Chapter Fourteen:
Twilight Sky's POV
Nasa coffee shop na kami malapit sa park, siya na rin ang nag-order ng kakainin namin. Binuksan ko ang laptop lo at kinuha ang flashdrive. Napatitig ako sa flashdrive na nasa kamay ko habang hinihintay na magbukas ang laptop ko. Nang bukas na ang laptop ko, inilagay ko na ang flashdrive na hawak ko.
'Mafia Assassin Files'. "Ano 'to?"
"Ito na ang cupcakes at milk shake mo, Young Lady" ngiti niya at nilagay sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang sinara ang laptop ko at tumingin sa cupcakes na kulay pink ang kulay. 'Mukhang masarap'.
"Hindi yan tinititigan, kinakain yan" napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya. "Hindi rin ako tinititigan, minamahal ako"
"Kasi gwapo ka?." pangunguna ko sa sasabihin niya. "Tss! Ang hangin mo..." sabi ko at kinuha ko ang cupcakes. Narinig ko na tumawa siya at naupo sa harapan ko pero hindi ko nalang siya tinignan. Bigla kasi akong nagutom dahil sa cupcakes na nasa harapan ko.
"Ako nga pala si Yohan Clyne Wright..." abot niya sa kamay niya sa akin. "Ako na ba ang Mr. Wright mo?. And you, Young Lady?"
"Twilight Sky Smith... Twili—"
"Sky ang itatawag ko sa'yo" sabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko sa sinabi niya.
"Twilight ang itawag mo sa akin. Ayoko nang 'Sky'" tingin ko sa kanya.
"Bakit naman?" takhang tanong niya.
'Hindi ko rin alam'. "Basta wag 'Sky'..."
"Okey, Light na lang. Dahil ikaw ang nagbigay na liwanag sa buhay ko" ngiti niya habang tinataas niya ang kanyang kilay.
"Parang narinig ko na yan, hindi ko lang alam kung kanino" I pouted. Iniisip ko kung saan ko ba narinig yun pero hindi ko talaga maalala.
"Kaya pala... Nagamit na ba yun?. Hmm?.. Ano kayang itatawag ko sa'yo? Yung unique... Alam ko na pusa na lang" sabi niya at ngumiti pa.
"Pusa? Bakit naman pusa? Mukha ba ang pusa?. Cat kasi tawag sa akin ni Homer. Mukha ba pa talaga akong pusa?" I pouted. Kinain ko na lang ang isang cupcake na nasa harapan ko. Tatlo kasi ang bili ni Yohan Clyne.
"Wag kanang malungkot dyan, cute ka naman sa lahat ng pusa na nakita ko" taas niya sa baba ko para tumingin ako sa kanya.
"So? Mukha talaga akong pusa?. Meoww!" sabi ko at parang kakalmutin ko ang mukha niya. Napaatras siya sa ginawa ko at ngumiti kaya napangiti na lang ako. 'Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa isang 'to.' Pero alam kong hindi pa rin ako pwedeng magtiwala sa kanya.
Tinignan ko na uli ang cupcakes na kulay pink. Nang mapatingin uli ako kay Yohan Clyne na nakatingin pa rin sa akin. "Crush mo ko no?. Hahaha!"
"Oo" sabi niya kaya napahinto ako sa pagtawa ko. "Joke! Hahaha!. Naniwala siya!" turo niya pa sa akin.
"Hindi no?. Ano bang itatawag ko sa'yo? Yohan o Clyne?"
"Mine na lang pwede naman ako maging sa'yo eh!" sabi niya at kumindat na naman.
"Mine? Pwede naman ako sa'yo?... Pick-up lines ba yun?" takhang tanong ko.
"Tss!. May pagka-slow ka nga pala" iling niya.
"Hoy! Hindi ako slow no? Kaya ko nga tinatanong sa'yo"
"Kaya nga eh!. Kung ibang babae yun dapat kinilig na yun. Hindi ka ba marunong kiligin?" medyo malakas na ang boses niya. Napatingin tuloy ako sa paligid namin dahil halos lahat nakatingin sa amin at mga nakangiti sila. 'Anong ngini-ngiti nila?'.
"Wag mo na silang tignan!... Slow ka kasi eh!"
"Hindi nga ako slow!" tingin ko sa kanya ng masama. "Akin na nga yang bag ko. Aalis na ako, makatawag kang slow akala mo hindi ka slow!" tayo ko at kinuha ko sa gilid niya ang bag ko.
"Hindi pwede ubusin mo muna yang cupcakes in one minute" turo niya dalawang cupcakes. "Kapag hindi mo nagawa... You'll need stay with me, mas matagal pa. Game?"
"Sige. Orasan mo na" kuha ko sa dalawang cupcakes at kinain ko. Ilang sigundo lang yata naubos ko na. "Tapos na"
"One minute and two seconds. Hahaha! Mag-sstay ka muna sa akin" tawa pa niya.
"Duga!.. Ginugoyo mo yata ako eh!."
"Gwapo ako at hindi ako manggogoyo" tawa niya pa. "Tara!. Sumama ka sa akin" tayo niya at kinuha ang bag ko tyaka ang laptop ko. Nilagay niya sa loob ng bag ko ang laptop at naglakad na palabas.
Kinuha ko naman ang milk shake at lumabas na para sumunod sa kanya. "Hindi ko magawa ang dapat kong gawin ha?" tumakbo ako at madali ko naman siyang naabutan.
"Hoy!... Saan tayo pupunta?"
"Basta!. Wag mo akong tatawagin 'Hoy!' dahil sinabi ko na sa'yong pangalan ko. Yohan Clyne Wright na always right" kindat niya uli.
"Mahilig kang kumindat no? Pansin ko lang"
"Ganyan talaga kapag gwapo. So? Anong gusto mong itawag sa akin? Pwede talaga ang 'Mine' kung wala kang maisip" ngiti niya.
"Yohan na lang. Katunog ng kay Yuan... Hehe.." ngiti ko sa kanya.
"Ang duga!.. May naalala ka kapag tinatawag mo ang pangalan ko. Ayoko nun! Iba na lang" pout niya at para siyang bata.
"Edi! Clyne na lang. Dalawa lang naman ang pangalan mo eh!" kamot ko.
"Ayoko rin nyan, gusto ko unique. Tatawagin nga kitang pusa eh! Dapat may tawag ka rin sa akin"
"Huh?.. Ang dami mong arte... Basta Clyne ang itatawag ko sa'yo. Wala nang iba. Tyaka ngayon na lang naman tayo magkikita"
"Bakit ayaw mo na ba akong makita? Sa gwapo kong 'to ayaw mo na akong makita?" nagpuppy eyes pa siya.
"Ewan ko sa'yo!... Akin na ang bag ko, may dapat pa akong gawin istorbo ka"
"Anong bang gagawin mo? Baka pwede kitang tulungan?" seryosong tanong niya.
"Ang alamin ang mga bagay na nakalimutan ko, ang mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko maalala, at ang mga taong hindi ko maalala" tingin ko sa mga mata niya.
"Sumama ka muna sa akin. Tara!" hinawakan niya ako sa kamay ko at naglakad kami papunta sa sasakyan niya.
~~~
Isang oras na yata kaming bumabyahe nang huminto siya sa harapan ng isang grocery store. "Sasama ka sa loob?" tanong niya sa akin.
"Sige" sagot ko na lang at bumaba ako sa sasakyan. "Bakit tayo nandito?"
"Bibili lang tayo nang pwede nating kainin sa pupuntahan natin" sabi niya at ngumiti. "Kung nag-aalala ka pauwi, ihahatid kita sa inyo" ngiti niya sa akin.
"Sige" sabi ko na lang. Okey naman kasi siya, mabait naman pero may pagkamahangin paminsan-minsan.
Pumasok na kami sa loob at pinagtitinginan siya ng mga babae sa loob. 'Sabi niya nga kasing gwapo siya'.
"Daming mga mata nakatingin, ang gwapo ko kasi" bulong niya sa tenga ko. Napangiwi naman ako. "Tara dito tayo" hawak niya sa kamay ko kaya sumunod naman ako sa kanya.
"May girlfriend na pala si Kuya. Sayang" rinig kong bulong nang babae.
Tinignan ko si Clyne na ngumiti naman. 'Anong nginingiti-ngiti niya?'. tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ayokong isipin ng iba na girlfriend niya ako baka mamaya may girlfriend siya na katulad ni Yuan. Nakakatakot. 'Bakit ko pala iniisip yung pangalan ni Yuan!'
"Bakit mo tinanggal!" hawak niya uli sa kamay ko. "Pagtinanggal mo uli, hindi na kita uuwi sa bahay nyo. Iuuwi na talaga kita, para maging akin kana talaga"
"Baliw kana ba?"
"Oo baliw ba baliw sa'yo" ngumiti siya. 'Mahilig talaga siya sa pick-up lines. Si boy pick-up ba siya?'. "Hindi ka man lang kinilig?"
"Bakit naman ako kikiligin?"
"Wala.. Wala.. Tara na bumili na lang tayo" sabi niya at nagkibit balikan na lang ako.
* * * * * *
Third Person's POV
Nakikita ni Dark ang ginagawa ng kanyang anak sa monitor at hinahayaan niya lang ito. Tinitignan niya kung ano ang gagawin nito upang makaalis sa kanilang tahanan. Napapailing lang siya sa mga diskarte ng kanyang anak. Pinaalam niya rin sa kanyang tauhan na hayaan si Twilight at magkunwari ang mga ito na hindi nila ito nakikita.
Ipinahanda niya rin ang sasakyan ni Twilight para siguradong makarating ito sa gusto nitong puntahan. Nakita ni Dark sa monitor na makakasalubong ng sinasakyan ni Twilight ang tatlong van na ini-report sa kanya. Nakahinga si Dark ng maluwag, nang lagpasan lang ng mga ito ang sinasakyam ng kanyang anak.
Hanggang sa nakarating na ang tatlong van sa harap ng bahay nila. May mga lalaki na lumabas sa van na may hawak na mga baril. "Boss" rinig ni Dark sa kanyang tenga.
"Magtira kayo ng buhay" saad niya.
"Copy" ilang sigundo lang ang nakalipas, natumba ang mga lumabas sa van.
Nakatanggap si Dark ng death note para sa kanyang anak kaya lagi hindi dapat ito mawala sa kanyang paningin. Hindi na rin niya sinabi sa kanyang asawa, dahil ayaw niyang mag-alala pa ito.
Nag-utos siya sa kanyang tauhan na magpanggap na taxi driver para siguraduhin na makakaalis ito ng maayos. Naging panatag ang kanyang loob ng masiguradong nakalayo na ang kanyang anak.
Ilang minuto ang nakalipas, hindi inaasahan ni Dark na may iba pa palang nakapaligid sa kanila na kalaban. Papaulanan pa lang ng bala ang bahay ng mga Smith ay isa-isa nang nagsitumbahan ang mga ito, dahil alerto ang mga tauhan ni Dark na nakapalibot sa kanilang bahay.
Sumuko ang ilang mga natira sa van at mabilis naman nilinis ng tauhan ng Darklight group ang mga kalat dahil sa nangyari.
~~
"Boss, nawawala po ang Young Lady" sabi nang taxi driver na naghatid kay Twilight papunta sa park sa isang nakakataas na tauhan ni Mr. Smith.
"Hinanap mo na ba sa buong park?. Baka kung ano ng nangyari sa Young Lady, kailangan natin siyang makita, malalagot tayo kay Boss" sambunot nito sa buhok. Huminga ito ng malalim. "Tatawagan ko siya para ireport na nawawala ang Young Lady, pero kailangan natin siyang mahanap agad" dagdag pa nito at lumayo sa kaharap.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Alas singko na nang hapon, hindi ko akalain na matatagalan kong makasama si Clyne. May pagkamahangin siya pero masaya siya kasama dahil marami siyang alam... na kalokohan. Nagluluto siya ng ihaw-ihaw habang ako naman nag-aayos ng sapin na uupuan namin. Biglang nag-ingay yung tyan ko. 'Gutom na ako'.
Napatingin ako kay Clyne na abalang-abala sa pagpaypay. 'Nakakagutom ang amoy ng inihaw niya'. singhot ko sa hangin at napatingin uli kay Clyne na nakatingin na sa akin.
"Gutom kana, Light?" tanong niya. 'Akala ko ba pusa ang itatawag niya sa akin?'. "Gusto ko Light ang itawag sa'yo eh!"
Nagkibit-balikan na lang ako at tumayo sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa kanya at sa ginagawa niya. Nakangiti pa rin siya habang nagpapaypay.
"Clyne, bakit ka nakangiti?"
"Kasi tinitignan mo ako, gusto ko kasi na kapag naalala mo ako gwapo ako sa paningin mo" sabi niya at kumindat pa.
"Tss!. Yun lang pala yun. Para ka lang tanga sa ginagawa mo" nakita ko ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko.
"Atleast tinititigan mo at nakikita mo ang kagwapuhan ko. Baka mamaya hanap-hanapin mo ang kagwapuhan ko. Lubos-lubusin mo na ang pagtingin mo sa akin" ngumiti siya habang nakatingin pa rin sa akin. "Habang marami ka pang oras na tignan ako" sabi niya at agad na tumawa.
"Ang yabang mo no? Saan mo ba nakukuha yang kayabangan mo?"
"Hindi ako mayabang, nagsasabi lang po ako ng totoo" kindat niya uli.
"Gutom lang yan, Clyne" sabi ko at lumapit sa kanya.
"Alam kong gutom ka, pero hindi ako pagkain para kainin mo"
"Sinong nagsabi sa'yo na ikaw 'yung lalapitan ko? Gutom na ako at itong ihaw yung kailangan ko at hindi ikaw" turo ko sa ihaw at sa kanya.
"Sige na nga kumain kana" abot niya sa akin ng ihaw kaya kinuha ko naman. "Mainit ha?"
"Opo!" sagot ko na lang at kinain ang inihaw na baboy"Ang sarap..."
"Syempre ako ang nag-ihaw eh!. Sige kumain kalang dyan" sabi niya habang nagpapaypay pa rin.
"Ikaw ayaw mong kumain?"
"Makita lang kitang kumakain nabubusog na ako. Hahaha"
"Naniniwala na sana ako may tawa lang sa huli" biro ko at kinain na uli yung ihaw. "Bakit mo nga pala ako dinala dito?"
"Wala lang. Nakikita ko kasi sa mata mo na gusto mong lumayo. Lumayo sa mga bantay mo, Young Lady" ngiti niya.
"Tama ka. Pero syempre, sandali lang. Ayokong mag-alala sila sa akin at baka mapagalitan pa sila ni Tatay." paliwanag ko.Tumango lang siya at nag-paypay na uli sa harapan ng iniihaw niya.
~~~
Alas-syete na nang gabi, mabilis lumipas ang oras pero magkasama pa rin kami ni Clyne. Nakatulog rin ako pagkatapos namin kumain habang nagku-kwentuhan. Kinuha ko agad ang cellphone ko ng marinig kong may tumatawag. Si Tatay ang tumatawag.
"Hello, Tatay!"
"My Daughter, where are you? Are you okey?"
"Okey lang po ako, Tatay. May problema po ba?"
"N-Nothing. Where are you?"
Napatingin ako kay Clyne na nakatingin lang sa akin. "Nasa isang park po, Tatay. Pero wag po kayong mag-alala uuwi rin naman po ako mamaya, sorry po kung tumakas ako"
"Who's with you? Are you alone?"
"I'm alone" napatingin ako kay Clyne na ngumiti lang. "Pero may kasama po akong bagong kaibigan"
"A new friend?"
"Opo, Tatay. Uuwi rin po ako bago mag twelve"
"But—"
"Please! Tatay kahit ngayon lang po, hayaan ninyo muna ako. Please?"
"Fine. Just take care of yourself my daughter. See later?"
"Yes, Tatay. See you later.. Paki sabi nalang po kay Nanay. Bye" tumingin ako kay Clyne pagkatapos ko tapusin ang tawag.
"So? Gusto mo pa pala akong makasama? Sabi na nga ba unti-unting kanang nahuhulog sa akin. Wag kang mag-aalala sasaluhin naman kita" ngumiti kumindat na naman siya.
"Kumain na lang tayo. Masyado kanang gutom" sabi ko at tumawa lang siya. "Baliw!"
Pagkatapos naming kumain ni Clyne naglibot-libot muna kami sa paligid kahit medyo madilim na, masarap rin kasi ang hangin sa lugar kung nasaan kami.
"Tara, doon na tayo" turo ni Clyne sa nilatag kong sapin. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya humiga siya sa sapin at tumingin sa langit. "Tumabi kana dito" tapik niya sa gilid niya. Kaya sumunod naman ako at nahiga sa tabi niya.
"Ang ganda ng mga bituin no?" sabi ko at lumingon sa kanya.
"Maganda nga" sabi niya habang nakatingin sa akin at tumingin sa langit. "Yung mga bituin"
Ilang minuto kaming hindi nag-usap dahil nakatingin lang kami sa langit. "Anong ibig mong sabihin kanina?" basag ni Clyne sa katahimikan. Kaya napatingin ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa langit.
"Saan?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "Yung sinabi mo kanina na... 'Ang alamin ang mga bagay na nakalimutan ko, ang mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko maalala, at ang mga taong hindi ko maalala'. Nagka-amnesia ka ba?" tingin niya sa mga mata ko.
Ngumiti naman ako at tumango. "Oo. Parang ganun... May ilang mga bagay akong nakalimutan, at yung mga bagay na yun gusto kong malaman"
"Paano kung masaktan ka sa mga malalaman mo?" nakatingin pa rin siya sa mga mata ko. "Dahil sa mga malalaman mo?"
"Hindi ko pa alam ang sagot dyan. Pero bakit naman ako masasaktan? Ilang buwan lang naman sa buhay ko ang nakalimutan ko at gusto kong maalala."
"Sa ilang buwan na nakalimutan mo, maraming pwedeng nangyari doon. Pwedeng may nakilala kang tao na minahal mo, pero dahil nakalimutan mo yung araw na nagkita kayo, hindi mo na siya maalala, ngayon" paliwanag niya.
"Imposible yun. Di dapat nagpakita na siya sa akin. Tyaka pagkakaalala ko, wala pa akong lovelife." tawa ko. "Nanonood ka rin siguro ng drama no? Kaya ka ganyan ang sinasabi mo sa akin" turo ko sa kanya. 'Mahilig pala siya sa drama'.
"Baka, hindi mo pa talaga siya mahal. Gusto mo lang siya" bulong niya pero hindi ko masyadong narinig yung iba pang sinabi niya.
"Ano?" tingin ko sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Ang sabi ko, dapat nabubuhay kana lang sa present at wag mo nang-alalahanin ang past" sabi niya at tumingin uli sa langit.
"Hindi ka makakamove on sa nakaraan kung patuloy mo pa rin iisipin ang nakaraan. Diba puro nakaraan na lang?." tumawa ako. "Pero sa kaso ko, gusto kong malaman ang nakaraan ko. Kahit na panget man ang nangyari sa nakaraan ko, basta kailangan kong malaman yun"
"Kahit masasaktan ka?"
"Kung masaktan man ako? Edi? Go. Basta alam ko na wala akong nakalimutan sa nakaraan ko. Wala ako pagsisihan sa huli, nalaman ko ang nakaraan ko." ngiti ko sa kanya kasi nakatingin na siya sa akin.
"Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong ko" seryosong sabi niya. "Akin na yung cellphone mo"
I pouted. "Paano kita tatawagan kung kukuwain mo ang cellphone ko?. Aray!" pitik niya sa noo ko. Hinawakan ko ang noo ko habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Paano mo ako tatawagan kung wala ka naman ng number ko? Slow?" sabi niya. 'Oo nga naman. You're not thinking, Twilight'.
"Hindi ako slow no?!" kinuha ko yung cellphone ko at inabot ko sa kanya. Kinuha naman niya at nagtype sa phone ko. "Hindi ko lang nagets agad"
"Ganun rin yun. O!" balik niya sa akin ng cellphone ko. "Basta tandaan mo to, Twilight Sky Smith, nandito ako ngayon sa present mo at hanggang sa future ng buhay mo, nasa tabi mo na ako. Pwede mo akong yakapin kapag gusto mo. Okey lang naman yun sa akin" kindat niya.
"Maganda na sana ang sinabi mong... 'Basta tandaan mo to, Twilight Sky Smith, nandito ako ngayon sa present mo at hanggang sa future ng buhay mo, nasa tabi mo na ako.' Kaso may sinama mo pa yung yakap yakap na yan"
"Pustahan tayo... Yayakapin mo rin ako with matching iyak pa. Yung araw na yun, yun yung araw ng kasal natin" tawa siya ng tawa sa sinabi niya.
"Baliw kana talaga no?. Ano nga palang nilagay mong name dito?" taas ko sa cellphone ko.
"Malalaman mo rin... Tara na ihahatid na kita sa inyo" upo ni Clyne at tumingin sa akin. "O? Gusto mo pang kasama ako?"
Umupo rin ako. "Ayoko ko nga no?!. Yabang mo kasi eh!. Hehe. Pero masaya kana man kasama kahit papaano" ngiti ko sa kanya.
"Hehe. Kinilig ako" tawa niya. "Basta tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka" kindat niya at tumayo. Nilahad niya ang kamay niya para alalayan niya akong tumayo. Hinawakan ko naman ang kamay niya at nakatayo naman ako. Pero bigla nila akong hinila palapit sa kanya.
"Five minutes lang." bulong niya. "Thank you na pinagkatiwalaan mo akong samahan ka. Kahit dalawang beses mo pa lang akong nakikita. Sana maulit uli ito, yung paulit-ulit" rinig kong sabi niya at tumingin siya sa mukha ko.
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bigla tuloy akong kinabahan. "Can I kiss you?" mahinang tanong niya at naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko. "Thank you" 'Pumayag ba akong halikan niya ako sa noo?. Hayaan na nga lang'.
"Tama na yakap. Tara na, baka magalit sa akin sila Nanay" lumayo ako sa kanya. Kinuha niya naman yung bag ko.
"Tara na!" hila niya sa akin.
"Teka? Paano 'to?" turo ko sa mga ginamit namin.
"May kukuha niyan. Tara na!"
"Sure ka?"
"Oo nga, ang kulit!" sabi niya kaya naglakad na ako habang nakahawak pa rin siya wrist ko.
* * * * * *