Ang araw na iyon ay parang isang magandang panaginip parin hanggang ngayon. Sa mismong kaarawan ko ay naging opisyal kaming dalawa, sa mismong gabing iyon nangyari ang unang halik namin. "Masasanay din tayo.." malambing niyang usal patungkol sa halik. Tulad ko wala pa nga siyang naging karanasan sa pakikipagrelasyon. At ngayon, kahit dalawang linggo na ang lumipas ay walang nagbago. Siguro, kung mayroon man ay iyon ang mas lalo siya naging malambing sa akin. "Ergos paano ko matatapos itong sandwich mo?!" asik ko pero hindi siya natinag. Mas humigpit lang ang yakap niya sa likuran ko. Umpisa na ng Christmas break namin ngayong araw. Nanggaling kami sa unibersidad kanina at agad tumuloy dito sa tree house niya dahil may usapan ang magbabarkada. “Hmm?” hindi talaga pinapansin ang sinasabi

