Chapter Seven

3852 Words
Chapter Seven: Twilight Sky's POV "Kahapon lang kasama ko si Zhynly dito sa bahay. Hays!. Nakakamiss din 'yung ka-OA niya". Nakahiga lang ako sa kama ko habang naghihintay ng text ni Yuan pero wala pa rin. Baka busy siya sa paggawa ng feasibility namin, samantala ako walang ginagawa kung hindi maghintay na magtext siya. To: Yuan Ramos; Hi! Pwede ba ako tumulong sa feasibility ninyo ni Cous? Huminga ako ng malalim at pinadala ko na text ko kay Yuan Ramos. Nagpanggap muna ako, na ako si Zhynly dahil baka mag-iba ang ugali niya sa akin. Sigurado kilala siya ni Zhynly dahil classmate namin siya, ako hindi ko siya maalala. :Yuan Ramos; No need. I can handle it. "Tss!. Ang yabang niya! Edi, siya na ang matalino" upo ko sa kama ko. "Dapat hindi Yuan ang ipinangalan sa kanya kundi Yabang!" Nakarinig ako nang pagkatok. "Sweetie, anong problema? May kausap ka ba dyan?" "Po?." madali akong naglakad papunta sa pinto at agad itong binuksan. "Ano po yun, Nanay?" "May kausap ka ba dyan?" Umiling ako. "Hehe. Wala po akong kausap, kumakanta lang po ako ng rock. Hoo!" tumatalon-talon ako habang naghe-head bang pa. Narinig kong tumawa si Nanay. "Sige, pupunta muna ako sa kwarto namin ng Tatay mo". "Okey po, Nanay." naglakad na siya at isasara ko na sana ang pinto bigla akong may naisip itanong kay Nanay. "Nanay!" tawag ko sa kanya. "Pwede po ba akong lumabas ng bahay?" "Wala kang kasama" sabi niya. "Ayos lang naman po sa akin na wala akong kasama. Payagan ninyo na po ako?" lapit ko kay Nanay at niyakap ang braso niya. "Sige, pero sa isang kondisyon, kailangan mong magsama ng mga tauhan ng Tatay mo" napasimangot ako sa sinabi ni Nanay. 'Bakit laging kailangan may kasama akong tauhan ni Tatay? Sa pagkakaalala ko naman, wala namang nagbabantay sa akin? Billonaire na ba si Tatay baka makidnap ako?'. "Kung 'yun po ang gusto nyo, pero sana po nasa malayo sila dahil nakakailang kung nakikita ko sila" request ko. "Wag kang mag-alala ako na ang bahala doon" ngiti sa akin ni Nanay. "Hehe!. Talaga po?. Thanks, Nanay. Magbibihis na po ako" excited kong niyakap si Nanay at naglakad na ako pabalik sa pinto ng kwarto ko. "Okey, baba na ako muna ako para masabihan ko sila" umalis na si nanay at pumasok na ako sa kwarto ko para makapagbihis. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko dahil makakalabas ako ng mag-isa, sana nga lang talaga malayo ang mga magbabantay sa akin. "Kumusta na kaya sya?" habang tinitignan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. "Sinong 'sya'?..." napahawak ako sa ulo ko. "Sinong iniisip ko? Si Homer? siguro dahil matagal na kaming hindi nagkikita." nakatitig lang ako sa mukha ko. "Pati ba naman ang iniisip ko, hindi ako sigurado" mahina kong pinalo ang ulo ko. "Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko" Nang bumaba na ako sa sasakyan, nagulat ako ng may tatlong sasakyan ang nakasunod sa amin. Bumaba ang mga lalaking nasa loob ng van at yumuko sa akin bago lumayo. 'Bakit ang dami nilang magbabantay sa akin?'. Naglakad na ako ng mapansin kong may dalawang sumusunod sa akin. "Kaya ko po ang sarili ko, hindi po ba kayo nasabihin ni Nanay?" pasusungit ko sa kanila. "Per—" "Pakiusap lang po, gusto ko pong mapag-isa" tinignan ko sila isa-isa at tumango lang sila. Hindi ko alam kung lalayo sila sa akin o susundan pa rin nila ako. Naglakad na lang ako at hindi ko na sila pinansin. Kahit ang layo-layo na nila sa akin ramdam ko ang mga tingin at pagbabantay nila. 'Sobrang dami nilang nagbabantay sa akin, ano ba ako prinsesa?. Tss!' Kahit ang layo na nila, naiilang ako sa tingin nila at pagbabantay sa akin. Gusto ko lang naman umalis at makalabas ng bahay kahit sandali pero ito pa ang mararanasan ko sa kanila. Gusto kong tumawag kay Nanay para magreklamo sa mga nagbabantay sa akin pero mas pinili ko na lang na huwag na lang. Buti na lang at lumalayo na sila sa akin kahit paano, pero gusto ko pa rin makawala sa paningin nila. Lumingon ako sa mga nagbabantay sa akin at hindi pa rin nila inaalis ang tingin sa akin. "Hays! Ano ba 'yan!" mahinang bulong ko. "Baby, kailangan kong magpunta ng banyo" rinig ko sabi ng babae kaya sumunod ako sa pupuntahan niya. 'Siguro naman hindi nila ako susundan kapag pumasok ako sa loob? Wala naman akong nakitang babae sa kanila, kaya hindi nila ako masusundan. Gusto ko lang makawala sa paningin nila, masama ba 'yun?' "Miss, excuse me huh? sinusundan mo ba ako?" taas ng kilay sa akin ng babaeng sinusundan ko. 'Edi sya na marunong magtaas ng kilay' "Hehe! Opo, sinusundan ko po kayo, narinig ko kasing pupunta kayo ng cr. Hindi ko po kasi alam kung saan ang cr" "Po? Mukha ba akong matanda sa paningin mo?" taas na naman niya sa kilay niya sa akin. "Dyan kana nga!" bago niya ako tinalikuran, tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Sinundan ko pa rin siya dahil kailangan kong pumunta ng banyo. Nang makapasok na ako sa ladies room, pumasok na 'yung babae na sinundan ko ng tingin hanggang makapasok na siya sa isang cubicle. Lumapit naman ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Nang may lumabas na sa isang cubicle, pumasok na ako sa loob para magpalit ng damit. Nagdala ako ng damit dahil naisip ko na ang maaaring mangyayari sa pagbabantay nila sa akin. Katulad ng pagbabantay nila sa amin nina Jacob at Zhynly sa mga nagdaang araw. Lumabas na ako ng cubicle at inayos ang buhok ko. Naglakad na ako palabas ng ladies room at naglakad na ako palayo. Napansin ko na walang sumusunod sa akin kaya, mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko hanggang sa malayo sa mga mata nila. Nakahinga ako ng maluwag nang walang kahit na sinong nakasunod sa akin. Nakita ko ang nagtitinda ng cotton candy kaya naglakad ako papalapit sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti na may nakita akong isa babae at lalaki na nagtatawanan habang nasusubuan ng cotton candy. "Asukal lang naman yun" napanguso ako. Napakunot ang noo ko ng mawala ang lalaki at babae nakita ko. 'Nasaan na sila? Imagination ko lang ba 'yun?'. Naglakad ako papunta kay manong cotton candy. "Pabili nga--" "Pabili ng dalawa, Manong" singit ng isang lalaki sa likod ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya ng para bang iniinis niya ako. 'O imagination ko lang 'yun?' "Isang cotton candy lang po ang akin" sabi ko na lang at tumingin sa bag ko para kuhain ang wallet ko. "Ito na, ineng" abot sa akin ni Manong ng cotton candy pero hindi ko mahanap ang wallet ko kaya hindi ko muna kinuha. "Ayy!. Sorry po, hindi ko po makita ang wallet ko. Wag na palang po pala" ngiti ko. "Pasensya na po" umatras na ako para lumayo doon. "Teka!" tawag sa akin ng lalaking bumili ng dalawang cotton candy. "Sa'yo na 'to" kuha niya kay Manong ng binili ko. "Ako na ang magbabayad nito, ito po ang bayad ko, Manong. Keep the change" abot niya ng bayad kay Manong at naglakad na palayo sa likod ko. "Mabait naman siya, akala ko mayabang" bulong ko. "Narinig ko 'yun" napalingon ako at nasa harapan ko na pala siya. "Gwapo pa ako" kindat niya sa akin. Nagkibit-balikat ako. "Sabi mo eh, salamat nga pala dito" taas ko sa cotton candy na nilibre niya sa akin habang nakangiti. "Young lady!. Nandito lang pala kayo" nawala ang ngiti ko dahil nakita na pala ako ng mga bantay ko. "Wow? mayaman ka? Ang astig ha? Young lady pa ang tawag sa'yo?" "Nagkakamali lang po yata kayo" tingin ko sa lumapit sa akin na nagbabantay sa akin. "P—Pasensya na po" layo na siya sa amin. Sinundan naman siya ng lalaking nanglibre sa akin. "Sa tingin ko, ikaw talaga ang tinutukoy niyang Young Lady?" balik na tingin niya sa akin. "Hindi no? Wala nga akong pambiling cotton candy, salamat nga pala dito. Bye!" kaway ko sa kanya at maglalakad na sana ako paalis. "Teka? Anong salamat? may bayad yan" ngisi niya. "Gusto mong makalayo sa nagbabantay sa'yo hindi ba?" "Hindi ko nga sila ban—" "Sila? Teka? marami sila? Wow! Ang yaman mo naman pala, wala ka nga lang pambiling cotton candy" ngisi niya. "Ibabalik ko na lang 'to sa'yo kaysa—" "Nope! nahawakan mo na 'yan, Twilight. Hindi mo na kailangan ibalik sa akin 'yan" Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Kilala mo ako?" "No, bagay lang sa'yo ang pangalan na yun" pa-cool na sabi niya kahit na halata naman na alam niya talaga ang pangalan ko. "Ganun? Sorry, Ayokong sumama sa'yo" abot ko sa kanya ng cotton candy, pero umiling lang siya kaya nagpasya na akong lagpasan siya at nagpapasalamat naman ako na hindi na siya sumunod sa akin. Nakarating ako sa parte ng parking kung saan may duyan at doon ako naupo. Malumanay kong dinuduyan ang sarili ko gamit ang paa ko habang kumakain ng cotton candy. Napalingon ako sa katabing duyan na walang tao dahil ako lang ang nandoon. "I really enjoy being with you" hinawakan niya ang kamay ko. "Kahit ganito lang ang ginawa natin? Kumain ng cotton candy, sumakay sa duyan?" tanong ko. "Yes" tango niya. Tumango na lang rin ako at tumingin sa unahan. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. "Sino ka?" bulong ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko. Para akong may hinahanap na kung ano na kailangan kong makita. Pero hindi ko alam kung ano 'yun.. Sino 'yung narinig kong nagsalita?. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa bigat na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Pinunasan ko na ang pisngi ko at ang gilid ng mata ko. "Tama nga siguro si Zhynly nababaliw na ako" tumayo na ako sa may duyan at naglakad na ako papunta sa may parking lot. 'Mas magandang nasa bahay na lang ako.' * * * * * * Someone's POV "Mabait naman siya, akala ko mayabang" rinig kong bulong niya kaya tnignan ko siya at lumapit ako. "Narinig ko 'yun" lumingon siya at tinignan ako. "Gwapo pa ako" kindat ko pa. Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo eh, salamat nga pala dito" taas niya sa cotton candy na nilibre ko sa akin habang nakangiti. "Young lady!. Nandito lang pala kayo" nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya. Akala ko ba naman makakatakas na siya sa bantay niya, pero nakita ko kanina kung ilan silang bantay na bantay kay Twilight. "Wow? mayaman ka? Ang astig ha? Young lady pa ang tawag sa'yo?" singit ko. "Nagkakamali lang po yata kayo" nakita kong tumingin siya sa lalaki at halatang nakikiusap siya dito na umalis ito. "P—Pasensya na po" tingin nito kay Twilight at naglakad na palayo. "Sa tingin ko, ikaw talaga ang tinutukoy niyang Young Lady?" balik na tingin ko sa kanya. "Hindi no? Wala nga akong pambiling cotton candy, salamat nga pala dito. Bye!" kaway niya sa akin at naglakad na palayo sa akin. "Teka? Anong salamat? may bayad yan" ngisi ko. "Gusto mong makalayo sa nagbabantay sa'yo hindi ba?" "Hindi ko nga sila ban—" "Sila? Teka? marami sila? Wow! Ang yaman mo naman pala, wala ka nga lang pambiling cotton candy" pang-iinis ko sa kanya. "Ibabalik ko na lang 'to sa'yo kasya—" "Nope! nahawakan mo na 'yan, Twilight. Hindi mo na kailangan ibalik sa akin 'yan" Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Kilala mo ako?" "No, bagay lang sa'yo ang pangalan na 'yun" palusot ko kahit alam kong halata naman. "Ganun? Sorry, Ayokong sumama sa'yo" abot niya sa akin ng cotton candy pero umiling lang ako. Naglakad na siya palayo sa akin kaya hindi na muna ako sumunod sa kanya dahil may mga bantay din siya na nakatingin sa akin. Habang naglalakad ako sa park nakita kong naupo si Twilight sa duyan kaya lumapit ako at nagtago sa may halaman habang nakikita ko ang mukha niya. Kinakain ko ang cotton candy na binili ko habang nakatingin sa kanya, malungkot ang mukha niya at mukhang ang lalim ng iniisip niya. Pumikit siya habang hawak ang parte sa dibdib niya. 'Anong nangyayari sa kanya?' "Sino ka?" rinig kong tanong niya. Gusto ko siyang lapitan dahil naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon pero pinipigilan ko pa rin ang sarili ko kahit nakikita ko nang umiiyak siya. Pinunasan niya ang luha niya habang humihinga ng malalim. "Tama nga siguro si Zhynly nababaliw na ako" rinig ko sabi niya at tumayo na sa duyan habang hawak pa rin niya ang bukas na cotton candy. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko napansin na sinusundan ko na rin siyang maglakad. Hanggang sa makarating siya sa parking lot at kita kong may nakatingin sa akin mga bantay niya. Nang makita kong pumasok na siya sa loob ng sasakyan, naglakad na rin ako palayo. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko na nasa likod na bulsa ko. "Hello! my handsome old brother!" rinig ko sa kabilang linya. "Problema mo maganda kong kapatid na ubod ng kamalditahan?" ngisi ko. "I'm here to your house, alam mo ba 'yun? At hindi nila ako pinapakain, ang damot ng mga tao dito!" "Mabuti naman masunurin sila" tawa ko pa para asarin siya. "Magpadiliver ka na lang" "Really?. Ikaw ang magbabayad?" "Ano ka sinuswerte?. Ikaw kakain ako magbabayad?. Bakit ka ba kasi nandyan?. Pasaway ka talaga eh!" "Gusto ko lang naman makita ang bahay mo eh!. tyaka ikaw, bakit wala ka dito? Wait? Nakikipag-date ka ba ngayon?" "Hindi mo ako kausap ngayon kung may kadate ako" "Baka naman inaalisan mo ang kadate mo o inalisan ka ng kadate mo?" pang-aasar na tawa niya. "Ah! Ganun tinatawanan mo ako, bahala ka dyan magutom, bye!" tapos ko sa tawag sa kanya. Pumunta na ako sa sasakyan ko para makauwi na dahil siguradong mangungulit ang kapatid kong makulit. * * * * * * Twilight Sky's POV Nasa labas na ng bahay ang sasakyan kaya ng pinagbuksan ako ng kasama ng driver lumabas na ako. "Sweetie, kumusta?" nakangiti si Nanay sa akin habang naghihintay sa may pintuan. "Ayos lang po ako, aakyan na po ako sa kwarto ko" paalam ko. "Okey ka lang ba? May nangyari ba?" "Ayos lang ako, Nanay. Napagod lang po siguro ako" pilit na ngiti ako sa kanya. "Sige. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo." sabi ni Nanay at hinalikan niya ako sa pisngi. Tumango ako habang nakatingin sa kanya, nakita ko ang pagsulyap niya sa mga nagbabantay sa akin. Tinignan ko sila at yumuko sila kaya binalik ko ma lang ang tingin ko kay Nanay at nagpaalam na pumunta sa kwarto ko. Nakaupo lang ako sa kama ko habang pilit ko pa rin na iniisip kung kaninong boses ng lalaki ang narinig ko. Pakiramdam ko totoo siya, at nararamdaman ko na importante siyang tao para sa akin. Gulong-gulo na ako sa mga pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung tunay ba siya o hindi. Napatingin ako sa cellphone ko ng marinig kong nagvibrate at nakita kong bumukas. Si Yuan Ramos ang nagtext. :Yuan Ramos; I'm finished. Please, tell her to check her email. To: Yuan Ramos; Tapos kana sa feasibility? Diba may defense pa yun?. Paano yan kapag hindi ako nakasagot dahil ikaw naman ang gumawa ng lahat? :Yuan Ramos; Twilight Sky Smith? It's that you? To: Yuan Ramos; Oo. May problema ba kung ako ang katext mo? Hindi ko mainitindihan biglang na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Natatakot ba ako sa kanya? natatakot ba ako dahil baka ayaw niya akong kausap at si Zhynly lang ang gusto niya katext?. Naisip ko na na baka may gusto siya kay Zhynly. Sabihin ko kaya sa kanya na may boyfriend na si Zhynly ng hindi naman siya masaktan o umasa pa. :Yuan Ramos; Pag-aralan mo. Masama kong tinignan ang text niya. "Ang sama naman ng pagkakatext nya" You can ask me, kung hindi mo maintindihan. Nanlaki ang mata ko at napangiti ako sa huli niyang sinabi. Mabait naman pala siya, judgemental talaga ako. To: Yuan Ramos; Hehe. Sabi mo yan ha? Wala ng bawian. :-) Thank you. :Yuan Ramos; You're Welcome. "Whaaa!.. Mali na naman ako. Tama si Zhynly, mabait nga si Yuan Ramos." "Sweetie, may kausap ka ba dyan?" tanong ni Nanay sa labas ng pinto ng kwarto ko at kumatok pa siya. Mabilis ako pumunta sa may pinto at binuksan ito. "W-Wala po, Nanay. Mali lang po kasi ako ng akala sa isang tao" ngiti ko sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "Akala ko po kasi masungit si Yuan pero hindi naman po" "Sino si Yuan?" tingin sakin ni Nanay. "Partner ko po sa feasibility study namin, siya nga po ang gumawa ng lahat. Hindi man lang niya ako pinatulong, kaya po nahihiya ako sa kanya" "Bakit siya ang gumawa ng lahat? Bakit hindi ka niya pinatulong?" "Hindi ko rin po alam, sila po kasi ang nag-uusap ni Zhynly. Baka po sinabi niya ang tungkol sa kalagayan ko ngayon o baka alam niya rin" "Kung ganun, napakabait naman niya" ngiti sa akin ni Nanay. "Pero sana pinatulong ka man lang niya" "Pero pinasa naman po niya ang nagawa niyang feasibility study sa akin, at handa naman po niya akong tulungan para maintindihan ko ang feasibility study namin. Pag-aaralan ko naman po 'yun ng mabuti, kapag may gusto akong ilagay sasabihin ko sa kanya" "Mabuti naman kung ganun. Imbitahan mo na lang siya sa labas para pasalamatan siya. Tara na, kumain na tayo" sabi ni Nanay kaya sumabay na ako sa kanya pababa. ~~~ "Can I join?" "Tatay!" agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit kay Tatay para yakapin siya. "I miss you po" "I miss you too, my daugther, and also I miss you, my beautiful wife" halik ni Tatay kay Nanay ng lumapit si Nanay sa amin. Lumayo ako ng konte kay Tatay para yakapin rin si Nanay. 'Ang sarap sa feeling na buo na naman kami'. "Nag-eenjoy ang anak natin, Dark. Naglalabing" rinig kong sabi ni Nanay , kaya mas lalo ko pa silang niyakap. "Ang bilis mong lumaki, Sweetie" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nanay. "Tumaba po ako?" "Hindi 'yun ang ibig kong sabihin, mana ka talaga sa ka-slow-an ng Tatay mo eh!" tingin ni Nanay kay Tatay. "I'm not slow, Life." Tumawa lang si Nanay at tumingin sa akin. "Ang ibig kong Sweetie, ang laki mo na, dati baby ka pa namin ng Tatay mo at nakakalong ka namin. Ngayon, hindi na" Napasimangot ako. "Hmm!" "Baby ka pa rin naman namin" sabi ni Nanay. "Baby damulag nga lang" sabi ni Tatay. "Atleast baby pa rin, Tatay" asar ko rin kay Tatay. "Tara na, kumain na tayo" aya ni Nanay kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko at naupo na rin naman si Tatay. Nang mailagay na ni Nanay ang lahat ng pagkain nagsimula na kaming kumain. Sinandukan na ni Tatay si Nanay ng pagkain at ganun rin ang ginawa niya sa palato ko. 'Sana kapag nagka-asawa ako kasing sweet ni Tatay' nakita kong napatingin sila sa akin. "Ano/ What?" "Po?" 'Narinig kaya nila?'. "Kain na po tayo. Hehe" ~~~ Nang matapos na kaming kumain pumunta na rin ako sa kwarto ko para tignan ang email ko. Nakita ko agad ang feasibility study na file na isend ni Yuan Ramos aa akin. Nang buksan ko na ang document, napanganga ako dahil organize ang pagkakaayos ng mga dapat kong aralin. Hindi ko pa napapasa para pwede nang iprint ang gawa niya. Ilang oras ang nakalipas ng pagbabasa ko at pagsusulat ko sa notebook ko ng mga maiintindihan ko at pwede kong ipadagdag sa kanya sa feasibility study namin. To: Yuan Ramos; Hey! Nakita ko na ang email, nabasa ko na rin. May ilan akong hindi naintindihan at may gusto rin sana akong idagdag, if okey lang sa'yo? Napakunot ang noo ko ng bigla siyang tumawag at hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Baka hindi niya nagustuhan ang text ko? "H-Hello!" "Who are you? I'm Althea Skyler, his girlfriend. Bakit nagtetext ka sa boyfriend ko?" "Dahil po sa feasibility study namin" "Really? feasibility study lang? o gustong lumandi sa— 'Sky!'" rinig ko sa boses ng lalaki. Bigla akong kinabahan kaya nilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Nanginginig ang kamay ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko, at masakit. Tinapos na nila ang tawag, pero hindi pa rin humihinto ang bilis ng t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim at napansin ko ang text ni Yuan. :Yuan Ramos; I'm sorry for what my girlfriend said to you, it's easy for her to get jealous. BTW, Whatever you want to add to our feasib, just email me. To: Yuan Ramos; I understand, no worries. I'll just email you tomorrow, sa mga pwede kong idagdag. Thanks! May girlfriend na pala siya, ibig sabihin mali ako sa naisip ko na may gusto siya kay Zhynly. Mabait lang siguro talaga siya. Napailing ako at binasa ko ulit ang feasibility study namin na ginawa niya habang nagno-note at habang nagsesearch. Nang sumakit na ang ulo at mata ko. Sinara ko muna ang laptop at notebook ko. Humiga muna ako sa kama ko at pumikit para makapag-relax. Hindi ko napansin na nakaidlip pala ako sa pagpikit ko, gusto ko pa sana matulog kaso kailangan ko pang pag-aralan ang feasibility study namin. Naupo muna ako sa kama ko at nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko habang nagtatanggal ng antok. Tumayo ako sa kama ko para kumilos at makapagpaligo na muna para pangpagising. Hawak ko ang damit at shorts na gagamitin ko habang kumukuha ako ng under garments ko. Nakita ko ang isang flashdrive sa lagyanan ng underware ko. "Bakit meron ako nito dito?" Lahat kasi ng gamit ko organize, kaya bakit nandito ang isang 'to?. Bigla may alaalang pumasok sa isip ko na at nakita ko na tinatago ko ang flashdrive. Hindi kaya importante 'to sa akin? Anong nakalagay dito?. "Sweetie!" rinig kong tawag sa akin ni Nanay. Lumapit ako sa kama ko para ilapag ang hawak ko. Naglakad na ako papunta sa may pinto para buksan. "Baki—" "Bakit ang tagal mo buksan?" tanong ni Nanay na pinagtaka ko. "Nilapag ko pa po kasi ang mga damit ko. Bakit po?" tanong ko ng makita kong lumapit si Tatay sa amin at tinignan siya ni Nanay. Pakiramdam ko hindi naniniwala si Nanay sa sinabi ko, kahit 'yun naman talaga ang ginawa ko. "Kung may naalala kana wag mong itatago sa amin" seryosong sabi ni Nanay at nakatingin din sa akin si Tatay. "O-Oo naman po." sagot ko kahit bigla akong natakot sa ugali na pinakita sa akin ni Nanay. "Good night, Sweetie" yakap ni Nanay sa akin. "Good night, My daughter" "Good night po" sabi ko na lang kahit loob ko, kakaiba ang kinikilos nila. "Pumasok kana" sabi ni Nanay kaya umatras ako at isinara ko na ang pinto. * * * * * * #7 #TMA2BA #ElainahM.E
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD