PROLOGUE
Nakatanggap ng text message si Summer galing sa kaniyang ina. Pinapapunta siya nito sa mansyon dahil may gaganaping family dinner mamaya. As if naman na tinuring siya nitong anak at pamilya. She was never part of the family Feliciano. Mabuti na lang talaga ay apilido ng ama ang kaniyang nasa documents.
They are never in good terms with her mother. Lumaki siya sa ama dahil simula nang ipinanganak siya ng ina ay inalagaan lang siya nito ng dalawang taon at itinapon na sa kaniyang ama. Hindi niya nga sigurado kung inalagaan ba siya nito ng dalawang taon o napilitan lang dahil kailangan niya ng gatas nito para mabuhay.
Hindi siya gusto ng ina dahil isa lang naman siyang pagkakamali para rito. She was the one who ruined her mother's career. Ito ang sinisisi nito sa kaniya, kaya nawalan daw ito ng fans noong kasagsagan ng modeling career niya noong teenager ito. Hindi naman niya kasalanan iyon dahil wala siyang kaalam alam. Her mother was in fault.
Masaya siya sa piling ng kaniyang ama dahil inalagaan at sinikap siya nitong palakihin kahit nagkahirap-hirap ang buhay nila. Iniwan lang siya nito dahil sa hindi na kinaya ng katawan ang kumalat na cancer sa buong utak nito. Labis ang hinagpis at iyak niya noong nawala ang ama niya, pakiramdam niya ay wala na siyang kakampi.
Nang malaman ng ina niya na pumanaw na ang ama niya ay pumunta ito sa kaniya kasama ang lolo niya para kunin siya. She was 15 years old that time and she can't do anything about it because she was a minor. Actually, no one knows that her mother is Cynthia Feliciano former model and actress. Everyone knows that the heir of Feliciano's corporation is still single and doesn't have any child and husband. Well, the half of that was true because she never married her dad. Her mother loves luxurious life and also her grandfather. Mag-ama nga talaga dahil sakim sa pera, iyon lang naman ang iniintindi ng dalawa.
Sumakay siya sa sports car niya at pinaharurot 'yon hanggang sa penthouse niya. May sarili siyang business kaya magara ang buhay niya ngayon dahil sa pagsisikap niya. Nang makatapos siya ng pag-aaral ay hindi na siya umasa sa pamilya niya. Dapat lang naman siya pag-aralin ng ina niyang hindi naman siya pinalaki, pero para sa kaniya hanggang doon lang 'yon. Hangga't maaari ay ayaw niyang makialam na 'to sa buhay niya.
Nang makarating sa penthouse niya ay nag pahinga lang siya saglit at mayamaya ay nag-ayos na rin ng sarili. She wore a simple yet elegant dress that match her innocent beauty. She has innocent look but sexy. Makipagtitigan lang siya sa lalaki ay siguradong luluhod na para sa kaniya. Apparently, thanks to her mother for that look. Nag mana siya sa mukhang bata nitong itsura, isama mo na ang malakas na s*x appeal.
Muli siyang bumyahe papunta sa mansyon para sa family dinner. Tatlo lang naman silang magdi-dinner, dahil iisang anak lang naman si Cynthia. Kapag kausap niya ang ina ay hindi niya ito tinatawag na mom, or mommy, dahil ayaw niya. Mas okay na pangalan na lang nito para hindi naman siya masuka.
Sinalubong siya ng mga kasambahay at ng butler ng kaniyang lolo.
"Good evening madam," the butler greeted. She just nodded as response while walking on the living roon. She turn right and she already saw her mother and grandfather on the dining area.
"You're late," ani ng ina.
"Obviously," her eyes rolled when her eyes gazed at her.
"How rude."
'Because you deserved it.' Iyan ang gusto niya sabihin pero hindi na siya nagsalita. Sanay na rin naman sila sa ugali niya. Sa mga ito lang naman siya bastos pero sa ibang tao hindi. Depende sa pakikitungo ng tao ang pakikitungo niya. Kung bastos ang kakausap sa kaniya ay mas babastusin niya.
They can't abandoned her because they are scared that her background will spread like a fire. Ayaw pa rin naman ng mga ito, lalo na ni Cynthia na malaman na nabuntis ito noong 16 years old pa lang. Hindi na ito nagpatuloy sa modeling at sa pagiging actress dahil nalaos na ito. Kaya nga siya ang sinisisi dahil nawala raw ito sa industriya nang mabuntis ito.
"Let's eat. Respect the food in front of you, Summer," mariin na ani ng lolo niya.
"I always respect the food, kayo lang naman ang hindi ka respe-respeto," he said honestly. Hindi na siya umimik at kumain na lang dahil alam niyang si Manang Lili ang nagluto no'n. Ito ang kasambahay na naabutan niya noong kinuha na siya ng ina at dinala sa mansyon. Ito ang nag-alaga at nag tiyaga sa pagiging masungit niya sa lahat dahil wala siyang tiwala sa mga tao sa bahay.
Kung may pagkakatiwalaan man siya sa mansyon ay si Manang Lili lang. Sumulyap siya nang makitang dumating si Manang Lili na may dala pang isang putahe. Pasimple itong ngumiti sa kaniya at gano'n din siya.
"The reason I called the two of you to have dinner with me because I already planned to expand Feliciano group of companies."
Napabuga siya ng hininga. "Huwag niyo ako isali sa kalokohan niyo. Wala akong kinalaman sa kompanya niyong dalawa," ani niya kaagad.
"It's arrange marriage to the heir of De Caprio Empire. Pag nag merge ang kompanya niya sa kompanya natin ay tayo na ang magiging mas mayaman at makapangyarihan sa iba't ibang bansa." Napangisi siya nang makitang kumikinang ang mata ng lolo niya.
Fame, power and money, that all they want.
"You will set an arrange marriage for Cynthia?" she almost laughed. Well, her mother is in 40's but looks like in 30's.
"Of course, your mother will be on an arrange marriage. Why? are you expecting to be the one?"
"Hell no! I'm not Feliciano, remember?" she mocked. Binaba niya ang utensils at kinuha ang wine para uminom.
"Then it means we're going to be rich and famous! I'll accept that dad," Cynthia smiled. Hindi siya makapaniwalang ka dugo niya ang mga ito. "Did Flame De Caprio knows my age? He's 10 years younger than me, right?"
She almost choked at the wine she was drinking.
The f**k? 10 years younger?
She didn't expect that. Hindi niya alam na ang owner ng De Caprio Empire ay 30 years old pa lang. She knows about De Caprio Empire because they are the biggest and richest company all over the asia and she know that they are still expanding.
Wala siyang ideya kung anong itsura ng Flame De Caprio na 'yon dahil hindi naman siya interesado sa mga iba. She was only focus on her bar and club businesses.
"No. Pero pumayag naman siya dahil gusto niya rin na mas lumaki pa ang business. He is ruthless billionaire and very perfectionist when it comes to business. You will meet him next week and you need to do everything to get him on your feet, understood?"
"Of course I can get him. Sino ba naman ang makakatanggi sa beauty ko? Most of the men are willing to beg for this beauty and body, dad. I will not disappoint you this time, I promise."
Inikot niya ang mata dahil sa usapan ng mag-ama. Pagdating talaga sa pera ay masiyadong magagaling ito. Inubos niya lang ang pagkain niya sa plato at hindi na nagdagdag pa. Hindi na siya matutunawan kung magtatagal pa siya rito sa mansyon.
"Kaya ka narito para malaman mo na hindi mo sasabihing anak ka ni Cynthia. Kung sakali mang makita ka ni Mr. De Caprio ay magpapakilala kang pinsan ni Cynthia, naiintindihan mo ba ako?" ani sa kaniya ng lolo niya. Tumayo siya at hindi ito pinansin.
Hindi na siya nito tinawag pa dahil alam naman ng mga ito na wala siyang pakialam sa plano ng pamilya.
Nang makasakay sa sasakyan ay bigla siyang napaisip. Ang goal ng kaniyang ina ay mahumaling ang lalaki rito para sa yaman.
Paano kaya kung sirain niya ang plano ng mga ito? Paano kung gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang pagpapakasal ng dalawa. She smiled when something crossed her mind.
Let's see Cynthia, let's see.
Let's see if your beauty and body can make him into you.