Pagkapaalam ko sa kanila ay bumungad agad sa akin si Adam kasama ang mga malalaking lalaking nagbabantay sa kanya. May naiwan din sa labas habang papasok siya sa bakuran namin. Ramdam ko ang paghina ng ingay ng lahat sa padating niya. Ngumiti siya sa mga bisita hanggang sa magtama ang mata namin. Hindi na naghiwalay ang tinginan namin hanggang sa makalapit siya. "Happy birthday.." bati niya na may lambing sa mga mata. May inabot din siyang mga paper bag sa akin na nahihiya kong kinuha. "Salamat sa mga ito. Salamat sa pagpunta, Adam." Mababaw kong usal. Ilang sandali kaming nagkatinginan, naputol lamang ito nang dumating si Nanay para yayain siya sa loob ng bahay. Dahil sa pagdating niya naabala ako at hindi muna nakalabas para may makasama at makausap siya. "Pasensya kana kung hindi ko

