KABANATA 14

975 Words
Pagkatapos kumain ni Aleeza, inaya na niya ang ina na mag-usap sila sa library. Ma, sa library na po tayo. Doon na lang tayo mag-usap para wala pong istorbo. Sambit niya sa ina na kakatapos lang din mag-ayos ng halaman nito. Maghuhugas lang ako ng kamay anak. Mauna ka na doon. Sagot naman ng kanyang ina. Anak ano ba pag-uusapan natin at mukhang napakaimportante naman at dito pa sa library na dapat tayo lang dalawa. Bungad ng mama ni Aleeza pagdating nito sa library. Ma, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Meron po akong sakit kaya po ako pumapayat. Saad nito sa mama niya na nagulat naman. Ulitin mo anak, baka nabibingi lang ako. Hindi siguro tama ang narinig ko anak. May sakit ka? Saad ng kanyang mama na nagsisimula ng tumulo ang luha nito. Hindi ka nabibingi ma, I am sick. May sakit po ako na malubha at hindi ko po alam hanggang kelan na lang po ang itatagal ng buhay ko. Isang taon, dalawa o tatlo, baka naman buwan na lang. Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko. Napakabata pa nina Andrei at Sabrina para mawalan ng ina. Ang asawa ko, ano na lang ang mangyayari sa kanya. Ayaw ko silang iwan ma. Tulungan mo ako ma, ang gulo na ng utak ko. Nagsisimula na mag-sink in sa akin na may sakit ako ma nung sinabi ni Andrei na I'm getting thin. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko pero bakit ganito. Bakit ako pa, may anak ako. Kailangan nila ako. Humihikbing sambit ni Aleeza na niyakap naman ng mahigpit ng mama niya. Anak bakit ba ganito ang nangyari? Alam ko naman na maalaga ka sa katawan mo. Ano ba ang sakit mo anak at baka naman may lunas pa iyan. Ma, I have stage 3 ovarian cancer. Kaya po sumasakit ang tiyan ko lagi. Hindi pa po alam ni Apollo ma, ayaw ko pong sabihin sa kanya kasi po may hinahanda akong plano na tayo lang dalawa ang makakaalam ma. Hindi ito dapat malaman ni Apollo. I will do it because I love him so much pati na din ang mga anak namin. Ano ba ang pinaplano mo anak at masyado naman akong naguguluhan. Ma you have to promise me na susuportahan mo ako ano mang mangyari. Magpapagamot ako ma, hindi nga lang dapat malaman ng mag-ama ko. Tayong dalawa lang ang makakaalam ng plano ko. It is for the better. Magpapagaling ako ma, pangako ko yan sayo. Susuportahan kita anak sa gusto mo. Pero ano nga ba ang pinaplano mo anak? Tanong naman ng mama niya. Ma, hindi ba sabi mo na may kakambal ako? Kailangan natin siyang mahanap. Siya muna ang magpapanggap na ako habang nagpapagaling ako. Saad ni Aleeza na siyang kinagulat ng kanyang mama. Anak hindi ba nakakatakot iyang gagawin mo? Paano na lang kung mahulog ang loob ng kakambal mo sa asawa mo na hindi malabong mangyari dahil sa kakisigan ng asawa mo at syempre mabait din. Yun nga po ang ipinapanalangin ko ma kasi hindi ko na sigurado kung makakayanan ko ba ang magpachemotherapy. Yun po ang advice ng doktor sa akin. Ang magpachemo para madugtungan ang buhay ko. Hindi ako pwede magpachemo hanggat dito ako sa bahay dahil mahuhuli ako ng asawa ko. Hindi niya ako dapat mahuli. Sambit ni Aleeza. Anak, mag-isip ka ng maraming beses bago mo gawin yan at baka mahuli ka at magkasisihan pa tayo. Ma ako po ang bahala sa lahat. Hindi po malalaman ni Apollo ang mangyayari. Dapat mo ng hanapin ang kakambal ko ma. Kailangan muna siya magpanggap na ako. Kailangan ko din siyang turuan ng mga bagay-bagay para hindi tayo mabuko. Ang alam ko anak nasa Cebu siya. Nakausap ko pa ang ina-inahan niya ng nakaraang buwan. Patay na si Cedes na siyang pinag-alaga ko sa kanya. Si Mercy na ang kumupkop sa kakambal mo noong nawala si Cedes. Magkaibigan ni Mercy at Cedes kaya naman hindi na nahirapan si Cedes na maghanap pa ng mag-aalaga sa kakambal mo. Mabuti naman kung ganun ma. Alam mo ba ma kung saan sila nakatira sa Cebu? Tanong uli nito sa mama niya. Ang pagkakaalam ko ay may trabaho naman ang kapatid mo kaya nakakapagbigay siya sa ina-inahan niya. Hindi naman po pala siya naghirap. Ang importante ma, mahanap mo siya sa lalong madaling panahon. Mas maaga natin siyang makukumbense na pumunta dito para sa plano natim eh mas maganda yun ma. Maganda naman ang pamumuhay ng kakambal mo. Hindi ko lang alam ano ang pangalan niya kasi nawalan na ako ng komunikasyon kay Cedes. Pupuntahan ko bukas ang kamag-anak ni Cedes na siyang nagsabi din sa akin kung saan sa Cebu nakatira ang kakambal mo. Doon lagi tumatawag si Mercy. Saad naman ng kanyang ina na nakapagpawala ng alalahanin niya. Mabuti naman kung ganun ma. Kailangan ko talagang makausap ang kakambal ko sa lalong madaling panahon. I'm running out of time ma. Hindi pwedeng malaman ni Apollo ang tungkol sa sakit ko kaya kailangan na ang kakambal ko muna ang magbabalatkayo para sa akin. At sana pumayag siya ma, kailangan niyang pumayag. Sana nga anak mapapayag natin ang kakambal mo para masimulan na ang chemotherapy mo. Hindi dapat ipasawalang bahala ang sakit mo na yan. Hindi biro yan. Dagdag na sambit pa ng kanyang ina na lumuluha dahil sa kalagayan niya. Ma kailangan kong lumaban para sa mga anak ko at asawa ko. Kaya sana ma suportahan mo ako sa plano ko na ito. Oo anak, nasa likod mo lang ako lagi. At sana gumaling ka na agad. Saad pa nito na niyakap ng mahigpit si Aleeza at nag-iyakan na sila. Nagpalipas muna ng nararamdaman nila si Aleeza at ang kanyang ina sa library bago lumabas dito at baka may mahalata ang mga anak niya at ang ibang kasambahay kung bakit namumugto ang mga mata nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD