Nang matapos silang magligpit ng gamit ni Summer ay napatingin siya sa nakabukas nitong bag. Nakita niya ang pills box nito kaya habang nasa banyo ang dalaga ay kinuha niya iyon at tinapon sa mismong basurahan sa kwarto niya. Alam niyang hindi nito mapapansin dahil aalis na rin naman sila pagkalabas nito sa banyo. He doesn't like the idea that she's taking a birth control pills. Nang makauwi na sila ay maraming nangyari kaagad. Pinatawag siya ni Cynthia para imbitahan sa bahay para mag-lunch. Wala siyang ideya na nandoon din si Gary at ang mas lalo pang ikinainit ng ulo niya ay nang malaman na may arrange marriage rin ang dalaga sa mayor. Nararamdaman niya na na may nangyayari sa pamilyang Feliciano dahil nakita niya ang galit sa mata ng dalaga noong nabalitaan nitong plinano ni Agust
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


