Nagsalubong ang kilay niya nang mabasa ang text message ni Cynthia sa kaniya. Gusto niyang sipain sa mukha si Gary dahil nag kwento pala ito kay Cynthia na nakikitaan silang dalawa ni Flame ng closeness. From Cynthia,- Gary told me that you and Flame are close? How did it happened? Nakalimutan ko lang itanong sa'yo 'yan. Mabuti na lang nakita kitang may ka-date kaya hindi ako naniniwala kay Gary. Kung ako sa'yo ay si Gary na lang ang i-date mo, hindi man guwapo ng sobra pero malaman naman ang bulsa at ari-arian. "The hell? Anong gagawin ko kung mayaman si Gary? Kung iyon na lang kaya pakasalan mo?" bulalas niya sa kawalan. Nasira na naman ang araw niya, may nangialam na bruha na naman. Kaya hindi siya nagkaroon ng pagmamahal kay Cynthia dahil kailanman ay hindi siya nito kinukumusta ku

