Chapter Eight

4191 Words
Chapter Eight: Ice Amber's POV Lumabas na ako ng kusina ng masigurado kong wala na kaming gagawin ni Mom. Kakatapos lang namin magluto ng hapunan at hinihintay na lang namin si Dad para kumain. Napataas ang magkabilang kilay ko nang makita ko si Cloude, hawak niya ang cellphone niya habang nakangiti. Napasingkit ang mata ko dahil nakangiti siya at bigla rin siyang sumeryoso ng makita niya ako. Tinago niya ang cellphone niya sa kanyang jacket. 'I'm sure, si Linta lang naman ang ka-text niya! Sino pa ba?' I rolled my eyes. Napatingin sa akin si Cloude at tinaasan ko lang siya ng kilay. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa mga maling ginagawa niya, wala akong pakialam kung wala siyang maalala... basta galit ako sa kanya!. Ayoko lang na pagsisisihan niya ang mga pwede niyang gawin na maaari niyang pagsisisihan sa huli. Inismiran ko siya at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo dahil sobrang dami ng niluto namin ni Mom. Kailangan maging fresh ang pakiramdam ko bago kumain. Sabayan pa ng malapit na ang summer kaya sobrang init ng panahon. ~~~ Nang makababa na ako galing sa kwarto ko. Nakita ko pa rin na nakaupo pa rin si Cloude sa couch habang nakatingin na sa laptop niya. Napansin ko na patingin-tingin siya sa cellphone niya. 'Mukhang may hinihintay siya tawag'. "Hi! Ate Ai. Where's my boyfriend?" napalingon ako sa likuran ko. 'Paano siya nakapasok dito? Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to.' Si Linta nandito sa bahay. Akala ko naman hindi ko siya makikita ngayon, nagkamali pala ako. "Hi! Ate—" lalapit niya ang mukha niya sa akin para makipagbeso, makipagplastikan!. "Subukan mong ilapit 'yang mukha mo sa akin, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo" masamang tingin ko sa kanya at kita ko ang takot sa mga mata niya. 'Subukan mo lang talaga! Feeling close ang bruha!' "What are you doing here?" nasa likod ko na pala si Cloude. "I told you, I'm busy" lapit ni Cloude sa kanya. Lumayo ako sa kanila nilingon ko si Linta at tinignan ng masama. "Yes. I know, babe. Pero bakit hindi mo sinagagot ang mga tawag at text ko. I really miss you" nagmamakaawa ang mukha ng bruha at mukhang iiyak pa siya. Nasusuka ako sa nakikita ko. Alam ko naman na hindi totoo ang pinapakita niya sa kapatid ko. "Pwede ba?! Ayokong makita ng maarte dito sa bahay, ako lang ang maarte dito" taas kilay ko sa bruha. "Paalis mo na nga 'yan!" tingin ko kay Cloude at nakita kong bumutong hininga siya. Nakita kong nakatingin sa akin si Mom, alam kong hindi niya gusto ang sinabi ko. 'Hays! Ako na naman ang magiging mali' "Bahala nga kayo dyan!" naglakad na ako papunta sa kusina para kumuha ng makakain. 'Kung hindi si Bruhang linta ang katext ni Cloude? Sino 'yun?. Hindi naman siya ngingiti ng ganun at bigla na lang itatago kung mga kaibigan niya lang?. Narinig ko ang sinabi ni Linta na hindi sumasagot si Cloude sa tawag at text niya.' napangiti ako. 'Sino naman kaya ang nagpapangiti na 'yun kay Cloude?' Kailangan kong malaman kung sino ang taong 'yun. Ayos na sa akin na hindi 'yun si Linta, but I'm still worried dahil baka kung sinu-sino na naman ang nakikilala ni Cloude. Lumabas ako ng kusina para tignan kung umalis si linta pero si Mom ang nakasalubong ko. "Anong nanaman ang gagawin mo, Amber?" tanong niya ng makita ko si Cloude na papunta rin pala sa kusina. "Nothing, Mom. May nakalimutan kasi ako." sabi ko na lang. Nakita kong nakaupo na si Bruhang Linta sa sofa at napataas ang kilay ko dahil hawak niya ang cellphone ni Cloude. Nanlaki ang mata ko ng may tinawagan siya sa cellphone ni Cloude. Tinignan ko lang siya dahil alam kong mahuhuli siya ni Cloude sa pagiging pakialamera niya. "Who are you? I'm Althea Skyler, his girlfriend. Bakit nagtetext ka sa boyfriend ko?" Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Nakita kong mabilis na lumapit si Cloude kay Althea Skyler. "Really? feasibility study lang? o gustong lumandi sa—" "Sky!" kinuha ni Cloude ang cellphone niya sa kamay ni Althea Skyler at pinatay ang tawag na kung sino man ang nakausap nito. 'Tungkol sa feasibility? mukhang babae ang partner ni Cloude sa feasibility nila. Sino naman kaya ang babaeng kapartner ni Cloude?' gusto kong ngumiti at pumalakpak pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. "Sino 'yun?! Babae mo? tungkol sa feasibility? Hindi ako naniniwala! Malandi sya!" sigaw niya at alam kong narinig 'yun ni Mom. 'Sige lang, Althea Skyler, ipakita mo pa ang tunay mong ugali!' "Ilang beses kong sinabi sa'yo na wag na wag mong papakiaalam ang gamit ko!" mahinahon na sabi ni Cloude. "May kalandiaan ka!. Anong akala mo sa akin tanga?!" "Sky!" madiin na pagkakatawag ni Cloude sa kanya na alam kong nagpipigil na siyang hindi magalit. "What?!" sigaw niya kay Cloude. "Ehemm!" taas ko sa dalawang kilay ko. Napatingin si Althea sa amin at kay Mom. "Umalis kana, Sky" walang ganang sabi ni Cloude. "Please?" "Ayoko" "Please? Leave" "Ihatid mo ako" pagpipilit nito kay Cloude. Tumingin sa akin si Cloude at tumingin rin siya kay Mom, bumuntong hininga siya at tumango. "Fine, let's go" hawak ni Cloude sa kamay ni Althea Skyler at lumabas na silang dalawa. "Amber, anong nangyari?" "I don't know, Mom" I nodded. * * * * * * Cloude Yule's POV Nang lumabas kami sa bahay, hinila ko si Sky papunta sa sasakyan niya. Nandoon ang driver at ang bantay niya. "Get inside" utos ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. "Iuwi nyo na sya" sabi ko sa mga bantay niya. "What?! Babe!" labas ni Sky sa sasakyan niya. "Galit ka pa rin sa akin?. Dahil ginalaw ko ang cellphone mo? Sino ba kasi 'yun? Bakit hindi mo sabihin sa akin?" "Pwede bang pagpahingahin mo muna ako?" tingin ko sa kanya. "I'm f*****g tired, Sky!. Please!" Napabuntong hininga ako ng makita kong tumutulo na ang luha niya habang nakatingin sa akin. 'f**k!' "I'm sorry" yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa ulo niya. "Please, go home" Nakita ko ang sasakyan ni Dad na pumasok sa garahe. "Fine!. Hindi mo na ako siguro mahal, naghahanap kana ng bago at nagtatago kana sa akin!" Huminga ako ng malalim. "I'll tell you everything, but not now 'cause I'm really busy, please understand. Hinawakan ko ang kamay nya. "Don't get upset" "Fine! Promise, hindi ka magsisinungaling sa akin" "You too" tingin ko sa mga mata niya at nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya sa akin. Alam kong may tinatago siya sa akin, ramdam ko pero intindihin siya dahil mahal ko siya. "Good night, take care" "Thank you. By the way, 'yung preparation na engagement party natin I need you to be with me. Can you help me, Babe?" "Ofcouse, Babe" sagot ko. "I'll call you tomorrow" "Okey, bye" halik niya sa labi ko. Pumasok na siya sa sasakyan niya at kumaway sa akin. "Let's go, Manong" sabi niya habang nakatingin sa akin. Nang makalayo na ang sasakyan, naglakad na ako papasok ng bahay. Nakatingin ako sa cellphone ko para itext si Twilight Sky Smith. To: Partner; I'm sorry for what my girlfriend said to you, it's easy for her to get jealous. BTW, Whatever you want to add to our feasib, just email me. To: Yuan Ramos; I understand, no worries. I'll just email you tomorrow, sa mga pwede kong idagdag. Thanks! I took a deep breath, hindi ko alam kung re-reply ko pa ba siya o hindi na lang. I've had a weird feeling since I found out na siya na ang katext ko. Akala ko ang pinsan pa rin niya, siya na pala. Hindi ako nagpakilala sa totoo kong pangalan dahil alam kong magagalit ang pinsan niya sa akin. Alam kong galit si Pippa Zhynly sa akin dahil sa mga sinabi ko kay Twilight, pero wala naman akong magagawa kung hindi gawin ang dapat gawin. Kahit kaya ko naman gumawa ng sariling research ko mas pinili ko na lang na magtago sa pangalan ni Yuan Ramos para matulungan din si Twilight Sky. I'm not guilty sa mga sinabi ko, naawa lang ako sa kanya. Yun lang!. "Cloude Yule" napatingin ako sa kamay ni Dad na nasa balikat ko. "Ayos lang ba kayo ni Sky? Bakit hindi mo siya inihatid?" "I'm busy, Dad" "Really?. Ngayon ko lang yata sa'yo narinig 'yan?. Alam ko kapag para sa taong importante sa'yo, kahit busy ka sasamahan mo" tingin sa akin ni Dad. "May problema ka ba?" "Wala, Dad. I'm fine. Busy lang talaga ako ngayon araw kaya hindi ko siya nagawang ihatid, tyaka kasama naman niya ang driver niya" "Nagbago ka na" sabi ni Dad at mahina niyang tinapik ang balikat ko ng tatlong beses. Nilagay niya ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng jacket niya at tinignan ako. "Pumupunta ka ba sa appointment na pina-schedule ko para sa'yo?." Umiling ako. "Sabi ko na nga ba. Cloude, nandito lang kami para sa'yo. Alam mo kung gaano kahalaga ang pamilya sa atin, kaya hindi ka namin ipapahamak. Kaya bago ka magdesisyon sa mga bagay na gagawin mo, alamin mo muna ang mga bagay na nakalimutan mo. I don't want you to regret everything in the end, malaki kana, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Hindi ka rin naniniwala sa kaibigan mo o kahit sa pamilya dahil nawalan kana ng tiwala sa amin. Kaya sarili mo na lang ang kakampi mo at dapat mong protektahan dahil ganun ka lumaki." ginulo ni Dad ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay at naglakad siya papasok ng bahay. Nakatingin lang ako kay Dad hanggang makapasok na siya. Tama siya, nawalan ako ng tiwala sa kanila, sa pamilya ko, pero alam kong pinoprotektahan lang nila ako. Minsan lang si Dad magpayo, dahil hinahayaan niya kaming magdesisyon sa sarili namin. Nandyan lang sila ni Mom sa tabi namin kapag kinailangan na namin ng tulong. * * * * * * Grayson's POV Niyaya ako ni Philip sa warehouse ng grupo na binuo naming tatlo ni Cloude. Gusto niya mag-inom kaya pumayag naman ako, minsan ko na lang naman siya nakakasama. "Niyaya ko nga rin pala si Boss. Hindi ko lang alam kung pupunta yun, hindi kasi nagreply sa mga text at sa tawag ko. Mukha busy" sabi niya, inabot niya sa akin ang baso na may lamang alak. "Ilang buwan lang akong nawala parang ang dami ko nang hindi alam" "Kahit naman kami hindi namin inasahan na ganito ang mangyayari" tingin ko sa kanya at ininom ang laman ng baso. "Nalaman kong pinahinto mo si Ken na sundan si Twilight at pinagbakasyon mo pa?. Ang swerte ng ugok na 'yun. Nalaman ko rin na may engagement party si Boss?" napailing siya. Nilagyan ko ang baso niya ng alak at ininom naman niya ang lahat ng laman. "At may amnesia rin daw si Boss?" "Yes" nakita kong napaayos ng upo si Philip. Kahit hindi ko na linungin ang sumagot, kilala ko na kung sino siya. May pagsisisi pa rin sa loob ko ang mga nangyari sa amin. Hindi ko agad pinaalam kay Cloude ang kutob ko noon, pero alam kong tapos na iyon. Parehas na silang naguguluhan sa sitwasyon nila ngayon ni Miss Twilight. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari at gusto kong maayos ang lahat. Kahit hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. "Siguro may kasalanan din tayo sa nangyari, pero wag mong isarili ang lahat, may pagkukulang tayo. At may mga tao lang talaga nahandang sirain ang lahat para magtagumpay lang sa mga plano nila. Kaya wag mong sisihin ang lahat sa'yo, Grayson" Hindi ko napansin na nakaupo na pala si Cloude sa tabi namin. Napatingin ako kay Philip na nakatingin kay Cloude. "Totoo rin ba pinagtangkaan mong ipapatay si Miss Twilight Sky sa isang bayarang assassin? Alam mo bang anak siya ng leader ng Darklight?" napatingin ako kay Cloude. Kahit hindi naman niya sagutin alam ko na naman ang totoo. "Yes" sagot niya sa tanong ni Philip. 'Lintek! 'Yun lang ang isasagot niya? Wala ba siyang dahilan kung bakit niya pinag-utos yun?'. "B-Bakit?" takhang tanong ni Philip. "Sigurado ka ba sa pinapatay mo, Boss?." tinignan lang ni Cloude si Philip. "Nalaman ko rin na may engagement party ka, kanino ka naman na-engaged ha?" "Sa girlfriend ko" tinignan ako ni Cloude at tumingin uli kay Philip. "Kay Althea Skyler Lacson" gusto kong mapailing sa sinabi niya. 'Hindi mo pa rin ba hinalungkat ang totoong pagkatao niya? Hindi mo ba alam na ma-eengaged ka sa anak ni Mr. Harwell?. Hindi na ikaw ang kilala kong Cloude kung ganun... Ang kilala kong Cloude sinisigurado ang lahat ng bagay, pero sa pagkakataon na 'to puro damdamin ang pinapairal niya.' "S-Si— S-Si Althea Skyler Lacson-Ha—" "Tama ka, sya nga" tingin ko kay Philip at tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa binanggit ni Cloude na pangalan. "Sigurado ka ba sa kanya, Boss?" tanong ni Philip kay Cloude na kinasama ng tingin ni Cloude. "Ang ibig kong sabihin—" tinikom na lang ni Philip ang bibig niya at tumingin sa akin. Tingin na nahihingi ng tulong dahil sa masamang tingin sa kanya ni Cloude. "May problema ba kung sa kanya ako makakasal, Philip?. May ginawa ba siyang masama sa'yo?" "Wala naman siya sa akin ginawang masama, Boss. Baka sa'yo" napatakip si Philip ng bibig niya. "A–Ang ibig ko sabihin, Boss.. Ano... Ano..." tinignan ako ni Philip at napailing ako dahil hirap na hirap siyang kumuha ng salita dahil sa masama na ang tingin sa kanya ni Cloude. 'Wala kasi preno ang bibig, kaya pinapahamak niya ang sarili nya!' "Ano? Hindi kita maintindihan" lumapit sa kanya si Cloude. "Wag mong sabihin na isa ka rin sa mga taong pinagpipilitan na maalala ko si Twilight Sky Smith?" nilingon niya ako at tinignan niya ng masama si Philip. "Tss! Pare-parehas lang kayo!" "Sorry, Boss. Sabi mo kasi sa akin mahalaga siya sa'yo, hindi lang ako makapaniwala na ipapapatay mo siya sa isang bayaring assassin. Sana hindi ako mahalaga sa'yo, Boss" 'Siraulo talaga ang isang 'to!.' "Nawala ang ibang alaala ni Cloude, kaya hindi niya alam ang mga desisyon na ginagawa niya. Nagpapaapekto siya sa mga sinasabi ng ibang tao, hindi siya kumukuha ng matibay na impormasyon bago gumawa ng aksyon o desisyon. Tama ba ako, Cloude?" inom ko at tumingin kay Cloude na masama ang tingin sa akin. "Alam ko ang mga desisyon na ginagawa ko, pasalamat ka na lang at hindi siya namatay. Masyado kang concern sa taong 'yun, pati si Sky na walang ginagawa sa inyo, sinisiraan ninyo sa akin. Pwede bang wag kayong makialam sa desisyon ko?" "Masasabi mo kaya sa amin 'yan kapag naalala mo na ang lahat?. Bakit hindi mo muna alamin ang katotohanan bago ka magdesisyon na matali sa isang tao na hindi mo pa lubos na kilala?" "Sino ba siya sa buhay ko?. Pwede bang maging masaya na lang kayo sa desisyon ko? Masaya ako kay Sky at mahal ko siya." "Masaya ako na masaya ka ngayon, pero ayokong pagsisihan mo ang mga desisyon mo ngayon. Alamin mo ang lahat tungkol sa mga tao sa paligid mo, alam kong kaya mo 'yun gawin mag-isa. Hindi mo kailangan ng tulong namin, dahil alam ko naman na hindi mo rin hihingin. Pino-protektahan ka lang namin dahil sa mga desisyon mo na pwede mong pagsisihan sa huli" "Do I need your protection? No! I don't need that! f**k!. I need your f*****g support! Pero mukhang hindi ko 'yun makukuha sa inyo?" isa-isa niya kaming tinignan ni Philip. "s**t" mahinang sambit ni Philip. "Nasa iyo ang suporta ko pero hindi mo 'yun makita. Pino-protektahan ka namin, hindi pa ba 'yun suporta, Cloude?" "Bakit hindi mo sa akin sabihin ang totoo? Ano ba talagang totoo, Grayson?" Umiling ako. "Maniniwala ka ba? Paniniwalaan mo ba ako? Kami?. Hindi. Lalo na kung laban sa paniniwala mo ang sasabihin namin. Tama ba ako?" hindi siya sumagot. "Ayokong malason ang isip mo, nakita ko kung gaano mo kamahal si Althea Skyler, noon pero—wala akong sa posisyon na sabihin sa'yo ang lahat ng nalalaman ko" "Paano kung walang magbago kapag nalaman ko ang lahat?" mahinang sabi ni Cloude. Tinignan ko siya. "Maraming mababago, Cloude. Kung walang magbago at gusto mong mawala sa buhay mo si Twilight Sky Smith. Bigyan mo ako ng magandang dahilan at ako mismo ang magdadala sa walang buhay niyang katawan para sa'yo" nakita ko ang gulat sa mga mata ni Cloude. "Grayson.." sabit ni Philip sa pangalan ko. Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko, pero alam kong kilala ako ni Cloude. Tumataya ako kung saan ako mananalo. "I need to go. Thanks, Phil" tumingin siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng baso na may alak at uminom. Naglakad na siya sa paalis ng VIP room at ramdam ko ang tingin ni Philip sa akin. * * * * * * Amber Ice's POV Hindi ako makatulog kaya nagpasya akong tumayo at pumunta sa balcony para makapagmuni-muni. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang taong pinagseselosan ni Althea. Sino naman kaya ang ka-chat ni Cloude?. Napalingon ako sa sasakyan na parating, sa sasakyan 'yun ni Cloude. Nasa grahe na ang sasakyan niya kaya pumasok ako sa kwarto para lumabas sa kwarto ko upang tignan si Cloude. Nang makababa ako sa hagdan sakto naman ang pagpasok niya sa may pinto. "Hi! Ate Amber Ice. Hehe!." umupo siya sa lapag habang nakasandal sa pintuan. "Lasing na lasing ka ha?. Buti nakauwi ka pa" "Ayaw ninyo ba talaga akong maging masaya kay Sky? Kailangan ko pa ba talagang malaman kung ano ang mga nawala sa alaala ko, para maging maayos na ang tingin ninyo kay Sky? Paano kung mas masaktan ko pa si Sky? Alam mo kung gaano ko siya kamahal at ayoko nang mawala pa siya" natigilan ako dahil sa mga sinabi ni Cloude. Bumalik sa alaala ko kung gaano siya naging kamiserable ng mawala si Althea Skyler. Kung gaano niya sinisisi ang sarili niya sa pagkawala nito. Nakita ko rin kung gaano niya kami iniwasan dahil pinigilan namin siya na puntahan ni Althea. Ilang buwan niya kaming hindi pinansin, para kaming bula sa paningin niya. Nagdesisyon siyang huminto sa pag-aaral at nag-iinom pagkatapos ng training niya kay Dad. Hinayaan lang muna siya ng sila Dad na ganoon ang gawin niya sa sarili niya. Kapag lasing siya, nakikita na nag-so-sorry siya sa harapan ng picture ni Althea hanggang sa makatulog na siya. "Mahal na mahal ko siya. Hindi ninyo ba maintindihan yun?!" narinig ko ang paghikbi niya kaya agad lumapit at lumuhod sa harapan niya. Bigla akong naawa kay Cloude. Hindi ko pala inaalala ang pakiramdam ng kapatid ko, sinasabi ko ang mga gusto ko pero hindi ko alam kung ano ang mga gusto niya. Sobra na pala siyang nasasaktan, pero ang gusto ko pa rin ang pinipilit ko. Bigla tuloy akong na guilty sa lahat ng sinabi ko sa kanya, kahit alam ko naman na para sa ikabubuti nya iyon. Gusto kong mang ibalik ang alaala niya kay Twilight, pero parang mas gusto ko na lang siyang makitang masaya kay Althea Skyler. Pero natatakot ako dahil kung hahayaan ko siyang maging masaya kay Althea at maalala niya ang totoo, baka mas lalo siyang maging lugmok dahil sa mga desisyon niya ngayon. Siguro kung ang dating Skyler pa ang nakilala ko ngayon. Iyong Skyler na nakikita ko ang tunay na pagmamahal niya kay Cloude. 'Yung Skyler na mabait at hindi 'yung Althea Skyler Lacson Harwell ngayon na gustong maghiganti sa nangyari nakaraan. Hindi ako hahadlang sa kanila kahit nasa ibang grupo pa si Skyler basta alam kong totoo ang pagmamahal niya sa kapatid ko. Hinawi ko ang buhok ni Cloude para makita ko ang mukha niya. Mukha talaga siyang maraming nainom dahil pulang-pula ang mukha niya. "Cloude" gising ko sa kanya. "Kung alam mo lang kung gaano ka namin pinoprotektahan para hindi na maulit ang nakaraan. Pero siguro, masyado kanang nasasakal sa amin" ginulo ko ang buhok niya. "Kung ganun, hahayaan na muna kita kay Althea Skyler, dahil sabi mo masaya ka sa kanya. Hindi ko muna ipipilit ang mga bagay na hindi mo maalaala at gusto kong mangyari, pero pro-protektahan kita hanggang sa alam mo na ang mga dapat mong gawin. I love you, my brother. You still my little brother, that's why I protect you, no matter what. Sa ngayon, ibibigay ko sa'yo ang mga bagay na magpapasaya sa'yo." gulo ko sa buhok niya. "Kahit kailan napaiyakin mo pa rin!" ngiti ko. Alam ko bukas nakalimutan na niya ang mga sinabi niya. "Cloude! Tumayo kana nga dyan!" hila ko sa kanya. Shocks! Ang bigat niya. "I'm sorry, Ate Ai. I love you too. Hahaha!. Wag kang kiligin kapatid mo ko!" sabi niya. 'Gising pa pala 'to!' "Ganun? Eto sa'yo!" kinutongan ko siya. Ang kulit kasi eh!. "Hays! Cloude, sino bang nagpainom sa'yo? at nang mapatay ko'' "Shi Philip. Hahaha. That Jerk." 'Sino naman si Philip? Kailangan ko bang makilala ang isang 'yun? Mukhang nagtitiwala sa kanya si Cloude.' ~~~ "Good Morning!" napalingon ako sa kasama ni Mom. Si Althea Skyler lang naman. "Pupuntahan niya daw si Cloude" sabi ni Mom. "Okey!" sabi ko at bumalik ako sa ginagawa ko. Tulad nang sinabi ko kagabi hindi ko na ipipilit kay Cloude ang mga bagay na hindi niya maalala at hahayaan ko na muna siya kay Althea Skyler kung doon siya masaya. "Amber, mabuti hindi mo na sinusungitan si Skyler" lapit sa akin ni Mom. "Wala lang po ako sa mood, Mom. Ayokong ma-stress" sabi ko na lang. "Sige Mom, aalis na ako. Pupunta lang ako sa warehouse, may kailangan lang po akong sabihin sa apat" kinuha ko ang mga box na may laman na cookies at cupcakes. "Ganun ba? Tumawag pala sa akin ang Dad mo na daanan mo siya kung pupunta ka daw doon. Pero hindi ko alam kung nandoon pa siya hanggang ngayon" sabi ni Mom. Tinignan ko si Mom at nakatingin din siya sa akin. "Mom, kumusta na po pala ang sa M.A. Organization? Alam na ba ni Cloude ang mga dapat niyang gawin? Ang tungkulin niya?" mahinang tanong ko. "Alam na ni Cloude ang tungkol doon at pumayag naman na siya." yumuko si Mom kaya napatingin ako sa kanya. "Para daw maprotektahan niya si Skyler" tumingin uli siya sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Ganun naman siya noon pa kay Skyler, right mom?" tumango naman si Mom. "Don't worry, Mom, hindi ko na ipipilit sa kanya ang mga gusto ko, hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya sa ginagawa ko" iwas kong tingin kay Mom. "Ambe—" "Kaya hahayaan ko na po muna siya sa mga gusto niya, pero proprotektahan ko pa rin po ang kapatid ko. Ayoko na rin makita ninyo ni Dad na hindi kami nagkakasundo, alam ko pong nasasaktan kayo kapag hindi kami nagpapansinan ni Cloude" tumawa ako para umiwas sa pagiging madrama. "Wag mo na lang pong pansin ang sinabi ko, Mom. Alis na ako." hinalikan ko siya sa pisngi at naglakad na ako palabas. ~~~ "Miss Ai!" tawag sa akin ni Mike or Jordan. "Ang aga mo yata?" kinuha niya ang mga dala ko. "May kailangan lang akong sabihin sa inyo. Nasa loob na ba ang tatlo?" "Ang alam ko si Rexie palang ang nasa loob eh. Kakatext niya lang sa akin" sagot niya kaya pumasok na kami sa loob. "Mike! Miss Ai!" "Damn you! Manggulat ba?!" sigaw ko kay Rexie bigla kasi siyang lumitaw sa dinadaanan namin. "Nak ka talaga ng tatay mo!" masamang tingin ni Mike kay Rexie. "Sorry naman. Na-excited lang naman ako nang makita ko kung anong dala mo. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal" "Bakit hindi ka pa nag-aalmusal?" tanong ko. "Ha? Nakita ko kasi ang text mo kaninang alas kwatro. Hindi ko naman alam na ten ka pupunta" "So? Sinisisi mo ako kaya hindi ka nakapag-breakfast?" I rolled my eyes. "Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin, Miss Ai." nguso niya. "Nandyan na ba ang dalawa?" "Yung dalawa wala pa." sagot ni Rexie. "Kay Travis hindi na bago yun. Pero kay Grayson?" tingin ko sa kanilang dalawa. "Hindi kaya siya ang kasama ni Cloude mag-inom?" "Ano nag-inom sila?. Nak nang! Hindi man lang nagyaya" reklamo ni Mike kaya napatingin ako sa kanya ng masama. "You're so loud. Tss!" "S-Sorry" nagpeace sign pa siya at nagpacute. Akala mo naman cute. "Che!" I rolled my pretty eyes again. Naglakad na ako papunta sa may sofa. "One on one tayo, Mike" tingin ko sa ring at tumingin ako sa kanya. "Masakit ang tyan ko, ate Ai. Wait lang ha? Tinatawag ako ni Mother nature" sabi niya at naglakas na paalis. Napatingin ako kay Rexie. "Ikaw, Rex?" "Ayoko, Ate Ai. Gutom ako. Mamaya na lang kapag dumating si Travis." sabi niya at kumain na ng dala ko. Sa kanilang lima, si Travis at Cloude lang ang nakakalaban ko sa boxing ring. Lagi na lang akong iniiwasan nina Rexie, Mike at Grayson kapag nagyaya ako. 'Takot ba sila sa akin? Maganda naman ako.' * * * * * * #8 #TMA2BA #ElainahM.E
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD