KABANATA 15

832 Words
Kinabukasan ang paghahanap sa nawawalng kakambal ang inatupag ni Aleeza. Hindi siya magkandaugaga sa paghahanap sa kapatid na siyang magiging tulay para magpagamot siya. Hindi dapat malaman ni Apollo na may sakit siya at ang gagawin niya kaya dapat na magpanggap na ako at ang kakambal niya. Hindi dapat niya gawin ang mga bagay makakasakit sa damdamin nila pero wala siyang magagawa at kailangan nilang mahanap ng mama niya ang kakambal niya sa lalong madaling panahon. Hindi na dapat sila mag-aksaya ng panahon at oras para lang sa wala. Hindi rin sila dapat mawalan ng pag-asa na malapit na niyang makilala ang kakambal. Nagpaalam si Aleeza sa asawa na may pupuntahan lang sila ng mama niya kaya ang ibang kasambahay na muna nila ang bahala kay Andrei at Sabrina. Hindi naman makulit ang dalawang anak kaya hindi naman siya nag-aalala na kung mapano ang mga ito. Tinuruan niya magandang asal ang dalawang anak na siyang hinangaan sa kanya ng asawa. Unang pinuntahan nila ng mama niya ang isang kamay-anak ni Aling Cedes na siyang unang inuwian nito kasama ang kakambal niya. Tao po, tao po. Saad ng mama niya ng pagkatok nito sa gate at wala namang doorbell ang bahay nito. Ano pong sadya nila? Tanong nito sa kanila ng pagbuksan sila nito. Kilala niyo po ba si Aling Cedes? Tanong naman niya sa aleng lumabas. Ah si Kakang Cedes ba? Nag-antada pa ito bago sila sagutin. Oho siya nga po. Ang namayapa ko pong kaibigan. Sagot naman ng mama niya. Ay akala ko naman hindi mo pa alam na siya ang sumakabilang buhay na ilang taon ng nakakaraan. Alam ko naman po iyon ale. Kaya lang po namin siya hinahanap ay may kasama kasi siyang bata noong nakatira pa siya dito. Dagdag impormasyon pa ni Aling Martha. Ah si Ada po ba. Opo may anak-anakan po siyang dala dito. Mga ilang taon din pong tumira sila dito bago sila pumunta ng Cebu kasama naman si Aling Mercy na siyang kaibigan ni Kakang Cedes. Doon na nilang balak mag negosyo kasama si Ada. Si Ada na napakagandang bata. Hindi ko nga akalain na ibinigay kay Cedes yung magandang batang yun pero ang sabi naman ni Kaka, hindi naman yun basta ipinamigay sa kanya. Ang sabi sa amin ay pinaalagaan sa kanya ang bata at hindi naman sapat sa ina nito na alagaan ang mga anak kaya naiinitindihan ko naman ang ina ni Ada. Mahabang paliwanag naman nito sa kanila. Mawalang galang na ho ale. Ang sa amin lamang po ay malaman kung saan dinala SI Ada. Sonia ang pangalan ko at pinsan ko si Mercy. Noong nakaraang linggo nakausap ko siya at ayon nga maganda naman ang pamumuhay nila dahil sa masipag si Ada. Sa Carcar Cebu sila nakatira sa ngayon pero balak niyang bumalik dito sa Manila. May numero nga pala ako para matawagan niyo na lang siya at matanong ng personal. Hindi ko din alam ang ibang bagay tungkol sa kanila kaya magandang kayo na lang po ang mag-usap. Saad na lang ni Sonia sa kanila. Mabuti pa nga po at ng hindi na po kayo namin abalahin. Maraming salamat po sa impormasyon na makakatulong para mahanap po sila. Alam ko naman po na maganda ang intensyon ninyo kaya pinagakatiwala ko na po ang impormasyon na aking nalalaman. O siya papasok na po ako. Mag-iingat po kayo. Paalam na s kanila nito at pumasok na sa loob ng bahay nito. Mabuti ma at nalaman agad natin ang kinaroroonan ni Ada na kakambal ko. Can't wait to hug her. Saad ni Aleeza sa mama nito. Ako din anak. Sobra akong nangungulila sa anak ko. Hindi ko lubos maisip na pinaalagaan ko siya dahil sa hirap ng buhay. Ma huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Ang importante ay mahahanap na natin siya. Sambit naman ni Aleeza na pinunasan ang luhang hindi maampat sa mukha ng kanyang ina. Daig ko ang artista nito anak. Pero natutuwa ako na makikita na natin si Ada sa loob ng mahabang panahon na hindi natin siya kapiling. Ang hiling ko lang sana na naging mabuti rin siyang anak na katulad mo. Sana nga wala pa siyang asawa para hindi naman siya mahirapan sa desisyon na gagawin niyang pagpapanggap na maging ikaw. Oo nga ma. Sana nga. Hiling naman ni Aleeza bago nilisan ang lugar kung saan lumaki si Ada. Ang importante sa ngayon anak ay may lead na tayo kung saan natin makikita ang kakambal mo. Tatawagan na lang natin si Mercy pagdating sa bahay. Magpahinga ka na anak. Alam kong pagod ka. Nakikita ko na sa mukha mo ang kapaguran. Dagdag pa ng kanyang ina kaya napapikit na lang siya para makapagpahinga. Pauwi na sila kaya mahaba pa ang oras ng byahe nila na sapat para ipahinga ng utak niya. Ang importante sa kanya at alam na nila ang kinaroroonan ng kakambal na siyang tutulong sa kinasasadlakan niyang problema sa ngayon.. Umusal ng panalangin ng pasasalamat si Aleeza dahil sa pagkakatunton nila sa kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD