Nagising siya ng maaga dahil maaga rin naman siyang nakatulog kagabi. Ginamot ni Flame ang sugat at pasa niya kaya medyo okay naman na kahit papaano. Hindi muna siya pupunta sa HBC ngayon dahil magpapahinga. Naipasok naman na ni Flame ang tatlong box na punong-puno ng mga pagkain na mailalagay niya sa pantry room niya. Nagpatugtog siya ng malakas habang nag-aayos ng mga pagkain na nasa freezer at chiller niya. Wala si Flame dahil kanina pa ito umalis ng maaga. Hindi niya nga alam kung mag kapitbahay pa ba sila o live-in na. Lagi kasi itong natutulog sa kwarto niya. Wala pa naman ulit nangyayari sa kanila pero patuloy pa rin siya umiinom ng pills. Napapasayaw pa siya habang nag o-organize dahil magaan talaga ang pakiramdam niya. Iba talaga pag ang natupad ang gusto mo, para kang lumulu

