Nasa kusina siya habang kumakain ng saging nang biglang nawasak ang panubigan niya. Kalmado lang siya pero ang asawa niya ay hindi dahil natataranta itong tumatakbo para kuhain ang naka-ready nilang gamit. "Wait, baby! Calm down, okay?" Napatakbo na rin papunta sa kaniya ang mommy Flare niya dahil narinig ang malakas na boses ni Flame. "You okay? Tara na sa sasakyan..." "Okay lang ako mommy, hindi pa naman masakit ng sobra." Inalalayan siya nito para makasakay sa sasakyan. Paalis na talaga sila ngayong araw dahil ang tansya ng doctora ay bukas pero mukhang napaaga rin siya. Nasa likod siya nakasakay katabi ang mommy Flare nila. Mabilis na sumakay si Flame ng nakuha na ang gamit nila at pinaandar kaagad iyon. Mabuti na lang dahil hindi malala ang traffic. "Can you please calm down,

