Ang Bagong Simula at ang Unang Banggaan
Ang paligid ay puno ng mga puting rosas at eleganteng dekorasyon. Masayang nagpapalitan ng sumpaan sina Isabella Saavedra (ina ni Azaiah) at Cielo Monteclaro(ama ni Clyden).
Azaiah Kaelie Saavedra is standing at the side, wearing a soft pastel bridesmaid dress. She looks like an angel—malambot ang mukha, laging nakangiti, at kitang-kita ang pagiging masunuring anak. Nursing student siya, pero habang nagaganap ang ceremony, mapapansin na medyo nanginginig ang mga kamay niya nang masugatan ang isang flower girl sa damuhan.
Azaiah: (Bulong sa sarili) “Huminga ka, Azaiah. It’s just a small scratch. Kaya mo ’yan. Nursing student ka, ’di ba?”
Lalapit siya para tulungan ang bata, pero nang makakita siya ng kaunting dugo sa tuhod nito, bigla siyang napaatras at namutla. Halos mawalan siya ng balanse.
Bago pa man matumba si Azaiah, isang matigas at malamig na kamay ang humawak sa braso niya.
Clyden:(Malamig ang boses) “Nursing student ka pero takot ka sa dugo? Paano ka papasa sa RLE mo kung ganyan ka kahina?”
Napatingin si Azaiah sa lalaking humawak sa kanya. Si Clyden Rhys Monteclaro. Nakasuot ito ng itim na suit, maayos ang buhok, at ang mga mata ay parang yelo sa lamig. He is a medical student, an aspiring doctor, but he carries an aura that is far from a healer.
Azaiah:(Kinakabahan) “C-Clyden... I mean, Kuya Clyden. Pasensya na, nabigla lang ako.”
Clyden: (Binitawan ang braso niya nang marahas) “Don’t call me 'Kuya'. Hindi tayo magkadugo. This marriage is just a contract between our parents. Huwag kang assuming.”
Nilagpasan niya si Azaiah at kinuha ang first aid kit na hawak ng bata. In a swift, professional, but robotic way, nilinis niya ang sugat nito nang walang ka-emosyon emosyon.
Nagsasaya ang lahat. Nagasayaw sina Isabella at Cielo sa gitna. Lumapit si Isabella kay Azaiah na nakaupo sa isang sulok.
Isabella:“Anak, ang ganda mo tonight. At tingnan mo, maayos na ang lahat. May bago ka nang pamilya. Mabait si Cielo, at sigurado akong magkakasundo kayo ni Clyden. Doctor siya, Nurse ka... perfect pair sa bahay.”
Azaiah: (Pinipilit ngumiti) “Sana nga po, Ma. Basta masaya kayo, masaya na rin ako.”
Napatingin si Azaiah sa kabilang table. Clyden is surrounded by women—mostly daughters of business tycoons. He’s a womanizer, flirting effortlessly but his eyes remain detached. Nang magtama ang paningin nila, Clyden smirked and raised his wine glass in a mocking way.
Pagkatapos ng reception, dinala na sila sa mansyon ng mga Monteclaro. Ito na ang magiging bagong bahay nina Isabella at Azaiah.
Habang nag-aayos ng gamit si Azaiah sa kanyang bagong kwarto, nakarinig siya ng malakas na kalabog sa hallway. Paglabas niya, nakita niya si Clyden na pasandal-sandal sa pader, bahagyang lasing, at may kasamang babaeng halos wala nang suot na damit.
Azaiah:“Clyden? Gabi na, bakit may dala kang... bisita?”
Humarap si Clyden sa kanya. Ang kaninang maayos na doctor-student look ay napalitan ng isang mapanganib na titig. He pushed the woman inside his room and blocked Azaiah’s path.
Clyden:“This is my house, Azaiah. My rules. Kung gusto mong magpaka-santa, doon ka sa simbahan, huwag dito sa harap ko.”
Azaiah:“Pero nursing student ako, alam kong masama sa kalusugan mo ang—”
Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang lumapit si Clyden, cornering her against the wall. Nararamdaman ni Azaiah ang amoy ng alak at mamahaling pabango nito.
Clyden:“Nurse? Paano ka magiging nurse kung sa konting sugat lang ay nahihimatay ka na? You’re too innocent for this place, Azaiah. Get out of my sight before I show you exactly why they call me a monster.”
Nagmamadaling pumasok si Azaiah sa kwarto niya, ang puso ay kumakaba nang mabilis. Hindi niya alam kung takot ba iyon... o isang kakaibang pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman.
Clyden remains in the hallway. He looks at his hands—the hands of a doctor that are also the hands of a Mafia Boss. He whispers to himself.
Clyden:“You shouldn’t have come here, Azaiah. Mapapahamak ka lang sa piling ko.”