Kabanata 28

1325 Words

Natagpuan ko na lang ang sarili na palabas na ng pintuan. Kabado akong tumingin sa paligid. Tahimik at maayos na ang mga kalat na naiwan kanina bago maligo. Hawak ang tuwalya ay nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa sala pero bago tuluyang mangyari ay kumabas mula sa silid si Ergos na may hawak na ring bagong damit sa kamay. Parehas kaming natigilan. Sobrang bilis ng tahip ng dibdib ko pero siya ay kalmado lang na tinitigan ako. Malamlam ang mga matang nakatingin sa akin nang mabilis na pasadahan ang kabuuan ko. Isang simpleng asul na bestida ang napili kong isuot. Hanggang tuhod ang haba nito at tanging mga bitones sa gitnang itaas ang pangunahing disenyo. Siya ang bumili ng lahat ng gamit ko rito kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman na gusto ko ang mga ganitong simpleng bestida.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD