"PISTI naman kasi! Sino ba ang sabit dito? Siya o tayo?" inis na sabi ni Mich. Umaariba na naman ang kataklesahan ni Mich dahil sa inis. Hindi niya masisisi ang kaibigan sa nararamdaman nito dahil maging ako man ay naiinis na rin. "Relax lang, bakla!" sabi ni Pearl. Narito na kami ngayon sa isang botique. Kasama namin si Rian at ‘yung Tricia, pero parang hindi naman namin sila kasama. Sinolo kasi ni Tricia ang atensyon ni Rian nang makarating kami dito sa mall. Kaya heto kami at naghihimutok. Umasa pa naman kaming tatlo na makaka-bonding namin si Rian dahil palagi na lang itong absent sa galaan namin mula ng mapangasawa si Kurt. "Naiimbyerna ako eh!" high-pitched na wika ni Mich. "Kaya nga natin naisipan mag mall para makasama naman natin si Rian ‘di ba?" "Oo nga eh." sabi ko na lang.

