Umpisa
Isang araw, may isang lalaking mayaman. Siya ay si Tofer. Habang nasa *kotse* siya, napaisip siya kung anong feeling na maging mahirap.
Hanggang napatingin siya sa driver.
"Bakit po? May gusto po ba kayo?" tanong ng driver.
Sabay sabi ni Tofer, "Ano po ba ang feeling na maging mahirap?"
Sabi ni Tofer, "Ganto kasi yun boss. Ang feeling ng mahirap, minsan masaya at minsan malungkot."
Wika ng Driver, "What if kaya subukan ko maging mahirap?"
Sabi ni Tofer.
Sabay sabi ng Driver, "Magandang plano yan boss."
Hanggang hindi namalayan nila na lumagpas na sila sa kumpanya. Nagmadali bumaba si Tofer hanggang nabangga niya si Sasa.
"Ahh! Aray ko!" sigaw ni Sasa.
"Mag-ingat ka naman kasi!" sabi ni Tofer.
"Ay wow! Eh ikaw nga hindi nag-iingat. Bahala ka nga, ayaw ko magsayang ng oras sa walang modo tulad mo!" sabi ni Sasa habang dinadampot niya ang mga papeles na nahulog sa kalsada.
Hanggang lumapit ang Driver sabay tanong, "Sir, ano nangyari? Bakit parang galit na galit yung babae?"
"Nabangga ko kasi siya. Kaya sinabi ko mag-ingat siya, ayun nagalit." sabi ni Tofer.
Sabay sabi ng Driver, "Nako boss! Wag mo muna isipin ang nangyari kanina. Kasi tumawag sakin ang tatay niyo po. Galit na galit sayo."
"Ah? Bakit naman siya magagalit? Sige na, mauuna na ako. Umakyat sa taas at baka lalong magalit sakin si daddy."
"Ingat po kayo." sabi ng Driver.
Habang paakyat si Tofer sa opisina ng kanyang tatay, nanginginig ang mga binti niya. Parang may masamang mangyayari. Hanggang nakapunta na siya sa harap ng pintuan ng opisina. Biglang nagbukas ang pinto sabay sabi ng kanyang Tatay, "Pumasok ka dito. May pag-uusapan tayo."
Pumasok na si Tofer na kinakabahan.
Tanong ni Tofer, "Ano po ang gusto niyong pag-usapan po?"
"Anak! Sobrang kulit mo. Sabi ko tigilan mo na ang pagbibigay ng pera kay Shakira!"
"Tatay! Mahal ko si Shakira at nangako ako. Lahat ng gusto niya ibibigay ko!"
"Siya ang sinusunod mo ha? Ngayon paparusahan kita. Wag ka uuwi sa bahay. Wag ka pupunta dito. Guard! Dalhin niyo si Tofer sa Tumana!" sabi ng kanyang tatay.