pagtapos ng klase namin break, pero nanatili lang ako sa loob ng classroom dahil may baon naman akong biscuits. may kasama akong dalawang babae sa tabi ko, at nagsalita ang isa sa kanila
" hi Samantha, i'm jane anak ka pala ni tr.grace, alam mo na sya ang teacher namin sa math at music simula ng mag elementary kami dito, kaya sobrang close na kami sa mama mo " sabi nung jane sabay ngiti sakin
" oo nga sobrang bait ng mama mo at alam namin na mabait ka din " sabi nun isa pa nyang katabing babae
" pwede ka ba naming maging kaibagan? nga pala im patricia, pat for short " sabi ulit nung pat
" ahhh O--oo naman " sabi ko habang nabubulol pa dahil sa hiya
" hay naku wag kang mahihiya samin sam, mabait kami at hindi ka nagkamali ng napili mong kaibiganin " sabi naman nung jane
nginitian ko nalang sila bilang pagsang ayon
kahit tapos na ang break time patuloy parin sila sa pagdaldal sakin, pero hindi naman ako naiinis, nakakatuwa nga kasi kahit papano may kumakausap sakin atlis siguro naman mawawala na ang pagiging mahiyain ko diba
mga ilang minuto nagsidatingan na ang lahat kong kaklase... at alam nyo ba ang nakakagulat? kaibigan pala nila yung pogi na nakatitig sakin kanina nung nagpapakilala ako sa uanahan... at ngayon ko labg din nalaman na kapatid pala sya ni jane...hahaha diba napaka exciting
pag pasok ng mga estudyante at kasama na nung yung sinasabi ko sa inyo na pogi at pag tingin ko sa kanya nakita ko syang nakatingin sakin habang papalapit sa direksyon ko....
huminto sya sa harap ng ate ny at may inabot na pagkain.... awwww ang bait nya naman feeling ko crush ko na sya
(maputi, matangos ang ilong, matangkad, may dimple at ang cute nyang ngumiti.... ngu---ngumiti?) bigla akong bumalik sa katinuan ng makita kong nakatingin sya sakin at nakangisi na parang nag aasar...
(tssskkk feeling naman nito....) sabi ko nalang sa isip ko. pero nagulat ako ng bigla syang magsalita
" hi im charles " sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay
" aahhh---hhmm H---hi i--m Samantah " sagot ko, grabe nakakahiya
nakita ko naman na tumawa sya kaya bigla akong namula
" ang cute mo Sam.." sabi nito sabay alis
(ako? cute) ttssskk. hindi ko naman sya pinansin....
natawa naman itong dalawa kong katabi ko
" hay naku charles umalis kana nga sa sa harapan namin, pati si Sam pinagtitripan mo pa " sabi ni jane sa kapatid nya.
" oo na, parang di naman kayo sanay sakin ate jane, nagbibiro lang naman ako. pero totoo yung sinabi ko na cute sya " sabi nung charles sa ate nya sabay tingin sakin.
natahimik naman ako bigla at hindi na ako nagtangkang tumingin pa sa kanya kasi feeling ko kasing pula na ako ng kamatis ngayon nakakahiya ....
pagkaalis ni charles nagsalita naman si jane
"pasensya kana sa kapatid ko ha palabiro lang talaga yun, pero mabait yun sobra " sabi nya
sabagay may point sya mukang mabait naman kapatid nya pero sa totoo lang... tingin ko play boy yung charles na yun... diba nga ang mga pogi dakilang play boy tttttssssskkkkkk....
by the way tapos na pala klase namin at nagpaalama na din sakin kani kanina lang sina jane at pat na mauuna na daw muna silang umalis kasi may pupuntahan lang sila... tumango naman ako bilang pagsang ayon...
nandito parin ako sa classroom namin at inaayos ko yung mga gamit ko sa table... diko nga alam bakit sobrang dami kong dalang gamit sa bag ko.. feeling ko ilang kilo ng bigas ang palagi kong dala sa bag sa tuwing pumapasok ako.. pero ok lang sakin yun kasi nakasanayan ko na naman..
pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa bag, pagharap ko sa deriksyon papuntang pintuan, nakita ko si charles na nakaupo parin sa upuan nya habang nakatingin sakin....
( OO, hindi kayo nagkakamali sa akin nga sya nakatingin at hindi ako pilingera kasi dalawa nalang kami dito sa classroom )
hindi ko sya pinansin at naglakad na papunta sa pintuan... ng bigla syang magsalita...
" aaa--aahmm hi Sam, pwede ba akong makipagkaibigan sayo? " sabi nya
" h----ha? " tanong ko ulit . narinig ko naman sinabi nya,pero gusto ko lang ulit masigurado.
" sabi ko, gusto kong makipagkaibigan sayo. kasi kaibigan ka nila ate, kaya gusto ko na maging kaibigan ka din..." sabi nya naman
"aa--hh, ikaw ang bahala" sagot ko naman.
" sabi mo yan ha... so pano ba yan tutal magkaibigan namana na tayo, pwede ba akong sumabay sayo pa labas? " tanong nay ulit
tumango naman ako bilang tugon.
....Sa Gate.....
" bye SamSam " sabi nya sakin. nagulat naman ako sa pagtawag nya sa pangalan ko.. sa totoo lang si lola lang ang tumatawag sakin ng samsam at sya ang pangalawa pero di ko nalang pinansin yun.
" bb--bbye din " sagot ko naman habang nauutal..
nakita ko namang ngumiti sya at bigla nysng hinawakan ang ulo ko sabay sabi...
" ang cute mo samsam, see you tomorrow " sabi nya sakin sabay takbo sa kabilang direksyon.. ( ay oo nga pala di ko pa nasabi sa inyo na hindi kami parehas ng direksyon papunta sa sarili naming bahay, kaya wala ng pag asa na makakasabay ko syang maglakad pauwi hahaha char lang )
tingnan ko nalang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. kaya nag umpisa na din akong maglakad malapit lang naman dito ang bahay namin at saka di ko na din kailangan na sumabay pa kay mama, malaki na ako ata kaya ko na sarili ko..