CHAPTER 1; The Fallen Heiress

1567 Words
(6 Months Ago) REILLY: My life was almost perfect. I'm the daughter of a famous business tycoon and the founder of Medina Corporation. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, latest fashion items, jewelries and even cars. All I have to do is ask my dad and he will definitely give it all to me. But everything changed nang magpakasal muli ang aking daddy sa isang babaeng walang ibang ginawa kundi sirain ang relasyon naming mag-ama. She tried her best para ilayo ang loob ni daddy sa'kin and she finally succeed. Isang taon palang ang nakalipas matapos silang maikasal ni daddy ay napalayas na agad ako sa mansyon. She stole everything from me, lahat-lahat kinuha niya sa'kin. Hindi lamang ang pagmamahal at atensiyon ng aking ama kundi maging ang karapatan ko sa Medina Corp. I was left with nothing but my mother's small coffee shop and a small condo unit na binili niya para sa'kin bago siya nawala. But everything's not over yet, dahil gagawin ko ang lahat mabawi ko lang lahat nang akin at mapatunayan ko lang kay daddy na demonyo ang babaeng pinakasalan niya. "Miss Reilly!" Humahangos na pumasok ng aking opisina ang assistant ko na si Amber. "What's wrong?" Maging ako ay nataranta na rin sa ayos niya. Namumutla kasi siya at gabutil ang pawis niya sa kanyang noo. "Ang daddy mo, na-stroke daw!" Tumigil ang mundo ko at nanghina ang aking mga tuhod sa sagot niya. Napahawak ako sa gilid ng aking mesa at sunod-sunod na umagos ang aking mga luha. Halos tatlong buwan din akong walang balita kay daddy at halos tatlong buwan din kaming hindi nakapag-usap. I missed him so much at gusto ko pa siyang makitang muli. I still want to fix our relationship. "Let's go! Puntahan natin ang daddy ko!" Nagmamadali kong dinampot ang bag ko at hahakbang na sana ako nang pigilan ako ni Amber. "Are you sure? Pupuntahan mo ang daddy mo? Ma'am alam niyo namang hindi kayo papapasukin ng bruha mong stepmother," pagpigil niya sa'kin. "Then what do you want me to do? Tumunganga lang dito maghapon? He's my dad and I'm still his daughter! May karapatan parin akong makita siya!" I yelled at her. Alam ko na hindi ko siya dapat sinisigawan at hindi ko dapat ibinubunton sa kanya ang lahat ng frustrations ko pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. "Ma'am, nauunawaan ko po kayo. Pero ayaw ko lang po na saktan na naman kayo ng babaeng 'yon," paliwanag niya. "Pero Amber mababaliw ako kapag hindi ko nakita ang daddy ko." Napahagulgol ako nang iyak. Ang sikip-sikip ng dibdib ko, I already lost my mom hindi ko na kakayanin pa kung mawawala rin ang daddy ko. "I just want to make sure that he's okay. Pangako kapag nasiguro ko ng okay lang siya ay aalis agad ako," pakiusap ko sa kanya sa pagitan ng aking paghikbi. Napabuntong hininga nalang si Amber, batid kong nauunawaan niya na hindi ako magpapapigil sa kanya at wala siyang ibang choice kundi samahan ako. ******** Papasok palang kami sa ospital kung saan dinala si Daddy ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ayaw paawat ng mga luha ko sa pagtulo, to the point na lahat nang taong nakakasalubong namin ay napapatingin sa'kin. "Mr. Liu!" Para akong nakakita ng pag-asa nang matanaw ko ang Butler ni daddy na si Mr. Liu. Si Mr. Liu ang palaging kasama ni daddy at siya rin ang nag-iisang kamag-anak ng assistant ko dito sa Pilipinas. Kaya kahit wala ako sa tabi ni daddy ay alam ko parin ang mga nangyayari sa kanya dahil palagi kaming binabalitaan ni Mr. Liu. "Miss Reilly, mabuti naman at andito na kayo." Mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata. "Ano po ba'ng nangyari kay daddy?" Hindi siya nakasagot agad. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'ming dalawa ni Amber. "What happened uncle? Sagutin niyo po si Miss Reilly, " Amber urged him to tell the truth. "Narinig ko silang nagtatalo ni Ma'am Venice. Hindi ko alam kung ano'ng pinagtatalunan nila pero malakas ang kutob kong tungkol ito sa kompanya. Galit na galit si Mr. Chairman kaya siya na-stroke. May pumutok na ugat sa utak niya kaya hindi pa sigurado kung kailan siya magigising." Nanghihinang napaupo ako dahil sa nalaman ko. "Miss Reilly." Hinawakan ako ni Amber upang hindi ako tuluyang matumba. "Huwag po kayong mag-alala, malakas si Mr. Chairman, hindi siya macocomatose nang matagal. He will live, magkikita at magkakausap pa kayo," she assured me. "Look who's here! My husband's ungrateful daughter! Ikaw ang dahilan kung bakit na-stroke ang daddy mo!" Nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Pinilit kong tumayo upang harapin ang babaeng sumira sa pamilya namin. Ang babaeng dahilan ng lahat ng mga masasamang pangyayari sa buhay namin ng daddy ko. "How dare you say that to me! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Malaman ko lang kung anong ginawa mo sa daddy ko, I will make sure na tuluyan ka nang mawawala sa buhay niya!" matapang na sagot ko sa kanya. Natawa siya nang pagak sa sinabi ko, "Oh really? Sa tingin mo ba kaya mo akong alisin sa buhay ng daddy mo? You can never get rid of me dahil ako ang asawa niya! Samantalang ikaw, isa ka lang suwail na anak sa mata ng lahat!" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at hindi ko na napigilan ang sarili kong sugorin siya. "Let go of me! Masama talaga ang ugali mong bata ka!" she screamed habang sinasabunutan ko siya. "Miss Reilly tama na po!" Pilit akong hinila ni Mr. Liu palayo sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Amber. "Miss Reilly please don't do something stupid. Mas lalo ka lang niyang pagmumukhaing masama," pakiusap ng assistant ko. "Ilayo niyo sa'kin ang babaeng 'yan!" galit na sigaw ng aking madrasta. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at maging ang mga security guards ay napatakbo na rin sa gawi namin. "Palayasin niyo 'yang babaeng 'yan dito! She's not allowed to enter at mas lalong hindi siya dapat makita ng asawa ko!" utos niya sa mga security guards. "No! Please stop it. Anak siya ni Mr. Medina!" pagtatanggol sa'kin ni Mr. Liu. "Anak siya ng asawa ko, anak na matagal na niyang kinalimutan. She's no longer the heiress of Medina Corp at mas lalong wala na siyang koneksiyon sa asawa ko." Nagtaka ako sa sinabi niya, lumapit sa'kin ang assistant niyang nagmana sa kanya sa pagiging bida-bida. Inihagis nito sa'kin ang isang kulay puting folder na agad ko namang dinampot upang basahin kung ano ang laman nito. Nanlaki ang mga mata ko at napahagulgol nalang ako nang mabasa ko ang dokumentong nakapaloob dito. It was a document signed by my dad saying na itinatakwil na niya ako bilang anak niya at wala akong karapatan sa mga ari-arian niya lalong-lalo na sa Medina Corp. Nakasaad din dito na hindi ako naging isang mabuting anak sa kanya bagkos ay ako pa ang naging dahilan kung bakit unti-unting bumagsak ang sales ng Medina Corp nitong nakaraang mga buwan. "How could you do this to me? Hindi ako naniniwalang gagawin 'to ni daddy sa'kin!" giit ko. "Honey, he just did! Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang pirma ng daddy mo?" sarcastic na sagot niya sa'kin. "I need to talk to his lawyer! Gusto ko siyang makausap kung si daddy ba mismo ang nagpagawa nito!" I will never accept what she's trying to make me believe. "Suit yourself darling. But for now, you have no right to see my husband dahil ayaw ka niyang makita. Mas lalo lang siyang magkakasakit kapag narinig niya ang boses mo! Hilahin niyo na 'yan palabas!" pagtataboy niya sa'kin. "Ma'am, you can't do this to Miss Reilly. Anak parin siya ni Mr. Chairman at may karapatan parin siyang makita ang daddy niya," pagtatanggol sa'kin ni Mr. Liu. "Oo nga naman Ma'am Venice! Papasukin mo si Miss Reilly!" Maging si Amber ay hindi na rin nakapagpigil. Nakisali narin siya sa pagtatanggol sa'kin. "Gusto mo bang palayasin din kita Mr. Liu?" pagbabanta niya kay Mr. Liu. Sa takot ko na baka pati siya ay palayasin ng bruha kong madrasta ay sinenyasan ko nalang si Mr. Liu na manahimik. Siya nalang ang natatanging pag-asa ko na malaman ang kalagayan ni daddy. Kapag napalayas siya ay mas lalong magiging imposible para sa'kin na malaman ang nangyayari sa mansion at sa kompanya. 'Please be strong dad. Gagawin ko ang lahat para malaman ang totoo. Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako gustong makita. Babalik ako dad, babalik ako para sa'yo. Pangako....' ****** VENICE: "Look at how stupid that woman is! Akala siguro ng anak mo Arthur na papayagan ko na kayong magkasama. In your dreams! HAHAHAHA." Pinagmasdan ko ang mukha ng asawa ko na mahimbing na natutulog parin hanggang ngayon. "Sleep peacefully, ako na muna ang bahala sa kompanya. You're nothing but a useless man now Arthur. Your daughter's life and her future will be decided by me from now on." Hinawakan ko nang mariin ang braso niya. "Did you really think na hahayaan kitang mabuhay matapos mong malaman lahat ng ginawa ko sa kompanya? No Arthur! I'm not stupid para hayaan kang kunin ang lahat nang ibinigay mo sa'kin! You can never abandon me! So sleep peacefully, or else I would have to end your life with my own hands." The echoes of my laughter filled the room. Victory is mine from now on!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD