Mapang asar na ngiti

977 Words
KINABUKASAN..... Maaga akong nag asikaso para hindi ako malate, 7am kasi ang flag ceremony ..as usual karamihan naman sa ibat ibang school 7am ang flag ceremony diba? kaya eto ako ngayon gora na hahaha nandito na ako ngayon sa classroom namin at ako palang mag usa ang nandito... pero mga ilang minuto lang nagulat ako ng may biglang nagbukas ng pintuan at inikuwa nito si charles... nakatingin ito sakin habang nakangiti.. " hi samsam, good morning " sabi nya sakin habang nakangiti pero ngumiti at tumango lang ako sa kanya " ang aga mo ata ngayon " sabi ulit nya " ahh oo kasi baka malate ako kaya inagahan ko na. " sagot ko naman tumango lang ito habang nakanging nakatingin sakin. " a-ahhm, ikaw bakit ang aga mo din? " tanong ko ulit sa kanya. ( oohhh wag kayo malisyoso, nacucurious lang kasi ako hehehhe ) " ahh maaga talaga ako pumapasok para makapagpahinga ako ng ilang saglit lang. masarap kasing magpahinga dito kasi may aircon " sagot naman nya " ahh ok.. sige maiwan na muna kita " sabi ko naman pumunta muna ako ng cr kasi medyo naiilang ako sa loob kasi kami pa lang dalawa. anong oras kaya darating sila pat at jane? siguro mamaya pa yung mga yun ilang minuto lang nilagi ko sa cr at bumalik na ako sa classroom namin. pagbukas ko ng pinto may mga mangilan ngilan na kaming kaklase ang nandun.. Bigla naman akong napatingin ka charles at nakita ko na nakapikit sya, napaisip tuloy ako palagi nya siguro itong ginagawa kaya maaga syang pumapasok para matulog sa room kasi nakaaircon nga naman... hinayaan ko nalang ang mga nasa isip ko at saka bumalik sa aking upuan.. 6:30 na medyo malapit ng magbell... at habang nag iisip napatingin ulit ako kay charles.... (syempre hindi ko yun pinahalata sa iba sa tinitinginan ko sya ng palihim ) pogi, maputi, matangos ang ilong, matangkad... grabe parang nasa kanya na lahat.. ooppps pero syempre hindi pa natin alam kung mabait ba talaga sya... Sa sobrang tagal kong nakatitig sa kanya, biglang nag ring yung bell kaya nagulat talaga ako... at alam nyo paba tung mag nakakagulat.., pagbalik ko ng tingin sa kanya... nakita ko syang nakatingin sakin habang nakangising mapang asar.... alam kaya nya na tinititigan ko sya? naku naku katapusan ko na ata huhuhu sana naman hindi nya alam... nakakahiya talaga dali dali akong lumabas ng classroom para hindi nya ako mahalata, pagvaba ko naman saktong nakita ko sila pat at jane na magkasama sa pilahan... halatang muntik na silang malate kasi may bag pa silang dala.. siguro palagi silang ganun... nang makalapit ako sa kanila, napansin naman nila agad ako.. " uy... hi Sam " sabi pa nilang dalawa sakin " hello, bakit ngayon lang kayo " sabi ko naman sa kanila " ahhh naku wag mo nalang kami pansinin palagi kaming ganito pero hindi naman kami nalalate sakto lang sa oras ng bell hahaha " sabi pa ni jane habang tawa ng tawa. pati si pat tawa ng tawa din.. natawa naman ako sa kanila at nanatili nalang sa pila namin tapos na ang flag ceremony, nandito na kami sa classroom namin pero wala pa ang teacher namin kaya eto ako ngayon dinadaldal nila jane at pat. " sam may gagawin kaba mamaya? gusto mo sumama samin? " tanong sakin ni pat " wala naman, bakit saan tayo pupunta? " tanong ko naman " pupunta kami sa kainan na palagi naming pinupuntahan nila jane at ng kapatid nya si charles. gusto mo ba sumama? " sagot ulit ni pat. " ahhh sige " sagot ko ulit maya maya dumating na ang teacher namin kaya umayos na kami ng upo. isang oras din ang lumipas tapos na kami sa ilang subject kaya break na namin. inaya ako nila pat na punmunta ng canteen pero tumanggi ako kasi may pagkain naman akong dala sa bag para makatipid na rin. pagkaalis nila jane nag umpisa na akong kumain, pero nagulat ako ng biglang may tumabi sakin at nagsalita sya " hi samsam pwede pa ako sumabay sayo magbreak? nakakatamad kasi kumain sa canteen ang iingay ng ibang mga estudyante " tanong nya sakin habang nakangiti tiningnan ko naman sya at ang mga dala nyang pagkain... ano paba ang magagawa ko dala na nya dito sa tabi ko yung pagkain nya.. tumango nalang ako bilang sagot. tahimik lang kaming kumakain ng bigla ulit syang magtanong. " sasama ka pala mamaya? " tanong nya sakin " ahh oo wala naman akong gagawin sa bahay " sagot ko naman ngumiti nalang sya sakin ng wala na syang masabi mayamaya dumating nadin sila jane at hindi na sila nagulat bakit magkasama kami ni charles " kaya pala hindi ka sumabay samin sa canteen kasi gusto mo sumabay kumain kay sam ha.. " pang aasar ni pat samin " ang ingay naman kasi sa canteen kaya dito nalang ako kumain sa classroom " sagot naman ni charles " kaya pala katabi mo pa si sam hmmm hahahahha " sabi naman ng ate nya " ano namang masama dun ate jane, siba friend nyo naman si samsam, kaya kaibigan ko na din sya " sagot ulit ni charles sa kanila. " SAMSAM? wow naman feeling close ka sa kaibigan namin ahh hahahah " sabi ulit ng ate nya " ehh ano ngayon gusto ko yun ang itawag sa kanya,at ako lang dapat ang tatawag nun para unique " sagot ulit ni charles nagulat naman ako sa sinabi nya??? sya lang daw dapat ang tatawag sakin nun?? tama talaga ang ate nya feeling close talaga ilong tukmol na toh pinagmamasdan ko nalang sila habang nagtatawanan... ibang klase talaga sila sobrang ingay talaga nila lalo na ngayon at nagsamasam pa silang tatlo hhhayysst buti nalang dumatong na yung next teacher namin, nawala narin ang mala palengkeng ingay malapit sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD