Maagang nagising si Summer para pumunta sa palengke at bumili ng preskong isda. Gusto niya kasi mag-ihaw para mamayang tanghalian. Dala-dala niya ang eco bag niya para doon ilagay ang bibilhin niya. Maganda ang alon ng dagat kaya nag-iisip din siyang maligo. Isang linggo na ang nakalipas at nandito lang siya sa secret house niya sa batanggas. Sa isang linggo ay natahimik ang buhay niya. Lumayo siya sa kahit anong media. Wala siyang cellphone na gamit at ang tv naman doon sa bahay ay netflix lang ang nakabukas. Hindi siya nanonood ng news dahil ayaw niyang ma-stress. Mabuti na lang ay hindi siya kilala dito sa batanggas kaya naging mapayapa ang ilang araw niya. Bumili siya ng blue marlin na isda para ihawin mamaya. Bumili rin siya ng mais at gusto niyang ihawin iyon at pahiran ng butte

