bc

pretty girl

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
blue collar
drama
gxg
cheating
like
intro-logo
Blurb

PLOT 99 "Pasensya na Isay anak mukhang kailangan mo na munang tumigil sa pag aaral" sabi sa kanya ng kanyang itay na si Mang Berting Nag alala naman agad si Isay sa sinabi ng kanyang itay at nanghihinayang kung titigil sya bigla ng pag aaral dahil final exam na nila next month makakapagtapos na sya ng senior high. Naaksidente kasi ang kanyang itay kaya pilay ang kaliwang paa at kamay nito, driver kasi ang tatay nya sa isang malaking kumpanya sa lugar nila hanggang sa naaksidente kaya natigil sa trabahot nagpapagaling pa. Ang nanay naman nya ay nag aalaga sa dalawa pa nyang kapatid."Pero itay malapit na po akong makapagtapos ng senior high sayang naman po kung ititigil ko" sagot naman nya sa itay nya. Gusto ni Isay makapagtapos ng pag aaral dahil unang una sya ang panganay kaya sya ang aasahan ng kanyang mga magulang na makatulong sa kanila at para mangyari iyon ay kailangan nya makapagtapos ng pag aaral kaya talagang ginagalingan nya palagi ang pag aaral dahil isa din syang scholar sa kanyang paaralan, matataas kasi palagi ang mga grades nito at matalino kaya inalok sya ng kanyang guro ng scholarship. "Anak gusto namin makapagtapos ka ng pag aaral pero saan naman tayo kukuha ng pera pambayad ng tuition fee at mga gastusin mo sa pagpasok sa iskwelahan ni pagkain palang nga natin ay kulang na dahil natigil ang itay mo sa trabaho" sabi naman ng kanyang ina Nalungkot naman si Isay dahil totoo naman ang sinasabi ng mga magulang nya, limang buwan narin kasi mula ng maaksidente ang kanyang itay "Itay maghahanap nalang po ako ng trabaho" nakaisip si Isay ng paraan para maipagpatuloy nya ang kanyang pag aaral, hindi kasi sya pinapayagan ng kanyang itay at inay na magtrabaho dahil bata pa ito at sagana pa sila noon ng may trabaho pa ang itay nya. Kahit mahirap lang sila ay nakakain sila ng higit sa tatlong beses sa isang araw, nabibilhan din sila ng kung anong gusto nila ng kanilang itay sa tuwing sahod nito."Anak may tatanggap kaya sayo wala kapa disi otso" tanong naman ng kanyang itay "Itay pipirmahan nyo naman po diba ang waiver na papayagan nyo ako magtrabaho" Nagkatinginan naman ang mag asawa sa disisyon ng panganay na anak nila na si Isay, disidido talaga ito makapagtapos ng pag aaral "Kakayanin mo bang pagsabayin ang pag aaral saka trabaho?" Nag aalalang tanong naman ng kanyang inay Ngumiti at tumango naman ito "Opo inay itay wag po kayo mag alala" Wala na nga nagawa ang mga magulang ni Isay kundi suportahan ang gusto ng kanilang anak, naghanap sa lugar nila ng trabaho si Isay. Nag apply ito sa mga fast food kahit ang pagiging sales lady ay inapplayan nya hanggang sa makapunta at makita nya ang isang malaking bahay sa kanilang lugar na naghahanap ng katulong"Pasensya na iha ang bata mo pa para maging katulong dito" sabi sa kanya ng mayordoma ng mansyon ng mag apply sya sa loob at nakita ang mga requirements nito"Pero mag eigh-eighteen na po ako next month kailangan ko lang ho talaga ng trabaho sige na po tanggapin nyo na ako" Desperadang pakikiusap ni Isay sa mayordoma na nag interview sa kanya eto nalang kasi ang pag asa nya na kukuha sa kanya dahil dalawang linggo narin mula ng naghanap sya ng trabaho pero walang tumatawag o palagi syang tinatanggihan dahil sa batang edad nito.Kung hindi parin sya makakahanap ng trabaho sa kanilang lugar ay mapipilitan syang mapalayo"Anong nangyayari dito?" Biglang dumating si Don Lucio. Para namang nabigla ang Don ng makita nya sa malapitan si Isay na para bang ang gaan gaan agad ng pakiramdam nya sa bata kahit hindi nya ito kilala "Kasi po Don Lucio etong batang to ay nagpupumilit na magtrabaho dito bilang katulong" sabi ng mayordoma "Oh anong problema diba naghahanap naman talaga tayo ng katulong?" Tanong pa ng Don at hindi mapigilang pakatitigan si Isay. Naaalala nya kasi ang kanyang anak dito kung buhay pa ang kanyang anak ay siguro kasing edad na nito si Isay "Pero po Don Lucio seventeen palang po sya!" Agad naman sinabi ng mayordoma ang dahilan kung bakit hindi nya tinanggap si Isay "Sir sige na ho tanggapin nyo na ako pumayag naman sila inay at itay pangbayad ko lang po ng tuition fee ko" pagmamakaawa naman ni Isay kay Don Lucio Malapit narin kasi ang pagbayad nya ng tuition fee para sa final exam at pagkatapos ay ojt naman ang iisipin nya.Naawa naman si Don Lucio sa bata kaya tinanggap nya ito "Oh sige iha kung kailangan mo talaga ng trabaho ibibigay ko sayo pero kailangan kong makausap ang mga magulang mo" sabi naman ni Don Lucio Nakausap na nga ni Don Lucio ang mga magulang ni Isay at nakabayad din sya ng tuition fee nya, natutuwa nga sya dahil ang laki ng sahod nya kay Don Lucio at sobrang bait pa nito sa kanya "ANO BA NAMAN YAN! ANG TANGA MO TALAGA!" sigaw ni Jessa ng hindi sinasadayang

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.3K
bc

Daddy Granpa

read
279.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
40.5K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook