay sa kanya para ipaghiganti ang ginawa niya sa kasama ko!" sa mga sinabi niya nalinawan ako sa hanggarin niya. "Sinungaling!. Gusto mong maghiganti kay Twilight dahil napatay niya ang babaeng 'yun! Sino ba ang babaing yun? Ang taong mahal mo? Tama ba ako?" tanong ko. Nakita ko ang mabilis na pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. "Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan" ngisi niya. "Kahit anong gawin mo, masama tao ang kapatid mo!. At hindi na 'yon mababago!" "At mukhang galit na galit ka rin sa kapatid ko?. Kung sino man ang taong nag-utos sa'yo na gawin ito, malalaman ko rin kung sino siya. Pero ikaw... hindi mo na malalaman kung ano ang kinabukasan mo" ngisi ko habang nakatutok sa kanya ang baril. Lumapit ako sa kanya at tinutok ang baril sa tagiliran niya. Nakita ko ang paglabas ng dugo pero alam kong mabubuhay pa siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang mga tao ko. "Kailangan ko ng maglilinis dito" sabi ko sa tauhan ko. Alam kong alam nila kung nasaan ako dahil may mga nagbabantay din sa akin sa malayo. Mga tauhan namin at tauhan ni Clarkson. Hinugasan ko ang kamay ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. 'Hindi 'yun magagawa ni Cloude kay Twilight' nakita ko ang luha sa mga mata ko na agad kong pinunasan. "Kilala ko si Cloude at hindi niya 'yun magagawa" Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya agad akong lumapit at binuksan ang pinto. "Miss Amber Ice" "Kayo na ang bahala sa kanya, dapat gumaling siya dahil may gusto pa akong makuhang impormasyon sa kanya" sabi ko at tinignan ang baril na inilapag ko. Tumango naman siya kaya kinuha ko na ang box ng cupcakes na ibibigay ko kay Twilight. ~~~ "Ate Ai!" kaway ni Zhynly sa akin, kumaway rin ako at ngumiti. Nang makalapit na ako sa kanila nakatingin sa akin si Twilight kaya ngumiti ako at ganun rin naman siya. Bigla akong nahiya na hindi ko maintindihan, hindi ko pa naman sigurado na ginawa 'yun ni Cloude sa kanya. Kailangan ko munang mapatunayan na tama ako, at kung mali ako, hindi ko alam ang pwedeng gawin. "Cous, si Ate Ai pala, siya 'yung sinasabi ko sa'yong gumagawa ng masarap na cupcakes" "Talaga?. Nice to meet you po. Ang sarap ng mga cupcakes mo, sana maturuan mo ako kung paano gawin yun" sabi niya at ngumiti. Bigla ko tuloy naalala noong Twilight na unang nakita ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Nice to see you again, Dear" ngiti ko at tumingin sa kanya. Mukha siyang nailang sa ginawa kong pagyakap sa kanya. "Ito nga pala para sa'yo" abot ko sa kanya ng box. "Salamat" sabi niya at tumango lang ako. "Cous, I think mag-mall naman tayo. Mainit na dito oh!" "Sige na, Twie. Pagbigyan na natin 'tong pinsan mo" sabi ni Jacob. "Sige na nga. Kelly, pwedeng pahawak muna ng box?" "Oo naman, Young Lady" kuha ni Kelly sa box. "Bakit kayo nandito?" tingin ko kanila Athan at Kelly. "Sila po kasi ang kasama namin sa bahay. Magkakilala po kayo?" "Oo." sagot ko. "Tara na?" yaya ni Zhynly kaya tinulak na ni Jacob ang wheelchair na inuupuan ni Twilight. Napansin ko na nakatingin pa rin siya sa akin, pero naglakad na lang ako at hindi ko na siya inabalang tanungin pa. * * * * * * #4 #TMA2BA #ElainahM.E ^_^v
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD