CHAPTER 3: That Moment When I First Laid My Eyes On You.

1699 Words
LADY VERONICA; "I need you to investigate someone," I told my assistant as soon as we entered my mansion. "Sino po? 'Yong babaeng kausap niyo kanina?" "Yes, I want to know all about her. I think she's the one, she's the warm sunlight that could melt down the ice in Leo's heart," nakangiting sagot ko sa kanya. I think I'm going to hear wedding bells soon. "You mean, balak niyo pong ipakasal si sir Ethan sa babaeng 'yon? Kilala niyo naman po si Sir Ethan, natitiyak kong hindi siya basta papayag." "Sa tingin mo ba hindi ko naisip 'yan? I have thought about it already, and I know a way to deal with him. This time hinding-hindi na siya makatatanggi sa gusto ko. Kaya simulan mo nang alamin ang lahat ng tungkol kay Elijah Reilly Medina," utos ko sa kanya. "Opo Lady Veronica." Pagkalabas ng assistant ko ay napatingin ako sa portrate ng bunso kong anak na si Elizabeth. "My beautiful daughter, I think you could stop worrying about your son from now on. I've got him a beautiful wife with a beatiful soul." **************** (The next day) REILLY; I woke up to the scent of vanilla coming from my air humidifier. The scent that I would always love to smell because it reminds me of my mother so much. "Miss Reilly!" Napabalikwas ako nang bangon sa sunod-sunod na pagkatok ni Amber sa pintuan ng aking silid. Kulang nalang ay wasakin niya ito sa lakas ng pagkatok niya. "What's wrong with her again?" Napipilitang bumangon ako sa kama habang nagkukuskos ng aking mga mata. I'm not a morning person, but eversince my mom died I realized that I need to wake up early dahil madami akong kailangang gawin. I need to be strong and independent. Pero kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi ko parin magawang masanay, ang bigat parin ng katawan ko at tinatamad parin akong bumangon sa umaga. "Ano bang problema mo? Why are you banging my door?" I asked her irritatedly as soon as I opened the door. "Miss Reilly, tumawag ang assistant ni Lady Veronica. Gusto ka raw makausap." Natulala ako at parang hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Si Lady Veronica? Natutop ko ang aking bibig nang marealise ko na baka tama nga ang naisip ko kahapon. Baka magkakilala nga sila nong magandang lola na tinulungan ko at sinabi nito sa kanya na gusto kong pakasalan ang apo niya. "Diyos ko," tanging nasambit ko. "Bakit po kayo namumutla?" tanong ni Amber sa'kin. Hindi ako sumagot, bagkos ay dali-dali akong tumakbo patungo sa banyo para maligo. Kinakabahan ako pero ito naman ang gusto kong mangyari; ang makausap si Lady Veronica kaya hindi ako dapat umatras. *********** [THIRD PERSON'S POV;] Panibagong araw, bagong simula at bagong pagsubok na haharapin at kailangang lampasan. That's how the employees of McRae Empire welcomes each day that comes. Sa bawat opisina at departamento ng 70 floors na building na ito ay kanya-kanyang paghahanda ang ginagawa ng mga empleyado at department heads para sa panibagong araw na ito. Sa kabila nang pagiging abala ng lahat ay hindi maitago ni Lady Veronica ang sayang kanyang nararamdaman ngayong nahanap na niya ang babaeng gusto niyang ipakasal sa kanyang apong si Ethan. Samantala, sa entrance ng malaking gusaling ito ay pumarada ang isang Rolls Royce at bumaba mula rito ang bunsong apo ni Lady Veronica na si Ethan. Nakasuot ito ng itim na pants at kulay puting suit, his face shines like the sun in the sky despite his emotionless expression. His perfect jawline, pointed nose and hazel brown eyes will make it impossible for you to take your eyes off of him. It's like you would completely lose your sanity the moment you decided to look at his handsome face. And with just one glance from him is already enough to make your legs feel weak and tremble. He walks like a king; full of confidence and his presence screams authority. "Oh my God si sir Ethan andito!" one of the girl employees screamed na tila ba hindi na nito napigilan pa ang kanyang sarili. "He's really here!" another girl screamed while the others looked at him with their eyes twinkling like stars. Isa ito sa mga senaryong hindi gustong makita ni Ethan. He hates to see the ladies drooling over him. Sinenyasan niya ang kanyang assistant na tahimik na nakasunod lang sa kanya. Matagal na niya itong kasama kaya isang senyas lang niya rito ay alam na agad nito ang gagawin. "GO BACK TO WORK EVERYONE!" Umalingawngaw ang sigaw nito na tila gumising sa lumilipad na isip ng mga empleyadong tila nangangarap nang maging kasintahan ng isang Ethan Leo McRae. Kanya-kanyang takbo ang mga ito dahil sa pagkapahiya at sa takot na pagalitan sila ni Ethan. ************* REILLY; "This way po ma'am." Iginiya kami ng empleyado ng McRae Empire na siyang sumalubong sa'min kanina pagkapasok namin ng building nila. As usual ay kasama ko si Amber na kanina pa namamangha sa laki at lawak ng building na ito. Very modern din ang disenyo nito at lahat ng mga furnitures ay pinaghalong itim at puti. It's a place were you could only find the colors black and white kahit saan ka pumunta. Hindi naman halatang ito ang favorite combination ng pamilya McRae. Pagbukas palang ng elevator ay kinakabahan na ako. I don't know why I've been feeling so nervous, siguro dahil naikuwento ko ang plano ko sa magandang lola na tinulungan ko kahapon. I feel like she and Lady Veronica knew each other, kasi kung hindi ay bakit naman ako ipapatawag ni Lady Veronica gayong hindi naman niya ako kilala? "Nasa 70th floor po ang executive department." Hindi ko masasabing ako lang ang nagulat sa sinabi ng empleyado na kasama namin dahil pansin kong maging si Amber ay napanganga. "Ang taas naman," tanging nasambit ko. I wonder kung ilang minuto ang hihintayin namin bago makaakyat doon ang elevator. "Yes po," sagot nito habang nakangiti. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang elevator na walang ibang sakay kundi kaming tatlo lang. "We're here na po." Hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. I wonder kung lahat ba ng empleyado ng McRae Empire ay ganito kababait at palangiti. "Bakit tayo lang 'yong sakay ng elevator?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong pagkalabas namin. "It's the elevator assigned for the McRaes ma'am. Iba po ang elevator assigned for employees." Nagulat naman ako sa sagot niya. "Ha? Kung para pala 'yon sa mga boss niyo ay bakit doon mo kami pinasakay?" Hanep naman, nakakahiya. Baka mas lalong isipin ni Lady Veronica na masyado akong atat maging part ng family nila. "Don't worry ma'am, utos po iyon ng chairwoman," paliwanag niya na saglit na nagpatulala sa'kin. Magtatanong pa sana ako kaso hinawakan na ni Amber ang balikat ko at sinenyasan akong huwag nang magtanong. Iba rin itong assistant ko kasi ako ang sinasaway niya. Nanahimik nalang ako kahit pinagtitinginan kami ng mga empleyado na nadadaanan at nakakasalubong namin. I feel like everyone is trying to read my thoughts. Nakakaloka naman ito. "Umayos kayo, andito si Sir Ethan. I heard dumaan siya saglit sa office ng Marketing head," rinig kong saway ng isang empleyado sa mga kapwa niya empleyadong nagkukumpulan sa isang tabi. Agad namang naghiwa-hiwalay ang mga ito at bumalik sa kanya-kanya nilang table. 'Ethan? Hindi ba siya ang gusto kong pakasalan? He's here at may chance na magkrus ang mga landas namin,' tanging nasambit ko sa aking isipan. "Andito na po tayo sa office ng chairwoman," sambit naman ng empleyadong kasama namin nang nasa harapan na kami ng isang kulay itim na pinto na may nakalagay na 'Chairwoman's Office'. Nagkatinginan kami ni Amber at pareho kaming naguguluhan kung kakatok ba kami o tatakbo nalang pabalik sa elevator. Napansin kong pinindot ng empleyadong kasama namin ang intercom. "Madame chair, nandito na po si Ms. Medina," she uttered. "Let her in." Natigilan ako sa boses na narinig ko. It sounds familiar parang narinig ko na ang boses na iyon somewhere. Maya-maya pa ay awtomatikong bumukas ang pintuan na mas lalong nagpatindi sa kaba ko. Napahawak pa ako sa balikat ni Amber dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko. "Miss Reilly, are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Isang marahang pagtango lang ang naging tugon ko sa kanya. "Pumasok na po kayo ma'am, hinihintay na po kayo ng chairwoman," wika ng empleyado na nagdala sa'min dito. Nag-aalangan man at kinakabahan ay nilakasan ko ang loob ko. Sa bawat hakbang ko papasok ay iniisip ko ang Medina Corp. I need to talk to Lady Veronica, bahala na kung anong isipin niya. Basta kailangan ko siyang makausap! Pagkapasok namin sa loob ay kusang sumara ang pinto kung saan kami pumasok. Kahit gustohin ko pang umatras ay mukhang imposible 'yon dahil narinig kong tumunog ito meaning awtomatiko itong nag-lock. Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakangiting nakatitig sa'kin. At ganun na lamang ang pagkabigla ko nang mapagtanto ko kung sino ito. Siya 'yong magandang lola na tinulungan ko kahapon! Gusto kong tampalin ang noo ko sa sobrang katangahan ko. Sinabi ko sa kanya ang plano ko without thinking about the possibility na baka siya si Lady Veronica. Inisip ko pa kanina na baka magkakilala sila nong magandang lola na tinulungan ko kahapon without even realizing na siya pala talaga iyon. "Are you surprised to see me hija?" nakangiting tanong niya. Tumayo ito sa kanyang upuan at naglakad palapit sa'kin. "Don't worry, I won't bite you. You look so nervous." I don't know if she's just teasing me but I could feel cold sweats falling from my face down to my neck. "Grandma, why did you asked me to come?" Awtomatikong napalingon ako sa pintuan nang may marinig akong boses ng isang lalake. Nagtama ang aming mga mata at napahawak ako sa aking díbdíb dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko. His eyes were cold, but his face is different from all the other boys I've seen. He looks like a Greek God who just descended from Mount Olympus. The perfect jawline, beautiful yet cold hazel brown eyes, pointed nose and thick eyebrows and eyelashes. Wow! This man is literally an example of perfection.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD