MATAPOS ang klase ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan. Nag-text na kasi si Kurt na naghihintay na ito sa parking lot. "Bye, girls!" paalam ko sa Gaga Girls. Kumaway naman sila sa akin bilang pamamaalam. Naglalakad na ako sa may OSAS building nang mapalingon ako sa tumawag sa akin mula sa likuran. “Marian!” Humahabol sa paglalakad ko ang babaeng nakilala ko kanina sa study table, si Tricia. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na maabutan ako nito. “Hi! Saan ang punta mo?” Tanong ni Tricia sa akin nang makalapit. "Parking lot. Uuwi na. Bakit?" tanong ko. Agad naman nagliwanag ang mukha nito. "Talaga? Pwedeng pasabay?" tanong nito. Halata sa mukha ni Tricia sa nahiya ito sa pabor na hinihingi. "Kasi.. Ano. Nasira ang car ko. Kahit saan na lang bababa ako. Saan ba ang way mo?" "Sa R

