Chapter 1
BTS Min Yoongi >( Suga)
Kate > (Y/n)
This story is fictional only, kung hindi mo gusto ang mga ganitong klase ng fanfiction utang na loob lumayas ka na.
Suga is my bias kaya sya ang inuna ko. Kung may mga suggestions kayo at concerns free to comment it here.
Enjoy reading, Borahae ?.
Kate's POV
"Puro ka BTS, hindi ka magugustuhan ng mga yan",
"Wala kang pakealam, bakit ha pinakikialaman ko ba yang bisyo mong di mapigilan? Hinde diba? Kaya wag mo din ako pakilaman, magtrabaho ka nalang para sa sarili mo tutal yan naman talaga ang ginagawa mo",
Natameme ang kupal, ayun lumayas tuloy.
Ang kapal ng mukha neto, samantalang nauna pa nga si Yoongi sa kanya.
"Mag antay antay ka lang na makahanap ako ng panahon lalayasan talaga kita! Tutal dun ka naman sa barkada mo magaling, pinababayaan mo kami kaya dun ka, pati pagiging Army ko pinakikialaman!",
.
.
.
.
.
Matagal na akong nag titiis sa kanya, palagi nya nalang kaming tine-take for granted, binigay ko ang lahat sa kanya kahit anak binigyan ko sya pero anong ginawa nya, pinababayaan nya kami. Makapag abroad lang talaga ako lalayasan ko to.
*1 year Later*
"Ang kapal naman ng mukha mo, hindi mo na nga magawang maging mabuting partner may lakas ka pa ng loob manloko?!",
"Bakit?! Kasalanan mo yan, ni halos hindi na natin magawa ang bagay na ginagawa ng isang mag-asawa",
"Asawa?! Bakit kasal ba tayo? Yang style mo na yan may asawa ka pala?! Bakit ko naman gagawin ang gusto mo eh ni pambili nga ng pagkain sa araw araw, kulang pa dahil napupunta lang sa bisyo at utang mo lahat ng sahod mo! Pagod na ako kakaside-line para magkapera, ikaw puro ka pasarap, ayoko na! Tutal hindi naman na tayo magkasundo, maghiwalay nalang tayo!",
"O sige yan ba ang gusto? Lumayas kayo, ngayon na ang arte arte mo akala mo naman ang ganda ganda mo! Losyang ka naman!",
"Ang kapal ng mukha mo! Hoy! Maganda ako, kaya lang ako nagkaganito dahil sayo! Puro kunsumisyon ang inaabot ko sayo, hayaan mo pag pumayat ako maglalaway ka",
"Haha hindi ka na papayat ang laki laki mo!",
"Makikita mo, magsama kayo ng kabit mo! Lalayas kami dito ng anak mo!",
"Edi lumayas kayo!",
Galit na galit akong nag impake ng gamit, bitbit ang damit at anak kong tatlong taon pa lamang ay umalis kami sa pesteng bahay na yun. Uuwi ako sa magulang ko sa manila.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ang kapal ng mukha ng lalake na yun at talagang pinabayaan pa kayo?!",
"Hayaan nyo na yun ma, kaya ko naman kahit wala sya, bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho",
Tahimik kami ni mama sa sala ng biglang dumating ang kumare nya at ang anak netong si Angie halos kasing edad ko lang din yata sya.
"Hoy mare may sasabihin ako sayo",
Hindi ko na maintindihan ang usapan nila dahil naagaw ng phone case at wallpaper ni Angie ang pansin ko.
BT21 Chimmy....
Army!
"Angie right?",
Tumango sya sakin. Agad kong hinugot ang phone ko sa bulsa pinakita ang case and wallpaper ko sa kanya. Kitang kita ko na nagliwanag ang mataray nyang awra. Confirm! Army sya mga besh!
"Army ka din?",
"Oo, sinong bias mo?",
"Si ano, si Jimin tapos bias wrecker ko si Taehyung!",
"Talaga?!",
"Ikaw sinong bias mo? Kase case mo si Chimmy tapos wallpaper si Yoongi",
"YoonMin Bias ako, tapos NamJin ang bias wrecker ko",
"Pwede pala yun? Taekook kase gusto ko eh, pero si Jimin talaga bet ko!",
"Kim Namjoon!",- me
"Kim Seokjin!",- sya
"Min Yoongi!",-me
"Jung Hoseok",-sya
"Park Jimin",-me
"Kim Taehyung",-sya
"Jeon Jungkook, BTS", sabay na kami nyan day.
Para kaming mga tangang tuwang tuwa habang nagtatalon. Napatigil lang kami ng maramdaman naming medyo tahimik at napalingo kami kila mama.
At pramis priceless ang reaksyon nila, gulat na gulat.
"Magkakilala kayo?",
Nagtataka na tanong nila.
"Hindi po, pero magkakapatid kase kaming mga Army kaya ganern",
"Ha? Army kamo? Ano kayo sundalo",
Sabay pa kaming natawa.
"Hindi po, hahaha wag nyo na alamin amin na lang yun", -Angie
"Ano nga pala name mo?",
"Kate sis!",
"Okay, tamang tama pumunta si mama dito kase naghahanap sya ng makakasama ko sa work",
"Saan naman yan, tamang tama naghahanap ako ng trabaho",
"Sa South Korea sis!!!!",
"Kyaaaaahhhh!!!!!",
Nakakabinging tili ang ginawa namin at para kaming mga palakang tumatalon.
"Saan, kelan anong work?",
"Factory worker sis! Sa Gangnam-gu!",
"Gangnam-gu? D-diba dun yung location ng...",
"BIGHIT!!!!! KYAAAAHHH!!!!",
"Hoy! Ang mga batang ito, ano ba kayo kanina pa kayo tili ng tili!",
"Hehehe nakakatuwa naman po kase",
"Ma, solve na may kasama na ako",
"Medyo matagal pa iyon dahil maglalakad pa kayo ng requirements at mag-aaral pa kayo ng hangul",
"Okay lang po, makakapag antay naman",
After A couple of months naging close kami ni Angie.
Mukha syang masungit pero mabait sya day!
At magmula ng umuwi ako dito sinimulan ko na din ang operation diet, para sa sarili ko at para na din maipamukha ko sa gung gong na yon kung sino sinayang nya.
Sa ilang buwan na pagkakaibigan namin ni Angie, alam nya na ang lahat sa akin, para na kaming mag ate. Little by little na-achieve ko na ang body goals ko, ang sikreto? Love Myself ? Effective sya pramis. Samahan mo na din ng kaunting disiplina!
From 70 kls to 50 kls. Panis!
Medyo malapit na din kaming umalis kaya excited much na ako.
*1 year Later*
"South Korea!!!!! Andito na kami!!!",
Para kaming mga tangang sigaw ng sigaw sa Incheon Airport, si Angie kulang nalang halikan ang sahig.
"Min Yoongi!!!! Hahanapin kita!",
"Park Jimin!!!! I lab you!!!!",
At ng tumingin ako sa paligid nakakahiya magpakita ng mukha kase ang mga mukha nila be like: bro what the f**k?! ??.
"Gaga lika na nga pinagtitinginan tayo , saka baka maiwan tayo ng susundo satin",
(Korea ang place pero tagalugin nalang natin ang usapan ng lahat para masaya)
At makaraan ang ilang oras na nakarating na din kami sa apartment namin ni Angie, sakto lang ang laki at malinis. May dalawang kwarto at tig-isang banyo, may mini living room. Hindi kalakihan pero pwede na pantiktok ang place hahaha.
(Sa totoong buhay ay pag nagtrabaho kayo ng factory worker, madami kayo sa room at hindi gaanong malaki, iniba ko lang ang kanila para...wala lang gusto ko lang bakit ba!)
.
.
.
.
.
Its been a month mula ng magtrabaho kami dito. Pagawaan kase ito ng tela ng mga branded na damit gaya ng Channel, Prada, Gucci, Celine ,Coach, Fila at madami pa. Nakaassign kami sa packing kaya di gaano mabigat, sabay pa ang day off namin ni Angie kaya ansaya saya.
Pero isa lang ang pinagdadasal ko sana makita ko naman ang BTS inaraw araw na naming tumambay sa tapat ng Bighit building pagkatapos ng work pero hindi man lang namin sila nakita.
"Kate, pinapatawag kayo ni Manager sa office nya, kayo daw ni Angie",
Bakit kaya? Nagkatinginan kami ni Angie at agad na tumalima sa utos samin.
"Bakit kaya? May violation ba tayo?",
"Ewan ko bilisan na natin baka may iuutos lang",
Kumatok muna kami bago pumasok. Bumungad samin si Mrs. Song.
"Pinapatawag nyo daw po kami?",
"Hmm, maupo kayo, meron lang sana akong munting pabor",
"Ano po yun?",
"Medyo kinulang kase sa sales lady ang mga stores natin, alam nyo naman na bukod sa pagawaan at mall ay ilan sa mga stores dun ay kay Mrs. Lee, ang point ko is, balak ko kayong ilipat pansamantala as sales lady, wag kayong mag alala hindi mababawasan ang sweldo nyo, may additional allowance pa, medyo malaki ang Gucci Department natin at kulang talaga ng saleslady ang hirap makahanap, so habang nag hahanap kayo muna ang pumalit, okay lang ba?",
Nagkatinginan kami ni Angie, alam kong pabor to sakin at kanya, more gala saka baka mamaya maligaw ang bts dun! Mga alagang Gucci yun e!
Starting tomorrow duon na kami sa Gucci Department, at ang ganda ng uniform in fairness! Lalong lumabas ang curves!
"Wow ang ganda talaga ng uniform, look at you Kate, parang wala ka pang anak!",
"Hahaha sus nambola ka pa!",
"Nagsusumigaw ang mga harapan at likuran natin hahaha",
"Gaga ka hahaha tara na maaga dapat tayo kase mag aayos pa tayo duon!",
After few hours,nakarating din sabado na bukas restday namin kaya makakapagrelax na din. Medyo nakakapagod din pala lumakad at tumayo.
Nag aayos kami ng mga damit na tinanggal sa hanger ng may bisitang dumating ng di inaasahan.
Andito sila! OMG! AS IN OMG!!!
"Kyaahh gaga ang BTS andito! nagtatalon si Angie",
"Oo kita ko, teka teka maayos ba itsura ko?!",
"Oo! ako ba tignan mo dali! Baka mamaya ang panget kong haharap kay Jimin!",
"Oo maganda ka na, bilisan mo kunwari nag aayos tayo! Mag-....Angie? Angie?",
Hinahanap ko ang kausap ko at nawala pag lingon ko ay nanduon ang gaga, nagpapapicture na!
Teka hindi ako pwedeng mahuli! Dali akong lumapit sa kanila.
"Pwede pa picture din?",
With matching pa-cute pa yan!
"Sure", nakakatuwa ang babait nila.
"Gaga picturan moko dali",
sabay abot ng cellphone ko at pumwesto sa gitna syempre dun ako sa tabi ni suga bebe labs, pero ang di ko inasahan, aakbayan ako ni Suga!
Kyaaaaahhhhh!!!! I need air!!!! Hihimatayin ako ng wala sa oras.
Nag finger heart sign sila kaya ginaya ko.
"Are you guys an army?", - Rm
"Yes, how did you know",- me
"Its obvious in your phone cases haha",
Luh ang pogi mo tumawa, iuwi kaya kita!
"Nice meeting you guys what is your name?",
Wala ng hiya hiya to, shake hands na agad! Baka di na maulet!
"My name is Kate", at isa-isa silang kinamayan.
Yoongi payakap please! Isa lang, mga isang daan! Kyaaaahhh!!! I can't believe it!
Ang babango nyo!!!
Yung sinasabi nyong maliit jusko hanggang balikat lang ako ni Jimin!
"Ako di nyo tatanungin?",
"Hahaha yes, you are what is your name?",
"My name is Angie Park",
kelan pa naging Park ang apelyido ang gaga na to?!
Ay wait teka.....
Nagulat si Jimin, naku po!
"Park ka din? Magkamag-anak ba tayo?",
"Hindi no, mag-asawa tayo!",
Everyone was shock! Kahit ako, anlakas ng loob ng gaga na to.
*akward silence*
"Mag-asawa tayo, k-kase kinasal tayo sa panaginip ko! Hahahaha Joke lang kayo naman di mabiro!",
Doon lang sila nag react.
"Hahaha nakakatawa ka naman",
"Would you like us to assist you?",
"Ah sure, kelangan namin ng taga tingin!",
At here we go sinamahan namin sila at nag aantay lang ako ng tyempo makikipagselfie ako kay Suga. Ay eto na mag-isa lang sya. Pakapalan na ng mukha to.
"Suga, sorry ah, alam kong nagpapicture na ako kanina pero pwede bang papicture ulit? Idol na idol kase talaga kita",
He smile at me, damn! That gummy smile! Dyan ako na iinlove, pwede bang iuwi na kita please!
"Bakit ka nagsosorry, its okay sige tara picture tayo",
At nagpicture kami ulit at another kilig moments dzai! Inakbayan na naman nya ako, alam ko hindi sila clingy, pero baka nainlab na siguro sakin si Suga kaya may paakbay epek, close na kami!
"Ako hahawak ng cellphone mo okay lang?",
"Sure! Geshte me sheye ne, pete eke",
"Ha?",
"Hehe, wala sabi ko last na",
Then, click. click. click.
"Suga hyung!",
"Ne?!",
"Picture tayo dito",
"Coming! Excuse me sandali lang",
Kinuha nya yung jacket na Gucci at saka lumapit kila Torong.
Habang ako parang tangang inaamoy ang balikat at cellphone ko. Ambango, amoy Yoongi! Hindi na ako liligo!
"Huy gaga, ginagawa mo?!",
"Tsk, wag ka magulo, bigla kang naglaho tapos lilitaw ka bigla, wag moko hahawakan sa balikat!",
"OA! eh kase lumapit ako kay Jimin kanina tapos sabi nya samahan ko daw sya, tignan ko daw kung bagay yung isusukat nya, sinama ako hanggang fitting room",
"Hoy tanga bawal yun ah",
"Oo nga, pero hinila kase ako saka malaki yung fitting room ano iniisip mo? Wala kaming ginawa at hindi ako papatulan nun",
"Walang ginawa, sure ka sa harot mong yan at sa harot din nya? Titignan-titignan kuno kung bagay, walang salamin ha?",
"E-ewan ko dun",
Namumula ang gaga, something is fishy!
"Hoy! Ano nga?",
"Kinuha nya yung number ko inaya nya ako friendly hang out",
"H-hoy! Totoo?! Di nga?!",
"Oo nga promise, isasama naman kita kaya hayaan mo na",
"Anlandi mo tanginaka, ambilis mo naman, madami ka pa ba jan penge naman!",
"Nang ano? hahaha",
"Ng kakapalan ng mukha! Gagang to!",
"Hahaha mahina ka eh, tara na baka need nila ng assistance",.
Nasa tabi lang kami ng cashier nakakapagtaka lang na hindi man lang sya naexcite nung dumating ang BTS.
"Zumi, okay ka lang?",
"Medyo nahihilo nga ako e, mukhang masaya kayo ah",
"Oo army kami e, ikaw di ka ba fan?",
"Fan din naman, pero sanay na ako sa kanila ilang beses na sila dito",
"G-ganun?",
"O-oo teka lang ah, pwede ba kayo muna ang magtake over Cr lang ako sandali nasusuka ako!",
"Sige teka anong password?!",
"*******",
"Aww okay, sige take your time",
"Anong nangyari dun?",
"Di kaya buntis yun?",
"Buntis agad? Di ba pwedeng may nakain lang na masama?",
"Tapos na kami, teka asan si Zumi yung cashier?",- Jungkook
"ah nag restroom lang sandali nahihilo daw kase sya at nasusuka",
"Ah....",
Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nya kung tama ako ng nakikita.
Hmm? Something is really up to
Inilapag nya ang pinamili at kinalikot ang cellphone nya.
"Eto yung samin",
"Credit card?",
"Yes!",- Jimin
At ang nakakatawa ay ang usual habit nya, ang hold-upin si Seok Jin kawawa naman tuloy sya.
"Teka lang nasi-cr din ako, ikaw muna bahala sa kanila",
"Ano ka ba naman Angie pati ba naman ikaw?",
Medyo tahimik si Jungkook at medyo lumayo ng konte, na parang may tinawagan at kinakausap
"Huy!",- Jhope
"Hehehe ano ulit yun?",
"Magkano daw lahat hahahaha",
Good vibes talaga ang tawa mo Hoseok, lab you!
"Ah wait lang, mga sir",
"Bago lang kayo dito no? Ngayon lang namin kayo nakita",- Jin
"Ah actually sub lang kami kulang kase ng tao eh",
"Ganun ba",
Habang nilalagay ko ang pinamili nila sa paper bag ay pinagmasdan ko sila. Parang ang sarap nilang maging barkada maliban kay Yoongi, masarap kashe she mageng eshewe hahaha.
Ang cute lang nilang nagpicture ulit sila lahat, maya-maya ay lumabas na si Zumi.
"Yo zumi, kamusta ka naman?",
"Okay lang",
"Bakit parang may sakit ka ata ang putla mo",- V
"Wala to, ano ba kayo, medyo napagod lang ako siguro",
"Magpacheck up ka kaya",- Jungkook
Ako lang ba? Pero parang may something sa kanila?
Tumingin si Zumi sakin.
"Okay lang ako, salamat sir Koo, I mean Jungkook",
I heard jungkook sighed im sure it's him iam an army even though im not looking right now to them.
Saulado namin kahit paghinga ?.
Kinukwento ako ng bangtan dito.
Bakit parang ang tagal naman magbanyo ng gaga?! 7 minutes na?!
"Where is Jimin?",- Rm
"Kinuha nya lang ang card ko kanina tapos pupunta daw muna sya saglit sa section ng shoes",
"Ah baka nag susukat pa",
"Wait lang ah, may kukunin lang ako, andito naman si Zumi",
Dali dali ako naglakad papunta sa section ng sapatos kung saan papunta din sa rest room.
At walang Jimin dito!!!!
Teka.....
Sinubukan kong pumunta ng rest room at i check ang lock.
Punyeta naka lock?! Bakit kelangan mo i-lock Angie anlawak ng rest room paano yung ibang gagamit?!
Wait...a missing Jimin and Angie is currently 10 minutes na sya sa cr.
No damn way!!!
Hindi kaya magkasama sila sa banyo?!
Gagang Angie to!
Sinubukan kong ilapat ang tenga ko kung may madidinig ako pero wala!
So i decided to went back to the counter, ay wala na sila?
"Umalis na sila?",
"Hmm, nagtext daw kase ang manager nila para sa Run BTS shooting bukas",
"Eh paano si Jimin? Nakita na ba?",
"Nagtext daw na mauna na sila at may dadaanan pa raw sya",
"Ah, ganun ba?",
"Baka gusto mo sumama mamaya friendly hang out daw",
"With BTS? Close kayo?",
"Hindi naman",
Ngumiti sya, at ang cute nya.
"Sige sama ako!",
Mga 15 minutes ng biglang lumabas si Angie sa banyo.
Tinignan ko ang salamin kung san matatanaw ko kung may lalabas pa at nakita kong lumabas din si Jimin.
Punyeta talaga! Sana ol!
At ako patay malisya lang! Mamaya to sakin babae na to.
Ngingiti-ngiti lang si Angie at, pinagmasdan ko sya at medyo magulo ang buhok sa may tuktok nya at medyo kumalat ang lipstick nya. Punyeta umupo lang sa tabi ko si gaga at nag retouch!
Imagine banyo na galing sa tagal sa cr, di pa nakapagretouch?!
"Oh Jimin?! Antagal mo naman mamili ng sapatos?",-Zumi
"Uh haha nagtingin tingin kase muna ako",
Burado ang lipbalm, mga walang hiya! ?
"Paano mauna na ako,"
Sumulyap muna sya kay Angie at nag sign ng 'call me' bago lumabas ng store.
"Kate, okay lang ba kung umalis ako sandali bibili lang ako ng marshmallow",
"sure",
pagkaalis ni Zumi ay binatukan ko agad si Angie.
"Aray! inaano ka",
"Patay malisya ano, talagang sa cr pa gumawa ng milagro",
"P-pinagsasabi mo?",
"Wag moko utuin kilala kita, masarap ba? ha masarap?!",
"Hahaha sorry na oo mesherep",
"kunwari ka pa, nakakagigil ka",
"wag ka na magalit hahaha turuan kita",
"Yucks kadiri ka talaga!",
.
.
.
.