Nawala naman agad sa isipan ko ang tungkol doon. Napagtanto ko hindi naman ganoon kalaki ang San Alfonso at naging trabahador sa Hacienda Salvatore sila Tita Soledad at Mang Romy kaya maaring pamilyar nga sila sa isa't isa. "Mica sigurado ka bang kaya mo?" Alala kong tanong dahil sa biglang pagsakit ng pakiramdam niya. Linggo ngayon at nagkaroon nang kaunting pagbabago sa plano dahil kay Mica. Biglang hindi naging maayos ang pakiramdam niya kaya naman ang maagang pagsundo sana ni Ergos sa akin ay hindi natuloy. Si Ergos na lang ang pumunta ng sentrong bayan para bumili ng regalo namin kay Cannix. Susunduin na lang niya ako mamaya para masamahan sa paghatid ng orders sa hospital. "Oo, Ate. Sa init lang siguro ito kaya sumakit ang ulo ko." Mababaw niyang sagot habang nakahiga sa kama nila

