CHAPTER 2: Unexpected

1626 Words
REILLY: "Ma'am, hindi po sumasagot ang attorney ng daddy niyo. Ilang ulit na akong tumawag sa opisina niya at paulit-ulit lang ang sagot ng assistant niya na nag bakasyon daw ito." Lalo akong nakaramdam ng inis sa ibinalita sa'kin ni Amber. Hindi ako tanga para hindi ko maunawaan na sinasadya ni Atty. Ramos na magtago sa'kin dahil binayaran siya ng madrasta ko. All these years I thought loyal siya sa pamilya namin since he's our family lawyer. But I was wrong, he's just one of those fools na nagpapagamit sa mukhang perang asawa ni daddy. "Let him be. Wala tayong magagawa kung ayaw niyang magpakita o makipag-usap manlang sa'kin." "Ano na pong gagawin mo ngayon ma'am?" nag-aalalang tanong ni Amber sa'kin. "Don't worry Amber, the fight is not yet over," sagot ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad ako palapit sa maliit na halaman na naka-display dito sa loob ng aking opisina sa coffee shop na pamana ni mommy sa'kin. Marahan kong pinasadahan ang magandang bulaklak nito na kasing puti ng mga ulap. "But I need to be powerful first bago ko siya tuluyang labanan. I need the support of the most prominent and powerful family in our country." Nanlaki ang mga mata ni Amber sa sinabi ko. "You...mean...." utal-utal na sambit niya. "I need to be part of the McRaes. I need their power and influence," determinadong sambit ko. "Naguguluhan po ako ma'am. Paano mo makukumbinsi ang mga McRae na tulungan ka?" "I don't need to convince them to help me. I just need to be part of their family, and that would be enough to gain influence," paliwanag ko. "So papakasalan mo po ang isa sa mga tagapagmana ng mga McRae? Pero sa pagkakaalam ko po ay isa nalang ang single sa kanila. Si Ethan McRae, and he's known for being heartless and cunning. It's not a good idea to marry him at mas lalong mahirap na mapapayag siyang magpakasal." "I don't care if he's heartless. At mas lalong wala akong pakialam kung gusto man niya akong pakasalan o hindi. I know someone who could make him agree to marry me," saad ko habang nakangisi. To be the wife of the heartless Ethan Leo McRae is the only choice I have. And I'm willing to sacrifice everything para lang makuha ko ang hangarin ko at mabawi ko ulit ang Medina Corp mula sa aking madrasta. ******** They say, marriage is all about love. But for me, marriage is the only tool I could use to protect my father's legacy. I don't care about love, nor I care about marrying a stone hearted man, as long as I could get everything that I want; living in a life like hell after marriage means nothing to me as long as I could protect our company. I walked with confidence inside the main building of the prestigious company McRae Empire. Ang goal ko ngayon ay makausap ang chairwoman nito na si Lady Veronica McRae. I need to propose a wedding between me and her second grandson; the president and CEO of McRae Corp. "Good morning ma'am, may appointment po ba kayo? Anong office po?" bungad ng receptionist sa'kin. "I wish to speak with Lady Veronica," diretsahang sagot ko. Ayaw ko nang magpatumpik-tumpik pa. Kailangang masabi ko agad kung ano ang pakay ko dahil sa bawat oras at araw na lumilipas ay palala nang palala ang mga nangyayari sa kompanya namin. "Lady Veronica is not in her office po. Minsan lang po siya andito dahil mas madalas siyang nasa ibang bansa." Bigla akong nalungkot sa sinabi nito. So kailangan ko pang maghintay na makauwi siya bago kami makapag-usap? I'll be wasting a lot of time then. "Sure ka bang nasa ibang bansa siya ngayon? Is there another way to talk to her?" paninigurado ko. "I'm not sure po, pero base po sa narinig ko from her assistant she's currently in Germany right now." Pakiramdam ko nanlumo ako at bumagsak ang buong pagkatao ko sa naging tugon niya. "Thank you," tanging nasambit ko. Bagsak ang balikat na naglakad ako palabas ng building. Nakakaloka naman itong buhay ko na ito, sa kamalas-malasan ay wala ang taong gusto kong makausap at kailangan ko pang maghintay ng ilang araw or even months bago ko siya makausap. Parang wala ako sa sarili na naglalakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw. I even forgot the way to the spot where I parked my car. Parang gusto ko lang maglakad nang maglakad. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung ano bang puwede kong gawin para matuloy ang plano ko nang mahagip ng aking mga mata ang isang matandang babae na parang mahihimatay at nanghihina. Nakahawak ito sa hamba ng sasakyan na hindi ko alam kung anong tawag kasi hindi naman ako mahilig sa mga kotse. Pero base sa nakikita ko ay mukhang mamahalin ang kotse na iyon dahil unang beses palang akong nakakita ng ganong sasakyan dito sa Pinas. Dali-dali akong tumakbo upang hawakan ang matanda para hindi siya tuluyang bumagsak sa semento. "Ma'am okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko matapos ko siyang mahawakan sa magkabilang balikat niya. Napatingin sa'kin ang matanda at ngumiti, "I'm okay hija." Parang natulala ako nang makita ko ang mukha niya. Her face and voice screams authority and power. Tila hindi siya isang simpleng matanda lamang, sa pananamit palang niya ay masasabi kong nagmula siya sa mayamang angkan. Even her face looks expensive kahit may edad na ito. I wonder if I could still maintain my beauty just like her kapag tumanda na rin ako. "Upo po muna kayo." Inalalayan ko siya para maupo sa bench. "May gamot po ba kayo? Ano pong nararamdaman niyo?" sunod-sunod na tanong ko. Baka kasi may maintenance medicine siya na nakalimutan niyang inumin kaya siya nahilo. "Yes hija, it's in my necklace." Napatingin ako sa necklace niya na kulay ginto at may pendant na hugis puso. "Open it," she said using her weak voice. Napatango nalang ako at dahan-dahan kong binuksan ang pendant ng kuwentas niya at doon ay natagpuan ko ang dalawang piraso ng gamot. Kinuha ko ang isa at ipinainom sa kanya, mabuti na lamang at lagi akong may dalang tubig sa bag ko. "Thank you hija. You saved my life," she said. "Huwag na po kayong magpasalamat, I just did what I have to do," simpleng sagot ko. "What are you doing here?" tanong niya. Hindi pa ako gaanong nakakalayo sa main building ng McRae Empire kaya napatingin ako sa entrance nito. "I'm waiting for Lady Veronica, pero mukhang wala po siya dito kaya uuwi nalang po ako," malungkot na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagulat siya sa sinabi ko. "Bakit mo hinahanap si Lady Veronica?" tanong niya. Nag-aalalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo, pero dahil mukhang ito ang una at huli naming pagkikita ay sasabihin ko nalang sa kanya. Para na rin mabawasan ang bigat nang loob na nararamdaman ko. "I need her help. I need to save my father's company from my selfish stepmother that's why I came here to ask for Lady Veronica's help," paliwanag ko. "What kind of help do you need from her?" Natawa ako nang pagak, "I know I might sound like a desperate gold digger, but I want to marry one of her grandsons. I need to be part of their family to gain power para malabanan ko ang stepmom ko. Sa totoo lang po, hindi ko gustong gawin 'to, I don't want to use someone's influence para lang sa kapangyarihan pero wala na po talaga akong ibang choice. My dad is in coma right now, at ayaw manlang akong ipakausap sa kanya ng madrasta ko. She even faked a document saying na inaabandona na ako ni daddy. But I know that my dad will never do that. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya at sa kompanyang pinaghirapan niya." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa'kin. "Are you willing to marry someone you don't know? Handa mo bang isakripisyo ang kaligayahan mo para sa daddy mo? I mean, marriage is a lifetime promise. It's not something that you could just quit whenever you wanted to. You have to think about it hija." Nakikita ko sa mga mata niya na naaawa siya sa'kin. "Opo. Ang kaligayahan po para sa'kin ay makitang masaya at maayos ang kalagayan ng daddy ko. Para po sa'kin ay 'yon ang totoong kaligayahan, dahil hindi po ako magiging masaya kung makikita ko siyang nahihirapan at patuloy na niloloko ng madrasta ko," paliwanag ko sa kanya habang tumutulo ang aking mga luha. Ngumiti siya sa'kin at ramdam kong nakikisimpatya siya sa nararamdaman ko. "What's your name?" "Elijah Reilly Medina po," sagot ko. "You have a beautiful name and a beautiful heart hija. Soon, all your wishes will come true." Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha. "Lady Ve--------" Humahangos na tumakbo palapit sa'min ang isang babaeng naka-corporate attire at parang napansin ko na sinenyasan siya ng magandang lola na kasama ko kaya hindi na niya itinuloy ang dapat sana'y sasabihin niya na hindi ko naintindihan. "Pasensiya na po medyo natagalan ako sa loob. Bakit hindi po kayo pumasok agad sa sasakyan?" wika nito na mababakas ang pag-aalala sa mukha. "I'll see you soon hija," tanging nasambit sa'kin ng matandang tinulungan ko bago ito tuluyang pumasok sa magarang sasakyan kasama nong babae. Why do I feel like there's a deeper meaning behind her words? How will I see her again? Nakakahiya, naikuwento ko pa naman sa kanya ang lahat. 'What if magkakilala pala sila ni Lady Veronica?' Natampal ko ang aking noo sa aking naiisip. Bakit ba kasi ang shunga ko? Bakit parang napalagay agad ang loob ko sa kanya at napakuwento pa ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD