KINAWAYAN ko si Kurt nang pumarada ang sasakyan nito sa harapan ng bahay nina Mich. "Hi, Hubby." Bati ko sa asawa nang makasakay ako sa kotse. "Natapos niyo ba?" tanong naman ni Kurt habang nag-drive na ulit. "Konti na lang ang kulang. Research na lang." sagot ko naman at sumandal. Nakakapagod ang project na ginawa namin. I am mentally drained. "Kumusta naman ang party?" Tila natigilan si Kurt sa tanong ko. "Bakit? May nangyari ba?" "Ah, wala naman. Okay lang ang party." Maikling sagot ni Kurt. "Ah okay po. Uminom ka?" lumapit ako ng konti sa kaniya para amuyin ito. "Konti lang." matipid pa rin ang sagot ni Kurt. May pakiramdam ako na may nangyari sa party na ayaw lang sabihin sa akin ng asawa. "Sure ka, okay ka lang?" Simpleng tango lang muli ang naging sagot ni Kurt kaya hinayaan

