Kabanata 5

2110 Words
Linggo. Araw na ng linggo at natagpuan ko na lang ang sarili sa loob ng silid ko kasama sila Simie at Gwen. Ang kaba at pagkabigo ko ay mas nadepina dahil sa mga sinasabi nila sa akin. "Hay nako masyado kang nagmamaganda! Nakakainis kang gaga ka!" inis na sinabunutan ulit ako ni Simie. "Baks huwag mo masyadong lakasan boses mo. Baka marinig nila Tita Eulana na sinasaktan natin ang malditang ito!" si Gwen na hinampas naman ang braso ko. "Nakakainis kang gaga ka! Kung naging babae lang talaga ako lalandiin ko si V para maagaw sa’yo!" halata ang sobrang pagkakainis kay Simie. "A-Anong gagawin ko?" ngayon talagang bigo sa nagawa. "Magpakamatay ka, gaga! Nako ka talaga! Wala kang puso't kaluluwa!" singhal pa ulit niya. "Hindi kana naawa sa tao?! Ang sabi ni Nanay pagkatapos ng tanghalian ay nasa sentrong bayan na siya. Hanggang sa maggabi at magsara lahat nakita pa nila doon, naghihintay!" mas sinabunuhan niya ako hinahampas ng unan ko. Nangilid na ang luha ko dahil sa nagawa. Hinintay ako ni Ergos noong sabado pero hindi ako pumunta. At ngayon na nalaman kong naghintay talaga siya ng matagal ay mas nagpabigat sa damdamin ko. "Anong pumasok sa kokote mo at hindi ka pumunta, huh?! Kung alam lang namin nitong baklitang ito na hindi ka pupunta ay kami na mismo kakaladkad sa’yo papuntang bayan!" gigil din na sabi ni Gwen. "N-Nasabi ko naman na hindi ako sigurado doon.." halos pabulong kong usal. Kinakain ako ng pagkakakonsensya. "Ewan ko sa’yo! Ewan ko bakit naging kaibigan kitang impakta ka!" inis sila sa akin hanggang sa pag-uwi nila ay panay irap at hindi tinago ang inis sa nagawa ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil ako mismo ay nakokonsensya. Ako mismo ay naiinis sa sarili dahil sa nagawa. Kinabahan ako. Iyon kasi ang unang beses na lalabas ako na lalaki ang kasama, at kaming dalawa lang. Iyon lang ang tanging rason kaya natakot akong pumunta sa bayan noong sabado. Subalit ngayon, napagtanto kong mas hindi maganda na hindi siya sinipot kaysa sa kabang naramdaman. Ngayon hindi na kaba ang naramdaman ko kung hindi pagkabigo at pagkakakonsensya. Buong gabi kong inisip iyon. Halos hindi ako nakatulog sa maaari kong gawin para makabawi sa nagawa kong kasalanan. Kaya naman pagsapit ng lunes ay maaga akong nagising. Madaling araw palang ay sinabayan ko sa pagtayo si Nanay. Nagulat pa siya sa akin na makitang masyadong maaga ang gising ko. "Uh gagawa lang ng chicken sandwich, pangmeryenda mamaya, Nay." iyon ang sinabi kong dahilan pero ang totoo gagawin ko ito para sa kanya. Nakapagdesisyon ako kagabe na gagawan ko siya ng kahit ano bilang peace offering.. at baka yayain ko na lang din siya sa susunod na sabado ulit. Para makabawi. Bahala na! Gumawa ako ng mga espesyal na chicken sandwich. Inilagay ko ito ng maayos sa papel na supot. Nagluto din ng carbonara si Nanay kaya kinuhanan ko na rin siya. Sana naman, magawa kong makahingi ng paumanhin sakanya gamit ang mga ito. Maagang maaga akong pumasok. Nagulat pa si Mang Kiko pagkapasok ko sa gate dahil wala pang masyadong tao sa eskwelahan. "Aba naghimala na ang langit." asar pa niya na kinanguso ko. "Magandang umaga din ho, Mang Kiko." sabi ko na lang bago tumuloy na sa silid namin. Wala pang tao maliban sa amin ni Kathara. Hindi rin kasi kami sabay nila Simie, dahil sa masyadong maaga ang pasok ko at baka inis pa rin sila sa akin. Nang sumapit ang oras para sa flag ceremony ay hindi na ako mapakali. Kinakabahan ako dahil magkikita kami doon. "Chee! Huwag mo akong kausapin!" arte pa rin ni Simie pero kumawit pa rin ako sa braso niya. Nasa tabi na rin namin si Gwen na tumatawa lang. Mas dumoble ang kaba ko sa pagpila namin. Agad dumako ang tingin ko sa pila nila. Wala pa sila kaya nagawa kong pakalmahin ang sarili. Bago magsimula ang seremonya dumating sila kaya natuon ang tingin ko sa kanya.  Seryoso ang mukha niya at hindi man sumulyap sa gawi namin tulad noon. Kung hindi pa bumulong si Banok sa kanya ay hindi siya susulyap. Mabilis lang na nagtama ang mata namin dahil agad din siyang umiwas. Kahit na nagsimula na ang seremonya ay hindi ko makapigilang mapasulyap sa kanila. Tumingin at ngumiti naman ang mga barkada niya kanina pero siya ay seryoso na nakatingin lang sa harapan. Kahit pa noong halos patapos na ay hindi na siya muling tumingin pa sa linya namin. Kanina pa ako nakatingin sa kanya pero wala talaga. "Indiana Jones pa gaga ka." parinig ni Simie sa akin. Tuluyanng natapos ang seremonya ay walang tingin silang umalis. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, mas lalo akong nabigo dahil mukhang dismayado siya. Lutang ako sa dalawang magkasunod na klase ng umagang iyon. Minsan nakukurot ako kay Gwen dahil natutulala ako sa labas ng bintana habang nagkaklase ang mga guro namin. "Tulungan ninyo ako.." kabado kong sabi sa dalawa. Oras ng meryenda at nagawa kong sabihin ang balak ko. Ang pagbibigay ng peace offering ko saka balak kong pagyaya sa kanya para makabawi. "Ikaw lang pupunta. Tinulungan kana namin hanggang dito." si Gwen na kumakain sa tinapay niya. Nasa harapang gusali kami ng mga senior high. Hindi pa tuluyang pumapasok dahil kinakabahan ako ng sobra. Nalaman ko kay Kathara na may isang oras na bakante sila Devan sa ganitong oras. Kami ay tatlumpung minuto lang kaya kailangan kong magmadali na ibigay sa kanya ang mga meryendang ginawa ko. "Bakit shokot ka, inday? Aba dapat ikaw lang gumawa niyan. Aarte pa gora na shoo!" pagtataboy ni Simie. Sa huli, wala akong nagawa dahil naghahabol kami ng oras para sa susunod naming klase. Taas lang ang kilay nila Simie nang humakbang na ako papasok sa loob ng gusali. Hahanapin ko lang siya at ibibigay ng mabilis ang mga ito. Bahala na talaga! Halos mapugto ang hininga ko sa sobrang kaba. Mabilis na napatingin sa akin ang mga senior high sa pagdating ko. Hindi naman marami ang nasa corridor nila at siguradong hindi naman ito ang unang beses na may pumuntang junior high dito pero nakakakaba pa rin. Natanong ko na din kay Kathara kanina ang silid nila Devan. Ang sabi niya ay sa baba lang naman pero nasa pinakadulo. Bahagya akong nakayuko sa pagdaan sa mahabang pasilyo. Mabuti na lang moderno ang pagkakagawa ng mga silid nila kaya hindi kita ang mga dumadaan. Mukhang marami rin ang nasa klase pa kaya iilang estudyante lang ang nasa labas. "Uy Miarie!" napatingin ako sa tumawag sa akin. "Benz!" balik kong tawag. Nandito siya sa labas kaya natanto kong wala nga silang klase ngayon oras. Si Benz ang nakasama rin namin noon sa talon. Magkakaibigan talaga sila nila Poleng, Kathara at Devan noon pa. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang huminto sa harapan ko. "Uh.. ano hinahanap ko si.. si Ergos." alanganin kong sagot. Agad kong nakita ang tagong ngisi niya sa labi pero hindi naman ako inasar. "Wala sila diyan. Alam ko kasama niya ang barkada niya sa may likod." Dahil hindi ko alam ang sinasabi niya ay itinuro niya ang daan sa akin. Dito lang din naman pero sa likuran lang. Kaagad akong nagpasalamat at umalis na papunta sa likurang gusali. Hindi naman nagkamali si Benz dahil pagkadating ko ay nakita ko sila. Nasa ilalim sila ng puno. May mesa at upuan na gawa sa kawayan sa ilalim nito. May nakita din ako telang duyan kung saan kasalukuyang nakahiga si Banok. Si Lawrence at Cannix ay nakaupo din at masayang nagkukwentuhan. Nakaupo din siya, pero seryoso at medyo tulala. Nakasandal siya sa upuan at nakataas sa mesa ang isang kamay. "Tangina ka, V! Umayos ka nga. Mukhang kang pinagsaklubang ng langit at lupang." walang pakundangang saad ni Lawrence at tinawanan siya. "Sa susunod kung maulit kami na lang tawagan mo." mas maayos na udyok ni Cannix. "Hayaan mo na. Ganyan talaga. Minsan nahuhulog tayo--ay puta!" mura ni Banok at sa gulat niya ay nahulog siya sa duyan. "Miarie!" Lahat sila ay mabilis na napatingin sa direksyon ko dahil sa pagtawag ni Banok. Sa itsura niya ay halatang hindi nila inaasahan ang pagdating ko. Mahigpit akong napahawak sa paper bag na hawak. Ngayon ko naramdaman ang panunuyo sa lalamunan dahil sa awang ang labi niyang nakatitig sa akin. "Uh.. Hi.. Ano.." ngayon lumabas talaga ang kaba ko. "Ano.. Ergos pwede ba kitang makausap?" mukhang mas nagulat sila sa sinabi ko. "Nako Ergos daw. Lalo ng mahuhulog iyan. Rupok pa naman.." pahapyaw ni Lawrence at tumingin kay Ergos na nakatitig pa rin. "Pwede ka bang makausap?" ako dahil hindi agad siya nakasagot. Isang kurap ang ginawa niya bago mabilis na tumayo na parang noon lang naiintindihan ang nangyayari. "Oo naman, Miarie.." mababaw niyang usal at pumungay ang mga mata. "Rupok talaga sa bebe niya." si Banok at muling bumalik sa duyan. Uminit ang pisngi ko at inalis ang tingin sakanila. Muli lang bumalik dahil sa paglapit niya sa akin. Binasa niya ang labi at pinagmasdan ang mukha ko. "Dito tayo banda.." siya at humakbang lang na medyo malayo sa mga kaibigan. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang lugar ay rinig at tanaw pa rin kami. Dinala lang niya ako sa mas gilid at tago para siguro hindi ako mahiya ng todo. "Ano iyon? May kailangan ka ba?" agad niyang tanong na hindi pa din nawala ang pungay sa mata. Pinigilan ko nag mapanguso, kanina hindi man ako pinansin. Sinuot ko na nga rin ang headband na bigay niya pero hindi siya sumulyap. Ipinilig ko ang isipang iyon. Nandito ako para humingi ng tawag sa kanya. "Uh ano.. Ergos pasensya kana noong sabado. Hindi ako nakapunta." ngayon parang ang mata ko na ang nagsusumamo sa kanya. Natulalang tumitig siya sa akin. Ilang segundong nagtagal iyon bago siya mariing pumikit at muling tumingin. Ngayon may kislap na sa mata. "Ayos lang iyon. Hindi mo kasalanan, Miarie. Nasabi mo naman na hindi ka sigurado.. kasalanan ko iyon. Huwag ka ng mag-alala." Mas lalo tuloy akong nakonsensya dahil doon. Naghintay siya hanggang gabi tapos sisisihin pa niya ang sarili. "Gusto ko pa rin humingi ng tawad. Pasensya na.." huli kong paumanhin sa kanya. "Wala iyo.. hindi mo kasalanan." pagpapagaan niya sa loob ko. Ilang segundo kaming nagtitigan, ngayon lang na malapitan kaming nagkatinginan gaya nito. Magaganda ang mga mata niya. Malalim at itim. May kung anong dahilan na mahihila at mahalina ka sa mga ito. Sumipol si Cannix kaya naman napakurap ako. Mabilis akong umiwas ng tingin, ngayon alam kong mas pumula ang pisngi ko. "A-Ano nga pala.." naguguluhan na ako sa sasabihin ko. Hindi din nakakatulong ang sobrang pagtahip ng dibdib ko. "Ano.. nagluto si Nanay ng Carbonara. Gusto mo ba ang ganito?" alanganin kong tanong saka muling tumingin. "Nako ayaw niya sa carbonara. Ang sabi niya sumasakit ang tiyan niya at natatae--." hindi natapos si Lawrence sa paninira niya. "Gusto ko. Paborito ko iyan, Miarie." si Ergos at tumingin sa nilabas kong plastic container. "Paborito pa raw." tawa ni Banok. "Uhm saka may ginawa akong chicken sandwich. Pangmeryenda mo sana." nahihiya kong usal. Mas napatitig siya sa papel na kinalalagyan ng mga ito. Mas kumislap ang mga mata niya sa ginawa ko. "Wala na. Nahulog na ng tuluyan iyan." si Cannix na patuloy pa din pagsingit ng mga barkada. Isang sulyap lang sa kaibigan ang ginawa niya at muling nabalik ang buong atensyon sa akin. Nasa kamay na niya ang paper bag na hawak ko kanina. Kaya ang nagawa ko na lang ay mapahawak sa darili kong nilalamig na pala. Isa na lang, Miarie. Kaya mo iyan! Nakatingin lang siya at parang hinihintay pa kung may sasabihin pa ako. Umiwas ako saglit ng tingin sa kanya at tumikhim muli. "May gagawin ka ba sa sabado?" pagkatanong ko noon ay muli kong narinig ang kalabog. Muling nahulog si Banok sa duyan. "Aba kotang kota ngayon, Koya V!" tawa ni Lawrence. Ang kaninag mabigat na pakiramdam ay gumaan na. "Sa sabado? Hindi ba may--." tinakpan ni Cannix ang bibig ni Banok. "Wala, Miarie. Walang siyang lakad. Lonely lover boy iyan." si Cannix sakan nakisabay na sa tawa. "Huwag mo silang pansinin, Miarie," kuha niya sa atensyon mo. "Saka wala akong anumang gagawin sa sabado." Tumango ako at muling pinaglaruan ang mga daliri sa kamay. "Sa.. sa sentrong bayan. Mga tanghali, ayos lang ba?" lakas loob kong tanong sa kanya. "Oo, sige." agad niyang sagot. "Sige sa sabado ulit," bahagya akong ngumiti. Tuluyang nawala ang pagkakakonsensya. "Uh, alis na ako. May klase pa kasi kami." Mabilis lang ang naging pagpaalam ko. Natagpuan ko na lang ang sariling patakbong lumabas sa gusali ng mga senior high. Sa sabado, sa sabado na talaga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD