Chapter Thirteen

1370 Words
Chapter Thirteen: Travis's POV "Bakit magkasama sila?" tanong ko sa sarili ko. Nakasunod so Miss Twilight kay Cloude. 'Takte! Baka may gawing masama si Cloude kay Miss Twilight. Mayayari kay Sam. Ay! Kay Ate Ai pala'. Bigla ko na naman naisip yung tomboy na yun. "Aray!" angal ko ng may biglang tumama sa akin. Napatingin ako sa pinangalingan ng tumama sa akin at nakita ko si Grayson na nakangiti. 'Loko 'to ha?! Anong problema ng siraulo nito sa akin?!' Lumapit ako sa kanya nang bigla kong maalala na siya nga pala ang pinagbabantay ni Miss Amber sa mga galaw ni Cloude. "Kanina ka pa?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya at binato ko rin siya ng bato pero naiwasan niya. "Bwisit! Hindi ako nakabawi" kamot ko at lumingon uli sa pwesto nila Cloude na nakaupo na sila sa bench. "Kanina mo pa ba sinusundan si Cloude?" lingon ko kay Grayson. "Oo." sagot niya habang nakatingin pa rin sa direksyon nila Cloude. Mukhang hindi nila alam na sinusundan namin sila. Alam kong malakas ang pakiramdam ni Cloude lalo na kapag may nakatingin sa kanya. "Hindi ba natin pipigilan si Cloude na lumapit kay Miss Twilight? Baka may balak na naman siyang saktan si Miss Twilight." 'Yare! nanaman ako kay Sam kapag nagkataon'. "Sa tingin ko wala naman masamang balak si Cloude kay Miss Twilight" sagot niya. "Mukhang nag-uusap lang naman sila" tumingin ako sa gawi nila Cloude. At ang loko ngumi-ngiti habang nakatingin kay Miss Twilight. Ang cute naman kasi talaga ni Miss Twilight. Pero mas cute si Baby girl ko. "Ano kayang pinag-uusapan nila? Hindi kaya... Hindi kaya, hindi totoo na may amnesia sila?" nakita kong napatingin si Grayson sa akin. "Sa tingin mo ba kaya nilang pahirapan ang sarili nilang dalawa sa ganyang sitwasyon?" tanong niya. "Hindi, diba?" dagdag niya pa. "Tama ka naman pero bakit magkasama silang dalawa, ngayon? Imposible naman nagkataon lang?" "Nakita kong pumasok at lumabas sila sa office ng isang prof dito. Siguro 'yun ang dahilan kaya sila magkasama ngayon" "Nang dahil lang doon?" tanong ko at tumango naman siya. "Sabagay, magkaklase nga pala sila. Baka kinausap sila ng prof nila." kibit-balikat ko. Napatingin ako kay Cloude na nakangiti habang nakatingin kay Miss Twilight. Nakita ko ng mapatingin si Cloude sa gawi namin ni Grayson. "Nakita na niya tayo" sabi ni Grayson. "Oo nga eh!." tumingin uli ako kanila Cloude, nag-uusap pa rin sila ni Miss Twilight. Ilang minuto lang ang nakalipas, naglakad na palayo si Miss Twilight kay Cloude. "Aalis na ako" paalam ko kay Grayson para sundan si Miss Twilight. Nakatingin si Grayson sa likuran ko kaya napatingin ako at nakita ko si Cloude na masama ang tingin sa amin. "What are you doing here? Sinusundan nyo ba ako? O kami?" seryosong tanong ni Cloude habang lagpas ang tingin niya sa aming dalawa. Napatingin ako kay Grayson na nakatingin kay Cloude. "Sinusundan namin si Miss Twilight" "Ahh!" tango niya. "Nag-aalala ka ba sa kanya, Grayson?" gumilid ako para tignan silang dalawa. "Do you like her, Grayson?" tanong ni Cloude na kinagulat ko. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong napansin sa tanong niya. Para siyang nagseselos. "Wala kana doon, Cloude. Tara na, Travis puntahan na natin si Miss Twilight" talikod ni Grayson kay Cloude. Ibang klase talaga si Grayson kapag nagsalita at nang-asar kay Cloude. 'Pero asar lang ba yun o may gusto si Grayson kay Miss Twilight? Haba ng hair ni amnesia girl'. * * * * * * Grayson's POV Nakatingin ako kay Travis dahil nauna pa siyang pumasok sa sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok na rin ako. "Anong ginagawa mo dito?" "Makikisakay. Bakit?" sabi niya. "May sasakyan ka, diba?" "Meron nga pero—" "Pero may gusto kang malaman?. Kilala na kita, Travis White" tingin ko sa kanya. "Anong gusto mong malaman?" tingin ko sa labas. "May gusto ka ba kay Miss Twilight?" "Sa tingin mo?" tingin ko sa kanya. "Wala. Wala kang gusto sa kanya kasi kilala ko kung sino ang pinopormahan mo" tingin niya sa akin. Alam kong inaasar niya lang ako at tuwang-tuwa pa siya sa kalokohan na naisip niya. "Manahimik ka nga! Kung ayaw mong manahimik pang habang buhay!. Umalis kana sa sasakyan ko!" "High blood?.. Sige na nga baba na ako. Susundan mo na si Cloude" sabi niya at binuksan na yung pinto. "Ako nang bahala kay Amnesia girl. Baka iba ang bantayan mo ha?" "Siraulo!. Kupal!" sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya ng sobrang lakas. 'Abnormal sa lahat ng abnormal'. * * * * * * Twilight Sky's POV Nang makauwi ako sa bahay hindi ko maiwasan na hindi isip si Yuan. Pakiramdam ko kasi habang nag-uusap kami kanina, matagal na kaming magkakilala. Hindi ko lang matandaan ang pangalan niya, pero habang tinitignan ko siya kanina may parang alaala ako sa kanya. 'Hindi kaya close kami dati?' "We're not that close" bigla akong naalala ang sinabi niya kanina. "Sweetie!" napatagilid ako sa kama ko ng marinig ko ang boses ni Nanay. Napabangon ako sa kama ko at nagulat ako ng nasa loob na pala siya ng kwarto ko. "N-Nanay..." "Kanina pa ako kumakatok sa pinto mo, akala ko tulog kana. Kaya pumasok na ako sa kwarto mo. Nakatulala ka lang pala" ngiti niya at lumapit sa tabi ko. "Kumusta na ang pagpunta mo sa school?" "Okey naman po. Nagkita na rin po kami ng partner ko at si Sir Dizon. Kinausap niya lang po kami tungkol sa defense schedule day namin." upo ko sa kama ko. "Alam mo po ba, parehas pala kami ng partner ko na nawalan ng alaala." tingin ko kay Nanay. "Nakalimutan kong itanong pala kung anong nangyari sa kanya" napasimangot ako. "Anong pangalan niya?" "Si Y-Yuan Ramos po ang pangalan niya. Matalino nga po siya dahil natuwa ang Prof namin dahil sa nagawa naming feasibility study. Nagpasalamat nga po ako sa kanya dahil halos siya ang gumawa ng lahat. Sorry, Nanay kung wala akong masyadong naitulong" tingin ko sa kanya. Baka kasi ma-disappoint sila sa akin ni Tatay. "Okey lang yun. Sweetie, kung okey lang naman sa partner mo. Si Yuan Ramos, tama ba?" "Opo siya nga po." tango ko. "Narinig ninyo na po ba ang pangalan niya dati?" "Hindi pa, Sweetie. Bakit?" "Wala naman po" sabi ko na lang. Kung hindi ko na babangit kay Nanay ang pangalan niya. Hindi nga siguro kami, ganun ka close. "Si Pippa ba kilala siya?" tanong naman ni Nanay. "Opo. Siya po ang unang katext ni Yuan." "Nakita na ba ni Pippa si Yuan sa personal?" Bigla akong napa-isip sa tanong ni Nanay. "Hindi po ako sigurado, pero ang sabi ni Yuan kilala naman po niya si Zhynly" sagot ko. "Baka naman hindi siya" sabi ni Nanay. "Sino pong baka hindi siya?" tanong ko sa tinutukoy ni Nanay. "W-Wala.. Sweetie" ngiti niya sa akin. "Magpahinga ka muna dito. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo" sabi ni Nanay habang inaayos niya ang buhok ko. "Lalabas na ako" "Teka po!" pigil ko sa kanya. "Kailan po ako pwedeng magtrabaho sa company, tulad nila Jacob?" "Sasabihan ko ang Tatay mo. Doon ka nalang mag-internship sa company natin, para hindi masyadong mahirapan" "Sige po, kung yan po ang desisyon ninyo. Sana makasama ko sila Jacob at Zhynly. Kaso hindi pa pala umuuwi si Zhynly" "Malapit na silang umuw, pero hindi ko pa alam ang eksaktong araw. Maraming lugar kasi silang pinuntahan" "Talaga po?. Bigla ko tuloy na-miss ang adventure. Nanay, pwede po ba akong mag-adventure kasama sila Jacob at Homer? Miss ko na kasi silang dalawa na kasama. Kaso... Kaso may mga girlfriend na pala sila" napayuko ako. "Gusto ko man na maging masaya ka. Hindi muna kita papayagan na umalis at lumayo, Sweetie. Sana maintidihan mo" ngiti ni Nanay. "Naiintindihan ko po" ngiti ko kahit deep inside nalulungkot ako sa sitwasyon ko ngayon. Akala ko magiging masaya ako kahit sandali lang, pero hindi pa pala pwede. "Lalabas na ako" sabi ni Nanay at tumango na lang ako. Nahiga na ako sa kama ko at tumingin sa kisame. 'Kailangan ko kaya maaalala na nawala sa ako?. Gusto ko nang maalala ang lahat.' Bigla kong naalala ang tanong ni Yuan. "Kahit maaaring masaktan ka lang sa mga maalaala mo?". 'Kakayanin ko na lang basta malaman ko ang totoo.' sabi ko sa sarili ko. * * * * * * Amber Ice's POV Ala-una na pero wala pa rin si Cloude. Kanina ko pa siya gustong kausapin tungko sa ni-report ni Grayson at Travis. Magkasama silang dalawa ni Twilight sa school at nag-usap pa sila. Nagtext at tinawagan ko siya pero hindi man lang niya ako sinasagot. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag-text si Clarkson. :My Handsome Hon Good night, Hon. Swee tdreams. Dream of Me. I love you more. "Ang sweet talaga ni Clarkson. Ano kayang kasalanan niya?." Sweet talaga si Clarkson. Kakakita lang namin kanina at mukha kakauwi niya lang sa kanila. To: My Handsome Hon Nasa bahay kana? :My Handsome Hon Yes. Bakit hindi ka pa tulog? To: My Handsome Hon Hinihintay ko pa si Cloude. :My Handsome Hon Ang sweet mo namang kapatid. That's why I like you. No. I love you so much. To: My Handsome Hon Don't love me too much. Masama yan. Haha! . :My Handsome Hon Hindi masama nakaka-adik lang. High all the time to keep your on my heart and my mine. I love you so much, hon. Ramdam ko ang init ng pisngi pati na na rin ang mukha ko dahil sa text ni Clarkson. To: My Handsome Hon Stop it!. >_ :My Handsome Hon Kinikilig ka?. Haha!. Tulog kana, Hon. Late na, Honey. . To: My Handsome Hon I know it's late but I need to talk to Cloude. Give me a 5 mins. :My Handsome Hon Okey. I call you after 10 minutes, Honey. To: My Handsome Hon Yes. Boss. ~~~ After five minutes, wala pa rin si Cloude. Umakyat na ako, nang mapadaan ako sa kwarto ni Cloude. Naglakad ako papunta sa kwarto niya para sumilip kahit na alam ko naman na wala pa siya. "Cloude!" sigaw ko nang makita ko siyang nakadapa na sa kama niya. "Ano bang problema mo? Inaantok na ako" angal niya. Lumapit ako sa kama niya at sinambunutan ko siya. "Kanina pa kita hinihintay, tapos nandito ka lang pala!" sambunot ko sa buhok niya na hindi na masyadong mahaba hindi katulad noon. "Nasasaktan kaya ako! Tss! Magpatulog kana nga0 Ai!. Hinihintay ako?.. Kinikilig ka nga doon eh!" sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya. "Nakita mo ako?! Ni hindi ka man lang nag-hi or Anong ginagawa m—" "Busy ka kaya. Mamaya batuhin mo pa ako kasi istorbo ako" sabi niya at inilagay niya ang unan sa ulo niya. Napangiwi ako habang nakatingin sa kanya na nakatalikod na ulit sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil may napansin ako na kakaiba sa kanya. 'Mukha masaya ang awra niya ngayon.' "Cloude—" Narinig ko ang mahina niyang hilik. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad palabas ng kwarto niya. Nag-vibrate ang cellphone ko at alam ko kung sino ang tumatawag. My Handsome Hon "Hon" "Nakauwi na sya?" "Yup, nasa kwarto na niya pala siya. Nakita pala niya ako na naghihintay pero hindi man lang nag-Hi sa akin. Tss!" "Nakausap mo?" "Hindi nga. Tulog na! Pasaway na bata!" Narinig kong tumawa si Clarkson sa kabilang linya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at naupo sa kama ko. "Nasa kwarto ka na?" "Yes. Nandito na po. Good night na Hon. Inaantok na ako. Sorry kung hindi ka nakatulog ng maaga dahil sa akin" "Don't mention it. See you in my dreams my future wife. I love you more" Nag-iinit na naman ang pisngi ko. "Good night. I love you" Ako na mismo nagtapos ng tawa. Pumunta muna ako sa banyo at para gawin ang mga ginagawa ko bago matulog. Nang matapos na ang lahat ng dapat kong gawin pumunta na ako sa kama ko at nahiga. 'Lagot ka sa akin, Cloude...' "Pasaway!" ~~~ Nakaayos na ako para bumaba dahil tutulungan ko si Mom sa paghahanda. At syempre, gusto kong kausapin si Cloude. "Good Morning, Mom... Where's Dad?" tanong ko ng makita ko si Mom. "Nasa kwarto pa masama yata ang pakiramdam... Sobra kasing magtrabaho" iling ni Mom habang may hawak siyang tray na may lamang pagkain, sigurado ako para kay Dad. "Saan pa ba nagmana si Cloude" sabi ko na lang. "Gising na po ba si Cloude?" "Oo. Kakaalis lang nagpaalam sa akin na may pupuntahan daw siya." "Tss!. That jerk.. Tinulungan ako kagabi then now tinakasan ako. Tss!" tiklop ko sa kamay ko. "Anong problema mo, Amber?" tingin sa akin ni Mom habang nakakunot ang noo niya. "Sandali lang naman daw siya" dagdag pa ni Mom. "Iiayak ko lang 'to sa Dad mo" "Okey, Mom." ngiti ko na lang kahit niinis ako sa ginawa ni Cloude. Pumunta na lang ako sa kusina at naghanda na pwedeng maalmusal namin. * * * * * * Twilight Sky's POV Alas-dyes na ng umaga. Kinuha ko na ang backpack ko at nakasuot na rin ang jacket ko. Lalabas ako ng bahay at gusto kong tumakas sa mga bantay. Wala rin sila Nanay at Tatay, may kailangan silang dalawang gawin sa company. Nilagay ko na sa likod ko ang bag. Naglakad ako papunta sa balcony ng kwarto ko para tignan ang mga nakabantay sa baba. Apat lang ang nakikita ko at nagku-kwentuhan pa ang tatlo habang ang isang bantay ay may kausap sa cellphone. Tinignan ko ang gilid ng balcony ng kwarto ko kung meron nakabantay. 'Buti na lang wala. Pero paano ako makakababa?' May dalawang tauhan rin si Tatay sa bawat pinto ng bahay. 'Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kadami ang bantay sa bahay, masyadong OA'. Napabuntong hininga ako at bumalik sa loob ng kwarto ko. Kailangan ko ng lubid na pwede kong gamitin pababa ng bahay. Kahit nasa third floor lang ang kwarto ko, mataas pa rin ang pagkagawa ng bahay. Lumabas ako nang kwarto ko at pumunta sa kusina habang dahan-dahan na naglalakad. Kahit wala sila Athan at Kelly sa bahay meron naman nakamasid sa loob. Feeling ko tuloy preso ako. Nang halungkat ako ang mga gamit sa kusina, ang swerte ko dahil may nakita akong lupid. Agad akong tumakbo ng tahimik papunta sa kwarto ko habang hawak ang lubid. Nang makarating ako sa kwarto ko dali-dali akong pumunta sa balcony. Tinali ko ang lubid ng mahigpit habang alerto ako sa aking paligid dahil ayokong mahuli ng mga nagbabantay sa akin. Pwede naman akong lumabas pero may mga bantay sa paligid ko. Nang masiguraso akong matibay na ang pagkakagawa ko. Kinuha ko na ulit ang bag ko at nilagay sa likod ko. Nilagay ko sa baba ang lupid at nagmasid muna ako dahil baka makita ng mga bantay ang ginawa ko. Nang masigurado na ako na walang nakapansin, sinimulan ko na ang pag-akyat sa railing ng balcony. Nakasuot ako ng gloves at harness para hindi ako masaktan at nakabit na rin ang Belay device sa lubid. Buti hindi ko pa nakakalimutan kung paano gumamit nito. Ilang sigundo lang ang nakalipas nakababa na ako. Mabilis akong nagtago sa halamanan habang tinatanggal ang harness sa katawan ko at gloves, para ilagay na sa bag ko. Nang makapahinga na ako ng naghanap ako, pinag-aralan ko kung saan ako pwedeng lumabas. 'Nandito na ako kaya kailangan kong makalabas na bahay.' Mataas ang pader ng bahay namin at sigurado ako kapag doon ako pumunta makikita ako ng mga bantay. Nag-iisip ako kung saan ako pwede makalabas. "May isa pa pala..." naglakad ako papunta sa garahe. Napangiti ako ng pumasok ang dalawang bantay sa loob ng bahay. 'Anong gagawin nila sa loob? Hanggang sa labas lang sila, sa pagkakaalam ko?. Pero okey na rin yun para makalabas naako.' bigla tuloy ako napahagikgik sa naisip ko. Naglakad na ako papunta sa gate at binuksan ko ang pinto habang nakatingin sa apat na nabantay na mukha naman hindi nila ako makikita. ~~~ Nakalabas at nakalayo na rin ako ng bahay namin. Wala man lang nakapansin sa akin na lumabas ako. 'Buti naman' naglakad pa ako ng konte hanggang sa makakita ako ng taxi kaya tinaas ko ang kamay ko. Huminto naman ang sasakyan kaya binuksan ko ang pinto sa back seat. Ibinaba ko ang nakataas kong huddie kanina para matago ko ang mukha ko. Pumasok na ako sa loob ng taxi at isinara ko na ang pinto. "Sa park po" sabi ko at umandar naman ito. Napalingon ako sa tatlong van na nakasalubong namin na mabibilis ang andar. Napakibit-balikan na lang ako at tumingin sa may unahan. "Ineng, naglayas ka ba sa inyo?" tanong ni Monong Driver sa akin. "Hindi po, tumakas lang sandali. Hehe!" sabi ko. "Kasi laging po akong may bantay" "Ganun ba?.. Mayaman ka yata, ineng" sabi ni Manong. 'Hindi naman ako mayaman. Teka? Baka kapag sinabi kong mayaman ako kidnappin ako ni Manong?. Ang sama ko naman mag-isip'. "Hindi naman po. Takot lang silang iwanan akong mag-isa, nagka-amnesia po kasi ako..." "Ganun ba?. Dapat lang siguro na bantayan ka" ngiti ni Manong. Tumango na lang ako at tumahimik. Nang makarating na kami sa park hininto ni Manong taxi driver yung sasakyan. "Ito po ang bayad ko. Salamat po" abot ko sa dalawang libo. Sobra-sobra ang binigay kong bayad kung tutuusin, pero natuwa lang ako kay Manong driver dahil hindi niya ako binalik sa bahay. 'Hindi niya nga pala alam ang bahay namin'. Naglakad na ako papunta sa park at nakita ko na maraming tao sa park. Hindi katulad nang pumunta ako sa park noon. Pumunta ako sa isang bench para maupo at kuwain ang bag ko sa likod ko. Dala ko ang bagong laptop na kailan lang binigay nila Nanay sa akin at ang tablet. Dala ko rin ang flashdrive na nakatago sa drawer ko. 'Pakiramdam ko, mahiwaga sa flashdrive na 'to. Lahat kasi ng dati kong gadgets hindi ko makita, ito flashdrive lang ang naiwan sa akin. Sana naman may magandang laman 'to,' Nilapag ko ang bag ko sa tabi ko at pinatong ang laptop ko sa hita ko. Nang bumukas na ang laptop sinaksak ko na ang flashdrive sa USB. "Miss, okey ka lang?" napatingin ako sa lalaking kumalabit sa akin. "Ang init-init naka-jacket ka" dagdag niya. 'Nagkita na ba kami?'. Tinanggal ko ang huddie ko sa ulo at nakahinga ako nang maluwag. 'Mainit nga pala talaga.'. Hinubad ko qng jacket ko at mas nakahinga ako nang maayos. 'Kaya naman pala, hindi ako komportable'. "Ikaw pala yan!" turo niya sa mukha ko. "Ikaw pala 'yung babaeng walang pangbayad sa cotton candy. Hahaha!" tawa niya. Bigla tuloy naningkit ang mata ko dahil sa pagtawa niya. "Nagkita uli tayo" tingin niya sa akin. "Naglayas ka ba?. Noon, tumatakas ka lang ngayon, mukhang naglayas ka na" "H-Hindi no..." iling ko. "Ang totoo niyan tumakas ako sa bahay namin, pero uuwi rin naman ako mamaya. Gusto ko lang makalabas mag-isa" paliwanang ko. 'Tss! Bakit pala ako nagpapaliwanag sa isang stranger.. You're not thinking, Twilight'. "Ikaw pala talaga ang Young Lady nila" ngiti niya. "Mayaman ka pala talaga, ang kaso wala kang nman perang pangbayad" "Hindi ako mayaman. Tyaka bakit ba ang daldal mo? Kalalaki mong tao, ang daldal mo. Paki-alamero ka pa" tingin ko sa kanya ng masama. "Gwapo naman. Pasalamat ka nga nilalapitan ka ng gwapong tulad ko eh.." "Wala akong pake kung gwapo ka. Dahil mas gwapo ang tatay ko sa'yo. O? Kokontra ka pa?" I smirked. "Wala na akong magagawa kung hindi mo nakikita ang kagwapuhan ko. Bulag ka lang yata" "Hindi ako bulag no?. Umalis ka na nga may kailangan pa akong gawin. Nauubos ang oras ko sa ka-ingay mo. May mga kailangan akong gawin" tumingin ako sa laptop ko. 'Bahala siya sa buhay niya'. "Sa coffee shop kana mag-laptop, tara samahan kita" sabi niya at agad niyang kinuha ang bag ko na nasa gilid ko at ang jacket ko. "Hoy! Sandali lang!." tawag ko sa kanya ang bilis niya maglakad. 'Baka binubudol lang ako nang lalaking yun'. Agad kong sinara ang laptop at tumakbo ako papunta sa kanya. "Wow?!. Naabutan mo agad ako?" "You're not thinking... Can you see tumakbo ako para maabutan ka?" "Gayan kasi ang mga gusto ko sa babae, 'yung hinahabol ako at naabutan pa ako. Kagaya mo" sabi niya at kumindat pa. "Ewan!... Hindi ko na gets ang mga sinabi mo, akin na nga ang bag ko" "Ayoko nga... Samahan mo muna ako sa coffee shop" sabi niya at nauna na naman maglakad. Kaya tumakbo naman ako papalapit sa kanya. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?.. Akin na kasi ang bag ko... Baka masira 'tong laptop" tingin ko sa laptop dahil hawak ko lang, huminto naman siya. "Akin na ako na ang magdadala, Young Lady. Baka biglang sumulpot ang mga bantay mo dito, baka mamaya sabihin nila pinapahirapan kita" sabi niya at naglakad na uli. Nang nasa parking lot na kami huminto siya sa isang sports car. "Sakay na, Young Lady" turo niya sa may pinto na nakabukas. Nilagay na niya kasi ang bag ko sa may back seat. "I'm just a stanger to you, but I'm still gentleman and handsome" "Sino ka ba?" kunot noo kong tanong sa kanya. "I'll tell you my name, get inside. Sasabihin ko sa'yo, kapag nasa coffee shop na tayo" kindat pa niya uli. "Pa-suspense lang?" "Syempre gwapo ako eh!" sabi niya at naglakad na ako papasok ng sasakyan niya. 'Bahala na kung anong mangyari. Mukha naman siyang pagkakatiwalaan. Mukha lang ha?'. * * * * * * A/N: Hi! Guys, sorry sa sobrang tagal ng update, hindi na ako makapag-update dahil busy sa work! But thank you sa paghihintay. Kapag may free time ulit mag-edit and update ako... Thanks Guys!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD