Chapter Six

512 Words
Chapter Six: After Two Weeks... Twilight Sky's POV Nakahanda na ang shoulder bag ko na dadalhin sa pagpunta sa hospital. May schedule kasi ako para sa follow-up check-up ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa repleksyon ko. 'Sana makaalala na ako' "Sweetie, dalian mo na ha? hihintayin na lang kita sa baba" silip ni Nanay sa pinto ko. Nakauwi na sila Nanay at Tatay galing sa business trip nila noong nakaraang linggo kaya masaya ako dahil nakikita ko na naman sila. Hindi ko alam kung bakit kapag wala sila, kinakabahan ako na para bang may mangyayari sa kanilang masama. Kinuha ko na ang wallet ko sa drawer at inayos ko muna ang ilang gamit ko na sa tingin ko hindi nakaayos. Palabas na ako sa kwarto ko ng mapahinto ako dahil parang may bigla akong nakita o naalala. Sumandal muna ako sa likod ng pinto at tinignan ang paligid ng kwarto ko, may kakaiba akong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko. "Cous, hurry up!" hindi ko pinansin ang tawag ni Zhynly, naglakad ako papunta sa isang bahagi ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa pader sa harapan ko. "Cous, nasa cr ka ba? Papasok na ako" 'tyaka na Twilight' bulong ng isip ko. Naglakad na uli ako papunta sa pintuan at saktong bukas naman ni Zhynly sa pinto. "Let's go?" tanong niya. "Oo naman, anong gusto mo dito lang tayo?" Inismiran niya ako. "Tara na, naghihintay na si Tita Ninang at Tito Ninong sa baba" naglakas na siya kaya sumunod na ako. ~~~ Nasa hospital na kami nila Nanay habang si Tatay naman ay umalis na para pumunta sa opisina niya. Naghihintay lang kami sa waiting area dahil may inaasikaso pa si Dr. Vi. "Tita, Cous, pupunta muna ako sa comfort room" paalam ni Zhynly at naglakad na siya paalis. Ilang minuto ang lumipas nakita na namin si Dra. Vi na papalapit sa amin. "Mrs. Smith, I'm sorry natagalan ako." sabi niya kay Nanay. "It's okey" ngiti ni Nanay. "How are you, Twilight?" "Ha? Okey naman po?. Dito ninyo ba ako iche-check up?" takhang tanong ko. "Ohh!. No. I'm just asking" ngiti niya sa akin. Tumango naman ako. "Okey lang naman ako, Dra. Kayo po?" "I'm fine" sabi niya. "So let's go?" "Aalis uli tayo?" "Sweetie..." tingin sa akin ni Nanay na parang sinasabi niya na manahimik ako. "Let's go" sabi ni Dr. Vi at binuksan ang pinto sa isang room. "Ahh?!. Okey" sabi ko na lang dahil mukhang pati si Nanay naguguluhan rin sa sinasabi ng doctor ko. Hindi lang siya nagsasalita. Parehas kaming pinaupo ni Dra. Vi at naupo siya sa upuan niya. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bag ko. Si Zhynly ang tumatawag. "Cous, nasaan kayo?" "Excuse po muna" tayo ko at lumabas ng room. "Nasa hospital. Diba kasama ka namin? Wag mong sabihin?" nanlaki 'yung mata ko. "Double ganger yun?" "Cous!.." "Nakita na kita. Nakatalikod ka sa akin, pero ikaw ba yun?. Nakakatakot. Hospital pa naman 'to" tingin ko sa paligid. "Hindi ako yan, Cous" nanlaki ang mata ko kasi papalapit na sa akin ang Zhynly na hindi daw si Zhynly. Napalunok ako habang papalapit siya sa akin at ang sama pa ng tingin niya. Ilang hakbang na lang siya sa akin. "Hello, Cous" Napasigaw ako. "Lu-Lumayo ka sa akin kung hindi--" "Sweetie. What happened?" lingon ko kanila Nanay dahil lumabas din siya. "Hindi siya si Zhynly, Nanay" takbo ko sa likod ni Nanay. Tumawa si Zhynly. "Naniwala ka naman sa akin" tawa pa niya at lumapit sa akin. "Pero sino yun?" tiro ko. "Zhynly!" tawag ko pa. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Zhynly at palingon siya sa likod niya. "Wag kang lilingon kasi kapag nagkita kayo magpapalit kayo nang pagkatao. Mawawala sa inyo ang tunay na Zhynly" pananakot ko. "Lumingon ka na sabagay hindi naman ikaw ang pinsan ko" pinihit ko ang balikat niya. "No!" sabi niya na parang iiyak na sa takot. Tumawa ako. "Akala mo ha?. Marunong akong gumanti" sabi ko at inismiran na naman ako ni Zhynly. "Ikaw naman ang nauna eh!" "Tama na yan, Sweetie. Kayo talagang magpinsan. Pumasok na tayo dahil naghihitay na si Doc" "Hehe!. Takot ka no?" turo ko sa mukha niya. "Tss!. Don't do that again." "Eh?. Ikaw naman ang nauna eh!." I pouted. 'Siya naman ang nauna tapos siya ang maiinis. Ano kaya yun?.' "Pumasok na kayo" napatingin kami kay Doc na nasa pintuan din na pala. Pumasok na kami ni Zhynly at nakipagkwentuhan pa siya kay Doc Vi. * * * * * * Third Person's POV Nasa parking lot na ng E.M University si Cloude para puntahan ang feasibility professor niya. Hindi niya nahabol ang Feasibility Study subject niya dahil sa aksidente na nangyari sa kanya kaya kailangan niya itong balikan. Hindi niya rin alam kung sino ang magiging partner niya, pero alam naman ni Cloude na kaya niya naman mag-isa kahit wala siyang kasama. Bumaba si Cloude sa sasakyan niya at naglakad papasok ng building. "Si Cloude ba 'yun?" rinig niya sa kanyang paligid. "Ang gwapo talaga niya, his hot too" "Yeah!. You're right, but I heard na may amnesia siya." tingin ng babae kay Cloude na kakalabas lang rin sa driver seat. Hindi naman pinansin ni Cloude ang sinabi ng mga ito. Napansin niya na naglakad na rin ang mga ito pasunod sa kanya. "Really? Kanino mo naman nalaman yan?" rinig niya uli. "Sa source ko. Nakalimutan niya rin 'yung babaeng lagi nya ditong kasama sa school, at balita ko nililigawan nya daw 'yun. Bagay pa naman sila, pero hindi nya na raw maalala." "Yeah! I remember her, cute siya. Nasaan na kaya sya? Pero ang alam ko, may girlfriend si Cloude" "Si Althea Skyler ang girlfriend niya pero nalaman kong nakipag-break na si Cloude doon dahil doon sa babaeng lagi nya kasama. I heard nasa hospital 'yung girl at na-coma yata... I don't know ha?" "Kawawa naman 'yung girl na yun kung totoo man ang sinasabi mo. Kaya siguro nakipagbalikan sa ex." Napahinto si Cloude dahil sa mga narinig niya at lumingon sa dalawang nasa likod niya pero nawala na ang mga ito dahil saktong pumasok ang dalawang sa isang room. Napabuntong hininga si Cloude dahil hindi niya nakita ang mukha ng dalawang babae na nag-uusap tungkol sa kanya. Gusto niya sanang hintayin ang mga ito, pero agad niyang nakita ang kanyang professor na pagkukuhaan ng kanyang kailangan niya. "Sir" "Mr. Hollis, pakikuha na lang sa student assisstant ko ang kailangan mo. I have to go, may klase pa ako" sabi nito at naglakad na paalis. Pumasok naman si Cloude sa loob ng faculty. "Good morning, I'm–" 'Damn it!' tingin niya sa babae. "Cloude Yule Hollis? Yes, I know you. Ito ang magiging guidelines nyo para sa feasibility study nyo. Kung may tanong ka, ito ang email ni Sir, dito nyo rin ipapasa ang mga topic na gusto ninyo idiscuss sa feasibility study nyo" turo ng babae sa sticky note na dikit sa guidelines. "Amm— ito pala ang pangalan ng magiging partner mo, nandyan na rin ang contact number niya." abot nito sa isa pang maliit na papel kay Cloude. "Makipag-communicate ka na lang sa kanya para magawa nyo na ang feasibility study nyo. Kayo na lang kasi ang nahuhuli sa mga ga-graduate ngayong year. Pinagbigyan lang kayo ni Sir, pero kaya nyo naman yan, basta magtulungan kayo. Naiintindihan mo ba ako?" "Yes" tango pa niya at ngumiti naman ang babae. "Good. Hmm— may tanong ka pa ba?. May mga gagawin pa kasi ako" turo nito sa mga papel na nasa lamesa nito. Binuksan ni Cloude ang papel. 'Twilight Sky Smith'. "Smith!.." napahawak siya sa ulo niya. "Damn" hawak niya sa ulo niya na kumikirot. "Mr. Hollis, are you okey?" alalang tanong ng babae dahil napatayo pa ito sa kinauupuan nito. "Maupo ka muna kaya" "No thanks, ayos lang ako" "Are you—" "Damn! I'm sorry... I'm fine. Ito na ba ang lahat ng kailangan ko, wala ka na naman nakalimutan diba?" tanong niya. "Y-Yes." kabadong sagot ng babae. "Thanks" naglakad na siya papunta sa pinto ng faculty room. Naglakad na siya palabas ng faculty habang hawak ang papel na binigay sa kanya. "Twilight Sky Smith, small world" agad na siyang naglakad papunta sa sasakyan niya. * * * * * * Cloude Yule's POV "Cloude, kumusta na ang pagpunta mo sa school?" tanong ni Mike sa akin. "Nakuha mo ba ang kailangan mo sa school? sa feasibility study mo? Sabi mo may magiging kasama ka? Sino ang magiging partner mo? Buti nalang madali lang at natapos namin ang feasib na yan!. Kaya kung kailangan mo ng tulong itanong mo lang si Grayson, maraming alam yan. Masyado ko na kasing nagamit ang utak ko sa feasibility namin" "Yabang mo, pre. Ako nga nagtapos ng feasibility natin, mali-mali pa ang ilan sa ginawa mo. Buti na nga lang nakita ko agad ang pwedeng solusyon" sabi ni Rexie at umupo sa tabi ni Mike. "Dapat kay Grayson kayo nagpaturo best feasibility kaya yan ng kapanahunan niya, diba?" sabi naman ni Travis habang nakatingin kay Grayson na abala sa pagpipindot sa laptop niya. Tumingin ito ng masama kay Travis. "Kapanahunan daw, pre" dagdag pa ni Mike. "Gago 'yan eh!. Gusto yatang masampulan" sabi ni Grayson. "Haha! Yari ka, pre. Ginagalit mo si Kuya Grayson natin eh!. Oo nga pala sino uling kapartner mo?" tingin sa akin ni Mike. "I forget the name" I answered. "Ganun?. For sure swerte yun kapartner mo, matalino ka at easy lang sa'yo ang feasibility na 'yan" Mike said. "Pero baka naman nakalimutan muna na matalino ka?" he added. I looked at him. "Hindi ko alam. By the way, kumusta na nga pala si Twilight Sky Smith?" Ininom ko sa beer at lahat sila napakatingin sa akin. "Bakit ganyan ang tingin nyo?" I asked. "Bakit mo tinatanong kung kumusta na sya?" seryosong tanong ni Grayson. Na-supresa ako dahil siya ang unang nagtanong sa kanilang apat. "Bakit parang nagkaroon ka ng interes sa kanya? o may ginawa ka na naman para pagtangkaan siyang patayin?" dire-diretsong tanong ni Grayson. Tumayo ako sa kina-uupuan ko. "Aalis na lang ako" ayoko nang marinig na ipagtanggol pa niya ang babaeng 'yun tulad ni Ai. Gusto lang naman talagang malaman kung kumusta na siya, para malaman ko kung handa na siyang gawin ang feasibility namin pero mali yata ako ng tinanungan. "Kailangan mong umalis o iniiwasan mo ang tanong ko?" tanong ni Grayson. Tinignan ko siya at tinignan niya rin ako ng walang takot. Alam ko sa kanilang apat si Grayson ang pinaka-masamang magalit at siya ang mabilis madiskubre ng mga bagay-bagay sa paligid. Tinaas ko ang dalawa kong kamay na parang sumusuko sa kanya at naglakad na palayo sa kanila. Ayokong makipagtalo sa kanya, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Lalo na sa mga naririnig at nakikita ko na hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Pero sinisigurado ko na malalaman ko ang ibig nilang sabihin, ayoko ng pinagmumukha akong tanga at parang walang alam. Nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang text message ni Sky. :My Sky; Babe, I miss you. Can we meet? To: My Sky; I'm busy. ~~~ Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko at kailangan ko nang simulan at tapusin ang feasibility namin dahil may kailangan pa akong gawin na mas mahalaga pa doon. * * * * * * Twilight Sky's POV Nasa kwarto ko si Zhynly habang nagscroll ako sa isang account ng social media. Habang nakikipag-text naman si Zhynly kay Jacob, sinabi niya sa akin dahil kanina ko pa siya napapansin na parang ewan sa pag-ngiti. "Cous, may nagtext sa akin, siya daw ang magiging partner mo sa feasibility ninyo. Sabi niya. 'Twilight Sky Smith. I'm your partner for our feasibility study, ako na ang bahala sa lahat. Just give me your email, thanks!' Anong sasabihin ko?" "Hala! Bakit mo ako tinatanong, sa'yo naman nag-text?" "What?" "Alam mo bang marami ang scammer ngayon, ang galing nya ha? pati pangalan ko alam niya. Anong feasibility study? hindi pa nga ako pumupunta sa school" "Cous, listen to me, sigurado ako na totoo ang sinasabi niya" "Hmm? Paano mo naman nasabi?" "I give my other number to our professor para sa akin siya magtext para sa feasibility study mo. Kaya sigurado ako na siya talaga ang partner mo" "Edi, ikaw ang partner niya hindi ako" "Tapos na ako sa feasibility study ko no?" "Talaga?" "Yes, so, ibibigay na ba natin ang email mo? Akin na" "Wag! Wag, mawawalan ako ng email... gumawa na lang kamo siya, ang dali-dali lang gumawa nun. At kagagawa ko lang kaya ng email account ko" "Cous! Hindi kita kinakaya" "Hala! Anong ginawa ko sa'yo? Hindi nga ako nagpapabuhat sa'yo" "Stop! Cous, I'm stress, siya talaga ang partner mo sa feasibility nyo" "Hmm! Basta ayokong ibigay ang email ko! Period!" "Gosh!. Bakit ang slow mo? May gamot kaya ang ka-slow-an?" "Tanong mo si Tita Sunshine, doctor siya hindi ba?. Bakit kailangan mo na ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi, para sa'yo" "Wow! Ha? so ako pa talaga? ikaw kaya yun!" Tumunog ulit ang cellphone niya. "Yuan Ramos ang pangalan niya... Hmm! Ngayon ko lang yata narinig ang pangalan na 'yun? I don't know him" sabi ni Zhynly. Si Zhynly ang humahawak ng mga accounts ko, may cellphone ako pero ilan lang ang mga contact number na nandoon. "Bakit dapat ba kilala mo lahat ng nasa school?" lingon ko sa kanya. "Hindi naman" tinaasan niya ako ng kilay. "Ako na lang ang gagawa ng email, para makita ko na rin kung sino siya. Malay mo pwede ko siyang ipalit kay Jacob" tawa pa niya. "Ipagpapalit mo si Jacob sa email?. Paano kayo magdadate nun? eh email lang naman siya" tanong ko habang nagsusuklay na ng buhok ko. "Cous!. Tama na, tulog kana lang. Kulang lang 'yang utak mo sa tulog." tayo niya sa kama ko. "Punta na ako sa room ko, at ikaw matulog kana ha?" punta niya sa tapat ng pinto. "Sasabihin ko na lang sa'yo kung anong sabi ng partner mo. Matulog kana!" "Ikaw rin, ang slow mo kasi. Manghingi ka ng gamot kay Tita Mama. Kung nahihiya ka, ako na lang ang masasabi bukas" sabi ko. "Che!." sabi niya at sinara na niya ang pinto. "Ayaw pang aminin siya talaga ang may kailangan ng gamot" "Cous, narinig ko yun. Hindi yun totoo!. Ask yourself first!" sabi ni Zhynly pagkatapos niyang buksan anh pinto ko. "Anong itatanong ko sa sarili ko?" "Kung slow ka?" "Slow ka ba?" talikod ko para humarap sa salamin. "Hindi ka slow. Cute ka lang, at hindi ka slow" lingon ko uli kay Zhynly. "Hehehe. Kita mo na, Zhynly, cute daw ako. Baka kapag humarap pa ako dyan maging maganda na ako" tawa ko. "What the?. Slow na nga baliw pa?. Tara, Cous. Punta tayong mental" yaya sa akin ni Zhynly. "Anong gagawin natin doon?" lapit ko sa kanya. "Gabi na kaya. Masaya ba doon?" "Oo masaya doon. Mga katulad mo ang mga nandoon, minsan higit pa sa'yo. Doon ka matutulog at tumira" "Tignan mo na ang slow mo talaga. Kita mong nandito na ako sa kwarto ko papupuntahin mo pa ako kung saan-saan?" turo ko sa may kama ko. "May kama ako oh?. Ikaw na lang umalis, Zhynly" ngiti ko. "Goodnight" * * * * * * Pippa Zhynly's POV Nakatingin lang ako kay Cous ng pumunta siya sa kama niya. 'Hindi ko alam kung paano ko siya natagalan' huminga na lang ako ng malalim at lumabas ng kwarto niya. To: Yuan Ramos; Hi! Yuan, pwedeng tomorrow ko na lang ibibigay sa'yo ang email. BTW, hindi ako si Twilight. I'm her cousin. I'm Zhynly. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko sa bahay nila Cous. Gusto nila Mama na sa bahay na ako pero mas gusto kong kasama muna si Cous dahil nag-alala pa rin ako sa kanya, kahit na ilang linggo na ang nakakalipas ang mangyari sa hospital. Sigurado ako at sila Jacob na may alam na si Tito Dark sa taong nag-utos para patayin si Twilight pero wala siyang sinasabi sa amin. Kahit sila Kelly, Athan at Jacob na matagal na sa Darklight hindi pa rin nila alam kung sino ang taong nag-utos na patayin si Twilight. Siguro kaya hindi sa amin pinapaalam ni Tito Dark dahil baka iniisip niya na may gawin kami sa taong nagpautos na patayin si Twilight. "Pippa" napatingin ako kay Tito Dark na nakatingin sa akin. Hindi ko man lang narinig ang pag-akyat nila sa hagdan. "Pippa, bakit hindi ka pa natutulog?" "Kagagaling ko lang po sa kwarto ni Cous, papunta na nga po ako sa room ko ngayon" sagot ko. "Mukhang marami kayong pinagkwentuhan ha?" "Hindi naman po masyado. Meron po palang partner si Cous feasibility study niya" "Ganun ba? Alalayan mo na lang ang pinsan mo ha? Alam mo naman ang sitwasyon niya ngayon" "Oo naman po, don't worry about that, tutulungan ko po siya" ngiti ko. "Thank you, Zhynly. Sige na, pumunta kana sa kwarto mo at para makapagpahinga kana" "Good Night po, Tita, Tito" ngiti ko at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko, tinignan ko kung may text si Yuan Ramos pero wala naman. 'Baka tulog na siya'. ~~~ (After Three days) Mukhang mabait naman si Yuan Ramos dahil inaalala niya ang kalagayan ni Twilight, alam niya na nagkaroon ito ng amnesia kaya siya na lang daw ang gagawa ng feasibility study nila at ipapaalam na lang niya ang mga detalye na dapat malaman ni Twilight. 'Sana lahat may kapartner na ganun, ang swerte naman ni Cous, samantala kami nahirapan sa feasibility study na 'yan.' "Zhynly, uuwi kana ba talaga sa inyo?" tingin ni Cous sa akin. Nakadapa siya sa kama niya habang salo-salo ng dalawang kamay niya ang kanyang baba. "Why? You want me here? Do you miss me na agad?" tanong ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. "Miss na ako nila Mama at Papa, may out of town daw kami" "Sabagay, matagal-tagal na rin siguro kayong walang bonding dahil sa nangyari sa akin. Buti pa kayo may ganun, sana magkaroon din kami ng bonding nila Nanay at Tatay" nakita ko ang lungkot sa mata niya pero agad din naman siyang ngumiti. "Sabi ni Papa busy daw ngayon sila Tita at Tito, pero malay mo kapag naging okey na ang lahat maka-bonding din kayo" lumapit ako sa kanya at yumakap. "By the way, here... Ikaw na ang magtext kay Yuan, ilang araw lang naman ako mawawala, para magkausap na rin kayo" ngiti ko sa kanya habang nilalahad ko sa kanya ang cellphone. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa cellphone. "Mabait si Yuan" kinuha ko ang isang kamay niya at nilapag doon ang cellphone. "Mamaya sa'yo lang siya mabait" nag-aalalang sabi niya at umupo sa kama niya. "Hindi no? Inaalala ka nga niya, kaya siya na raw ang gagawa sa feasibility nyo, pero syempre kailangan mo pa rin siyang makausap para ikaw mismo ang makaalam na mabait siya. Para okey din kaya kapag defense nyo nya" ngiti ko. "Paano kung may gusto pala siya sa'yo kaya ang bait niya sa'yo at sa akin?" "Seryoso ka ba? Hindi niya ako magugustuhan at hindi naman kami nag-uusap ng personal information about lang talaga sa feasib nyo" "Hmm!" nakatingin pa rin siya sa akin na halatang hindi pa rin naniniwala sa sinasabi ko. "Duh!. Wala akong interest sa kanya" I rolled my eyes. "O? umiikot na naman 'yang mata mo, Pips?" napatingin ako kay Jacob na nakasilip sa pinto. "Nandyan na sila Papa at Mama" "Papa't mama talaga ha?. Feeler lang?" sinara ko na ang luggage ko. "Maniwala ka sa akin, Cous, mabait si Yuan" "Sino si Yuan?" tanong ni Jacob. "Yung partner ni Cous sa feasibility niya" sagot ko. "Bakit nakita mo na ba 'yung Yuan na yun para sabihin mong mabait?" "Nakatext ko, bakit?" agad na sagot ko. "May katext kang ibang lalaki bukod sa akin?" sabi ni Jacob. "Ang sakit" arte niya. 'Abnormal!'. Akala mo talaga hindi ko sinabi sa kanya ang bagay na 'yun. Napatingin ako kay Cous dahil pumalakpak siya. "Magaling ba, Cous?" tanong ni Jacob sa kanya. "Next time. Wag mo nang uulitin" sabi ni Cous. "Mukha kang tanga" "Grabe ka naman, Bella" simagot ni Jacob. Parang bata talaga. "Si Homer nga pala, Jacob?. Bakit hindi ko na siya nakikita?" pag-iiba niya topic. "Binabantayan si Autumn sa hospital. Lumala kasi ang sakit niya at biglang din bumagsak ang katawan niya" paliwanag ni Jacob. "Ilang araw na?. Hindi ko man lang alam" alalang tanong ko. Kahit papaano naman naging magkaibigan kami ni Autumn, lalo na nang mas nakilala ko siya bilang siya Jessieca. "Bakit mukhang nag-aalala ka sa kanya?" tanong ni Cous. Biglang nag-iba ang tono nang boses niya, para siyang naiinis o nagagalit. "Syempre, n–naging magkaibigan na kami, tayo" mahinang sagot ko. Alam ko naman na hindi niya pa maiintindihan dahil may hindi sila pagkakaintindihan noon, pero kailangan niyang malaman na mabuting tao si Jessieca. Tumango naman siya. "Napatawad ko na ba siya noon sa ginawa niya sa akin?. Sa pagtulak niya sa akin noon sa bangin?" Napatingin ako kay Jacob na tumango. "Yes, Cous" sagot ko. "binigyan mo siya ng chance, at naging magkaibigan kayo, tayo." tinignan niya ako sa mga mata ko. Ngumiti naman siya. "Mukhang nagsasabi ka naman ng totoo, Zhynly" "What?" takhang tanong ko. "What do you mean, na kaya kong magsinungaling sa'yo?" "Oo" walang alinlangan na sagot niya habang nakatingin pa sa mga mata ko. Oo, nagsinugaling ako sa kanya pero may dahilan ako, at ang dahilan na iyon ay para rin sa ikabubuti niya, para protektahan siya. Natahimik lang ako at napatingin kay Jacob. Napansin ko na tumingin siya sa amin. "Ganun ang acting, Jacob" sabi niya at tumawa pa. Napatingin uli ako sa kanya at tumatawa pa siya. "Wag mong na lang pansinin ang sinabi ko, alam kong pinoprotektahan ninyo akong lahat" 'Mind reader ba sya?'. "Thanks, Cous" "Pero sana lang, kapag bumalik na ang alaala ko, totoong sagot ang malaman ko." napatingin siya sa may pinto at nandoon na sila Mama at Papa. Pati na rin sila Tito Ninong at Tita Ninang. Sigurado akong narinig nila ang lahat ng sinabi ni Cous. "Nandito na pala sila. Ingat po kayo ha?" Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin, napapansin ko na merong dalawang pagkatao si Twilight. Kung minsan para siyang bata at sobrang slow siya, at kung minsan naman ang nakakatakot ang tingin niya at parang may nakatago sa bawat salita na binibitawan niya. Minsan nagduda ako sa kanya kung totoo bang wala siyang maalala o meron na siyang naalala pero hindi niya lang sinasabi sa amin ang totoo at tinatago lang niya ang nalalalaman sa pagiging slow niya. 'Sana hindi naman'. "Cous, mag-ingat ka ha? pwede mo naman akong tawagan kung may problema ka or what. Okey?" yumakap na ako sa kanya. "Isasama mo ba si Jacob?" "Hindi, Cous. May work siya at kailangan niya yun gawin ng matino" 'Ang pagbantay sa'yo'. Nagpaalam na ako sa kanila lalo na kanila Tita at Tito habang pinapaalalahanan naman ni Mama si Twilight sa mga dapat niyang gawin. * * * * * * #6 #TMA2BA #ElainahM.E
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD